Pook at paninindigan : kritika ng pantayong pananaw
 9789715425995, 9715425992

  • 0 0 0
  • Like this paper and download? You can publish your own PDF file online for free in a few minutes! Sign Up
File loading please wait...
Citation preview

Ramon Guillermo

POOI AT P ahiiihdigai Kritika ng Pantayong Pananaw

T H E U NI V ERSIT Y O F T H E P HILIPPINES

PR' ESS

^|gg' ggipss©®;

m

H| 1j | "■■ m

^©©npistS

A,

m -mm .

®&

m

$•©■

i®m

4jK ^§§’-%§ -i- u3(p. m-

anak

9789715

425995

POOK AT PANININDIGAN

POOK AT Pa n in in p ig a n Kritika ng Pantayong Pananaw

R a m o n G uillerm o

T he U n i v e r s i t y of t h e P h il ip p in e s P ress D i l i m a n , Q u e z o n C it y

THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES PRESS E. de los Santos St., UP Oampus, Diliman, Quezon City 1101 Tel. Nos.: 9282558, 9253243 E-mail: [email protected] © 2009 by Ramon Guillermo Reserbado and lahat ng karapatan.Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula may-akda at sa tagapaglathala.

The National Library of the Philippines CIP Data Reeommended entry: Guillermo, Ramon. Pook at paninindigan: kritika ng pantayong pananaw/ Ramon Guillermo.—Quezon City: The University of the Philippines Press, c2009. p.; em. 1. Historiography—Philippines. 2. Philippines—History— 20th eentury. 3. Radiealism—Philippines. I. Tide DS667.2 959.904 2009 P091000210 ISBN 978-971-542-599-5 Disenyo ng libro ni Nieole Victoria Inilimbag sa Pilipinas ng Econofast Press

M g a N il a l a m a n 01 Pa n im u l a Atig Pantayong Pananaw at Marxismo 11

U n a n g Ba h a g i Pook

77 I k a l a w a n g Ba h a g i Patiinindigan 125

K on klu sy o n Bayan at Pakikibaka

133 A p e n d is e A Pagkataong Pilipino: Isang Teorya sa Lalim ng Banga

151 A p e n d is e B Salin ng "Hinggil kay Peuerbaeh" (Thesen iiber Feuerbach) 161

M g a Ta l a

197 M g a Sa n g g u n ia n

Pa n im u l a Ang Pantayong Pananaw at Marxismo

Ang magkasalungat na layunin ng elite at ng kalaban nitong "rebolusyonaryo" ay kapwa nasasalalay sa mga simulain (at kontradiksyon sa loob) ng sibilisasyong Kanluranin. Samakatuwid, kapwa ang mga nakaupo sa kapangyarihan at yaong gustong magpatalsik sa kanila ay nakasandal sa mga kategoryang hiram o produkto ng kanilang pagiging xerox eopy ng banyaga. Walang orihinal na kaisipan ang dalawang direksyong ito ng tunggaliang sosyo-pulitikal. Sa katunayan ang dalawang magkatunggaling puwersa lamang ang siyang nagkakaintindihan sa labanang ideolohikal na ito, sapagkat sa wika at sa mga kategoryang banyaga lamang isinasagawa ang pingkian ng mga ideya. (Salazar 1997c, 105) Galing ang siping ito sa isang komprehensibong paglalahad ni Salazar sa pilosopiya at lapit sa historiograpiya na kilala bilang Pantayong Pananaw (PT). Unang binigyan ang terminong Pantayong Pananaw ng sistematikong pagpapakahulugan ng historyador mula sa Unibersidad ng Pilipinas na si Zeus Salazar. Inilahad niya ang batayan ng partikular na tendensyang pangkaisipan na ito sa isang serye ng mga

2 | P O O K A T P A N IN IN D IG AN

sanaysay na sinulat niya mula noong dekada '80 at '90. Sa proseso ng pagdebelop at pagpapalaganap nito ay nakatanggap na rin ng maraming kritikal na pagsusuri mula sa iba’t ibang direksyon ang PT (tingnan ang Sta. Maria 1993; Veneracion 1993; Llanes 1994; Diokno 1997; Penalosa 2000; Mendoza 2002; Reyes 2002). Hindi maitatangging naging kontrobersyal ang PT at ang kaisipan ni Sala^ar.1 Sa isang pagkakataon, mapanudyo pa nga itong binansagan ng antropologong si Amold Azurin bilang “Pantasyang Pananaw.” Sinabi naman ng tinuturing na ''proto-pantayong'’ si Reynaldo Ileto, “the philosophy behind [Salazar's] pantayong pananaw needs to be threshed out more. It eould be more subtle naman than you portray it. . . .To reduee it to a form of erude nationalism gets us baek to a dead-end sort of diseussion” (Abinales 2000). Anupaman ang kahinatnan sa hinaharap ng PT bilang isang lapit, masasabi na maituturing ito, kasama ng Sikolohiyang Pilipino (SP) na itinatag ni Virgilio Enriquez, bilang isa sa mga pinakainteresanteng proyekto at punto de bista na nakatuon sa tinatawag na “indihenisasyon'' o "pagsasa-Pilipino” ng agham panlipunan sa Pilipinas. Hindi tatalakayin ang kabuuan ng kaisipan at produksyon ng PT at ni Salazar sa kasalukuyang pag-aaral; bagkus ay m agtutuon ng pansin pangunahin sa problemang inihaharap ng mga pangungusap na sinipi sa itaas at sa pangkalahatang mga usapin ng pangkulturang analisis. Tiyak na nalalaman ng mambabasa na hindi nag-iisa si Salazar sa ganitong mga opinyon hinggil sa pagiging “ideolohiyang banyaga” ng Maneismo na diumano’y nagpapawalang-saysay nito sa kontekstong Pilipino. Masasabi pa ngang naging palasak na rin ang ganitong pagiisip kahit sa ordinaryong pang-araw-araw na pananalita at maging sa tunggalian sa larangang pampulitika. Sa kabila ng ganitong pagkapalasak, masasabi namang naging pambihira ang antas ng elaborasyon na naabot ng ganitong kaisipan sa kabuuang obra ni Salazar. Kung kaya't kapag sasagutin at sasalungatin ang ganitong mga pananaw, nararapat lamang na ang pinakasopistikadong kinatawan nito ang harapin upang maging higit na mabunga at malaman ang pagpuna rito sa larangan ng tunggaliang ideolohikal. Sa pag-aaral na ito'y ginamit bilang lunsaran ang partikular na bahagi ng kaisipan ni Salazar hinggil sa kilusang sosyalista/

A

ng

Pa n

tayong

Pa n

an aw at

M

a r x ism o

|3

Marxista upang matugunan sa abot-makakaya ang partikular na uri ng pangangatwiran na kinakatawan nito. Ngunit dahil sa kasalimuotan ng kanyang obra, hiningi ng ganitong pag-aaral ang isang mahaba at detalyadong analisis na lumilipat-lipat sa pagitan ng mga usaping partikular lamang kay Salazar at ng mga pangkalahatang tendensyang umiinog dito. Mukhang madaling masagot ang talatang sinipi sa itaas kung titingnan sa sarili lamang nito, ngunit higit na magiging mahirap ang pagsagot dito kapag inilagay sa buong kinapapaloobang balangkas sa obra ni Salazar. Magkaibang bagay ang pagsasagawa ng panunuri ng iilang pangungusap lamang na dinampot sa isa o dalawang akda sa pagsasagawa ng panunuring kumakaharap sa buong istruktura at estilo ng pangangatwiran na kinapapalooban ng mga pangungusap na ito. Dagdag pa rito’y kinailangang punahin si Salazar, hindi lamang mula sa labas kundi sa pamamagitan ng pagpasok at paglabas sa kanyang talastasan, isang pangyayaring nagsisilbing pananda ng kapangyarihan ng kanyang obra. Walang pag-aalinlangan na ang isinusulong ni Salazar na PT ay isa sa mga pinakaseryoso at pinakaambisyosong proyektong nakatuon sa pag-unawa at pagbabalangkas ng kulturang Pilipino sa kasaysayang pang-intelektwal ng Pilipinas. Upang higit na maunawaan ang mga suliranin sa pakikipagharap sa obra ni Salazar, mahalagang tingnan ang halimbawa ng Marxistang si Francisco Nemenzo na nagsagawa na ng isang implisitong kritisismo kay Salazar at ng iba pang katulad niya ang pag-iisip. Ani Nemenzo: Reaetionary opinion-makers persistently assert that Marxism in the Philippines, being an imported ideology, has no ehanee to win the hearts and minds of the Filipino people other than a handful of westernized intelleetuals who are themselves alienated from our native eulture. (1984b, 3) Makikitang naturol ni Nemenzo dito ang pangunahing mga tema ng kritisismo ni Salazar sa kilusang kaliwa sa Pilipinas. Palasak at sentral na paksa sa mga sulatin ni Salazar ang pagtalakay sa mga “napasakanlurang” intelektwal na “tiwalag” sa “kalinangang bayan.” Alinsunod pa sa sipi sa itaas galing kay Salazar, nagtataguyod ng mga mithiin at nagtutunggalian

4 | P O O K AT P A N IN IN D IG AN

ang mga intelektwal na ito sa pamamagitan ng mga xerox eopy ng mga "ideolohiyang angkat” na hindi nauunawaan at mauunawaan ng "bayan” dahil nasa "wika at kategoryang banyaga.” Ito ang pinakapayak na buod ng opinyon ni Salazar hinggil sa diumanong kawalan ng bisa at katuturan ng ideolohiyang Marxista o sosyalista sa kontekstong Pilipino. Interesante ngang tingnan kaugnay nito ang paglalarawan ni Manuel Arguilla sa kakatwang penomeno ng kaliwang intelektwal na halos ganap nang tiwalag/napawalay sa kanyang mga kababayan: How earnest they werel His eyes eneompassed the erowd of listeners eaught in varied poses of attention. They, too, were dead earnest. Not in a thousand years eould it have oeeurred to any one of them that they were—eomie. Comic? Comrade Lirios had a sudden vision of 16,000,000 people of the same east and mold, eapable of the same direet, unself-conscious, ehild-like simplieity and earnestness. They till the soil and plant riee and they know the quality of rain and sun. The feel of the pure honest earth is in their work-hardened hands; they stand on it with bare feet, toes spread apart. What then if they sang the Inteniationale and reeited Edwin Markham’s poem upon a burning hillside under the midday sun?... Comrade Lirios now saw himself and his friends pouring beer down their throats in air-eonditioned rooms in the City, biting into liverwurst sandwiehes the size of shoeheels and eosting 25 centavos apieee. He heard his voice and their voices smoothly juggling with words and phrases: planned eeonomy, Manrian dialeeties, labor and eapital, soeiety of the free and equal, et eetera, et eetera.2 (1940, 213) Damang-dama ni Arguilla ang ironiya ng pagkakabukod at pagkakatiwalag ng kanyang tauhang Manrista/Komunista na palaging may bitbit na librong Das Kapital sa mga binibisita nitong magsasaka sa Pampanga. Sa paglalarawan ng ganitong kakatwang penomeno, at sa kabila ng kanyang mga makapangyarihang kwento hinggil sa pakikibaka ng mga magsasaka sa kanayunan ("Epilogue to Revolt”), mabisa niyang naipakita ang hangganan ng pakikiisa ng mga kasapi ng Philippine Writers League (1939) at ng "Proletarian Literature” sa tunay na mga pakikibaka ng uring anakpawis. Upang maipaliwanag ang higit na wastong paraan

A

ng

Pa n

tayong

Pa n

an aw a t

M

a r x ism o

| 5

sa pag-unawa at paglalarawan sa “pag-uugat” ng kaisipang sosyalista sa kultura ng mga Pilipino, sinulat ni Nemenzo ang sumusunod: Whether an ideology is purely indigenous or derived from extemal sourees is a worthless problem. The fact that it has eaptured the imagination of a signiheant seetor of the Filipino people is evidence enough that it has been indigenized, or that it is undergoing indigenization. . . . Like other soeial proeesses, indigenization of ideology is dialeetieal, henee the proper subject of inquiry is the reeiproeal inAuenee of Marxism and [thej indigenous revolutionary tradition. (1984b, 4) Marami nang mahahalaw na ideya sa panimulang pagsusuring ito. Para kay Nemenzo, wala nang saysay ang suliranin ng “pinanggalingan" ng isang ideolohiya sa harap ng hindi matatawarang realidad na may malaki na itong impluwensya sa malaking bilang ng mamamayan mula sa antas ng mga "intelektwal” hanggang sa mga batayang uring magsasaka at manggagawa. Para sa kanya'y patunay ang ganitong pangyayari na "naisakatutubo” na ito sa loob ng kultura/kontekstong Pilipino. Ipinapalagay ni Nemenzo na pinabubulaanan ng diumano’y masiglang pakikisangkot ng mga manggagawa at magsasaka sa mga kilusang makauri sa Pilipinas ang palagay na “laro-laro” lamang ng mga “intelektwal” na tiwalag sa nakararaming sambayanan ang mga natukoy na kaisipan. Kung maaaring magdagdag pa, masasabi pa ngang sa katunaya'y labis na mapanlahat ang sinasabi ni Salazar na sa wika at kategorya lamang ng banyaga isinasagawa ang “pingkian ng mga ideya” sa larangang ideolohikal na ito kung kaya’t walang tunay na komunikasyong nagaganap sa pagitan ng mga “elite” na walang katapusang nagbabangayan at ng nakararaming “masa.” Totoong nagaganap nga ang ilan sa mga tunggaliang ito sa “wika at kategoryang banyaga” ngunit nagaganap din ito nang kaugnay at kasabay sa anupamang mga wika at kategoryang “sarili” na kailangang gamitin sa alinmang pagkakataon batay sa mga pangangailangan ng epektibong komunikasyon. Isinusulong, halimbawa, ng Pambansa-Demokratikong Kilusan sa Pilipinas ang pakikipagpingkian sa lahat ng larangan,

6 | P O O K A T PA N IN IN D IG AN

maging anupamang wika ang kailanganin sa mga larangang ito upang higit na maging mabisa sa pagpapaliwanagan at sa pakikisangkot sa mga pakikibaka ng mamamayan. Masasabi pa ngang ang kilusang ito ang isa sa mga institusyong panlipunan na naging pinakamatatag at pinakasulong sa paggamit ng wikang pambansa sa mga opisyal na kalatas, komunikasyon, at mga kurso ng pag-aaral. Ayon nga sa isang dokumento ng kilusang Pambansa-Demokratiko na nakatuon sa paksang pangwika: Ito'y [wikang] pambansa sapagkat isa itong wikang katutubo at sa gayo'y nagtataglay ng mga katangiang likas sa ating bansa, ibig sabihi’y isa itong kasangkapan sa paglalahad ng ating pambansang kamalayan. Sa paggamit nito'y atin na ring iginigiit ang soberanya ng ating bansa, gayundin ang kasarinlan nito. Sa kasalukuyang sistema, ginagamit ang wikang dayuhan ng imperyalismong Amerikano at ng mga katutubong alipures nito upang pagsilbihan ang sarili nilang mga interes. Ang paggamit nito’y nangangahulugang hindi naaabot ng higit na nakararami sa ating mga mamamayan ang mga katotohanan tungkol sa kanilang paligid sapagkat ito’y itinatago sa pamamagitan ng wikang hindi nila nauunawaan. Upang salungatin ito at mapawalang-bisa, isang katutubong wika na nauunawaan ng sambayanan ang nararapat gamitin sa paglilinaw ng mga bagay-bagay at sa pagpapaabot sa mga mamamayan ng lahat ng bagay tungkol sa umiiral na sistema. Ang wikang Pilipino ay isang panlaban sa mga hibo ng imperyalismo, isang paraan ng pagtigil sa pagsasamantala ng isang bansa sa isa pang bansa. (Atienza 1992, 228) Kaya nga masasabing labis na mapanlahat ang palagay ni Salazar na ang "dalawang magkatunggaling puwersa lamang [sa hanay ng elite] ang siyang nagkakaintindihan.” Sa harap naman ng palagay niya na nakabatay lamang ang pakikibaka ng mga kilusang manggagawa at magsasaka sa Pilipinas sa "mga simulain [at kontradiksiyon sa loob] ng sibilisasyong Kanluranin" ay masasabing hindi lamang nakasalalay sa usapin ng wika at kamalayan ang bisa ng mga naturang ideolohiya sa lipunang Pilipino kundi sa nadaramang pangangailangan para sa mga ito bilang kapaki-pakinabang na pantulong at kasangkapan sa pag-unawa ng

A

ng

Pa n

tayong

Pa n

an aw at

M

a r x ism o

|7

mga uring pinagsasamantalahan sa umiiral na obhetibong istrukturang pang-ekonomiya at panlipunan na sanhi ng kahirapan at pagkaapi ng nakararami. Ang ikalawang mahalagang ambag ni Nemenzo sa usaping ito ay ang kanyang pagkaintindi at paglalarawan sa proseso ng "pagsasakatutubo” o "pag-aangkin” bilang prosesong “diyalektikal,” na sa gayo'y kakikitaan ng "pagtatalaban” ng mga kaisipang sosyalista at Marxista at ng mga kaalamang ibinunga ng buhay na praktika ng "katutubong tradisyong mapaghimagsik.”3 Nagbubunga ang pangkasaysayang “pagtatalabang” ito ng mga pagbabago na maaaring tumagos sa pinakakabuuran kapwa sa direksyon ng nang-aangking tradisyong mapaghimagsik at ng inaangkin nitong mga elemento mula sa ibang mga tradisyon. Sa ganitong pagkaunawa’y napapaluwag ang mahihigpit na hangganang bum ubukod sa "katutubo” sa isang banda at sa “banyaga” sa kabila. Inilalarawan nito ang mga pagbabagong hindi maiiwasan at likas sa anumang proseso ng "pag-aangking” pangkalinangan. Maituturing ang ideyang ito bilang batayan at simulain ng alinmang wastong pagsusuri hinggil sa pag-aangkin at "pagsasakatutubo” ng kaisipang Marxista sa Pilipinas. Gayumpaman, kinakitaan ni Nemenzo ng dalawang mukha ang proseso ng pag-aangking ito. Ayon sa kanya: PKP derived its strength from the fact that it was integrated in the indigenous revolutionary tradition but its chief weakness lay in the failure to transeend that tradition, to set the movement on genuine Marxist footing. (1984b, 9) Sa tingin ni Nemenzo, kalakasan ng Partido Komunista ng Pihpinas (PKP)-1930 ang pagkakaugat nito sa "katutubong tradisyong rebolusyonaryo” dahil sa ganitong paraa'y mas napalapit ito sa mga kilusan at samahang magsasaka. Ngunit, ayon din sa kanya, sa kabilang banda’y naging pangunahing kahinaan nito ang hindi nito "pag-alpas” (transeend) sa mga kaisipang katutubo’t tradisyonal tungo sa pagkamit ng "tunay” na Marxistang pananaw at tunguhin. May ilang problema na lumilitaw kaugnay ng pakahulugan ni Nemenzo sa mga salitang "pag-alpas” at "tunay.” Maaaring nangangahulugan ang salitang "pag-

8 | P O O K AT PA N IN IN D IG AN

alpas” ng paghigit ng salungatang katutubo-banyaga tungo sa “tunay na Mandstang paninindigan" na nakaugat sa makabuluhang pagsasanib ng dalawang mahahalagang tradisyong mapaghimagsik. Maaari ding nangangahulugan ang salitang “pag-alpas” ng paglampas o pag-iwan ng katutubong tradisyong rebolusyonaryo na nangangahulugan ng pagsasaisantabi ng diyalektikal na modelo sa pag-unawa ng interaksyong pangkultura. Sa ikalawang pakahulugan ng “pag-alpas/' nagmumukhang higit na nakapinsala kaysa nakabuti, at naging pangunahing sagabal pa nga, sa pag-unlad ng Marxismo sa Pilipinas ang naganap ditong “pagsasakatutubo” sapagkat natabunan ng “katutubong pre-Marxistang ideolohiya” at ng “pananaw-pandaigdigang milenarista ng mga magsasaka” ang “tunay” na ideolohiya ng Marxismo-Leninismo na kundi dahil dito'y mas matatag sanang naitaguyod ng PKP-1930. Ayon nga kay Nemenzo: The greatest handieap of the PKP was not its identification with a foreign ideology, but rather that its formal eommitment to MarxismLeninism was overwhelmed by the indigenous pre-Marxist ideologies it had inherited from the gremios and more importantly, from the peasant millenarian world view. (1984b, 6) Lumilitaw sa gayon na batay sa pagkaunawa ni Nemenzo, naging pangunahing sagabal sa PKP-1930 ang hindi nito paglampas sa "katutubong tradisyong rebolusyonaryo” na sanhi naman ng hindi nito pag-abot sa antas ng “tunay” na Marxistang pananaw at praktika. Ipinaliwanag ni Nemenzo ang pagmamadali ng PKP-1930 na agawin ang kapangyarihang pampulitika bilang sanhi ng kaisipang “milenarista” na lumaganap sa hanay ng mga mandirigma at kadre ng partido. Ayon muli kay Nemenzo: The party-led HMB suffered the fate of all other millenarian movements, i.e., it eollapsed like a paek of eards the moment its apoealyptie vision of seizure of power in two years was dissolved by the powerful counteroffensive of JUSMAG-AFP.4 (1984b, 9) Ang suliranin sa mga ideyang ito’y mukhang nabibitiwan ni Nemenzo ang napakayaman na Marxistang ideya ng proseso ng

A

ng

Pa n

tayong

Pa n

an aw

at

M

a r x ism o

|9

“pag-aangkin” bilang “pagtatalaban” ng inaangking elem ento at ng umaangkin ditong kultura. Imbes na tingnan ang proseso ng pagaangkin na ito bilang isang batis ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng tradisyong mapagpalaya, napapabalik siya sa pinagsimulang mahigpit na paghahanay-hanay ng “tunay” sa isang banda at ng “katutubo” naman sa kabila na para bagang mababaligtad at mauurong ang naganap na at tuloy-tuloy pa ring nagaganap na proseso ng pag-aangking pangkasaysayan. May malaking panganib na maiwanan niya ang isang ideyang napakabunga upang yakapin muli ang pinuna na niyang problemang metodolohikal, kung di man ideolohikal dahil reaksyonaryo, sa pangangatwiran ni Salazar. Maliban sa ganitong tendensya, dagdag pang mapapansing kahinaan ng kanyang analisis ay ang pagkalimita ng pagkaunawa ni Nemenzo sa “katutubong tradisyong rebolusyonaryo” sa katangiang “milenarista” nito. Bagama’t masasabing tunay ngang naging bahagi ng "katutubong tradisyon” na mapanghimagsik ang pananaw na “milenarista” sa pinakamalawak na pakahulugan nito, walang masasabing pagka-“katutubo” per se sa kaisipang ito dahil isa itong ideyal-tipikong “mentalidad” na marahil ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo sa lahat ng kultura sa daigdig. Nais ipagpatuloy ng kasalukuyang akda ang unang mas wastong direksyong inilatag ni Nemenzo habang iniiwasan ang kalabuan ng ilan sa kanyang naging konklusyon. Mahahati, sa gayon, ang kasalukuyang pag-aaral sa dalawang bahagi. Ang unang bahaging ay nakasentro sa mapanuring pagtalakay sa ilang bahagi ng teoryang pangkultura at pangkasaysayan ni Salazar. Isasagawa ito hindi lamang sa pamamagitan ng paghaharap sa sipi sa itaas at sa mga katulad pa nito, kundi sa pamamagitan ng paglulugar nito sa kabuuan ng masalimuot na balangkas na mahahalaw sa kanyang mga akda. Tungo naman sa pagsisikap na magkaroon ng panimulang pagtanaw sa konkretong pangkasaysayang proseso na pinagdaanan ng kaisipang sosyalista at Marxista sa proseso ng sandaang taon ng pangkulturang “pag-aangkin,” magsasagawa sa ikalawang bahagi ng masinsinang panunuring tekstwal sa ilang akdang sosyalista at malasosyalista na isinulat sa wikang Tagalog simula noong pag-usbong ng kilusang sosyalista sa Pilipinas sa unang mga dekada ng ika-20 dantaon.

l O | P O O K AT Pa N IN IN D IGAN

Hindi na nagkaroon ng pagkakataong matalakay nang mas malaliman sa kasalukuyang akda ang napakahalaga at napakabagong ambag ni Myfel Joseph Paluga sa kanyang matalas na sanaysay na “Mga Tala at Tanong sa (Di-buong) Pag-aagham-tao” (2008). Punong-puno ang akdang ito ng matatalinong mungkahi sa paglapit sa usapin ng PT na kailangan pang namnamin at unawaing m abuti upang lubusang mapakinabangan. Higit pa sa kasalukuyang akda ay maaaring ito ang magbukas ng panibago, mas masigla, at mas mabungang landas sa pakikipagtalastasan/ pakikipagtagisan sa PT mula sa kaliwang posisyon. Inilarawan ni Paluga ang kalagayan na binansagan niyang “sitwasyong untul”: Sitwasyong untul. Ngunit sa huli, makikitang may 'sitwasyong-untul' (deadloek) sa pinaka-pusod ng pagti-teorya at ng nagti-teorya.Tinutukoy

dito ang (tila) di-mabuburang banggaang-posisyon sa sumusunod na mga usapin: (1) kutig anong bagay ang isa-teorya (ibig sabihin, pagkaabalahan); (2) kung anong 'pook’ ang papahalagahan at kung anong paninindigan meron ang isang nagti-teorya (matingkad na makikita sa usaping ’maka-uring paninindigan’ at pagiging makabayan/bansa, ‘anong bayan?/ ‘anong bansa?’); (3) (kung mang-angkin tnan) anong mga konsepto ang aangkinin mula sa labas. Magkakaugnay ang mga nabanggit. May mga bungguang posisyon na elemental: intrinsiko ang gap: ito ang 'untul’ o deadloek na sitwasyon. Ano ngayon kung isang 'untul’ ang sitwasyon? Kunguntul nga ang isang banggaan, hindi ‘pagkakasundo' ang proyekto, kundi ang matinong pag-unawa sa gap. Paano kung may mga porma ng ‘banggaan’ na hindi kailangang 'lutasin’? Paano kung may mga posisyong hindi talaga posibleng pagtagpuin—dahil talagang magkabilaan, mukha ng iisang barya? (11)

U n a n g Ba h a g i Pook

I. Dalawang Pananaw sa Pagpapakahulugan Matitingnan ang sentral na usapin ng metodo ng pagbibigaykahulugan o "pagpapakahulugan'' mula sa dalawang direksyon. Nasa isang banda ang sangay na Maneista o mala-Marxista na nakatuon sa pagsasagawa ng matatawag na "pagpapakahulugang makauri."5 Nasa kabilang banda naman ang partikular na tipo ng pagpapakahulugan na itinataguyod ng Pantayong Pananaw na maaaring bansagang “pagpapakahulugang panloob.” Iginigiit ng Mandstang pananaw ang batayang makauri ng lahat ng pagpapakahulugang pangkasaysayan at panlipunan na sa gayo’y nakaangkla sa umiiral na mga ugnayang pamproduksyon. Lumilitaw ang magkakasalungat na ideolohiyang panlipunan at ang kaakibat ng mga itong pagpapakahulugang pangkasaysayan alinsunod sa partikular na anyo ng pagkakahati-hati at tindi ng tunggaliang makauri sa loob ng isang panlipunang kaayusan. Ipinapalagay na magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kasaysayan kapag pinag-uugnay-ugnay nito ang mga

12. | P O O K AT PA N IN IN D IG AN

kaganapan at salik panlipunan sa isang kabuuang (totality) naglalarawan ng mga karanasan ng pakikibaka ng Pilipinong anakpawis.6 Iniintindi ang pagsusulat at pagpapakahulugan sa kasaysayan at lipunan bilang mga prosesong nakapaloob sa mga umiiral na kaayusang pangkapangyarihang mapagpasya sa pagbubuo at pagpapalawig ng kamalayang historikal. Napapatampok ang problema ng pagpapakahulugan bilang bahagi ng pinakabuod ng pag-unawa sa kasaysayan at lipunan sa pamamagitan ng pagtuligsa sa kinagisnang lapit ng "walang kinikilingang pag-aaral" (Constantino 1997, 4) na nagbabalatkayong panlahat at “para sa buong bayan” ngunit totoong kumikiling lang talaga, sa diwa at nilalaman nito, sa mga naghaharing-uri. Kaya lumilitaw na napakahalaga sa ganitong lapit sa paghahabi ng kasaysayan ang tanong na “Para kanino?” Para kanino ba makabuluhan at para kanino ba sinulat ang mga kasaysayang ito? Sa madaling salita, sentral na usapin ang “paninindigang makauri” sa pagsusulat ng kasaysayan. Ayon kay Renato Constantino: Objective facts and developments must be presented within a framework and a point of view, in order to serve a useful end. The vast aeeumulation of data eannot be absorbed but it ean be totalized as an experience showing the interrelation of eeonomie, politieal and soeial phenomena. It is only in this way that facts ean be absorbed in a meaningful manner . . . For his work to be truly meaningful, the nationalist historian must beeome partisan in favor of the Filipino people beeause the battle against eolonialism and imperialism is being waged not only in the politieal and eeonomie fields but in the field of eonseiousness as well. (1978, 265-66) Kapansin-pansin sa sipi sa itaas ang pagdidiin ni Constantino sa pangangailangang isaayos ang mga "obhetibong pangyayari” at “datos” na pang-ekonomiya, pampulitika, at panlipunan sa loob ng isang makabayan at makauring “balangkas at pananaw” upang magkaroon ang ganitong kasaysayan ng kabuluhan para sa nakararaming mamamayan. Kasalungat ito ng pagtanaw at pagbabalangkas ng mga “obhetibong pangyayari” na batay naman sa mga layunin at interes ng mga naghaharing uri at mananakop. Alinsunod nito, batayang kaisipan sa lapit ng pagpapakahulugang makauri ang pagturing sa kasaysayan bilang

P O O K | 13

isang uri ng kasangkapang may silbi at kabuluhan sa "pagmumulat’7 "pag-aangat ng kamalayan” (Constantino 1997, 480) ng sambayanan upang makatulong sa pagpukaw sa sambayanang kumilos tungo sa makabuluhan at mapagpalayang pagbabago. Sa madaling salita, ang mga salaysay pangkasaysayan ay maaaring magsilbi sa pinakaideyal nitong anyo bilang isa sa mga tulay na nakapagbibigkis ng mga radikal na intelektwal at nakararaming anakpawis sa iisang kilusan. Sinulat nga ni Constantino, "A people's history is one th at eombats and defends, glorihes and eondemns, criticizes and advocates. Only sueh a history ean eonstitute a living study of historieal proeesses and spur historieal efforts" (1978, 268). Nangangahulugan lamang ang pagpapakahulugang makauri na ito na naghaharap ang akdang pangkasaysayan ng isang “makabuluhang kabuuan" (meaningful totality) sa anyo ng salaysay na maaaring magbigay-liwanag at magpaliwanag kung paano nagaganap ang pagsasamantala at pang-aapi sa loob ng mga umiiral na ugnayang pangkapangyarihan at kung paano nagiging makatwiran ang pakikibaka at "mulat na pagkilos" ng mga uring inaapi laban sa umiiral na kalakaran sa loob ng isang makabuluhang “kasaysayan ng pakikibaka." Umuugat ang ganitong mga ideya ng pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas kapwa sa salimuot ng tradisyong radikal na Mandsta, na pinaghahalawan ng mga konsepto tulad ng "moda ng produksyon," "pwersa ng produksyon,” "relasyon ng produksyon,” "tunggalian ng mga uri,” atbp., at sa mayamang tradisyon ng pakikibaka at paghihimagsik ng mga Pilipino. .Sa kabilang banda, iginigiit naman sa lapit ng PT ang pagkakabatay ng anumang pagpapakahulugang pangkasaysayan sa mga "pook pangkalinangan” na pinagmumulan ng mga pagpapakahulugang ito (Salazar 1998f, 201-14). Taliwas sa "pagpapakahulugang makauri” na nakabatay sa ideya ng “paninindigang makauri,” mababanaag sa kaisipang PT at sa kaakibat nitong metodo ng "pagpapakahulugang panloob” ang palagay na nakasalalay pangunahin sa mga pagkakaibang pangkalinangan ang magkakataliwas at/o magkakasalungat na pagpapakahulugan at pagkaunawa sa kasaysayan, lipunan, at kultura.7 Katulad ng makikita sa pagpapakahulugang makauri, mahalaga para sa PT ang tanong na "Para kanino?” ngunit ang pangunahing tinutukoy nito ay hindi ang makauring paninindigan ng manunulat

14 | P O O K AT PA N IN IN D IG AN

(makamanggagawa ba o makaburges?) kundi ang pook pangkalinangang pinatutunguhan o kinauukulan ng isinasalaysay niyang kasaysayan o pagpapakahulugan (para sa dayuhan ba o para sa Pilipino?). Tinatawag ni Salazar na "Pantayong Pananaw” ang perspektiba na nakasalalay sa pagpapakahulugang nagmumula at tum utungo sa loob ng isang kalinangan. Ang pagpapakahulugan namang nagmumula at tum utungo sa labas ay binansagan niyang "Pangkaming Pananaw” (PK). Nakasalalay ang kategorisasyong ito sa dalawang panghalippanao para sa unang panauhing maramihan na makikita sa wikang Filipino (tayo/kami), sa iba pang wika sa Pilipinas at sa Bahasa Melayu/ Indonesia (kita/kami). Kaiba sa Ingles at iba pang wikang Europeo, may distinksyon ang wikang Filipino sa pagitan ng "tayo” (inklusibong panghalip panao para sa unang panauhing maramihan) at ng "kami” (ekslusibong panghalip panao para sa unang panauhing maramihan). Ginagamit ang "tayo” kapag kasama sa tinutukoy ng mga nagsasalita ang kanilang kinakausap habang ginagamit naman ang "kami" kapag hindi kahanay ng mga nagsasalita ang kanilang kinakausap. Sa una’y nagkakaharapan ang mga nag-uusap habang sa ikalawa’y inihaharap ng mga nagsasalita ang kanilang sarili sa kinakausap. Kung tatalon mula sa gramatikal na pag-uuri-uri tungo sa mas pilosopikal na implikasyon ng punto de bistang penomenolohikal, masasabing inilalarawan ng "tayo” ang pagkakabuo ng isang kolektibong suheto, habang inilalarawan naman ng "kami” ang isang kolektibong obhetong kumakaharap at nakapailalim sa "tingin” o "titig” ng iba.8 Mauunawaan sa gayon kung bakit ikinakabit ni Salazar ang unlaping “pan-" sa “tayo” at "kami” upang ilarawan ang dalawang uri ng “pananaw” na nakakabit sa mga ideya ng kasarinlan at kapangyarihan. Ang PT ang tumatayo bilang "pananaw na panloob” ng isang pamayanan habang ang PK naman ay ang nainternalisang “pananaw na panlabas.” Umiiral sa PT ang iisang wika, ang pagkakaunawaan sa pamamagitan ng iisang wikang ito, at ang nagsasariling talastasang panloob na patungo sa loob. Umiiral naman sa kaso ng PK ang pamamayani ng wikang banyaga, kawalan ng pangkalahatang pagkakaunawaan sanhi ng pamamayani ng wikang banyagang ito, at ang pamamayani ng talastasang palabas na patungo sa labas, sa mga kinakausap na "banyaga.”

P O O K | 15

Mababanaag ang matitinding suliranin na binibigyang-diin ni Salazar hinggil sa pagkalaganap ng PK sa loob ng lipunang Pilipino sa partikular na kaayusang pangkultura na ibinunga ng kasaysayang kolonyal ng Pilipinas. Ipinapaliwanag niya ang umiiral na kaayusang pangkalinangang "post-kolonyal” na ito sa pamamagitan ng konsepto ng "dambuhalang pagkakahating pangkalinangan” na namamayani sa pagitan ng mga "elite” at ng "masa” o "bayan.” Tinutukoy rito ng katagang "elite” ang mga taong nahubog ang kaisipan at mentalidad upang yumakap nang buong-buo sa banyagang kultura kaalinsabay ng pagtalikod o pagtakwil sa kanilang "sariling” kultura. Sinasagisag naman ng katagang "masa” o "bayan” ang nakararaming mamamayang patuloy na nagsasabuhay at nagpapayaman ng kinagisnang mga wika at kultura ng Pilipinas. Sa gayon, walang kontradiksyong lumilitaw kapag sinabing maaaring magmula sa mga "uring pinagsasamantalahan” ang isang miyembro ng napasa-Kanlurang "elite,” habang maaari namang magmula sa “uring mapagsamantala” ang isang "taal” na kabahagi ng “bayan.”9 Hindi sa gayon umiinog sa diskurso ng "uring panlipunan” ang kritikal na perspektiba ng PT kundi sa mga konsepto ng “elite” at "masa” o "bayan,” at higit sa lahat, ginagamit ang mga huli bilang mga pangkulturang kategorya. Bagama’t totoong may mahahalagang aspektong pangsangkatauhan ang penomenong pangkultura sa pangkalahatang pagkakaintindi rito, malinaw na higit na nakatuon ang pansin ni Salazar sa pagpapalitaw ng mga natatanging katangian o kaakuhan/kakanyahan ng bawat kultura, lalo’t higit pa sa pagbibigayliwanag sa itinuturing niyang "kalinangang Pilipino.” Naniniwala si Salazar na hindi mauunawaan ang angking kakanyahan ng anumang elemento o bahaging pangkultura kapag hiniwalay ito o hinugot sa masalimuot na kabuuang kinapapalooban nito. Iginigiit niyang nakasalalay ang "kakanyahan,” kung di man ang mismong “kahulugan” ng anumang aspektong pangkalinangan o "obhetibong pangyayari” sa kasaysayan, hindi sa hiwalay at nakabukod na pag-iral nito, kundi sa pagkakalubog nito sa kinagisnan at pinag-uugatan nitong "pook.” Sa gayon, mauunawaan lamang ang isang kalinangan at anupamang "bagay,” "kaisipan,” at "gawain” (i.e., “materyang pangkasaysayan”) sa

1

l 6 | P O O K A T PA N IN IN D IG AN

loob nito kapag nakilala ito "mula sa loob.” May malaking pagkakaiba sa gayon ang pagpapakahulugang panloob; na sinisikap iugnay ang anumang penomenong pangkultura sa pinagmulan nitong kontekstong pangkultura, sa nakagawiang uri ng pagpapakahulugan ng mga elite at "akulturadong intelektwal” sa Pilipinas na "pagpapakahulugan mula sa labas” na nagsisikap ipaliwanag ang mga ito para sa mga "tagalabas” (Salazar 1995b; Salazar 1995c). Inililipat ng pagpapakahulugang panlabas ang mga bagay na sinusuri sa ibang pook ng pagpapakahulugan na "nasa labas” ng "tunay” na pinanggalingan nito. N agmumukha tuloy na walang sariling kinapapaloobang kabuuan-ng-pagkakaugnay ang nilansag-lansag na mga penomenong pangkalinangan na basta na lamang hinugot papalabas. Nababaluktot din ang pagkaunawa sa mga penomenong ito dahil napapatawan ng pagpapakahulugang hindi rito naaangkop. Taliwas sa ganitong mga pamamaraan, masasabing ang pagpapakahulugang panloob ang batayang lapit ng Pantayong Pananaw (Mendoza 2000, 7). Magkaiba man ang pangunahing tuon at tunguhin ng mga kaisipang Maneista at PT, masasabing kapwa naging mahalaga ang papel ng mga ito sa pagbasag ng larawan ng kasaysayang panlahat at walang pinapanigan na ipinalaganap ng dominanteng "kasaysayang positibista” (dulot ng impluwensyang Anglo-Amerikano sa historiograpiyang Pilipino) sa akademya sa loob ng ilang dekada (Gallardo at Ramos 1997; Veneracion 1993). N gunit sa kabila nito'y napakasalimuot ng relasyon sa isa’t isa ng dalawang lapit na ito $a pagpapakahulugang pangkasaysayan na nagkakatagpo sa ilang usapin ngunit nagkakatunggali naman sa marami pang iba. Halimbawa nito'y palaging inihahanay ni Salazar ang pagpapakahulugang makauri, tulad ng makikita sa pinakaunang sipi sa itaas, bilang kasama ng tinutunggali niyang historiograpiyang tradisyonal (na maka-Estados Unidos at/o maka-Espanya) at sa gayo'y itinuturing na isang uri ng PK (Veneracion 1993, 1-15). Sanhi naman ng labis na pagbibigay-diin nito sa ideyal ng kaisahan at katatagang pambansa kaharap ng tunggaliang makauri ay maaaring bansagan ng Mandstang perspektiba ang PT bilang isang "makabayang” uri ng kinakalaban nitong "historiograpiyang burges” (Levtonova 1977; Veneracion 1977).

P O O K | 17

II. W ika ng Balana at Talastasang Dalubhasa Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit itinuturing ni Salazar ang “pagpapakahulugang makauri'' bilang isang tipo lamang ng "pagpapakahulugang panlabas" ay sapagkat gumagamit ito diumano ng mga "kategoryang hiram” (i.e., “uri/' "pagsasamantalang pangekonomiya”) na sa kanyang palagay ay walang saysay at kabuluhan para sa kulturang Pilipino. Upang higit na maliwanagan sa usaping ito at maipakita ang isa sa mga pangunahing kahinaan ng posisyon ni Salazar ay maaaring magsimula sa masusing pag-iiba ng dalawang antas ng pagsusuri: (1) ang wika ng balana at (2) ang “talastasan” ng mga dalubhasa/intelektwal. Malinaw na maituturing ang dalawang "wikang” ito bilang magkakaibang bahagi ng iisang mas pangkalahatang wika. Kahit pa mangyari sa hinaharap na magbago ang kalagayan at maging iisang wika (i.e., wikang Filipino) ang sinasalita ng balana at ng mga dalubhasa/intelektwal, tiyak na hindi pa rin maiiwasan ang pagpapatuloy ng isang antas ng pagkakahiwalay ng dalawang wikang ito sanhi ng mga kahilingan ng espesyalisasyon at antas ng edukasyon. Nagaganap ang "pag-aangkin” o "paghihiram” ng mga salita at kategorya mula sa iba’t ibang wika kapwa sa antas ng wika ng balana at ng talastasang dalubhasa. Maaaring tuwirang tinatanggap ang mga ito sa pang-araw-araw na wikang balana na may bahagyang pagbabago lamang kung kaya’t sa pangkalahata’y makikitang nananaig kahit sa pagkakahiram nito ang orihinal na pakahulugan at anyo. Tinawag ang ganitong penomeno ng sikolohistang si Virgilio Enriquez bilang "tahasang panghihiram” at “paglilipat-wika.” Ang salitang hiniram sa ganitong paraan ay binansagan niyang "salitang-angkat” (1996, 271). Gayum pam a’y posible ring magkaroon ang mga salitang-angkat na ito ng ibang pakahulugang malayo na sa orihinal na pinagmulan. Halos kusa lamang na lumilitaw sa kalikutan ng wika ang pagtatakda ng mga gamit at kahulugan ng mga salitang “inandukha” ng isang wikang pambalana. Ganap na nasasangkot ang salitang inandukha sa sistema ng pagpapakahulugan ng nang-aangking wika at nagkakaroon na rin ng sarili nitong mga matalinghaga at di-tuwirang gamit na maaaring mapalitaw sa pamamagitan ng pagsusuri ng kasaklawang semantiko

18 | P o

ok at

Pa n

in in d ig a n

nito bilang may bisa at mapanlikha nang bahagi ng tumatanggap na wikang pambalana. Napapagyaman ang mga wika sa ganitong natural at di-maiiwasang ugnayan na mailalarawan bilang tunay na panglinggwistikang "pagtatalaban.” Pagtatalaban ito sa pakahulugang ang pagkakapasok ng bagong salita sa ibang sistemang panlinggwistika ay hindi lamang lumilikha ng pagbabago sa anyo at pakahulugan ng sahtang ito kundi ng pagbabago sa pagsasaayos ng mga elem ento sa loob mismo ng sistemang panglinggwistikang tumatanggap. Walang kaduda-duda na imposibleng magkaroon ng salin ng isang konsepto na parehong-pareho ang pakahulugan at anyo sa orihinal na wikang pinagmulan. Masalimuot ang problema ng pagsasalin lalong-lalo na sa matalinghagang paggamit ng wika, dahil isinasaalang-alang dito, hindi lamang ang mga pakahulugang itinatakda ng mga diksyunaryo kundi kahit ang mahirap mahuling mga pakahulugang pahiwatig at di-tuwiran. Naiiba rito ang paggamit ng mga salita sa diskursong syentipiko dahil pilit hinihiwalay ang mga ito sa mga matalinghaga at di-tuwirang mga pakahulugan (kahit imposible talagang maging lubus-lubusan ito) upang lalong mapatalas at matiyak ang paggamit ng wika sa pagpapaliwanag at pagtukoy sa mga penomenong panlipunan, pangkalinangan, o pangkalikasan. N gunit sa kaso man ng pagsasaling syentipiko o pampanitikan, masasabing kailangang buhay sa kalooban ng tagasalin kapwa ang wikang isinasalin at pinagsasalinan sa kanyang padaphs na ,,pagpapatagpo,, ng mga kabuuang semantiko ng salitang isinasalin at ng salin nito. Ani Salazar (1972, 61), "narito nga ang kahirapan ng alinmang pagsasahn—ang pagsasa-ibang-pandama, ang pagsariwa ng isang loobing kultural ng damdaming taglay, tuklas o kaugnay ng panulaan ng isang wika-kultura.” Salungat sa ipinapalagay ng mga tinatawag na absolutong relatibista, hindi nangangahulugan ang hindi ganap na pagkakatumbas ng mga salita mula sa magkakaibang kultura na imposible na ang pagsasalin per se o ganap na imposible nang mapatawid ang anumang kaisipan o damdamin mula sa ibang kultura at lipunan sa pagkakanya-kanyahan ng kanilang kakanyahan. Taliwas ito sa katotohanan ng pangkasaysayang karanasan ng pakikipagtalastasan ng magkakaibang mga kultura at wika sa isa’t isa na tila walang pinagsimula’t walang katapusan. Sa katunayan, nakasalalay

P O O K | 19

lamang ang pagpapasinop ng gawain ng pagsasalin sa pagpapatalas ng mga pamantayan at pagpapalalim ng kaalaman ukol sa mga larangan ng pagtatagpo at paghihiwalay ng magkakaibang wika at kultura. Lalo’t higit nakasalalay ito sa pag-aangat sa kamalayan ng mga tagasalin ng mga batayan ng magkakaibang interpretasyon ng isinasaling mga salita at teksto (Mendoza 2000, 10). Walang anumang dalumat sa loob ng alinmang wika at kalinangan na hindi maaaring maipaliwanag at maisalin sa abot-makakaya at sa ibayong pagsusumikap sa ibang wika at kalinangan (tingnan ang “abot-kaya” sa Ferriols 1992, 12). May iba't ibang antas ng pagkakaunawaan na ibinubunga ang lahat ng uri ng pakikipagtalastasan at pakikisalamuha sa kapwa-tao sa loob at sa pagitan ng mga wika at kultura. Hindi dahil palaging hirap ang mga tao sa pagpapaliwanag sa isa't isa ng kanilang mga isinasaloob ay wala nang kabuluhan ang gawaing ito at nararapat na lamang tanggapin ang pagka-hindi-mabigkas at pagka-hindi-masalin ng mga nasa isipan ng bawat isa. Tingnan, halimbawa, ang sinulat ni Ferriols: Hindi nga masasabi ang pinakahakga, ngunit . . . kung hindi mo sinabi ang masasabi, hindi ko sana sinubukang gawin ang masasabi. At kung hindi ko sinubukang gawin ang masasabi, hindi sana tinubuan ng pagunawa ang aking kamay. (1994, 25) Kung kahit sa loob ng isang kultura at wika ay walang humpay na pagsusumikap at pag-aabot-kaya na ang kinakailangan sa pagkakamit ng ordinaryong pagkakaunawaan kahit sa pagitan ng dalawang tao lamang, ibayo pang pagsusumikap ang kinakailangan sa kaso ng masalimuot na pagtatagpo ng magkakaibang kultura at wika. Totoong nagmumula ang ilang pinakamasalimuot na suliranin ng pagpapakahulugan sa mga agwat sa pagitan ng magkakaibang panahon at sa pagitan ng magkakaibang kalinangan. Walang kaduda-dudang maraming pagdadalawang-isip si Salazar ukol sa paksang ito, ngunit taliwas dito, at taliwas na rin sa may batayan din narnang pagkakabansag sa kanya ni Enriquez bilang isang tuwirang “etnosentriko” at “relatibistang reaksiyonaryo” na walang konsepto ng "unibersal” (1994b, 46), nasulat pa ni Salazar sa isang pagkakataon:

20 | P O O K A T P A N I N I N D I G A N

Dapat ituring ang lahat ng kultura (at hindi iisa o dadalawa lamang) ng buong daigdig bilang tibagan ng mga kultural na sangkap na magagamit sa sariling pagkakultura. Ang pagpapahalagang ito sa iba’t ibang kultura sa pamamagitan ng mapanlikhang pag-aangkin ng mga sangkap na makabubuti sa sarili ay siyang pinakakatangian ng isang kulturang may kasarinlan. Ang lahat ay nagpapahiwatig ng makataong pagkakaugnayugnay ng mga kultura, sa kabila ng kakanyahan ng bawat isa. (1972, 77) Sa pagitan naman ng magkakaibang talastasan at tradisyon ng pormalisadong kaalaman, masasabing may higit na papel ang sinasadya at malay na “pag-aangkinan” sa paghihiraman ng mga talastasan at tradisyong ito ng mga konsepto at kategorya. Ayon nga kay Salazar, “kailangan . . . maangkin ang karunungan at kaalaman mula sa labas at talagang maipasok sa loob. Buong proseso ito. Ang pinapasukan ay isang kabuuan na lumalawak” (1994b). M aituturing marahil na isang malaking bahagi ng pag-aangkin ng kaalaman “mula sa labas” ang pagaangkin din ng mga konsepto at kategorya “mula sa labas.” Nagaganap sa antas na ito ang humigit-kumulang na masinop na pag-uugnay ng mga konseptong inaangkin pa lamang sa sistema ng mga konsepto na kasalukuyang ginagamit na sa larangang syentipiko't intelektwal at sa pagsisikap na mailapat ang mga ito sa konkretong realidad na panlipunan at pangkultura. Isinasagawa rin sa larangang syentipiko ang higit na pagpapatalas ng mga konsepto upang matiyak na naaangkop o naipagtutugma ang mga konseptong inaangkin mula sa labas o nililinang mula sa loob sa mga penomenong pinag-aaralan sa sariling lipunan at kultura. Habang pinauunlad ang mga sariling nabuong/binubuong konseptong syentipiko, kaalinsabay ring sinusuri at pinapatalas ang kahulugan ng mga konseptong hiniram/hinihiram upang tunay na maitakda ang wastong larangan at paksain ng aplikasyon ng mga ito sa loob ng sariling lipunan at kultura. Hindi ito laging nagtatagumpay, pero hindi rin ito laging nabibigo. Parang isang lambat ang dalumat na iniaangkop sa penomenong kailangan nitong hulihin. Ani Salazar, “kinakailangan ding palawakin o itakda ang kahulugan ng maraming kataga upang makapahayag nang tumpak sa konseptong ipinapasok sa Pilipino” (1997b, 27). Ayon din sa mga gumawa ng talasalitaang

P O O K | 21

syentipiko sa wikang Filipino (Relova at Cabigan 1973, 6), "ang baw a't salita ay binigyan ng tiyak at matining na kahulugan upang bawat tawag ay makatumbas sa iisang kahulugan lamang saan mang sangay ng agham matatagpuan." Ipinapakita nito na ang konstruksyon o pagbubuo ng syentipikong metalinggwahe na magagamit bilang instrumento ng panlipunan at pangkalinangang pagsusuri at pananaliksik ay hindi isang likas na bagay lamang na matatagpuan at kusang lumilitaw mula sa mismong obhetong pinag-aaralan kundi nangangailangan ng malay na pagtatakdang-gamit ng bawat dalumat sa sistema ng pagkakaugnayugnay ng mga ito. Hindi lamang pagpapalitaw ng o pagtuklas sa mga umiiral nang pagkakaugnay-ugnay ang ginagawa ng mananaliksik kundi ang mismong aktibong pag-uugnay-ugnay ng mga penomenong panlipunan at pangkultura sa isang kabuuan. Dapat pagdiinan na hindi nagaganap ang tinukoy na maingat na pagtatakdang-kahulugan ng mga hiram na kategorya sa halos natural na pangkalinangang pag-aangkin na nagaganap sa antas ng nabanggit nang pag-aandukha sa pang-arawaraw na wika. Gayumpaman, paminsan-minsan kahit ang mga salitang nagsimula at nakasanayan nang gamitin sa talastasang syentipiko ay maaaring maandukha sa wikang pang-araw-araw kung kaya't nagkakaroon ng pagbabago sa pakahulugan at anyo at napapaloob sa ordinaryo at mas maluwag na gamit ng wika ng balana. Binubuwag ng pag-aandukha ng mga salitang syentipiko sa wikang pang-araw-araw ang mahihigpit na hangganan na itinatakda ng gamit-syentipiko at sa gayo’y nagiging makapangyarihan muli ang laro ng mga pakahulugang di-sadya, matalinghaga, at di-tuwiran. Maaaring gamitin ng mananaliksik ang mga konsepto’t kategorya, "panloob”/ ‘‘katutubo’’ man ito o inangkin, bilang bahagi ng kanyang instrumentaryong intelektwal upang unawain ang sarili o ibang kultura at lipunan. Sa gawaing ito’y mahalaga lamang na maging maingat sa pagtitiyak ng mga hangganan ng mga pakahulugan ng mga konseptong ginagamit at parating malay sa pangangailangang tuloy-tuloy na patalasin ang mga konseptong ito upang higit na maging angkop sa paksa at mga layunin ng pagsusuri. Magagamit ang mga pinapatalas at inaangkop na mga konsepto upang unawain

22 | P O O K A T P A N I N I N D I G A N

at ipaliwanag ang ilang paksaing um aabot sa pataas nang pataas na antas ng pagkapangkalahatan hanggang sa ganap na pagkapanlahat o "unibersal” kung ito’y hinahangad ng mananaliksik. Ang prosesong ito ay tinatawag ni Enriquez na "pagbibinyag,” ang “paggamit ng katutubong salita para sa pandaigdigan o banyagang konsepto.” D apat salungguhitan na bahagi ng mga mapanakop na diskurso ang konsepto ng "hungkag na unibersal” at hindi rin dapat malinlang na sa pamamagitan lamang ng "pagkumpuni" ng mga salita at pagtatakdang-pakahulugan ay mapapawi na ang tunay na umiiral na mga ugnayang pangkapangyarihan sa "balatkayo ng unibersalismo” (Enriquez 1989, 10). Gayumpaman, masasabing ang tunay na kasalungat ng mapanakop na unibersal ay hindi ang makitid na pagsasara ng sarili "sa labas” kundi ang bukas, makatao, at mapagpalayang unibersal na laging kumikiling sa panig ng mga kasalukuyang inaapi, pinagsasamantalahan at ineetsa-puwera ng mga namamayaning dominanteng panlipunang sistema. Hindi sapat na nabibigyang-diin sa metodolohiya ng PT ang pagkakaiba ng maingat na paggamit ng terminolohiya sa mga wikang syentipiko’t pandalubhasa sa mas maluwag na paggamit ng mga salita sa wikang pambalanang pang-araw-araw.10 Maiuugat ang ganitong problema sa panggigiit ni Salazar na hindi alinmang arbitraryong imbensyon o "bungang-isip” (Ferriols 1994) lamang ang binubuong talastasang intelektwal ng PT kundi isang talastasang "tunay” na nakabatay sa mga matatagpuang sistema ng klasipikasyon at pagdalumat na talagang matatagpuan sa loob ng "kalinangang Pilipino.” Mas mahalaga sa gayon ang pagpapalitaw ng mga pakahulugan at kategoryang "naririyan na” kaysa sa pag-ungkat ng anumang kahulugan nito sa "pilosopiyang personal ninuman” (Salazar 1981). Sa kabila ng ganitong prehuwisyo’y makikitang nasasangkot sa proseso ng pagbubuo ng alinmang talastasang intelektwal/pandalubhasa ang iba’t ibang mga batis at pamamaraan ng pagtuklas at paglikha ng mga nakakabit ditong mga kasangkapan ng pagsusuri. Kabilang na rito ang mga konseptong hango mula sa mga klasipikasyon/ konseptwalisasyon na uatagpuan/napalitaw mula sa loob ng "sariling” kalinangan, gayundin ang mga konseptong artipisyal na bunga ng pagtatakdang-pakahulugan. Walang umiiral na mahigpit na hangganan

P O O K | 23

sa pagitan ng mga konsepto na “natuklasan” at “nilikha” tulad ng pangyayaring walang masasabing mahigpit na paghahanay-hanay ng mga pagpapakahulugan sa “ibinigay” at “pinalitaw.” Nagbubunga ang kakulangan sa paglilinaw ng PT sa usaping ito ng ilang suliranin hinggil sa pag-unawa ng magkakaibang proseso ng malay na pagaangkin ng mga konseptong syentipiko mula sa ibang mga tradisyong intelektwal at ng hindi-malay at hindi-sadya na pag-aandukha sa wikang pambalana ng mga salita mula sa ibang lipunan, kalinangan, at tradisyong intelektwal. Makikita ang ganitong mga suliranin kapag pinag-aralan nang maigi ang mahabang sanaysay na sinulat ni Salazar na nakatuon sa pagbubuo ng “wasto” at mas naaangkop na talastasang magagamit sa pagsusuri ng “himagsikan”/ “rebolusyon” ng 1896. Malinaw na ang layunin ni Salazar sa mga akdang ito ay ang pagpapatampok ng orihinalidad at kakanyahan ng “Himagsikang Pilipino” sa harap ng iba pang mga “Rebolusyong” naganap sa Europa tulad ng rebolusyong Amerikano, rebolusyong Pranses, at rebolusyong Ruso (1998g, 41). Isinagawa niya ito pangunahin sa pamamagitan ng mapanuring pansemantikang analisis at pagpapakahulugang panloob ng mga nakagawian nang gamitin ng mga historyador na mga konsepto ng “naci6n”/ “nation,” “razon”/ “reason” at “revolucion”/ “revolution” at ng paghahambing at pag-iiba ng mga ito sa mga konsepto ng “kabansahan,” “katwiran,” at “himagsikan.” N gunit bago tumuloy sa mismong paksang ito, maaari munang pansinin na pinaliwanag at ginamit na ni Salazar ang ganitong metodong “panloob” sa kanyang disertasyong may pamagat na “Ang Konseptong ‘A nito’ sa Daigdig na Austronesyano: Tungo sa Mapaghambing na Pagaaral ng mga Etnikong Relihiyong Austronesyano” [Le eoneept A C + ‘anitu’ dans le monde austronesien: vers l’etude eomparatwe des religions ethniques austronesiennes) (Salazar 1968b). Maliban pa sa intrinsikong halaga ng akdang ito bilang orihinal na ambag sa araling etnorelihiyon ng Pilipinas, interesante rin ang disertasyong ito dahil dito matatagpuan ang kritikal na pakikipagharap at pakikipagtalastasan ni Salazar sa pilosopiya at tradisyong intelektwal ng Kanluran (hal., istrukturalismo, hermenyutika, at penomenolohiya). Inilathala muli ang maikling bahaging metodolohikal nito sa kanyang The Malayan Gonneetion

2 4 | PO O K AT Pa NININD IGAN

na pinamagatang "Tungo sa Panloob na Pag-aaral sa mga Relihiyong Austronesyano” (Vers l'etude inteme de religion austronesiennes) (1998d, 19-28). Pinuna ni Salazar sa akdang ito ang mga suliranin na kinaharap ng mga Kanluranin at pati ng mga nakaraang Pilipinong m anunulat tulad nina Pedro Paterno at Isabelo de los Reyes sa kanilang pagsusumikap na maintindihan ang mga penomenong panrelihiyon ng larangang pangkalinangang Austronesyano (o Malayo-Polinesyano). Binatikos niya ang mga metodong gumagamit sa mga halimbawang Austronesyano upang pagsilbihin lamang ang mga ito bilang patunay ng mga teoryang ebolusyonaryo at unibersal ng mga Europeo hinggil sa pag-uuri-uri at pagsasakasaysayan ng mga relihiyon. Iginiit niyang hindi mauunawaan ang anupamang penomenong pangkalinangan kapag tiningnan ang mga ito na hiwalay sa isa’t isa at nakawalay sa kanilang dating kinapapaloobang mga kabuuang konteksto. Nangangahulugan lamang ang ideya ng "panloob na pag-aaral" at "pagbabalik-loob” na kailangang gamitin ang pinakabatayang mga konsepto ng kalinangan at mga "pamantayang panloob” imbes na mga "konseptong galing sa labas” (eoneepts externes). Mapapalitaw lamang ang kakanyahan at buong masalimuot na balangkas ng paksa ng pag-aaral kapag gumamit ng mga konseptong nagmumula sa "loob” ng kultura. May maikli ngunit malinaw na pagtalakay si Salazar dito hinggil sa kanyang teoryang pangwika na sa panahong ito’y nakadamit pa sa espesyalisadong jargon ng mga istrukturalistang Pranses. Ayon kay Saussure, nahahati ang "sagisag” (signe) sa dalawang bahagi na "sumasagisag” (signihant) at “sinasagisag” (signihe). Ang “sinasagisag” ay lumilitaw o nalilikha daw lamang sa bisa ng sistema ng pagkakaiba-iba ng mga sumasagisag sa loob ng isang sistemang pangwika (langue). Nagprotesta si Salazar sa pagsasaisantabi ng ilang syentista sa "sumasagisag” upang hugutin ang "sinasagisag” na siyang gagamitin sa pagbubuo ng isang pangkalahatang teoryang unibersal. Iginiit niyang kasabay ng pagsasaisantabi ng "sumasagisag” ay nagaganap na rin ang pagsasaisantabi ng pinag-uugatan nitong "kabuuang etniko”: Sa paghihiwalay ng sagisag (halimbawa'y ang konsepto ng “mana” o ng "totem”) bilang "sumasagisag” na walang "sinasagisag," nahihiwalay ang buong kontekstong “etniko” na siyang nagtatakda at nagpapaliwanag

P O O K | 25

nito . . . Kung makikita mang maaari, sa pamamagitan ng isang serye ng ibang kahawig na "sinasagisag/’ na lumikha ng isang teorya mula sa kabuuang ito, sa pangkalahata’y nagiging sanhi ito ng bagong mga paghihiwalay ng mga "sinasagisag" mula sa pinag-uugatan nilang mga kontekstong etniko.11 Sa ganang kanya, pangunahing balakid sa “panloob na pag-aaral” ang pangyayaring nakatuon ang mga nakaraang pananaliksik sa paguugnay ng mga partikular na penomenong panrelihiyon sa larangang Austronesyano sa ‘‘unibersal” na balangkas ng Indo-Europeong "Diyos.” D iumano'y natagpuan ni Salazar ang daang makaiiwas sa mga kalituhang ibinubunga ng ganitong mga lapit sa pamamagitan ng pagsisimula at pagbabatay ng sariling pagsusuri sa mga katagang Austronesyanong "hanitu”/ ,,anitu”/ “hantu” bilang konseptwal na sentro-de-grabidad ng lahat ng pinakamahalagang bahagi at aspekto ng nagsasariling sistemang panrelihiyong Austronesyano. Mahalagang pag-ibahin sa pagkakataong ito ang paggiit ni Salazar ng pagkakaiba ng "diyos” sa "anito” sa metodong pang-hermenyutika ng teologong si Jose de Mesa. Makikitang nagkakaisa sina Salazar at de Mesa sa kanilang pagtingin na kailangang bigyan ng higit na diin at pagpapahalaga ang kakanyahan ng mga kalinangan. Nagkakatugma rin ang kanilang pananaw hinggil sa panganib na nabanggit ni Salazar na paghihiwalay ng "sinasagisag” sa "sumasagisag,” bagama’t mas nakabatay ang mga pananaw ni de Mesa sa hermenyutikang Aleman. Ayon kay de Mesa: Language [sie], we must bear in mind, are not labels on reality whieh we ean stiek and remove at will beeause they do not make any difference . . . When we listen to the eulture, then, we should listen to it in [sie] its own terms, that is, in the language with whieh the eulture expresses itself. Foreign eategories imposed on the eulture may inhibit it to speak for itself. (1987, 38) Sa pananaw ni de Mesa'y kailangang "pagsalitain” at "pakinggan” ang mga kultura sa pamamagitan ng masusing pagbibigay-pansin sa mga kategoryang matatagpuan sa pinag-uugatan at umuugat ditong wika. Gayumpaman, bilang isang teologong Kristiyano, naniniwala pa rin si de Mesa sa pangangailangang halughugin o hanapin ang “unibersal” na

26 | P O O K A T Pa NININDIGAN

diwa sa pinakabuod ng kakanyahang pangkultura. Halimbawa nito ang kanyang masinsinang pagpapaliwanag ng pagkakaiba’t pagkakatulad ng mga salita mula sa iba’t ibang kultura na ginamit para sa salitang “salvation" ng kaisipang Kristiyano sa mga katagang m aipantatapat dito sa wikang Tagalog. Nakita niya sa pamamagitan ng masalimuot na paraang sumusuri sa mga kasaklawang semantiko ng mga katagang lumang Griyego atTagalog na ang pinakamalapit na mga salita sa wikang Tagalog ay ang salitang “ginhawa.” Higit sa lahat; nagkakaiba sina de Mesa at Salazar sa pangyayaring hindi nakatuon ang pagsusuri ni de Mesa sa pagbibigay-diin sa "guwang” na humihiwalay sa mga kabuuang pangkalinangan tulad ni Salazar kundi sa posibilidad ng may “paggalang” na paglapit, "pakikipag-usap,” at pakikipagtagpo sa ibang mga kultura. Malalim at napakakumplikado ang napalitawni Salazarna kasaysayan at kasaklawang semantiko ng katagang “himagsikan ” N apatunayan ng kumprehensibong pagsusuri niya na mayaman ang salitang ito sa mga pakahulugang tuwiran at di-tuwiran sa loob ng wika at kulturangTagalog/ Pilipino. Makikita ring may natatangi itong kakanyahang lumilitaw kapag inihambing sa ibang mga salitang may kahawig na pakahulugan ngunit may kakaibang kasaklawang semantiko tulad ng “rebolusyon” [Salazar 1998g, 38-54). Gayumpaman, maraming bagay na dapat isaalang-alang sa ganitong uri ng pagsusuri sa mga penomenong pangwika. Unanguna, kailangang isaalang-alang na habang maraming nadaragdag na pakahulugan sa mga salita ay patuloy ring nababawasan at nababaon sa limot ang ilang pakahulugan nito sa pagdaloy ng panahon (may iba nang nagsabi na “walang alaala ang mga salita”). Napapalitaw na lamang ang maraming pakahulugang makaluma ng mga dalubhasa sa pamamagitan ng metodong espesyalista’t pilolohikal na sumasangguni sa mga lumang diksyunaryo at teksto. Burado na sa kamalayan ng nakararaming indibidwal o pangkat na kasalukuyang gumagamit ng isang salita ang maraming dating nakaugnay ditong pakahulugan na naglaho na sa buhay na paggamit nito sa pananalita at pagsusulat. Talagang may masasabing “istruktura” at “istrukturasyon” ang wika ngunit ang mga ito’y mga istrukturang nakapaloob din sa kasaysayan. Walang alinlangang kaharap kapwa ng tao at ng wika ang bisa ng buhay at kamatayan. Madaling tanggapin ang ganitong palagay maliban na lamang kung kakapit

P O O K | 27

sa irasyunalistang konsepto ng "kolektibong kamalayan” o "alaalang panlahi” na nagpapalagay na nakalimbag sa biyolohikal na pagkatao ang mga alaalang pangwika o kaya pinaniniwalaan ang isang di-nagbabagong “diwa ng lahi” na nakalutang sa ere’t nakapalibot sa mga utak ng mga kabilang sa "lahing” ito. Masalimuot man ang kasaklawang semantiko ng katagang “himagsikan” kapag tiningnan ito mula sa punto de bistang diyakroniko at sinkroniko, kakaiba pa rin ang layunin ng ganitong lapit sa pananaliksik sa larangan at sarbey na empirikal hinggil sa mga pangkasalukuyang gamit at pakahulugan nitong tuwiran at di-tuwiran. Hindi malaki ang pagkakaiba ng maaaring maging lapit nito sa pagsusuri ng anumang salita o kategoryang dating banyaga na "hiniram/’ "inangkin/’ o "inandukha.” Maaaring tingnan dito bilang halimbawa ang katagang inandukha’t inangkin sa wikang Filipino na "rebolusyon.” Makikitang hindi na gaanong mahalaga sa ganitong pag-aaral kung unang naging bahagi ng wikang balana ang salitang "rebolusyon” sa pamamagitan ng tuwirang pagaandukha ng banyagang salita mula sa pang-araw-araw na interaksyon ng mga karaniwang tao sa mga banyagang Espanyol o kung resulta ito ng pag-aandukha mula sa diskursong pandalubhasa ng mga ilustrado at intelektwal. Anupaman ang nangyari, napatunayan ng mismong pagsusuri ni Salazar na pagkaraan ng higit sa isandaang taon na ginagamit sa loob ng wikang Tagalog/Filipino ay nagkaroon na rin ang katagang “rebolusyon” ng sarili nitong kasaklawang semantiko sa loob mismo ng sistemang pangwikang umangkin dito. Sa madaling salita, tulad ng naiibang katagang “himagsikan,” nagkakaroon na rin ito ng talab sa loob ng wika. Nagkakaroon na ito ng bisa sa damdamin at nagiging imbakan na rin ng mga di-tuwirang pakahulugan at mga pangkasaysayang karanasan. Hindi na nakapaloob, at hindi na maaaring ipaloob, ang salitang Pinoy na "rebolusyon” sa orihinal na kontekstong Europeong pinagmulan nito na may kinalaman pa sa pag-ikot ng mga planeta sa araw dahil nasangkot na ito sa isang bagong konteksto at realidad na pangwika at pangkultura. Maaari pa ngang mangyari na malimot na nang lubusan na nanggaling pala ito sa ibang wika tulad ng nabanggit ni Ernest Renan (1990 [ 1882]) sa kanyang teorya ng nasyonalismo at memorya. Hindi sa gayon madaling maintindihan kung bakit sa pagsusuri ni Salazar sa mga nabanggit na akda

28 | P O O K A T P a N IN IN D IG A N

ay tila inaangkla pa rin niya ang Filipinong “rebolusyon” sa kasaklawang semantiko ng orihinal na terminong Kanluranin. Taliwas ito sa mismong sinulat ni Salazar: Borrowing is a bilateral, uni-direetional irreversible relation starting and terminating in a reeipient linguistie system . . . The donor language is always passive and ean have no influence on the forms it parts with. (1998e; 52-53) Maaaring sabihin ng isang tao ang pariralang “nagrerebolusyon na ang aking tiyan!” nang walang anumang pagkamuwang sa buong masalimuot na istruktura ng pagpapakahulugan na maiuugnay rito ng isang Kanluraning pilolohista o ng isang Pilipinong intelektwal na may malalim na pagkaunawa at pakikisalamuha sa kabihasnang Kanluranin tulad ni Salazar. Nailahad na sa tulong ni Salazar ang kumplikadong kasaklawang semantiko ng “revolution” ng mga Amerikano at Europeo (tingnan din, halimbawa, ang Griewank 1992; Bender 1977; Raehum 1999) na kanyang pinag-iiba sa kasaklawang semantiko ng “himagsikan” ngunit higit na interesante sanang malaman kung ano ang kasaklawang semantiko ng “rebolusyon” sa loob ng wika at kontekstong Pilipino at kung ano ang kaugnayan nito at pagkakaiba sa kasaklawang semantiko ng katagang“himagsikan” sa loob din ng konteksong ito. Mahalaga sanang malaman at matukoy kung paano nga ginagamit sa pang-araw-araw na pananalita ng mga tao sa kasalukuyan ang mga salitang “himagsikan” at “rebolusyon” (gayundin kung ano ang mas madalas gamitin sa dalawang ito) at matiyak ang naging mga daluyan ng transmisyon at pagpapalaganap nito sa kamalayan at wikang Filipino upang malaman din ang naging proseso at resulta ng "pagtanggap” o “resepsyon” ng mga kataga at kaisipang ito. Kapansin-pansin, bilang halimbawa, na sa makasaysayang balagtasan nina Jose Corazon de Jesus at Amado V. Hernandez ay pinagpapalit-palit lamang ng dalawang makata ang “himagsikan” at "rebolusyon” bilang magkasingkahulugang salita (Torres-Yu 1986). Nararapat ding tingnan kung ano nga ba ang pagkakaiba (kung talagang mayroon nga) ng “praktika” ng isang taong nagsasabing "naghihimagsik” siya sa isang taong nagsasabing siya’y “nagrerebolusyon.” Mas “mabagsik”

P O O K | 29

ba ang "naghihimagsik” kaysa isang "nagrerebo’? Nagbabago ba ang praktika kapag nagbabago ang salita? Totoong ang pag-aaral sa wika at mga pakahulugan ay mga gabay at pantulong lamang sa pagsusuri ng realidad pangkalinangan at panlipunan at hindi ang simula’t katapusan ng anumang pag-aaral. Habang kinikilala ang wika bilang mukha ng kalinangan at panlipunang karanasan, hindi talaga masasabi na ang anumang penomenong wala sa wika ay wala na rin sa panlabas na realidad, gayundin na ang matutuklasan sa wika ay talaga na ngang umiiral "sa labas” ng wika. Bilang halimbawa, wala mang makikitang matinding pag-uuri-uring pangkasarian sa loob ng wikang Filipino tulad ng makikita sa wikang Ingles o ibang wikang Europeo ay hindi pa rin ito patunay na walang pang-aapi at pandarahas na dinaranas ang kababaihan sa lipunang Pilipino. Ayon nga kay Quindoza-Santiago: Mangyari pa, ang mga obserbasyong ito ang siyang ginagamit bilang patibay na hindi lantarang seksist o misogynous ang wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas . . . Kung ang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay di nagbibigay ng leksikal na batayan para maging seksist, maaari pa bang magkaroon ng diskursong patriarkal sa panitikan? Ang sagot dito'y maaari. Pagkat karaniwang ang pagpapakahulugan sa maraming pangngalan kahit walang takdang kasarian ay lalaki o panlalaki. (1997, 46) Lumilitaw sa kamalayan sa pamamagitan at pamamagitna ng wika ang panlabas na daigdig "sa labas” ng sariling materyalidad ng wika ngunit masasabing may sarili rin itong katotohanan at pag-iral na hiwalay at hindi lubusang maipag-iisa sa gawain ng pagwiwika at/o pagmamalay. Ang kinauukulan ng isang wika ay ang mga tagapagsalita ng wikang iyon, ngunit ang lahat ng mga magkakaibang wika ay nauukol lamang sa iisang panlabas na daigdig na pumapahgid sa sangkatauhan. Hindi nararapat ikasawi ng daigdig ang makaisangpanig sa pagbibigay-halaga sa wika.12 “Nagmemeron” ang mga bagay na talagang naririyan sa pamamagitan ng wika at hindi ang wika ang nagmemeron sa pamamagitan lamang ng mga “bagay.”13 Narito ang ilang kaisipang "materyalista” mula kay Ferriols (1994):

30 | P O O K A T P A N I N I N D I G A N

Samakatuwid, kapag binigkas ko ang meron, hindi ang konsepto ang binibigkas, kundi ginagamit ang konsepto upang itukoy ang isang talagang umiiral, talagang meron at nagmemeron. Ang tinutukoy ng konsepto ay hindi konsepto. At ang pag-uunawa ko sa tinutukoy na konsepto ay umaapaw sa konsepto. Sa aking pag-uunawa ay kumakapit ako sa mismong meron at sabay tumatalab sa at tinatablan ng meron. (5) Kapag nalimutan ko ito, gagawin kong sentro at batayan ng aking buong pag-iisip at pagmumuni-muni—ang konsepto at mga sistema ng konsepto. Malilimutan ko na ang konsepto at ang aksiyoma ay nakaugat sa aking pagmumulat at pakikipagtagpo sa meron. Hindi ko mapupuna na higit sa konsepto’t umaapaw sa aksiyoma ang meron. Ituturing ko na sistema ang talagang nangyayari at talagang totoo ... Maaring mangyari na talagang sistema na lamang ang gawin kong katotohanan ko. Sa ganitong paraan, maaring mayroon pa akong anyo ng taong gumagalaw sa meron, ngunit sa katotohanan, pinutol ko na ang kaugnayan ng aking sistema sa meron, at sistema na lamang ang aking kinagagalawan. (18) Ano ba ang potensyal sa pagpunta ng tao sa buwan? Itutugon ko: Ito ang pagkamaaaring magpasabuwan ng tao, at sakop dito: ang mga materyal sa daigdig, ang mga bisang umiiral sa sanlibutan, ang untiunting pag-ipon ng mga tao ng mga kaalaman at galing sa paggamit sa mga nasabing materyal at bisa, ang tamang pangingilatis na ngayon meron nang sapat na kaalaman at galing. (45) Ikalawa, dapat ding maingat na pag-ibahin ang masalimuot na kasaklawang semantiko ng katagang “himagsikan” na nakalubog sa pang-araw-araw na pagwiwika ng mamamayan sa maaaring maging gamit-syentipiko nito bilang pantukoy sa iba’t ibang penomenong inihahalintulad o iwinawangis dito. Kapag isinaalang-alang ito, makikitang maaaring mapakitid at mapalapad ang mga hangganan ng depinisyon ng “himagsikan” upang magamit itong pantukoy sa maraming iba pang uri ng penomeno na iniuugnay o may kaugnayan dito (“pagbibinyag”). Gayundin ang kaso sa halimbawa ng katagang “rebolusyon” na maaaring gamitin ng mananaliksik sa anumang pamamaraang pinahihintulutan ng maingat na pagtatakda ng pakahulugan nito. Nakatitiyak na may mga antas ng pagkakaiba

P O O K | 31

at pagtatagpo ng mga katangian at ng mga nilalaman ng dalawang konsepto kung di man ng mismong kasaklawang semantiko ng “himagsikan” at “rebolusyon.” Gayumpaman, walang anumang suliranin at walang anumang kalituhang ibubunga ang paggamit sa dalawang salitang ito bilang magkasingkahulugang termino sa loob ng isang talastasang syentipiko. Sa katunayan, hindi rin gaanong nalalayo sa pinakapayak na pakahulugan na maaaring ibigay ng isang Pilipinong mag-aaral o syentista ng lipunan sa salitang “rebolusyon” ang mga lumilitaw na pagpapakahulugan ni Salazar sa “himagsikan” bilang (1) “Paglabas mula sa isang kinalalagyan/kinasasadlakan (gitna) at ang pagalis sa/paglisan sa isang kalagayan (sa ibaba ng gulong ng kaapihan/ kagipitan, halimbawa) na hindi na matiis o mapapayagang magtagal pa”; (2) “Bahagyang pagpapakita ng kabagsikan at, sa indibidwal man at sa bayan, nagdudulot ito ng kagalingan, ang kaginhawahang bumubukal sa kinalalabasang eatharsis.”14 Hindi kailanman masasabing walang anumang orihinalidad at kakanyahan ang mga rebolusyong Ruso, Kubano, Tsino, at Byetnames ngunit hindi rin masasabing walang maaambag sa kaalaman ang mapaghambing na pag-aaral hinggil sa magkakahawig, magkakawangis, at magkakaugnay na mga penomenong ito. Hindi tuwirang nangangahulugan ang paggamit ng salitang “rebolusyon” bilang terminong pantukoy sa maraming magkakaibang penomeno na kagyat nang nalulusaw ang kakanyahan ng bawat isa sa mga ito sa harap ng isa’t isa. Pinagdidiinan sa dalawang punto sa itaas na sa partikular na isyu ng salitang “rebolusyon” ay kailangang isaalang-alang palagi ang dalawang dimensyon ng “pag-aandukha” sa loob ng wika ng balana at ang “pagaangkin” sa antas ng talastasang intelektwal. Nagbabago kapwa ang paksa at ang metodo ng pag-aaral sa dalawang prosesong ito. Hindi wasto ang pagpapalit-palit ng maluwag na pakahulugan ng mga salita sa ordinaryong wika at ng mas arbitraryo at artipisyal na pakahulugan ng mga wikang syentipiko. Higit pa rito, kailangang mailinaw kung nararapat ihanay ang salitang “rebolusyon” sa mga salita/dalumat na tila “likas na banyaga’t Kanluranin” o kung tatanggapin ang realidad at katotohanan ng pagkaandukha na nito sa mga wika at talastasang Pilipino bilang pangkasaysayang penomeno.

32 I P O O K A T P A N I N I N D I G A N

Lumilitaw ang ilang suliranin sa lapit ng PT dahil sa pagsusumikap ni Salazar na malimita ang mga hangganan ng aplikasyon ng ilang piling konsepto ng kanyang binubuong metalinggwahe doon na lamang sa loob mismo ng kalinangang orihinal na pinagmulan/pinag-ugatan ng mga ito. Halimbawa nito ang salitang "rebolusyon” na tila perm anente niyang itinatali sa kontekstong“Kanluranin." Kaalinsabay nito’y lumilikha rin siya ng napakatinding balakid sa pagbuo kahit ng sariling "talastasang um uunat papalabas" na makasasaklaw ng mga magkakawangis na penomeno na nasa labas ng sariling larangang pangkultura. Halimbawa nito ang salitang "himagsikan" na tila permanente at eksklusibong nakaangkla sa kontekstong Pilipino. Iginigiit niya ang kakanyahang pangwika't pangkalinangan ng dalawang katagang "himagsikan" at "rebolusyon" sa pamamagitan ng malalimang pagsusuri sa kasaklawang semantiko sa mga aspektong sinkroniko at diyakroniko, gamit-pantalastasan at gamit-pangaraw-araw, sa loob ng pinagmulang mga pook pangkalinangan ng mga ito. Binibigyang-diin niya ang malalim na pagkakaiba at di-matatawarang kakanyahan ng dalawang magkaiba at maituturing na di-magkatugma at di-maipagtutugma na kabuuang semantiko ng "himagsikan" at “rebolusyon,” hindi lamang sa wika kundi pati na rin sa nababanaag na "praktika.” At dahil napatunayan niya diumano na kapwa magkakaibang penomenong panlipunan ang dinadalumat at tinutukoy ng "himagsikan" at "rebolusyon,” ipinapalagay niyang nararapat lamang maglagay ng mahihigpit na hangganan sa pagitan ng dalawang salitang ito na hindi na maaaring pagpalit-palitin dahil magiging sanhi lamang ng "kalituhan.” Tila tinatanggihan sa ganitong paraan ang posibilidad na maaaring makapagbuo ng mga talastasan o pagpapakahulugang papalabas at mapaghambing sa pagitan ng magkakaibang wika at kultura. Ganito talaga ang magiging resulta kapag nililimita ang gamit-pantalastasan ng isang kataga sa loob ng mga hangganan ng pinag-uugatan lamang nitong kalinangan. Hindi na magagamit ang "himagsikan" sa mga teksbuk sa kasaysayan upang tumukoy sa "Himagsikang Pranses” o "Himagsikang Amerikano" (sa kabila ng talagang paggamit ng ganitong mga parirala sa mga teksbuk) at hindi na rin maaaring pag-usapan ng mga Pilipino ang "Rebolusyong Pilipino" kahit totoong ginagamit ang mga pariralang ito sa pagkarami-raming akda. Alinsunod kay Salazar; lahat ng ito'y

P o o K I 33

mga sintomas lamang ng pangwika at pangkulturang pagkawindang. Napakalayo sa ganitong pananaw ang makikita sa sumusunod na sipi mula kay Emilio Jacinto: "Ang tawo'y magkakapantay”—sinabi ng mga amang mairogin ng Sangkatawohan; at ang sabing ito ay tumalab hangang sa kaibuturan ng puso. Ang ulong may putong na eorona ni Luis XVI ay nalaglag; maraming eetro ang nanginig sa kamay at umuga ang luklukan ng mga hari . . . (Salazar 1999, 93-94) Makikita sa sipi sa itaas na ipinapalagay ni Jacinto na batayang kaisipan ng "himagsikan” sa Pilipinas at “rebolusyon” sa Pransya ang paggugumiit ng pagkakapantay-pantay ng tao mula sa punto de bistang pang-"sangkatawohan.” Ito para sa kanya ang mas malalim na pagkakatulad ng himagsikang Pilipino at ng rebolusyong Pranses na nagpahintulot sa kanyang tukuyin ang huli sa pamamagitan ng pagbanggit ng pagpugot ng mga rebolusyonaryong Pranses kay Luis XVI bilang isang hakbang sa pagkamit ng "pagkakapantay-pantay” na ito. Mapapansin ditong walang nakitang problema si Jacinto sa paghahambing ng pakikibaka ng mga mamamayan ng Pransya noong ika-18 dantaon at ng Pilipinas noong ika-19 na dantaon. May kaunting ironya pa nga rito sapagkat itinuturing ni Salazar na kumakatawan ng "taal” na kaisipang Pilipino ang sanaysay ni Jacintong naglalaman ng siping ito. Gayumpaman, ang pangunahing layunin ni Salazar sa pagbubuo ng ganitong bifurkasyon o dualismong konseptwal ay upang matatag bilang paksain ang binansagan niyang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan. Pinagdidiinan ni Salazar sa ganitong iskema na hindi dapat tingnan bilang mga bahagi ng iisang kontinuum ang pakikibaka nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo kundi bilang nagkakasalungatang tunguhing pangkasaysayan na nangangailangan ng masalimuot at malinaw na anyong konseptwal upang maipaliwanag at maibalangkas nang maayos. Ipinapalagay niyang dapat gawin itong "paglilinang ng kahulugan ng mga terminong ginagamit sa magkabilang panig” (1998g, 87) kaugnay ng "ilang mga dalumat na karaniwan nating ginagamit nang walang pagtitiyak o katiyakan” (1998g, 17). May tunay na mga batayan ang ganitong mga pananaw pangkasaysayan na

34 | P O O K A T PA N IN IN D IG A N

tum utungo sa konseptwal na bifurkasyon. Gayundin, walang anumang masasabing problema sa pagtatakda at pagbibigay (at hindi lamang pagpapalitaw) ni Salazar sa loob ng naturang iskema at sa loob ng kanyang sariling diskurso ng pinatalas at pinakitid na mga pakahulugan sa mga katagang “rebolusyon” at “himagsikan.” May ilang bagay lamang na dapat isaisip kaugnay nito. Hindi madaling maipapataw ang espesyal at teknikal na mga pakahulugang ito sa napakadulas at may sariling dinamismo na pang-araw-araw na pananalitang pambalana. Hindi dapat malito at isiping ang talastasang pandalubhasa ay walang pagkakaiba sa wikang pang-araw-araw. Halimbawa nito ang konsepto ni Salazar ng “rebolusyon” na diumano’y itinaguyod ni Aguinaldo upang mabuo ang minimithing “nasyon” ng mga elite. Nangangahulugan ba na dahil lamang naitakda na ni Salazar ang konsepto ng "rebolusyon” sa kanyang mga sanaysay at pag-aaral bilang kasalungat at kabaligtad ng kanyang konsepto ng “himagsikan” ay maaari nang walang pakundangang maipaloob sa buong pangkasaysayang tunguhin at pananaw ni Aguinaldo ang sinuman at alinmang kilusang bumibigkas ng salitang “rebolusyon” noon at ngayon? Malinaw na hindi, sapagkat ang espesyal na pakahulugan niya ay pakahulugan lamang niya. Hindi rin wastong ilapat ang ganitong mga limitadong pakahulugan sa mga nakaraan at kasalukuyang mananaliksik at teorista na hindi nagtakda ng ganitong limitado at teknikal na gamit sa mga salitang ito. Hindi mapipilit sa naiibang mga talastasang ito ang mas limitadong pakahulugan ng “rebolusyon” kung ang takdang-gamit ng m anunulat ay mas masaklaw o mas makikitid pa kaysa rito. Kung titingnan ang halimbawa ni Lope K. Santos, malinaw na sa kanyang sariling talastasang syentipiko’y walang pagkakaiba ang “himagsikan” at “rebolusyon” kung kaya’t walang masasabing kalituhan ni pagkakamali sa paglitaw ng ideya ng “Rebolusyon ng 1896” sa sumusunod na sipi: Ang tunay na kapangyarihan ng bayan ay nakikita lamang kapag may Paghihimagsik [Revolucion), na ang pamunua’y siyang kinakalaban at iginuguho. Hindi makikilala ang tunay na bayang pranses kundi sa kanyang pagkakapaghimagsik noong 1789. Hindi matatanyag ang bayang amerikano, kundi sa kanyang paghihimagsik noong 1774.

Po

o k

| 35

Hindi rin ang bayang pilipino, kundi nang taong 1896 na magbangon at humiwalay sa Espanya. At ngayong mga panahong ito; ang tunay na kapangyarihan ng bayang ruso, ay hindi pa makikilalang lubos ng Sansinukob, kundi sa paghihimagsik ng kanyang mga tunay na taongbayan [Revolucion sodal). (Salazar 1993; 244) Masasabi bang tuwirang “mali" o "nalilito” ang isang syentistang panlipunan na bumabanggit sa "Rebolusyon ng 1896" na hindi isinasaalang-alang ang kanyang sariling depinisyon ng katagang ito? Bahagi ang ganitong paglilinaw ng pag-usad ng mga tunggalian sa agham panlipunan mula sa mga walang saysay na bangayan hinggil sa diumanong "tama" o "mali" na gamit ng mga salita tungo sa esensya ng mga usapin. Hindi wasto ni makatarungan ang pagpapataw ng sinumang teoristang panlipunan ng kanyang espesyalisadong terminolohiya sa buhay na wika ng balana at/o sa espesyalisado ring terminolohiya ng ibang mga tunguhing pang-intelektwal.

III. Ang Konsepto ng "Kalinangang Pambatisa” Naniniwala ang mga nagtataguyod ng "nagkakanya-kanyahang kakanyahan" na may mahigpit at hindi matatawid na mga hangganan sa pagitan ng mga kultura na hindi nagpapahintulot ng anumang paghahambing o pagdaloy ng kaalaman sa pagitan ng mga kultura. Batayang prinsipyo ng ganitong relatibistang lapit ang ideya na walang anumang konseptong maaaring sumaklaw kahit sa mga "magkakawangis"("magkakamukha,V"magkakatulad”/"magkakawangki") na mga penomeno mula sa magkakaibang kultura. Hindi, sa gayon, maaaring paghambingin ang mga penomenong matatagpuan sa loob ng magkakaibang kalinangan dahil sa pagkaabsoluto ng kakanyahan ng bawat kalinangan. Hindi rin; sa gayon; maaaring gumamit ng mga konsepto at katawagang nagmumula sa magkakaibang pook pangkalinangan upang maliwanagan hinggil sa isa't isa. Ang sariling mga konseptong likas sa bawat kultura ang sapat na makapagpapaliwanag at makapagpapaunawa ng mga kalinangang ito. Tinitingnan ditong nakasalalay ang kakanyahan ng bawat kalinangan sa masalimuot na

36 | P O O K A T P A N I N I N D I G A N

praxis na pangwika at di-pangwika na isinasabuhay ng baw at kasangkot at kabahagi nito; isang bagay na lubos na tiwalag at ubod nang layo sa damdamin ng sinumang "nasa labas” at hindi dumaranas ng ganitong buhay na praxis. Malinaw ang pag-iral ng ganitong tendensya sa pagiisip ni Salazar at sa mga sulatin niya hinggil sa PT. Binigyang-pansin ito ni Enriquez (1994b, 46), 'T h e eredit for the controversial and unabashedly 'em ie’ version of the pantayo perspective belongs to the French-trained historian Salazar.” Sa kabilang banda naman, makikita sa "unibersalismong hungkag” (na sa katunayan ay kum akapit lamang sa mapagpanggap at huwad na unibersalismo) ang tuwirang kabaligtaran ng sagad-sagarang relatibismo. Binabalewala ng ganitong pananaw ang anumang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga wika-at-kultura at naniniwala sa kawalang-suliranin ng anumang pagsasaling-wika’t kultura. Alinsunod dito, masasabi na sa katunaya’y hindi lahat ng penomenong pangkultura ay maipapaliwanag sa pamamagitan lamang ng pag-uugnay ng mga ito sa mga antas pang-ekonomiya na kanilang sinasalamin diumano. May mahahalagang pagkakaiba, halimbawa, ang maituturing na "kulturang pyudal” sa Pilipinas sa "kulturang pyudal” ng ibang mga kasaysayan at karanasang pambansa kahit mapasailalim ang mga ito, sa pamamagitan ng syentipikong proseso ng abstraksyon na umiinog sa nosyon ng "moda ng produksyon,” sa iisang terminong "pyudal” lamang.15 Ang isang usapin na maaaring nagiging sanhi ng pagtanggi ng ilang unibersalistang intelektwal sa kahalagahan at katunayan ng "kakanyahang pangkalinangan” ay ang hindi malinaw na paglalahad ng mga yunit ng pagsusuri na tinutukoy rito. Kung sa usapin ng kalinangan o kultura, masasabing ang pinakamaliit na yunit na may kabuluhan ay yaong mga pangkat na may sariling wika at kakanyahang pangkultura. Tinatawag ang ganitong kabuuang panlipunan na ethnos. Magkaiba ang kabuuang nakikita sa ethnos sa kabuuang tinataglay ng bansa. Ayon kay Salazar: Ang totoo, wika at ang napapaloob at kinapapalooban nitong kultura ang bumubuo ng tinatawag na ethnos sa Griyego o Volk sa Aleman, na ang ibig sabihi’y isang bayan o pamayanan (komunidad) na may

Po

o k

| 37

pagkakabukod dahil sa sariling wika at kultura. Sa ganito’y malapitlapit ang "etnikong” pagkakaugnay na ito ng wika at kultura ng isang kahawig na konsepto na maaaring mas malawak o mas makitid ang saklaw. Ang tinutukoy na konsepto ay ang "nasyon” o “bansa” na siyang pagkakabuo sa kasaysayan ng isang kulturang ipinapahiwatig ng iisang wika sa loob at sa bisa ng isang estado . . . ang ethnos o bayan (bilang kabuuang may sarili at natatanging wika at kultura} ay isang umiiral na lamang na pagkakultura, samantalang ang bansa ay isang nabubuklod na kabuuang pangkultura na resulta ng isang pagsulong sa kasaysayan na humahantong sa pagkabuo ng isang estado.16 (1972, 54-55) Tunay na umiiral ang ethnos bilang isang paksa ng pagsusuri. Gayumpaman, hindi ganap na maihihiwalay ang bawat grupong etniko sa mga katulad nito at nalalapit ditong mga grupong etniko. Kailangang ilugar ang bawat grupong etniko sa mas malalawak na yunit ng pagsusuri upang ganap itong maunawaan. Ang susunod na higit na kumplikadong antas na ito ay ang malalawak na "larangang pangkalinangan” (Kulturkreis/ aire culturelle)]7 na sumasaklaw sa mga grupong etnolinggwistikong may tinataglay na iba't ibang baitang ng pagkakalapit at pagkakahawig sa isa’t isa (Salazar 1998a, 1998b, 1998c). Ipinapalagay nito na mula sa relatibong pagkakatulad sa loob ng lumalawak na mga larangang pangkalinangan ay nagkaroon ng mabagal na prosesong pangkasaysayan ng "pag-iiba-iba.” Nagiging posible ang pagsasakasaysayan ng ebolusyon ng mga grupong etniko dahil sa mas pangkabuuang konsepto ng larangang pangkalinangan. (Halimbawa ng aplikasyon nito ang pagpasok ni Salazar [1974] ng panahong Austronesyano sa kasaysayan ng Pilipinas.) Nasa ibang hanayan ng pagsusuri ang ethnos sa yunit ng pagsusuri na "bansa” dahil higit na pulitikal (pang-estado) ang batayan ng huli kaysa pangkalinangan. Tuwirang tinatanggihan dito ang palagay ni Salazar (1973) na "ang konsepto ng nasyon” ay "isang bagong tipo ng pagiging isang kabuuang etniko” at ang kanyang palagay na "karamihan sa ating mga problema sa kasalukuyan ay bunga ng di pagkakaintindi o dili kaya ng di tahasang pagtanggap ng baitang na ito ng pagkakultura-at-lipunan, isang pambansang ethnos.” Habang maaari ngang nagsimula ang pagkakabuong pambansa sa pamamagitan ng pag-unlad at paglawak ng mga istrukturang estado mula

38 | P O O K A T P a N I N I N D I G A N

sa mga kaayusang pampulitika at pang-ekonomiya na dating nakaugat sa kaisahang etniko, bagay na sinuri at isinakasaysayan ni Salazar bilang "estadong etniko,” hindi ito nangangahulugan na pangunahing nakabatay sa penomeno ng kaisahang etniko ang pagkakabuo ng estadongbayan.18 Sa katunayan, karaniwang sumasaklaw ang mga hangganan ng isang bansa bilang isang pampulitika at pang-ekonomiyang entidad sa maraming magkakaibang grupong etniko at pangwika. Sanhi nito’y nagkakaroon tuloy ng problema ang simplistikong pagkaunawa sa mga konseptong tulad ng "pambansang kalinangan” at "kulturang Pilipino.”19 Kung mayroon mang ganito, tulad ng"pambansang wika” (na maituturing na bahagi nito), isa itong bagay na malay na pinapaunlad, kinakalinga, at binubuo ng mga kasaping bum ubuo ng pamayanang pambansa. Sa pinakaideyal na sitwasyon, mabubuo ito sa pamamagitan ng buhay na pakikisangkot at masiglang pagtutulungan ng magkakaibang panlipunang pangkat at pamayanang etniko na bum ubuo sa malawak na hanay ng sambayanan. Hindi matatagpuan ang isang "pambansang kalinangan” na kusa na lamang umiiral tulad ng masasabing pagkakatagpo sa penomeno ng pagkakultura ng etnisidad; sapagkat natatatag at "nabubuo” ang "kabansahan” sa pamamagitan ng pagsasalimbayan, pagtatagpuan, at pagtutunggalian ng mga institusyong pangkapangyarihan ng estado at ng mga kilusang pampulitika at institusyon na hindi bahagi ng estado at/o maaaring kontra-estado pa nga, masasabing may malaking papel ang malay na interbensyong pampulitika sa "pagbubuo” ng pambansang kultura. Nangangahulugan ito ng aktibong pagpili, pagpapahalaga, pagpapayaman, pangangalaga, at pagpapalaganap ng mga "itinuturing” (natural, mula sa mga partikular na punto de bista) na mga natatangi at pinakamahalagang penomenong pangkultura na matatagpuan sa mga grupong etnolinggwistiko at panlipunan na nakapaloob sa saklaw ng bansa. Lalong importante ang ganitong gawain ng pagbubuo ng pambansang kultura para sa mga bayang dumaan at dumaraan sa isang karanasan ng pagpapasailalim sa kapangyarihang kolonyalista at imperyalista dahil ang sariling mga wika at kultura ay mayayamang batis sa proseso ng paggugumiit ng sarili at pagkasarili. Mayayamang batis ang mga ito, sa gayon, sa pagkamit ng tunay na kasarinlan ng isang bansa.

P O O K | 39

Gayumpaman, ang isang negatibong tendensya ng konsepto ng "pambansang kultura," lalong-lalo na sa partikular na mga karanasang pinagdaanan ng Pilipinas, ay maaari itong maging isang instrumento ng estado sa paghiwalay at pang-api sa ilang grupong etnolinggwistiko at panlipunan sa loob ng bansa. Ani Salazar, "Ang papel na ito ng wika sa pagpapalaganap ng pagkakultura ng isang bansang-estado ay mapapansin din sa negatibo nitong aspekto, sa konsepto ng 'irredentismo', ang pagsasangkot at pulitikal na paggamit sa natural na hangarin ng bawat kabuuang kultural na hindi lamang mamalagi kundi umusbong pa nga at lumawak” (1972, 57). Lalo’t higit pa, nagsisilbi rin ang kaakibat nitong konsepto ng “homogenous” na “pambansang kalinangan” o “batayang pangkalinangan”bilanghaligingpangkapangyarihanatmakapangyarihang alamat na nagbibigay lehitimasyon sa mga naghaharing uri at ng iilang may hawak sa kapangyarihang pang-estado.20 Sa ganitong kaayusan, nagkakadahilan ang estado na itaboy o apihin ang mga tao o grupong ipinapalagay nitong lumilihis sa kaugalian o kulturang pinapalaganap nito na dium ano'y “tinatanggap ng lahat” bilang esensya ng kanilang pagkamamamayan. Dahil nakasalalay ang tunggaliang pang-ideolohiya sa tunggalian sa mga pakahulugan ng mga salita sa loob ng isang pamayanang pangwika, ang paggugumiit at pagpapataw n g “mauunawaan ng lahat” na mga pakahulugan ay isang pamamaraan upang mapatahimik ang mga kasalungat na tinig sa lipunan. Sinulat nga ni Samson hinggil dito: Existing soeial arrangements are sustained by a set of established dehnitions.These dehnitions provide ways by whieh sueh arrangements are cxplained or justified. The basie strueture of soeiety is maintained when its legitimaey is established . . . The transformation of soeiety, thcrefore, involves the questioning of established dcfinitions and the ereation of new dcfinitions of soeial reality. The legitimaey bestowed upon oppressive soeial arrangements have to be shattered to pave the way for their dissolution. (1990, 373) Ihambing ito sa sinulat ni Mareos: All of us must beeome part of an irrepressible movcment to rediscover a truly Filipino eulture. No one must be spared in the drive to mold,

40 | P o o k

at

Pa n i n i n d i g a n

out of the diversity of expectations and oudooks, a unified Filipino eonseiousness. (1983, 88) Mabigat ang implikasyon ng "no one m ust be spared" na ito. Hindi tinatanggihan ni Salazar ang posibilidad ng tunggaliang ideolohikal sa loob mismo ng iisang pagkawika-at-kalinangan ngunit hindi niya ito ituturing bilang isang tunggalian mismo sa pagbibigay-pakahulugan sa mga salita kundi bilang isang tunggalian sa pagitan ng mga nagkakaintindihan sa pakahulugan. Salungat sa pahayag na ito, maaari ngang mangyaring hindi magkaiba ang wika ng mga magkatunggaling bahaging panlipunan pero hindi ito nangangahulugan na hindi maaaring maging "iba ang pagkakaintindi (pakahulugan)” ng mga nasasangkot sa usapan. Kahit pa sa "pagpapakahulugang panloob” ay hindi iisa kundi marami’t sari-sari ang mga pakahulugan ng mga salitang maaaring lumitaw at napapalitaw. Sa mga ito’y merong mga namamayani at pinamamayanihang mga pakahulugan. Malabo sa gayon ang konsepto ni Salazar ng tunggalian ng mga nagkakaunawaan sa pamamagitan ng iisang "eode” lamang. Sa halip nito ay dapat tanungin: Pagkaunawa nino? Sinosino ang nagkakaunawaan? Sino-sino ang ayaw makipag-unawaan? Sino ang nagsasabing nagkaunawaan na nga? Nagkaunawaan na ba talaga? Nagkakaintindihan ba sila hinggil sa kanilang di-pagkakaintindihan o hindi sila nagkakaintindihan sa kanilang pagkaintindi? Nasa ganitong diwa ang mga obserbasyon ni Hau (2000) sa obra ni Salazar na nangangailangan pa ng "thorough examination of the ways in whieh linguistie exchanges express and reproduee relations of power and soeial divisions” (20-22). Sa likod ng mitolohiya ng iisang kahulugan at kalinangan para sa lahat ay nakakubli ang papel ng mga naghaharing-uri na may hawak sa sentralisadong kapangyarihang pang-estado sa pagtatakda, alinsunod sa kanilang makitid na interes, ng kung ano ang "katutubo’t taal,” kung ano ang "wastong kahulugan” ng kodigong panlahat, kung ano ang tunay na "maaangkin” mula sa ibang bansa, at kung ano ang maituturing na nakapipinsalang "banyagang kultura” na dapat iwasan at itakwil ng mamamayan. Kahalintulad ito ng pamamandila ni Mareos ng "pambansang kultura” sa ilalim ng kanyang diktadura na kinakitaan ng walang pakundangang pagsasamantala sa mga lumang tradisyon

P O O K |41

ng Pilipinas kasabay ng walang habas na armadong panunupil sa mga grupong etniko at uring anakpawis na nakikibaka para sa kanilang mga karapatan at kagalingan. Sa pamamagitan ng pag-uugat niya ng mga istrukturang pampulitika ng diktadura sa mga matandang tradisyon ng pam um uno sa Pilipinas—halimbawa, ang“barangay”—nailalayo niya ang umiiral na kaayusang pampulitika sa kritisismo dahil nagiging bagay ito na nararapat tanggapin ng lahat ng mga Pilipino bilang pangkulturang tadhana nila. Makikita sa sumusunod na sipi kung paano itinuring ni Salazar ang mga diktadura nina Mareos at Suharto sa Indonesia bilang mga pagbalik at pagtuklas muli sa mga sinauna at taal na istrukuturang pampulitika habang "kinaliligtaang” banggitin ang pagpatay ng daandaanlibong komunista sa Indonesia at ang brutal na militarisasyong naganap sa Pilipinas kapwa sa tulong ng "mapagkawanggawang” Estados Unidos. Ani Salazar: May kinalaman ba ito sa katangian ng mga humigit kumulang reaksyonaryong mga estado ng lkatlong Daigdig kung saan matatagpuan ang mga elementong komon sa buhay pampulitika at mga konseptong pang-estado ng tatlong pangunahing bansa ng nusantaryanong daigdig? Gayumpaman, hindi lamang magkakalapit kundi unti-unting lalong nagiging magkakahawig ang mga rehimeng lumitaw noong 1965 sa Indonesia at sa Pilipinas, naiimpluwensyahan nila ang isa't isa sa maraming antas.21 Naikukubli ng ganitong pahayag ni Salazar ang madugong kasaysayan ng tinatawag niyang “Nusantaryanong Daigdig.”Nagkakaroon tuloy, mula sa punto de bistang pangkalinangan, ng isang anyo ng lehitimasyon ang mga rehimeng ito. Mahalagang ihambing ang ganitong uri ng pangangatwiran sa mga pananaw (diumano) ni Mareos hinggil sa "barangay.” Ayon kay "Mareos”: The barangay is not the restoration of an aneient politieal institution, but the basis of a new institution whose origins are indigenous to our raee. It is truly Asian in that the Indonesians and the Chinese, for example, have similar institutions whieh have been adapted to their present needs.22 (1973, 173)

I

4 1 | P O O K AT PA N IN IN D IG AN

Dagdag pa: The national synthesis is at present being effected through "Constitutional Authoritarianism’’ whieh, while being a novel idea and praetiee based on Western jurisprudence, really harks baek to the one outstanding indigenous element of aneient Philippine soeiety, the barangay. (1975, 54) Halimbawa ang mga siping ito kung paano maaaring maging instrumento ng lehitimasyong pangkapangyarihan ng naghaharing uri ang tinatawag na “pambansang kalinangan.” Imbes na maging mapagpalayang batis ng pagkamalikhain ng mamamayan, nagiging mitolohiyang mapanupil at walang buhay ang kultura, at sapagkat "mitolohiya,” hindi nila maaaring punahin o baguhin, tulad na rin ng kanilang lipunan. Imbes na nagiging larangan ng mga pagka-maaari at lagusan ng pagmimithi ng sambayanan, nagiging bilangguan ang kultura na nagtatakda palagi ng mga pagbabawal at hangganan. Ang anumang “pambansang kalinangan” na itinataguyod ng estadong nasa kamay ng mga naghaharing uri ay laging tum utungo sa pagkaalamat at pagiging instrumentong ideolohikal ng lehitimasyong pangkapangyarihan sa ibabaw ng mga pangkat panlipunan na isinasantabi’t binubukod at ng mga uring panlipunang pinagsasamantalahan at inaapi. Lalong lumalala ang ganitong tendensya habang tumitindi ang antas ng paggamit ng estado ng iba't ibang mga metodo ng tuwiran at di-tuwirang represyon laban sa mamamayan. Kaugnay ng paksang ito, maaaring balikan ang pinakasustenidong paggamit ni Salazar sa kategoryang “uri” sa isang maagang sanaysay ng taong 1971 na pinamagatang “Ang Pagtuturo ng Kasaysayan sa Pilipino” (1997b, 15-21). Masasabing mahalagang yugto rin ito, kahit na mukhang napakaikli, sa ebolusyong intelektwal ni Salazar tungo sa higit na pagtutugma-tugma ng mga elemento ng kanyang kaisipan. Sinulat niya sa sanaysay na ito na “maliwanag na ang pagpapalago sa kalinangang Pilipino ay may kaugnayan sa kasalukuyang pagkakasalungat ng mga uring panlipunan at sa pamamalagi mismo ng bansa” (16). Inilarawan niya bilang “hiram,” “artipisyal,” at “di-kailanman



u

Po

o k

| 43

magiging sarili” ang "kulturang kolonyal” ng mga "mapagsamantalang uri.” Itinuring naman niya ang "kalinangan” ng mga "uring bayan” bilang “bukal,” "tunay,” "taal,” at "buhay.” Dagdag pa rito'y inilarawan ang mga "mapagsamantalang uri” bilang mga "lintang hum uhuthot sa dugong bayan” habang ang mga “uring bayan” ay yaong "talagang gumagawa at nagpapasulong sa lipunan.” Samakatwid ay kinailangan ng mga mananakop na palaganapin ang kanilang wika at kultura “upang buuin ang pagkakaisa ng banyagang mananakop at ng mga katutubong uring kasabwat” (18). Dalawang pangunahing salungatan ang makikita sa maikling sanaysay na ito: unang-una, ang salungatan ng "kulturang kolonyal” at “kalinangang bayan” at, ikalawa, ang salungatan ng mga uring mapagsamantala at mga "uring bayan.” Kailangang suriin nang m abuti ang mga pamamaraan na inihapag ni Salazar sa kanyang paguugnay-ugnay sa isa’t isa at pagreresolba ng dalawang pangunahing kontradiksyong ito. Sa isang banda, sinulat niya: Ang pagpapayabong ng kalinangang Pilipino sa pilipino ay isang napakamakabuluhang bahagi ng pakikibaka para sa isang pambansang kaayusang bunga ng (at batay sa) mapagpabagong pagpapasiya ng mga uring bayan. (17) Makikita rito na ang minimithing bagong "pambansang kaayusan” ay "bunga ng (at batay sa)” mga kilusang mapagpalaya ng mga “uring bayan.” Ang pagtataguyod ng kalinangang Pilipino ay magiging isang “bahagi” lamang (bagama’t bahaging "makabuluhan”) ng pakikibaka ng mga pinagsasamantalahang uri tungo sa pagwawaksi ng mga ugnayang mapagsamantala sa lipunan. Nasa kabilang banda naman ang pahayag na "magwawagi ang demokrasya at kalinangang bayan sa sukat at ritmo ng pagsulong ng Pilipino bilang wikang tagapagpahiwatig ng diwa’t unawang Pilipino” (21). Mapapansin dito ang halos buong-buong pagsasalalay ng pagkamit ng “demokrasyang” naiiba sa “demokrasyang makasarili” ng naghaharing uri sa pangkasaysayang "pagsulong ng [wikang] pilipino.” Mula rito lilitaw ang posibilidad para sa magiging palagay ni Salazar na hindi dulot ng anupamang "suliraning makauri” ang problema ng pamumuno sa Pilipinas kundi sanhi lamang ito ng

44 | P O O K A T P A N I N I N D I G A N

hindi maayos na pagkakaunawaang pangkultura at pangwika ng mga namumuno (elite) at pinam um unuan (bayan). Ani Salazar: Hindi talaga nasasalalay sa tunay na pagkakaunawaan sa pagitan ng bayan at pulitiko ... ang relasyong pulitikal: nababarahan ang unawaan sa tarangkahan ng dambuhalang pagkakahating pangkalinangan. (112) Mas nabibigyang-diin sa naunang pananaw ang mapagpasyang papel ng mga kilusang mapagpalaya ng mga "uring pinagsasamantalahan’ habang sa ikalawang pananaw nam a’y lumilitaw ang mapagpasyang papel ng “sangkatalinuhang Pilipino” bilang tagapagtaguyod ng wikang pambansa (17). Sa pamamagitan ng pagkadiskubre niya sa konsepto ng “iskizofrenyang pangkalinangan” bilang paglalarawan sa pagkakahati ng pagkatao ng "elite” sa “kalinangang bayan” sa isang banda, at sa “kulturang kolonyal” sa kabilang banda, napawalang-saysay ang sinkretikong konsepto ng “uring bayan” dahil lalabas na maaari din palang maging bahagi ng "bayan” ang mga kasapi ng dating itinuring na nasa labas nito na mga “mapagsamantalang uri.” Sa paglisan ng “uring bayan” bilang sentral na kategorya ay natural lamang na papanaw na rin sa sistematikong diskurso ni Salazar ang katam bal-dalumat nitong "mapagsamantalang uri.” Mapapalitan ang salungatang “uring bayan”/ "mapagsamantalang uri” ng tambalang “elite”/ “bayan” na wala nang nilalaman o ipinapahiwatig na esensyal na kontradiksyon sa pagitan ng dalawang dulo.23 Paglaon ay hindi na muli mananawagan si Salazar ng “tunggalian ng mga uri” kundi ng “pagbabalik sa bayan” na lamang ng mga elite upang matawid na sa wakas ang “tarangkahan ng pag-uunawaan” na ugat ng hidwaan at hindi-pagkakaunawaang panlipunan. Nalulusaw ang penomeno ng uri bilang isang kategorya sa pagsusuri ng istrukturang panlipunan tungo sa pagiging isang purong konstruksyong pangkultura at pangwika. Taliwas nito, masasabing kapwa mahalaga ang mga pagaaral na nakatuon sa istrukturang makauri ng lipunan at ng kamalayang makauri. Ang “pagpapakahulugang makauri” sa katunayan ay binubuo ng eksperimental at mapanlikhang kumbinasyon ng dalawang aspektong ito sa pag-aaral ng “penomeno ng uri” mula sa panig ng “uri-para-sasarili-nito” at “uri-sa-sarili-nito.”

P o o K I 45

Sa dalawang orihinal na kontradiksyong nabanggit, mawawala na sa sentral na posisyon ang “salungatang makauri” at mananatili na lamang ang“salungatang pangkalinangan/’Maihahanay sa dalawang kategorya ang mga naipahayag na pananaw ni Salazar hinggil sa"usapin ng mga uri”: (1) Hindi maitatatwa ang naging papel pangkasaysayan ng tunggalian ng mga uri, o kahit ang pag-iral nito sa kasalukuyan, ngunit hindi ito kasinlalim o kasing-importante ng mas masaklaw at mas matatag na “kabuuang pangkalinangan.” Sinulat nga ni Salazar (1997a), “Alam na natin ngayon na mas masalimuot, mas dinamiko at mas maramihan ang ugnayang panlipunan kaysa sa karaniwang pagsasalungat (o ‘dayalektika' kaya?) ng mga puwersang pang-itaas at pang-ibaba. Isang patunay nito ang EDSA at iba pang kahawig na mga ‘naganap’ nitong nakaraang dekada sa Asya, sa Silangang Alemanya at sa buong Silangang Europa, kasama na ang Rusya. May kabuuan ang bawat lipunan: magkakaugnay ang mga kasapi nito, lalo na sa taglay nilang kultura (o mga kalinangan) at pinagdaanang kasaysayan.” Sa isang panunuring-aklat ng isang Rusong Pilipinista noong dekada '70, inilatag na ni Salazar ang kanyang pananaw na “mas mabigat” ang usapin ng etniko sa anumang makauring kontradiksyon sa lipunan. Ayon sa kanya (1973, 526-27), “Ano ang kahulugan ng [pamamayani] ng elementong etniko sa kasaysayan ng Pilipinas? Salungat sa ideolohiya nina Gng. Levtonova, ito ba’y nagpapahiwatig na ang etniko ay isang mas mabigat na batas ng kasaysayan kaysa sa mga makauring kontradiksyon? Marahil bahagi lamang ito ng isang mas malawak na problemang pangkasaysayan na sumasaklaw sa kasalukuyang serye ng mga alitan kahit na sa pagitan ng mga ‘bansang sosyalista’. .. Kung gayon, maitatatag kaya ang isang syentipikong sosyolohiya ng bagay etniko sa kasaysayan? Ang kakanyahang etniko o pambansa kaya ay mas importante kaysa sa mga pagkakaiba o pagkakasalungat ng mga klaseng sosyal? Ano nga talaga ang relasyon, kung mayroon man, ng etniko sa mga bagay na makauri kahit na sosyolohikal lamang?” Klasikal ang Mandstang tugon ni Levtonova (1977, 241) kay Salazar, “Hindi ko lubos na naunawaan ang kuro ninyo hinggil sa faktor na etniko sa pagkakaugnay nito sa sitwasyon bago ang sa panahon ng Rebolusyon. Sa kabuuan, itinuturing ko ang mga faktor na kagaya ng pangkaisipang etniko, konsolidasyong etniko, sariling-

46 | P O O K A T PA N IN IN D IG A N

kamalayang etniko, atbp. bilang pangalawang bagay kung ihahambing sa mga prosesong sosyal at ekonomiko sa buhay ng lipunang-tao. Sa kabilang dako naman, sa mga konkretong kondisyong pangkasaysayan, ang mga faktor na etniko ay maaaring magkaroon ng malawak na papel, magpadama ng impluho sa mga sosyo-pulitikal na proseso at penomeno.” Higit pang inilinaw ni Salazar ang kanyang pansariling pananaw kahit may ilang pasubali sa kanyang tugon kay Levtonova. Ani Salazar (1977), “Tungkol naman sa ‘salik na etniko’ sa kasaysayan at laluna sa kasaysayang Pilipino, naniniwala pa rin ako na lubhang pundam ental ang etnisidad bilang tagapagpagalaw at paliwanag (bahagya man lamang) ng kasaysayan. Walang lipunan, makauri man ito o hindi, na hindi natatangi dahilan na nga sa kanyang katangiang etniko (ang bansa mismo ay isang uri ng pagiging ethnos o kabuuang sosyo-kultural). Ang itinatanong ko lamang sa panunuring aklat ay kung mas mabigat talaga ang puwersa ng etnisidad sa kasaysayan kaysa kontradiksyong makauri, ang tunggalian ng mga klaseng sosyal.” (2) Mas marami namang mga pagkakataong kumikiling si Salazar (tingnan ang Marx at Engels 2000; Salazar 1997c) sa pagsasaisantabi sa“tunggaliang makauri" bilang“tunggaliang Kanluranin” na inangkat lamang ng mga napasabanyagang intelektwal sa Pilipinas na walang kabuluhan dito dahil “sila-sila" (silang mga “Kaliwa”) lang naman talaga ang nag-uusap-usap at nagkakaunawaan. Nagiging perspektibang pangkultura’t usaping pangkamalayan lamang ang pag-iral o di-pag-iral ng mga uri at ng kaakibat nitong kontradiksyong panlipunan. Sapagkat napapatampok kay Salazar ang konsepto ng “salungatang pangkalinangan," halos lumilitaw ang ideya na dapat tunggaliin itong mga nagpapalaganap ng mga “ideolohiyang banyaga" sa Pilipinas kung talagang balak itaguyod ang taal na kalinangang bayan. Hindi “mapayapang ugnayan,” ni “sabay na pag-iral” kundi “pakikitunggali" ang maaaring maging pakikitungo sa itinuturing na “banyagang" kaisipan tulad ng makikita sa PK. Dito na lilitaw ang kakatwang pagtatagpo’t pagsasalubungan ng PT at ng diskurso ng anti-komunismo ng konserbatibong naghaharing-uri sa Pilipinas. Sa katunayan, may tradisyong malaintelektwal sa Pilipinas na nagbubukod o tumutuligsa sa mga kaisipang sosyalista bilang “ideolohiyang banyaga” (kasalungat

Po

o k

| 47

ng ipinapangalandakang "ideolohiyang Pilipino”) na nakukuhang mamanipula ang mga ordinaryong mamamayan kahit lihis sa kanilang “dalisay at taal na diwa.” Isinasantabi ng diskursong ito ang tradisyong radikal sa hanay ng mga manggagawa't magsasaka habang ipinapatampok ang mga konserbatibong talastasang “katutubo.” Ayon nga kay Mareos: The ideologues who tried to sow the seeds of Communism among our people made this mistake. They failed to realize that the underlying values of Marxism-Leninism elash with the prevailing values of Filipino eulture. (1983, 6) M apupunang kaugnay ng ganitong mga pananaw ang mga sinulat ni Jocano (1992) hinggil sa kanyang pantastikong "modelong katutubo na gumagabay sa ating di-malay na pag-uugali . . . batay sa mga gawing katutubo at tradisyonal.” Ayon sa kanya, tila "nakabaon” ang modelong ito sa pinakailalim ng ating "sub-kamalayang katutubo at koletikbo” at "nakaukit sa ating mga pagkatao.” Hindi lamang tuwirang pasistiko ang kanyang pagtataguyod ng "pambansang ideolohiya” na magpapalitaw diumano ng "hilig sa pagkakaisa at harmoniya” ng mga Pilipino, kundi xenofobiko pa nga dahil sa kanyang palagay na ang pinakasanhi ng mga suliranin sa Pilipinas ay ang pag-iral ng mga "pagpapahalagang mula sa labas” na nakikipagtunggalian at nanggugulo sa mga "katutubong pagpapahalaga.” Naipakita na ni Aliee Guillermo kung paano sinulsulan at ginatungan ng mga operatiba ng Estados Unidos ang ganitong mga reaksyonaryong pananaw pangkultura, lalong-lalo na sa naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng gobyernong Corazon Aquino bilang isang serye ng mga karumal-dumal na krimen ng mga tinawag na grupong Vigilante tulad ng Alsa Masa. Ani Guillermo: Ang nasyunalismo rin ay ginagamit na panlaban sa mga ideya at ideolohiyang tinatawag na banyaga, tulad ng “teolohiyang mapagpalaya” at sosyalismo na sumasalungat sa interes ng iilan, ngunit hindi isinasali dito ang demokrasya kahit nagmula naman ito sa lumang Gresya at binigyan ng makitid na kahulugan ng kapitalismong US. (1995, 30)

48

| Po o k

at

Pa n i n i n d i g a n

IV. Ang Diskurso ng Pangkaming Pananaw Isa sa mga pangunahing ambag sa pag-aaral pangkalinangan ni Salazar ang pagtingin sa "suliranin ng diskurso” sa pag-aaral ng mga lipunang dumaan o dumaraan sa karanasan ng pagiging kolonya. Umiinog ito sa penomeno ng "pagtingin sa sarili bilang obheto ng pagaaral mula sa labas" dahil ang mga konsepto na ginagamit sa pag-unawa sa sarili ay yaong mga konsepto rin sa historiograpiya; antropolohiya o anupamang agham panlipunan na ginamit ng mga intelektwal na ahente ng kolonyalismo o imperyalismo bilang mga kasangkapan ng kanilang proyektong mapanakop (Salazar 1997d, 68; Salazar 1997c, 80). Ipinapasok ng ganitong pagkaunawa ang karanasan at kasaysayang pambansa sa loob ng sistema ng pagpapakahulugan at pagpapahalaga ng kolonyalista/imperyalista. Bagama’t binibigyan ng higit na diin ni Salazar ang paggamit ng mga "banyagang konsepto at wika” at ang pag-uulat sa banyaga bilang mga pamantayan sa "pagturing sa sarili bilang obheto mula sa labas,” makikitang nagaganap din ang ganitong penomeno kahit sa pamamagitan ng “sariling” wika at talastasan ng mga nasakop. Sa katunaya’y isang paraan ang pakikipagtalastasan ng mga mananakop sa mga sakop sa kanilang sariling wika upang mas madali nilang maipalaganap ang "kamalayang sakop” na pabor sa kanila. Ang kamalayang sakop ay hindi lamang napapahayag sa wikang banyaga kundi kahit (at pangunahin pa nga) sa sariling wika. Ani Salazar (1997c, 176), "Isinalin [ng mga ladino] sa kanilang katutubong wika ang mga konsepto at kaisipang ibig ipaliwanag ng mga prayle.” Gayumpama’y maaaring sumidhi ang "pamamayaning pangkalinangan” ng mananakop hanggang pangunahing inuunawa na rin ng isang bahagi, tulad ng elite, kahit ang sariling pagkakasakop sa pamamagitan ng wika at talastasang mapanakop ng mga kolonyalista o imperyalista. Naipalitaw pa nga ni Salazar ang ilang natatanging katangian ng talastasan o diskurso ng PK na tila independyente sa anumang wikang ginagamit. M aibubuod ang PK bilang isang uri ng "reaktibong diskurso” (Salazar 1997d, 76; Salazar 1997c, 93) na maiuuri sa dalawang anyo. Makikita ang unang pangunahing anyo ng "reaktibong diskurso” ng PK sa pananaw na labis na nagbibigay-halaga sa mga iniisip o ipinapalagay

Po

o k

I 49

ng mga kolonyalista o imperyalista ukol sa sariling kultura. Makikita ang diskursong ito sa malay o di-malay na paggamit ng mga pamantayan at panukat na nakakabit sa kapangyarihang mapanakop upang husgahan at pahalagahan ang sarili. Diumano'y hindi lamang ang tuwirang makamananakop ang nasasangkot sa ganitong bagay kundi kahit ang isang bahagi ng intelihensya na kumakalaban sa mananakop. N akatuon ang ganitong reaktibong pananaw sa “pagsasagot” o “pagtatanggi" sa sinasabi ng mga mananakop na nakakulong pa rin sa parehong mga pamantayan na ginagamit at larangang tinakda ng mga mananakop. Hindi sariling mga pamantayan ang iginigiit sa diskursong ito kundi ang mga pamantayang ipinataw ng mananakop mula sa labas. Kumbaga, tinitingnan ang lipunan at kalinangang Pilipino mula sa mata at panlasa ng mga mananakop. Napansin ni Salazar ang isang payak na halimbawa nito kaugnay ng madalas na idinidikit sa pangalan ng mga ipinagmamalaking Pilipino na pariralang “unang Pinoy’’ sa anupamang bagay (Salazar 19970, 106).24 Nangangahulugan lamang ito na habang mayroon ngang “nauna” sa mga Pilipino, sa katunayan ay “naunang-naunahan” na siya ng prototipong Kanluranin. Mas masalimuot ngunit nakapaloob din sa ganitong pamamaraan ng pag-iisip ang tinatawag ni Salazar na “diskurso ng impluwensya.” Ani Salazar: Ang Pilipinas ay para bagang isang penomenong nagkakaanyo dahil sa sunod-sunod na pagkakabalot sa impluho mula sa labas. Ito ang dahilan kung bakit ang suliranin ng karamihan sa ating mga pantas at malapantas ay ang maipakita ito nang buong talino't sikap . . . Hindi sa ang impluho’y hindi karapat-dapat ipakita o saliksikin. Dapat itong pag-ukulan ng pansin, subalit hindi ng buong pansin ng kapantasang Pilipino. . . . 25 (1974, 175-76) Maaaring may mas pangkalahatang aplikasyon ang konsepto ng “diskurso ng impluwensya” ngunit may ispesipiko rin itong katangian sa konteksto ng mga pang-eryang pag-aaral ng mga Kanluranin sa Timog-Silangang Asya (Salazar 1998b; Salazar 1998c; Salazar 1998e). Pinagsisikapan sa pamamagitan ng “diskurso ng impluwensya” na makisabit o makiangkas ang Pilipinas sa kadakilaan ng mga binasbasan ng kapantasang Kanluranin bilang mga “dakilang sibilisasyon” ng Indiya

50 | P o o

k

A T Pa n

in in d ig a n

o Tsina. Kung pumasa ang mga ito sa mga pamantayang kolonyalista ay baka maambunan ng kaunting kadakilaan ang Pilipinas kapag napatunayang ,'kamag-anak,, pala sila sa kalinangan (Salazar 1968a). Klasikong halimbawa naman ng “diskurso ng impluwensya” na makaEspanya ang ilang sanaysay na isinulat ni Niek Joaquin. Ayon sa kanya (1988, 248), "what we are at this m om ent is the result of how we responded to eertain ehallenges from outside.” A t hindi nakakagulat na ang lahat ng mga itinuturing niyang “labindalawang pinakadakilang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas” na lumikha ng mga nabanggit na “hamon mula sa labas” ay idinulot pala ng kolonyalismong Espanyol. Hindi kailanman naisip ni Joaquin na maaaring magkaroon ng panloob na mga salik sa pag-unlad ang paulit-ulit niyang minamaliit na kaawa-awang primitibong "kultura ng mga Polinesyano” na diumano'y matatagpuan sa "pre-kolonyal” na Pilipinas. Malinaw na ang magiging sentrong pinag-iinugan ng diskurso ng impluwensya ay ang pinagmumulan ng impluwensya at hindi ang kulturang “naimpluwensyahan.” Kaya nga mapapansin sa maraming mga pag-aaral hinggil sa impluwensya na higit na malaking bahagi ng mga ito ang inilalaan sa pagtalakay sa pinagmulan ng impluwensya kaysa sa bahaging nakatuon na sa mismong bagay na ipinapalagay na o pinapatunayang“naimpluwensyahan.”26 Maipapailalim din sa "diskurso ng impluwensya” maging ang palagay ni Renato Constantino hinggil sa pangkalahatang proseso ng “pagsasakanluran.” Para sa kanya, ang pagkawasak ng maagang “kabansahang Pilipino” na sanhi ng kolonyalismo ay nangahulugan din ng "obliteration” ng kulturang Pilipino (1978, 225). Sanhi ng kanyang paniniwala na wala pang matatag at/o maunlad na kultura at “sibilisasyon” ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop, nabuo ni Constantino ang kanyang pananaw hinggil sa mabilisan at puspusang pagkalusaw ng sinaunang kalinangan sa harap ng kolonyalismo. Sinulat nga ni Constantino: Not having attained a high degree of eulture, these eommunities were virtually a tabula rasa on whieh Spanish values were inseribed. They were easily manipulated beeause they had no institutional defences against an external force that sought to erase their native traits.27 (1978, 29)

P O O K | 51

Marami nang makakakita ngayon sa mga panganib ng paggamit ng konsepto ng “mataas na antas ng kultura at sibilisasyon” na kadalasang nakasandig sa mga pamantayan at prehuwisyong Europeo. Nangangailangan pa ng pananaliksik at pagpapatunay ang palagay ni Constantino na walang matatatag na “pang-institusyong pananggol” ang mga pamayanan at kalinangang Pilipino noong nakaraang panahon. Gayumpaman, ang paniniwala niyang ito ang naging sanhi ng di-problematikong pamamayani ng binabanggit niyang “panlabas na pwersa” (kolonyalismo) na madaling nakapagmanipula at nakaakit sa mga “katutubo.” Ayon sa kanyang teorya ng tabula rasa, hindi lamang “binura” ng mga mananakop ang sinaunang kultura kundi napagsulatan pa nga nila ito tulad ng isang blangkong papel. Nakabatay sa ganitong teorya ang karagdagang palagay ni Constantino na walang anumang “pagka-Pilipino” ang mga akda tulad ng Pasyon ni Gaspar Aquino de Belen at Florante at Laura ni Francisco Balagtas (1978, 35). Ang lahat ng mga ito diumano ay mga kopya lamang ng mga modelong Kanluranin. Ibig sabihin nito’y itinuturing lamang sila bilang mga bakas ng impluwensya. Hindi nangangahulugan ang pagtutol sa ganitong pananaw ni Constantino na may pagnanais nang lumikha ng mga pambansang mitolohiya ng sinaunang kadakilaang pre-kolonyal sa ngalan at interes ng nasyonalismo. Kailangan lamang tanungin kung ano ang ginamit ni Constantino na mga pamantayan ng “dakilang kultura at sibilisasyon” na diumano'y wala raw sa Pilipinas. Mariin at may katwirang tinuligsa ni Salazar ang kaisipang naging tabula rasa ang mga Pilipino dahil sa kolonyalismo. Ayon sa kanya: [Sanhi nito] nag-aanyo tuloy na parang tambol ang Kapilipinuhan, i.e. hungkag sa loob at puro banyaga o galing banyaga ang balat na nakabalot at nagbibigay ng tunog sa buong kahungkagan. (1997c, 110) Makikita naman ang ikalawang pangkalahatang anyo ng reaktibong diskurso sa walang humpay na "paghihindi” sa sinasabi ng mananakop. Halimbawa'y kung sasabihin ng banyagang mananakop na “kayong mga Pilipino ay di-sibilisado,” isasagot ng unang uri ng reaktibong Pinoy na “Mali kayo, sibilisado rin kami . . . Katulad ninyo.” Kapag sinabi naman

5 2 | PO O K AT PA N IN IN D IG AN

ng banyaga na “kaming mga Kanluranin ay syentipiko at lohikal magisip/' isasagot naman ng ikalawang uri ng reaktibong Pinoy na “hindi nga kami syentipiko ngunit mas ispiritwal naman kami.” Ayon kay Salazar; halimbawa ng unang uri ng mga reaktibong Pinoy ang mga Propagandistang Pilipino na nakabase sa Espanya noong ika-19 na dantaon. Masasabing halimbawa naman ng ikalawang uri ng reaktibong Pinoy si Leonardo Mereado na siyang nagsulat ng sum usunod na mga pangungusap: The Westemer and the Filipino look differently at time.The Westerner looks at time like a flat river whieh flows from the past; in the present; and into the future; and hnally into the oeean of eternity where the river of time has stopped. In other words, the Westemer holds a striet distinetion between the past, the present, and the future. Time runs horizontally or is linear. Sinee time for the Filipino is non-linear; the future; the present, and the past ean somehow mingle. . . . Beeause the Filipino’s philosophy of time is non-linear, the future enjoyment tends to be antieipated in the present. That is why he often expects miraeles to happen.That is why in business; the Filipino is impatient in his getrieh [sie] attitude. (1977; 33-35) Hindi talaga matatanggap ang mga hungkag na ispekulasyon ni Mereado sa pagkarami-rami niyang aklat hinggil sa pilosopiya at “pagkataong Pilipino”na punong-puno ng ganitong uri ng pangangatwiran. Ang nakakapagtaka ay marami pa ring sumasakay at napapapaniwala sa ganitong ispekulatibong pagtingin sa kulturang Pilipino. Tumpak na tumpak ang kritisismo ni Salazar para kay Mereado at iba pang mga katulad niya: Kahinahunan din ang nararapat sa pagpapahiwatig o pag-iintindi ng "pilosopiyang Pilipino." Hindi dapat ipakita itong parang kabaligtaran lamang ng kung anumang nalalaman ng diwang Kanluranin. Indibidwalista ba ang mga taga-Kanluran? Samakatwid; tayo ay makagrupo, makapangkat, mapag-ibig sa sariling pamilya; angkan o anupamang kabuuan. Lohikal ba ang mga taga-Kanluran? Samakatwid, tayo’y mapagbuo ng kaisipan. Hindi maaari ang ganitong pag-iisip. Una; sapagkat nagawa na ito—at hindi ng sinumang katutubo; kundi ng mga Kanluranin mismo!28 (1989, 54)

Po

o k

| 53

Tila ipinapagtanggol ni Mereado ang sarili niya nang implisitong akusahan naman niya si Salazar ng paggamit ng mga metodong istrukturalista na nasasalalay sa mga salungatang-dalawahan na dium ano’y hindi nababagay sa "kamalayang Pilipino.” Ani Mereado, "The Filipino does not think in either-or eategories. His is both/and in his spirit of harmony” (1994, 37). Ngunit maaaring ibalik ang argumentong ito kay Mereado na palagi na lamang gumagamit ng dambuhalang binaristikong iskema sa pagitan ng mga "Pilipino” at ng mga “Kanluranin” (i.e., hindi Pilipino o negasyon ng “Pilipino”). Tila inuulit lamang niya ang biro na nagsasabing may dalawang uri ng tao sa daigdig, yaong mga naniniwala na may dalawang uri ng tao sa daigdig at yaong hindi naniniwala rito (mga Pinoy). Maaaring hindi namamalayan ni Mereado ang kanyang sariling dualistikong metodo ng pagsusuri o baka hindi rin niya itinuturing ang kanyang sarili bilang "Pilipino.”29 Sa madaling salita, alinsunod sa reaktibong kaisipan, ang bawat "ganyan kayo” ng banyagang mapanakop ay gagawin lamang na "di-kami-ganyan-kundi-katulad-ninyo” o kaya ang baw at“ganito kami” ng banyaga ay gagawin lamang na "di-kami-katuladninyo-sapagkat-kabaligtaran-kami.” May dalawang uri ng pagsalungat sa gayon na makikita sa "diskursong reaktibo.” Ang una ay ang pagtutol sa pag-iiba na ginagawa ng banyaga sa kanyang sarili sa harap ng “katutubo” upang maigiit ng huli ang kanyang pagkakapareho sa banyaga at sa gayo'y magkaroon ng karapatang matanggap bilang kahanay at kapantay nila. Ang ikalawa naman ay ang pagtutol sa banyaga sa pamamagitan ng pagbubuo ng larawan ng sarili o "kaakuhan” na kabaligtad at kasalungat ng “kakanyahan” ng banyaga, karaniwan hindi upang punahin ang mga pinakabatayang halagahin ng sibilisasyong Kanluranin o kaya magsagawa ng buong-buong pagtiwalag dito, kundi upang makamit sa hinaharap ang inaasam-asam na “sintesis ng Silangan at Kanluran.” Iginigiit ng nauna ang pagiging "iisa lamang” ng banyaga at sarili sang-ayon sa pamantayan ng banyagang mapanakop, habang iginigiit naman ng ikalawa na magkaibang-magkaiba ang dalawang ito (na hindi sinasara ang posibilidad ng inaasam-asam na sintesis). Kung inaangkin para sa sarili ng nauna ang "kabutihan” ng Kanluran, iginigiit naman ng pangalawa ang "kabutihan” ng kabaligtaran nito. Magkaiba man ang lapit, layunin ng

54 | P o o k A T P a n i n i n d i g a n

dalawa na "gawing ibayong ideyal ang mga Pilipino . . . sa pamamagitan ng kategoryang intelektwal at pangkultura ng dayuhan” (Salazaf 1997c, 111). Parating binabaligtad lamang ng PK ang ipinapalagay ng banyaga habang walang "sariling” iginigiit kaharap nito. Ang lumilitaW na "sarili” ay ang "di-sarili ng banyaga” o kaya ang "ako ay ganito” ay kabaligtad lamang ng "ikaw ay ganyan” ng banyaga. Lumalabas na ang "sarili” ay ang inaapuhap na kahungkagan ng sangkahindian na minsan ay di-naiiba at minsan naman ay di-m aitutulad sa banyaga.30 Wala ritong iginigiit na konsepto ng sariling kaakuhang may kasarinlan kaharap ng mananakop; wala ring pakundangang tinatanggap ang mga pamantayan at pagpapahalaga ng mananakop upang sukatin o unawain ang sarili. Napapadali ang trabaho ng tam ad na mananaliksik ng kulturang Pilipino dahil kinakailangan lamang niyang baligtarin ang lahat ng nababasa niya sa mga "Kanluraning” aklat upang makita’t matuklasan ang "tunay" niyang sarili. Pero hindi hum ihinto si Salazar sa kanyang lehitimong puna sa "reaktibong kamalayan.” Pinalawig pa niya ang kanyang depinisyon ng diskursong reaktibo hanggang sinasaklaw na nito hindi lamang ang paghihindi sa mananakop kundi pati na rin mismo ang pakikitunggali rito. Ayon nga kay Salazar: This attitude of dependenee upon extemal forces (whieh, paradoxically, expresses itself at onee in the hankering for "development aid” and the eondemnation of "imperialism”) has led quite a number of less eritieal Pilipinos to intemalize all sorts of foreign opinions and judgments on the Pilipino and his nation’s history. (1983, xvi) Kaya nga inihahanay ni Salazar ang dating nasyonalistang historiograpiya at ang buong Mandstang lapit sa kategoryang PK. Ayon nga kay Llanes: Both [are] seen by the sehool of Pantayong Pananaw simply as the same old rcactive formulas to cxtcrnal forces; the hrst to Spanish frailocracy and feudal tyranny; the latter, to Ameriean imperialism.The problem is not exactly the opposition to eolonialism or imperialism per se but the glossing over or even rejection of indigenous diseourse. (1994, 4)

Po

o k

| 55

Gayumpaman, hindi yata gaanong tum pak itong palagay ni Llanes na pangunahing sanhi ng pagbabansag sa Marxismo bilang PT ang pagtanggi nito sa “katutubong diskurso" at hindi ang pagtutol nito per se sa kolonyalismo o imperyalismo. Makikita sa sipi mula kay Salazar sa itaas na sinasalungat niya ang “negasyon" ng antikolonyalismo at anti-imperyalismo na itinuturing na “panlabas" sa kanyang ipinapalagay na “panloob" na lapit. Hindi na tinatanong ni Salazar kung pinapahalagahan o isinasantabi lamang ng alinmang “anti-kolonyal” at “anti-imperyalistang” mga kaisipan ang “katutubong diskurso." Tila sapat na ang pagiging “anti" (o “reaktibo”) nila upang mabansagang “panlabas" at PK. Kaugnay ito ng puna ni Salazar sa mga kasaysayang “nasyonalista" at “anti-imperyalista" na dahil sa kanilang pagbibigay-diin sa kapangyarihang “dayuhan” sa ekonomiya at pulitika ay naipapaliwanag lamang ang mga kaganapang pangkasaysayan batay sa mga panlabas na mga salik at hindi sa pamamagitan ng mga panloob na batayan. Sa gayon, sanhi mismo ng pagpapatampok ng mga ito ng “kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayan laban sa kolonyalismo/ imperyalismo" (Constantino) masasabing implisito ang mga itong kumakapit sa pagsasakasaysayang naglalagay ng Kanluran sa gitna at pinakamapagpasyang posisyon sa kasaysayan ng bansa. Sa ganang kanya, nasasangkot pa rin ang mga ito sa gayon sa mapagpumilit at mapanaklaw na lohika ng kolonyalismo. Hindi katanggap-tanggap ang implikasyon ng ganitong uri ng pangangatwiran na mga tanikalang pangkamalayan lamang ang “malakolonyalismo”/ “imperyalismo" na walang pinagbabatayang mga tanikalang pang-ekonomiya at pampulitika, na para bagang ang mga “tanikalang pangkamalayang" ito ay mga “reaktibong labi" lamang ng nakaraang kasaysayan na nalampasan na ngunit gumagapos pa rin sa kamalayan kahit “wala na" o “wala na talagang” basehan sa anumang realidad. Kapag tinanggap ito, walang pakundangang ituturing na lamang bilang mga halimbawa ng “kamalayang alipin" na “reaktibo" ang anumang pagsusuri na ginawa o ginagawa hinggil sa “mapagsamantala at di pantay" na ugnayang kolonyal at imperyalista. Nangangahulugan ito na ang anumang gawain ng pakikitunggali ay pagpapasailalim na rin sa tinutunggali dahil ang mismong “pagkilala" sa Iba kahit bilang katunggali ay nakapagpapahina

56

| P o o k A T Pa n i n i n d i g a n

sa paggiit ng sarili bilang kaisa-isang pinag-iinugan ng daigdig, sanhi nang may iba palang sariling umiiral at hum aham on o nagkakait sa kanyang awtonomiya at “kasarinlan.” N gunit ang ganitong larawan ng kamalayang umaalpas o humihigit sa anumang uri ng tunggalian sa absolutong “nagsasariling pagkakabuo ng kalooban” nito ay lubhang nalalayo sa mga usaping pangkapangyarihan at pang-ekonomiya na tiyakang hindi maituturing lamang bilang mga usaping pangkamalayan. Hindi talaga maaaring iugat nang buong-buo ang mga penomeno ng pagsasamantala at kapangyarihan sa mga usaping pangwika at pansikolohiya. Humihingi ang ganitong mga nakababahalang opinyon ni Salazar ng higit na masinsinang pagtalakay na maisasagawa sa pamamagitan ng pagsangguni sa ilang akdang pumaksa na nang malaliman sa ideya ng “reaktibong kamalayan.” Halimbawa’y sa kanyang akdang Zur Getiealogie derMoral (1988), ginamit ng pilosopong Aleman na si Friedrich Nietzsche ang terminong Pranses na Ressentiment upang tukuyin ang “reaktibong kamalayan.” Ayon sa kanyang depinisyon nito: Ang pag-aalsa ng mga alipin sa moralidad ay nagsisimula sa pagiging malikhain at mapanlikha ng pagpapahalaga ng Ressentiment: ang Ressetitimetit ng ganitong nilalang na pinagkakaitan ng tunay na pagtugon sa anyo ng pagkilos, na maaari lamang kumapit sa isang inutil na pagganti sa guni-guni. Habang ang lahat ng nakatataas na moralidad ay tumutubo mula sa isang matagumpay na pag-oo sa sarili, sinasabi ng moralidad ng alipin sa simula’t sapul ang hindi sa isang "nasa labas,” sa isang "Iba,” sa isang “hindi-Sarili”: at itong hinding ito ang kanyang mapanlikhang gawain.31 (1988, 270) Ayon kay Max Seheler, ang istruktura ng kaisipang kakabit ng Ressentiment ay ang sumusunod: May A na sasang-ayunan, papahalagahan, pupurihin hindi para sa sarili nitong panloob na katangian, kundi sa—nananatiling hindi hayag na— pagnanasang hindian, maliitin, pulaan ang isa pang B. Nilalaro ang A laban sa B.32 (2004, 25) Maikukumpara ito sa kaisipan ng sosyologong si Georg Simmel na minsan nang tumalakay sa uring 'Adel” (maginoo) bilang isang tipo na

P O O K I 57

hindi nangangailangan ng sinuman o anuman sa labas niya. Ani Simmel (1908, 550), ang katayuang panlipunang ito ay “walang maaaring kailanganin at walang dapat kailanganin, na anumang nasa sa labas ng kanyang sarili” (niehts brauehen kann und niehts brauehen darf, was aufierhalb seiner selbst liegt). Hindi sumang-ayon ang pilosopong si Max Seheler sa ideya ni Simmel na maaaring umiral ang isang tao na labis na nakabukod ang sarili sa Iba. Ani Seheler (2004, 12-13), Hindi tayo maaaring sumang-ayon kay Georg Simmel, kapag nais niyang bigyang pakahulugan ang ,,maginoo,,, na hindi niya hinahambing ang kanyang sarili at ang kanyang halaga sa iba, na “tinatanggihan niya ang lahat ng paghahambing" . . . Pero tiyak na may kawastuhan ang pinapatungkulan ni Simmel. .. Angbinabansagan ni Simmel na aktitud ng “pagka-maginoo” ay hindi kailanman nagiging saligang batayan ang paghahambing-halaga ng aking halaga at ang halaga na nababagay sa iba upang magagap ang halaga ng sarili at ng iba . . . Ang taong may nobilidad ay dumaranas ng halaga bago ang alinmang paghahambing, ang pangkaraniwang tao ay dumaranas lamang nito sa pamamagitan at bilang resulta lamang ng paghahambing.33 Makikita sa mga siping ito ang dalawang importanteng bagay. Unanguna, imposible ang pag-iwas sa lahat ng “paghahambing” sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri at layon ng “paghahambing.” Ikalawa’y mapapansin na kahit si Nietzsche, ang pilosopo na siyang gumawa sa loob ng buong tradisyong pilosopikal ng Kanluran ng pinakamalalimang analisis ng “reaktibong kamalayan” o Ressentiment, ay hindi humantong sa kalabisang makikita sa diskusyon ni Salazar. Ayon nga kay Nietzsche, nabubuo lamang ang damdamin ng Ressentiment kapag “napagkakaitan ng tunay na pagtugon sa anyo ng pagkilos,” samakatwid kapag hindi mabago ng “alipin” sa pangmatagalang panahon ang mga kondisyong materyal na pinagbabatayan ng kanyang pagkaalipin sapagkat wala siyang sariling kakayahan at sapat na lakas. Malinaw itong binigyang-diin ni Seheler: Ang naghahangad ng paghihiganti na inaaksyunan ang kanyang damdamin at gumaganti . . . ay hindi nahuhulog sa Ressentiment. Doon lamang nagkakaroon ng kondisyon para sa paglitaw ng Ressentiment,

58 | P o o

k

A T Pa n

in in d ig a n

kung saan may pambihirang tindi ng pagkakabigkis ng mga emosyong ito [i.e. paghihiganti] sa damdamin ng kawalang kapangyarihan na ito’y aksyunan, at sa ganitong paraan sila’y "masupil”—maging sanhi man ang kahinaang pisikal o mental, maging sanhi man ang takot sa anumang kaugnay ng mga emosyong ito.34 (2004, 7) Kung para kay Salazar ang Ressentiment (o kamalayang reaktibo) ng PK ang isa sa mga pangunahing salik sa pagpapatatag kung di man ng mismong paglikha sa larangang pangkamalayan ng kondisyong mapangalipin, para naman kay Nietzsche at Seheler, ang hindi matinag na katatagan ng mga umiiral na obhetibong kondisyon ng pang-aalipin ang siyang masasabing batayang pinagtutubuan ng diwa ng Ressentiment. Bunga ito ng labis na kahinaan ng alipin relatibo sa kapangyarihan ng panginoon. Para kay Nietzsche, hindi ang pakikitunggali sa lba per se upang buwagin ang kalagayang mapang-alipin ang pinag-uugatan ng Ressentiment kundi ang damdamin at diwa ng pagkainutil at kawalangkapangyarihan kaharap ng tila hindi mahigitang superyoridad ng kalaban at mistulang pagkapermanente ng umiiral na kaayusan. Nireserba ni Nietzsche ang katagang "reaktibo” hindi para sa aktibo at papalabas na materyal na "negasyon” ng kalaban at ng mga batayan ng kanyang superyoridad at kapangyarihan (na maaaring maging mapanlikha pa nga) kundi para sa intemalisasyon sa mentalidad at imahinasyon ng negasyong hindi maisakatuparan sa realidad. Ang Ressentiment ay ang diwa ng pagkatalo’t kasiphayuang labis na dinibdib at isinaloob. Ang Ressentiment ay ang walang katapusang “pagtatanim” at “pagtataga sa bato” ng isang taong hindi kailanman makakaganti sa kanyang kaaway. Bagama’t walang kahalintulad na pagtalakay si Marx hinggil sa ganitong uri ng sikolohiya’t kamalayan, maihahanay marahil sa ilalim ng Ressentiment ni Nietzsche ang penomeno ng purong internalisasyong pangkamalayan ng mga tanikalang materyal at panlabas na tinalakay ni Marx sa sumusunod na sipi: Makikita na sa joumal ni Loustalot ng taong 1789 ang motto na: "nagmumukhang dakila lamang ang dakila/ dahil nakaluhod tayo/ Tumindig na tayo!” Pero upang tumindig ay hindi sapat na tumindig lamang sa kaisipan at iwang nakabitin ang tunay, nadaramang yugo na

Po

ok

| 59

hindi maaaring mapalayas sa pamamagitan ng mga ideya. Gayumpaman ay natutuhan ng absolutong Kritika mula sa Penomenolohiya ni Hegel ang sining ng pagtransporma ng tunay; obhetibo, mga tanikalang umiiral sa labas ko, sa ganap na pangkamalayan, suhetibo, ganap na nasa loob kong umiiral na mga tanikala at sa gayo'y ang lahat ng panlabas, nadaramang labanan ay nagiging purong kaisipan.35 Kaya nga binatikos ni Marx ang pagpapalagay na maaaring makamit ang ganap na “kalayaan” sa pamamagitan lamang ng transpormasyon ng kamalayan. Pinuna rin si Hannah A rendt ng isang mamamahayag hinggil sa pahayag niya (na halos tiyak na sasang-ayunan ni Salazar) na, "Ang Ikatlong Daigdig ay hindi isang realidad, bagkus ay isa itong ideolohiya” (Die Dritte Welt ist keine Realitat, sondem eine Ideologie) . Ayon sa pum una kay Arendt: Tunog erehe ito. Sapagkat hindi na kailangang sabihin pa na realidad ang Ikatlong Daigdig, at mangyari pa'y isang realidad na binuo ng mga Kanluraning kapangyarihang kolonyal, at pagkaraan ng Estados Unidos. Kung kaya’t hindi nakapagtataka na nagkaanyo bilang bagong ideolohiya itong realidad na nalikha ng kapitalismo sa panahon ng pangkalahatan at pandaigdigang pag-aklas ng kabataan. Sa palagay ko'y hindi ang ideolohiya ng bagong-Kaliwa ang mapagpasya, kundi ang pag-iral mismo ng realidad ng Ikatlong Daigdig na siyang nagbigaydaan sa ideolohiya.36 (Reif 1972, 53-54) Panaginip lang ba ang Byetnam? Pantasya ang Iraq? Dahil sa hindi makatwirang prehuwisyo ni Salazar laban sa nosyon ng “antikolonyal” at “anti-imperyalista” per se, hindi na siya makagawa ng pag-iiba sa pagitan ng nakakulong sa kamalayan at diskurso na “resentimyentong anti-kolonyal” at ng mapaghimagsik at mapanlikhang “anti-kolonyal na pakikibaka” na nangangailangan din ng sarili nitong kamalayan at diskurso. Sa paghahangad niyang maigiit ang nagsasariling pagkakabuong loob ng PT ay tila nalulusaw sa nagdedeliryong guniguni ng reaktibong kamalayan ang mismong materyal na pagiral ng kolonyal at malakolonyal na kaayusan. Halos humahantong sa ganito ang kaisipan ng isang tauhan sa nobelang Ilaw sa Hilaga ni Lazaro Francisco sa panawagan nito, sa konteksto ng kolonyalismong

6o | P o o k AT Pa n in in d ig a n

Amerikano, na "akayin ang bayan sa pagpapahalaga sa sarili nang walang pagkapoot laban kaninuman" (1997b, 216]. Sa madaling salita, ang "pagpapahalaga sa sarili" ang lumilitaw na pangunahing usapin na hindi na nangangailangan ng "pagkapoot laban kaninuman.” Samakatwid, hindi na nangangailangan ng pakikibaka laban kaninuman ng ganitong "pagpapahalaga sa sarili.” Makikita rin sa konkretong praktika ng mga anti-kolonyal at anti-imperyalistang kilusan at tradisyon sa Pilipinas na hindi lamang paghihindi o purong negasyon tulad ng paratang ni Salazar ang kanilang inaatupag kundi may malaking aspekto rin ng pag-o-oo at paggigiit. Higit sa lahat pag-o-oo ito sa buhay ng milyon-milyong inaapi, ginugutom, at pinagsasamantalahan na tinutugis at kinikitil araw-araw ng imperyahstang pandarambong.37 Ang pagtataguyod ng mga kilusang makabayan at radikal sa pambansang wika ay isang halimbawa ng positibong asersyon na humihigit sa pangmatagalang epekto nito sa simpleng “negasyon ng kolonyal na kultura.” Hindi maunawaan ni magagap ni Salazar ang naging makabuluhang papel ng mga kilusan at manunulat na radikal sa Pilipinas sa pagtataguyod ng wikang pambansa sanhi ng kanyang nosyon ng "reaktibong kamalayan.” Hindi niya maunawaan kung bakit ang nagsulat ng Banaag at Sikat ay kapareho ng nagsulat ng Balarila. Hindi niya maintindihan si Amado V. Hemandez at Jose Corazon de Jesus. Nakapanliligaw ang ganitong mga pananaw ni Salazar hindi lamang sa pag-unawa sa lehitimong problema ng "diskursong reaktibo” kundi sa mismong wastong pag-intindi sa penomeno ng PK. Tinalakay ang temang ito ni Enrique Dussel sa ilalim ng katawagang "analektika” (1989, 174-75): Ang sandaling analektika ay ang pag-o-oo sa nasa labas, hindi lamang ito negasyon ng negasyon ng sistema mula sa pag-o-oo sa kabuuan, hindi lang ito ang aktwalidad ng bagay na maaaring umiral sa loob ng sistema. Ito ang paghihigit sa kabuuan mula sa isang panloob na transendentalidad—mula sa labas, na hindi kailanman nasa loob ng sistema. Nangangahulugan ang pag-o-oo sa labas ng pagsasakatuparan ng bagay na hindi posible sa loob ng sistema (at kung gayon walang posibilidad), nangangahulugan ito ng pagsasakatuparan ng bago, na mula sa puntodebista ng kabuuan ay hindi mahinagap, na nagmumula sa isang hindi-nalilimitahan, rebolusyonaryo at mapanlikhang kalayaan.

PO O K |6l

Isa pang kalabisan sa depinisyon ni Salazar sa PK at sa "diskursong reaktibo” ay ang kanyang madalas na paggiit na ang pagkakasulat o pagkakapahayag ng isang akda sa wikang dayuhan o wikang kolonyal ay sapat nang pamantayan upang maituring ang mga ito, sa kabila ng ilang pasubali, bilang “reaktibo” at "pangkami” dahil banyaga raw, diumano, ang pinatutungkulan at kinakausap ng ganitong uri ng mga akda. Kailangang pagdiinan hinggil sa puntong ito ang pagkakaiba ng "wika” at ng "diskurso.” Kung gagawa ng ganitong pag-iiba, malinaw na makikitang maaaring panindigan, paniwalaan, at palaganapin ang diskursong reaktibo’t mapanakop sa alinmang wika, sa wikang banyaga man o sa sariling wika. M apapatunayan ito ng pahapyaw lamang na pagbubuklat sa mga teksbuk pangkasaysayan na nakasulat sa wikang Filipino. Sa ganitong paraan ay maaaring malinawan hinggil sa pagkalaganap sa mga akdang ito ng mga diskursibong (at hindi per se "pangwika”) anyo ng PK. Tingnan na lamang ang ilang piling sipi mula sa kabanatang pinamagatang "Ang Pamana ng mga Amerikano” sa akdang pampaaralang Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas nina Gregorio Zaide at Sonia Zaide (2002, 162-70): a.

Ang ating buhay sa kasalukuyan ay pinaghaharian pa ng malaking pamana sa atin ng Amerika. b. Pagsasanay sa demokrasya ang pinakamahalagang pamana ng Amerikano. c. Ang unang mga gurong Amerikano ay mga sundalo. Sa kanilang mga libreng oras, ang mababait na sundalong Amerikano ay isinasaisang-tabi ang kanilang mga riple at tinuturuan ang mga batang Pilipino ng kanilang mga unang salita sa Ingles. d. Ang mga Amerikano, di katulad ng mga Kastila ay hindi aristokrata. Kaya, natuto rin ang mga Pilipino na pakitunguhan ang bawat isa nang pantay-pantay. e. Ang basketbol ang pambansang isport sa kasalukuyan dahil sa mga Amerikano f. Ipinakilala ng mga Amerikano ang makabagong agham sa Pilipinas at sinanay ang mga Pilipino na maging mahuhusay na syentipiko. g. Maraming Amerikano ang nagpakasal sa mga babaeng Pilipina, at ang Pilipino ay nakapag-asawa ng mga babaeng Amerikana. Ang

62 | P O O K AT PAN IN IN DIG AN

mga anak ng ganitong pag-aasawahan ay matatangkad, maganda ang kutis, at higit na malakas, praktikal at progresibo. h. Ang pagiging Amerikano ng ating pagkain, damit, pamumuhay, libangan, sining, agham at ng karaniwang kultura ang nagpayaman sa ating buhay. May ipinapahiwatig na agad ang paggamit ng pariralang "pamana ng mga Amerikano" sa akdang ito na tila nakatuon sa positibong dimensyon sa kolonyalismong Amerikano at ng hindi kritikal na pagtanggap ng akdang ito sa kanilang "impluwensya.” Makikita sa akdang ito ang palasak na paghahambing kay Gabriela Silang kay Joan d‘Arc at ang pagtukoy kay Hen. Lieero Geronimo, na lumaban sa hukbong Amerikano, bilang Geronimo, punong lider ng mga Apaehe. Malinaw sa marami pang halimbawang mababanggit na laganap ang PK sa mga akda hinggil sa kasaysayan na nakasulat sa Pilipino na masasabing may higit na mataas na antas ng sirkulasyon sa pamilihan, paaralan, at mga aklatan kaysa alinmang akdang produkto ng PT. Usapin lamang ito ng empirikal at pangmaramihang diskursibong analisis ng mga tekstong katulad nito na hindi pa inaatupag kahit ni Salazar. Sa kabilang banda, masasabing sa teoretikal na antas ay maaaring maging ligtas ang isang akda sa wikang Ingles sa pinakamatitinding kahinaang inihahanay bilang mga katangian ng diskursong pangkami tulad ng "diskurso ng impluwensya” at "diskurso ng walang-humpay na paghihindi.” Pangunahing sanhi marahil ng mga kahinaan sa pagkakategorisa ng ipinapalagay ni Salazar na mga akdang nagtataglay ng PK o PT ay ang pagturing sa mga teksto at kaisipan/ kamalayan bilang mga kabuuang-walang-lamat. Sa halip na tingnan ang mga teksto bilang mga lunan ng pagsasalimbayan, pagtutunggalian, at paglalangkapan ng magkakaibang diskurso tulad ng PT at PK, tinuturing nito ang mga teksto bilang tuwirang ekspresyon o salamin lamang ng iisang kaisipan o kamalayang buo. lbig sabihin, hindi pa sapat na nauunawaan at nagagagap ng lapit ng PT ang empirikal na diskursibong realidad ng teksto bilang masalimuot na lunang pinagtatagpuan ng mgs nagsasalimbayan, nagtutunggalian, namamayani, at pinamamayanihang diskurso. Tum utungo ang ganitong kahinaan sa kakulangan ng empirika

P O O K | 63

na pananaliksik sa labis na pangkalahatang mga pahayag hinggil sa klasipikasyon ng partikular na mga akda bilang PT o hindi-PT (PK) na nananatili sa antas ng pagkapanlahat na humahantong madalas sa ideyang ang lahat ng nakasulat sa Filipino ay kumakatawan sa PT samantalang ang lahat ng nakasulat sa Ingles ay sa PK. (Nagiging anomalya tuloy ang usapin ng mga salin.) Gayundin, ang mga akda ni Salazar sa wikang banyaga na kinakategorya pa rin niya mismo sa PT o sa "positibong” PK. Napapawalang-saysay ang anumang kabuluhan ng malapitang pagsusuri sa diskursong tekstwal kung ganito ang magiging lapit sa proseso ng klasipikasyon. Mapanganib ang pagtatatak sa lahat ng mga akdang nakasulat sa wikang Ingles bilang PK o, higit pa rito, bilang maka-Amerikano na nagmimistula o nagkukunwari lamang na makabayan. Babansagan na lamang bang mga biktima ng PK ang mga manggagawang bumabatikos sa "kontraktwalisasyon,” "kaswalisasyon," “pleksibilisasyon" at "union busting" dahil ang kanilang mga kategorya ay "halaw sa banyaga"? Hum ahantong ang ganitong simplistikong larawan sa hindi makatwirang "pagsasara ng tainga" sa mga makabayang Pilipino tulad halimbawa nina Claro M. Reeto, Renato Constantino, at Jose Ma. Sison na nagtaguyod ng pambansang kapakanan laban sa imperyalistang pagsasamantala at pandarambong dahil lamang nagsulat ang mga ito sa wikang Ingles. Kataliwas nito'y maaari ding mawalan ng kritikal na pagtanggap sa mga teksto na tuwiran at sagad-sagarang kolonyal ang diwang ipinapahayag dahil lamang nakasulat ang mga ito sa wikang FiIipino. Maaaring mabulag sa tinataguyod na dayuhang interes dahil lamang sa wika. Tinanong na nga ni Ma. Serena Diokno (1997, 12), “Does not eontent hgure at all?" Maaaring humalaw ng makabuluhang ilustrasyon sa puntong ito hinggil sa wika at nilalaman mula sa nobelang Anak semua bangsa (Anak ng lahat ng Bansa) ng manunulat na Indones na si Pramoedya Ananta Toer (1981). Sa paglitaw ng usaping pangwika sa nobela, kinukumbinse ang bida ng nobela na si Minke ng kanyang mga kaibigan na sina Jean Marais at Kommer na magsulat sa Bahasa Melayu at hindi sa wikang Olandes lamang. Ang unang dahilan na ibinigay ni Marais, isang Pranses na marunong ng Melayu ngunit hindi ng

64

| P o o k A T Pa n i n i n d i g a n

wikang Olandes, ay higit na maraming gumagamit ng wikang Melayu kaysa sa wikang Olandes sa buong kapuluan ng Indonesia. Ganito rin ang esensya ng pangangatwiran ni Kommer nang pinansin niyang nauunawaan at binabasa na ang wikang ito sa lahat ng mga bayan, maliit man o malaki, sa buong Indonesia na hindi pa nangyayari sa wikang Olandes. Mula rito’y inilipat ni Kommer ang usapin mula sa praktikal na problema ng pag-abot sa pinakamaraming bilang ng mambabasa tungo sa usapin ng paggamit ng wikang higit na kapaki-pakinabang sa pakikibaka para sa kapakanan ng bayan. Para kay Kommer ang pagsusulat sa Melayu o sa "wika ng sariling bansa” ay pananda ng pagmamahal at katapatan sa sariling “bansa” at "bayan.” Hindi na dapat problemahin kung mababasa ang mga sulating ito ng mga Europeo. Darating din ang panahon na mawawalan ng tiwala ang mga "katutubo” sa mga pahayagang Olandes at mapipilitan silang magsulat sa wikang sarili. Kailangang isang m anunulat na nagmumula mismo sa kanila, mula sa bayan, ang mag-udyok sa kanila na magpahayag ng kanilang mga sarili. Ani Kommer: Tingnan mo, ang buhay ng katutubo ay napakatahimik—hindi kailanman kumausap sa mga tao sa labas ng kanyang sariling daigdig. Gabi’t araw umiikot ang buhay niya sa isang aksis, sa loob ng isang lugar at bilog. Abala sa kanilang sariling mga panaginip . . . Mula rito’y tama lamang na maudyok na makipag-usap sa kanila. Hindi posible ang kausaping harap-harapan ang ganitong karaming tao, kaya't nagsusulat ako, isang taong kumakausap sa maraming tao . . . Kausapin mo ang sarili mong bansa. Higit kang kinakailangan ng sarili mong bansa kaysa alinmang iba pang bansa. Walang mawawala sa Europa at Olanda kung wala ka na sa kanila.38 (Pramoedya 1981, 105) Kailangang maunawaan ng manunulat ang sarili niyang bayan upang makausap ang sariling bayan, at hindi niya ganap na mauunawaan ang sariling bayan kapag hindi niya pinag-aralan ang sariling wika. Iginiit pa ni Kommer na ang karamihan ng nagsusulat sa banyagang wika ay walang pakialam sa mga pangangailangan ng bayang bum ubuhay sa kanila. Karamihan sa kanila’y di nakakikilala sa sarili niyang bayan. Nang tugunan ni Minke si Kommer na mahusay naman siyang magsalita ng wikang

P O O K | 65

Jawa payanese), sinagot siya ni Kommer na hindi ito nangangahulugan na "kilala'’ na niya ang kanyang mga kababayan. D ito’y inilipat muli ni Kommer ang usapin, hindi na lamang sa kaalamang gumamit ng wika kundi sa "pagkaalam" ng mga kalagayan sa buhay, mga tirahan, pagkain atbp. ng mga magsasaka ng Jawa: Hindi ito nangangahulugan na kilala (mengenal) mo nang mabuti ang mamamayang Jawa. Nagpag-alaman (mengenal) mo na ba kahit kailan ang mga bayan-bayanan ng mga taga-Jawa, kung saan nakatira ang pinakamalaking bahagi ng iyong mga kababayan? Ika’y dumaan lamang sa mga ito. Alam mo ba kung ano ang kinakain ng mga magsasakang Jawa, mga magsasaka ng sarili mong bansa? At ang mga magsasaka ang pinakamalaking bahagi ng iyong bansa, ang mga magsasakang Jawa ang iyong mga kababayan.39 (107) Kapansin-pansin sa diskurso ni Kommer ang biglaang pagbabagong kahulugan ng salitang Melayu na "mengenal” mula "kilala” tungo sa “alam.” Kaya mapapatanong si Minke, "Ano ang ibig mong sabihin sa pagkakilala?” Pinag-iiba sa siping ito ang "pagkaalam ng wika at kultura” sa "pagkakilala sa mga mamamayang bumubuo sa pinakamalaking bilang ng bansa.” Hindi sa gayon nangangahulugan na dahil sinasalita at nalalaman ang wika ng bayan ay tunay nang may pagkakilala at pakikiisa rito. Kabaligtad nito’y hindi rin sa gayon nangangahulugan ang simpleng paggamit ng wikang banyaga na wala nang malasakit at pakikiisa sa bayan ang nagsulat nito. Malinaw na ipinag-iiba sa diyalogong ito mula kay Pramoedya ang panawagan ni Salazar na "pagbabalik sa bayan” (paggamit ng wika ng bayan) at ang panawagan ng mga aktibista na "lumubog o makipamuhay sa mga mangaggawa at magsasaka.” Ang una ay ang prekondisyon lamang para sa ikalawa.

V Kasarinlang Pangkalinangan Kaiba sa diskurso ng impluwensya na nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa nakaimpluwensya kaysa sa naimpluwensyahan bilang salik pangkultura, mas tinitingnan ni Salazar sa ganitong mga

6 6 | P O O K AT PA N IN IN D IG AN

pagkakataon ng pangkulturang pagtatagpuan kung paano natatanggap at "naaangkin” ng umiiral na mga "batayang pangkalinangan” ang anumang penomenong banyaga na pumapasok at ipinapasok sa sariling kultura. Ayon sa kanya (1998b, 276), nagiging "patag at didiyalektikal” (plat et non dialectique') ang panahon at nagiging pasibong tagatanggap lamang ang elementong katutubo (l’element indigene apparait non seulement reeepteur mais passif par definition) kapag itinuturing tulad ng diskurso ng impluwensya na pinakamahalaga ang mga "pwersang mula sa labas” (forces prouenant de Vexterieur). Ngunit dahil sa kanyang sariling kawalan ng linaw kaugnay ng usaping ito, laging pinaparatangan si Salazar na "esensyalista” o tagapagtaguyod ng ideya na "hindi nagbabago ang kultura.” Hindi kinakailangan sa pinakasopistikadong pagkaunawa at aplikasyon ng mga pamamaraan ni Salazar ang haypotesis ng kulturang-di-nagbabago, sa kabila ng malinaw na paglitaw ng ganitong tendensya sa maraming bahagi ng kanyang obra. Makikita nga ang mas dinamikong pagkaunawa sa kakanyahang Pilipino sa sinulat ni Salazar na: Mauunawaan nga natin ang ating pagkatao, ang kakanyahang Pilipino, sa pag-aaral ng nakaraan; subalit kailanman hindi natin makikita rito ang ating buong pagkatao, sapagkat ang kakanyahang Pilipino ay isang pangkasaysayang bagay—i.e., hindi naitakda o naibigay nang magpakailanman. (1974, 177) ltong mas sopistikado at diyalektikal na pananaw nga ang dahilan kung bakit ipinalagay ni Mendoza na higit na malalim ang PT kung ihahambing sa ibang mga lapit sa indihenisasyon ng agham panlipunan sa Pilipinas. Ani Mendoza (2002, 185), "Rather than essentialism and functionalism that I had half-expected, I found the polities of the indigenization project, as conceived, eonsistent with, and not at all eontradieting, the anti-essentialism perspective.” Gayumpaman, kailangan ding suriin ang mga pahayag ni Salazar tungkol sa "patuloy na pag-iral” ng batayang pangkalinangan ng Pilipinas na tila kumikiling sa ideya ng "hindi nagbabagong kulturang taal.”Tingnan na lamang ang mga sumusunod na halimbawa:

P O O K | 67

a. b.

c.

d.

e.

f.

“Ang natabunan ng ganyang pagtingin sa sarili ay yaong pundamental: ang taal at ‘katutubo’ sa Pilipino" (19970, 109). "Kung itatambak sa tabi ang lahat ng naangkat ng mga elite (relihiyon—Islam, Kristiyanismo at iba pa; ideolohiya—liberalismo, komunismo at iba pa; sistemang pulitikal—karadyahan, sultanato, estadong kolonyal na inokupa ng elit sa bisa ng ‘rebolusyon’ sa una at 'paggawad ng independensya’ pagkatapos, at iba pa), matatagpuan natin ang buod ng Kalinangang Bayan" (1997c, 117). "Pati na sa pag-Ingles natin, ang ugali at damdaming napapaloob sa ating wika ay namamayani pa rin sa personalidad ng nagsasalita. Hindi ito nangangahulugang nagkakaroon sa Pilipinas ng isang diyalektong Ingles, kundi nagpapahiwatig pa nga na hindi kailanman makakapasok ang Ingles sa katauhang Pilipino sapagkat ang mga gawi at damdaming nagbabalangkas sa ating wika ay siyang nasa buod nito” (1972, 72). “Sa kaloob-looban ng kanilang 'kulturang nasyonal’ na hiram o napulot sa banyaga ay nakabalot ang buod ng kanilang pagkaPilipino na nakaugat sa mga taal-sa-ating kalinangan . . . malakas man ang bisa ng katutubong salik na ito, hindi talaga alam ng mga elite ang kanyang kalikasan, ang kanyang mga katangian, kahit ang kanyang anyo. Malalim ang kanilang kamangmangan hinggil sa kanilang tunay na pagkatao, hinggil sa pagka-Pilipino at kapilipinuhan” (1997c, 107). "Dahil sa kahirapan ng bansa, hindi talaga epektibo ang sistema ng edukasyong tinanggap at pinalaganap ng elite mula sa mga Amerikano, laluna ang bahagi nitong pampubliko. Dahil dito, tunay na nakatatagos ang bahid banyaga (Amerikano o Kanluranin, sa wikang Ingles) sa mga nagdaraan lamang (o higit sa lahat) sa mga pribadong eskwelahan . . . kahirapan din ng bansa, samakatwid ng mamamayan, ang dahilan ng hindi pagpapatuloy ng nakararami sa kanilang pag-aaral” (1997c, 119). "Hindi nagbabago sa esensya ang mga sibilisasyon, at kahit, sa pagpanaw nito, ay naglaho na sa balat ng lupa ay hindi na maaaring mabuhay muli nang kahit bahagya mangyari mang maging kahawig ng mga mito nito ang mito ng iba pang sibilisasyong nabubuhay pa”40 (1965, 222).

68 | P o o k AT P a n

in in d ig a n

Makikita sa mga sipi sa itaas na may tatlong maaaring batayan ang palagay ni Salazar hinggil sa patuloy na pag-iral ng “batayang pangkalinangan” ng Pilipinas. Unang-una ang nosyon na may buod pa rin ng pagka-Pinoy kahit ang mga “ganap” nang akulturadong indibidwal at maging ang mga institusyon na tinataguyod nilang may panlabas na anyo ng ganap nang pagsasa-Kanluran. Susi sa paglilinaw ng konsepto niya ng pananatili ng buod ng pagka-Pinoy sa kabila ng panlabas na anyong banyaga ang kanyang ideya ng “iskizofrenyang pangkalinangan” (1997c, 106). Bagama’t parehong nahiram sa diskurso ng sikolohiya, naiiba ito sa konsepto ng “kolonyal na mentalidad” na ayon kay Constantino ay sumasaklaw sa “subservient attitudes towards the eolonial ruler as well as our predisposition towards aping Westem ways” (1978, 277). Pinagtutuunan hindi lamang nito ang katangiang “makamananakop” ng kaisipang “elite” tulad ng terminong “kolonyal na mentalidad” kundi maging ang pagiging “hati” at “di-buo” ng kaisipan at kamalayang nadedebelop sa kanila. Mas binibigyang-diin nito ang palagiang “pagdadalawang-isip” ng kamalayang nasakop kaysa sa “pagkawala sa sarili” na tinutukoy ng kolonyal na mentalidad. Ikalawang batayan naman ang pagtingin niyang panandalian lamang ang panahon ng kolonyalismo at imperyalismo kung titingnan sa konteksto ng “kasaysayan ng mahabaang panahon” kung kaya’t “hindi pundamental sa kabuuang kasaysayan ng bayang Pilipino ang huling 429 na taon.” Ang pagbibigay ng labis na pagpapahalaga o “pagpapalaki” sa “maikling panahong” ito ay pananda lamang ng PK.41 Nagpapatuloy ang mga kultura na hindi nagbabago sa pinaka-“buod” ng mga ito, maliban na lamang kung tuluyan nang mamatay at maglaho. Ikatlong batayan ang pagpapalagay na tiwalag at walang bisa ang umiiral na mga institusyon at instrumentong pangkalinangang kolonyal at malakolonyal sa nakararaming mamamayan. Walang tunay na ugnayang nagaganap sa pagitan ng estado at ng malawak na bayan sanhi ng limitadong impluwensya nito. Sa ganitong paraan nalilimita ang proseso ng akulturasyon na pinagdaraanan lamang ng iilang elite at hindi ng nakararami. Kakabit ng ganitong mga paniniwala hinggil sa katatagan at estabilidad ng “batayang pangkultura” ng bayan ang pagkakatuon ng

P O O K | 69

pangkasaysayang lapit ni Salazar sa mga mabagal na transpormasyon ng mga pangmatagalang sangkap pangkalinangan na nasa malalim na antas ng binansagang “di-malay na kasaysayan” (uneonseious history). Hindi “malay” ang kasaysayang ito dahil isinasabuhay ng mga tao bilang nakagawiang kaugalian at kadalasang hindi napapansin ang maliliit na pagbabago na pangmahabaang panahon. Nakaatas sa historyador ang tungkulin ng pag-aangat ng kasaysayang ito sa antas ng pagkamalay. Mahalagang bahagi ng pagpapalitaw ng “di-malay na kasaysayan” ang pagtukoy ng mga salik sa likod ng mga pangmatagalang pagbabago. Maaari itong tingnan alinsunod sa modelong “hamon-tugon/' kung saan lumilikha ng krisis panloob ang bawat hamong panlabas na kailangang matugunan ng kalinangan, maging bunga man ang hamong ito ng kapaligirang pangkalikasan o panlipunan.42 Nagaganap ang isa pang uri ng matagalang proseso ng pagbabagong ito bilang isang bagay na ibinubunga ng “panloob na batas ng pag-unlad” na dulot ng mga sangkap “sa loob” ng mga kalinangan at lipunan mismo. Lumilitaw sa gayon ang masalimuot na larawan ng kalinangang may sariling dinamismo (may “kasarinlan”) at katatagan na kumaharap at kailangang tumugon sa mga hamong panlabas at panloob. Tila nakatuon ang historiograpiya ng PT sa paggugumiit at pagpapatunay ng “kasarinlang pangkalinangan” sa antas ng “di-malay na kasaysayan” na may mga pangmatagalan at matatag na “istruktura.” Halimbawa ng ganitong pag-iisip ni Salazar ang sumusunod kung saan parang ipinag-iiba niya ang mga antas ng "mas mababaw” na kasaysayang pampook (event) at ang“mas malalim”na kasaysayang bayan (strueture): “May dalawang ‘lokal' na bahaging-disiplina ang kasaysayang pambansa—ang kasaysayang pampook at ang kasaysayang bayan: sa huli tinitingnan ang lokal na baitang ng kasaysayan mula sa ibaba, sa puntodebista ng kultura, ng mga sangkap-pangkalinangan; samantalang sa una'y nagsisimula ang pagsusuri mula sa itaas, mula sa puntodebista ng mga institusyong pulitikal at pang-administrasyon . . . Samakatwid, kapwa ang kasaysayang-bayan at kasaysayang pampook ay may kanyang sarili't nabubukod na araling-larangan.” (1997g, 48) Maaaring buklatin ang akdang pangkasaysayang pinamagatang Tadhana: A History 0} the Filipino People upang mabigyang-linaw ang ilang aspekto ng metodong pangkasaysayan ni Salazar na may kabuluhan

70 | P O O K A T P A N I N I N D I G A N

sa partikular na paksaing ito. Nalalaman na rin ng madla na kabilang siya sa grupo ng mga historyador na nagmula pangunahin sa Unibersidad ng Pilipinas na nagsulat ng akdang pangkasaysayang ito na nakapangalan kay Ferdinand Mareos.43 Kung ihahambing ang Tadhana sa mga inilabas ni Salazar na mga akda nitong nakaraang dalawang dekada hinggil sa usapin ng pagkakabuo ng estadong Pilipino, mapapansing may mga sangkap na hindi na gaanong napapatampok sa mga kasalukuyang pagaaral na nasa Tadhana. Pinagdidiinan sa Tadhana ang mapagpasyang papel ng mga salik na pang-ekonomiya at pangheograpiya sa paglawak ng mga istrukturang pampulitika mula sa pangkalinangang sangkap ng barangay tungo sa mga “super-barangay” o estadong-etniko. Higit sa lahat, sa mga usaping ito maaaring matagpuan ang nababanggit niyang pagka“Mandsta” ng akdang ito44 (halimbawa nito ang pagbibigay ng malaking importansya sa mga pwersang pang-ekonomiya sa pagbubuo ng estado at ang sistematikong paggamit ng mga kategorya ng "productive forces” at"surplus produetion”) at maging ang malalim na pagkakautang niya sa metodong nalinang sa Pransiya (halimbawa ang pag-uugnay niya sa mga sistema ng mga ilog sa paglitaw ng mas mauunlad na estadong-etniko sa Kanlurang bahagi ng kapuluan). Ani Marcos/Salazar: Cultural unity alone eould not have made of the arehipelago a historieal entity, if there had been no diseemible forces impelling the various eommunities, from the barangays to the mueh broader ethnie aggrupations sueh as the Ibanag, Iloko, Tagalog, Butuan, Maguindanao, Sulu and others, towards the formation of larger soeio-politieal units. These may be ealled, quite aptly, "ethnie states" in the sense that they were politieal expressions of various eultural eommunities beyond the basie level of the kinship-oriented group or barangay. They grew out of the landseape, so to say, out of the loeal ethnie and eeologieal neeessities. As a matter of fact, they were a response to inereased eeonomie activity within the arehipelago among Filipinos, and outside in eontaet with other peoples. The main areas of state eonstruetion were situated on river estuaries, where exchange Aowed baek and forth from the mountain domains of the Filipinos upstream, as a trade with various areas in Asia developed ... All the ethnie eommunities in these territories based their state eonstruetion on traditional prineiples, even

P O O K |71

when some utilized politieal ideas eulled from extraneous religions bome by trade and other forms of eontaet from the Indian Oeean through the Indonesian-Malayan realm.Tlieir aetual productive forces were the real eause of their rise to powerful soeio-politieal units and not any extemal imposition.45 (1976b, 387) The “ethnie states” had developed from an advancing agrieultural eeonomy whose inereasing surplus produetion eould support a relatively large polity. inereasing eontaet through eommeree and trade with politieally more advanced entities within the Asian and Southeast Asian areas also pressed the various soeio-politieal units into eonstituting themselves into "states.” (Mareos 1975, 15) Kung walang muwang ang kasalukuyang mga mambabasa ng mga akda ni Salazar sa bisang pang-ekonomiya at pangheograpiya na umiral sa pagkakabuo ng mga estadong etniko sa Pilipinas na tinalakay niya sa Tadhana ay baka maisip nilang ibinunga lamang ang kabuuang ito ng unti-unti at kusang paglawak ng saklaw ng "kamalayang pangkalinangan” mula sa makitid tungo sa mas malawak na larangan hanggang humantong sa nilalayon na “Estado.” Sa katunaya’y mapapansin sa pinakahuling balangkas pangkasaysayan ni Salazar (2000) na ipinaloob na lamang niya sa ilalim ng "kalinangan” ang mga gawaing pangkabuhayan sa agrikultura at industriya at hindi na gumawa ng mga hiwalay na hanayan para sa mga interaksyon ng “kalinangang” ito sa heograpiya at produksyong pang-ekonomiya. Lumilitaw tuloy na ang salaysay na makikita sa ilalim ng mga hanayang “kaayusang sosyo-pulitikal,” “kabuuang panlipunan,” at “kalinangan” ay parang abstrakto at masalimuot na naratibo ng pangkalinangang krisis/pagkahati/pagkawasak na tum utungo sa muling pagkamit ng pagkakabuo sa panahon ng “Bansa.” Napapatampok dito ang salik pangkultura sa pagkamit ng mauunlad na kabuuang pampulitika na hindi na masusing inuugnay sa mga salik pang-ekonomiya tulad ng makikita sa Tadhana. Tila ito pa nga ang tinukoy ni Salazar na “panloob na mekanismo” sa sumusunod na sipi: By attaehing the unfolding of our people’s history to the eolonial phenomenon and other exogenous factors, our historians and Filipinos in general fail to see that we are responsible for our own history, that

72 | P O O K A T P A N I N I N D I G A N

there is (or there must be) an intemal meehanism for our beeoming one people, a partieular thrust to our national history. (1983) Dagdag pa: Ang isang pagkawika-at-kultura ay may sariling panloob na batas sa pag-unlad. Ang wika at kultura ay nagbabago at nadedebelop sa pamamagitan ng pakikiugali sa isa’t isa, ng panlipunang pakikipagkapwatao sa sariling wika at kaugalian. (1997g, 43) Marahil, ang kalinangang may katatagan at kasarinlan bilang pangkasaysayang tagapagpakilos ang pangunahing tinutukoy sa itaas bilang “panloob na mekanismo” at "panloob na batas sa pag-unlad.” Sa kanyang mahalagang kritikal na pagsusuri sa lapit ng PT, hindi mahanap ni Diokno ang "dapat mayroon” na ito dahil, kakaiba kay Salazar, nakatuon ang kanyang mga pananaw sa mga pampulitikang institusyon ng estadong kolonyal at/o kaayusang imperyalista na nagkakait sa mamamayang Pilipino ng tunay na mapagpasya at nagsasariling papel sa pagbubuo ng mga patakarang pampulitika at pang-ekonomiya sa loob ng sarili nilang bansa. Ani Diokno (1997, 8-13), "That there is ‘an intemal meehanism’ should be eonstantly proven by facts and an examination of our past; that there ought to be one should be ereated today or in the near future. The first is the historian’s task; the seeond, the people’s.” Gayumpaman, makikita rin sa konsepto ng "kasaysayan ng pakikibaka” (history of struggle) ni Constantino ang pagsusumikap na mailagay ang nakararaming sambayanan sa sentro bilang tagapaglikha na palaging naririyan sa "nakatago ngunit higit na mapagpasyang” kasaysayan (sa gayon bilang nakatagong “panloob na mekanismo"). Ani Constantino (1997, 6), "ang pakikibaka, kung gayon, ang buod ng buhay, maging ng indibidwal o ng lipunan, at ang lipunan ay produktong historikal ng sambayanang nakikibaka.” Sa madaling salita, ang kolektibong suheto ng "sambayanang nakikibaka” ang itinuturing ni Constantino na pangunahing tagapaglikha ng prosesong pangkasaysayan na matagal na hindi kinilala dahil sa pagkahumaling sa mga kasaysayan ng mga "dakilang indibidwal.” Kaiba kay Salazar, hindi nakatuon ang

P o o k | 73

mga kasaysayang anti-kolonyalista at anti-imperyalista sa pagpapalitaw ng “likas na dinamismo’’ ng kasaysayan ng kalinangan. Pangunahing binibigyang-pansin ng mga ito ang kasaysayan ng kolektibo at malay na pagsusumikap ng mamamayan na makamit ang panlipunang katarungan at pambansang kalayaan at kasarinlan. Anupaman ang masasabing mga kahinaan ng lapit ni Constantino, mas naaangkop para sa kanya kaysa sa PT ang sinabi ni Llanes: “by de-emphasizing the elite, the new inquiries aeeord the productive elasses their deserved plaee as the driving force of history” (1994, 9). Mapapansin na hindi nangyayaring kusa na lamang at di-malay ang paghahangad at mga pagkilos tungo sa mga layuning ito tulad ng tahimik na pagkilos ng kalinangan. Kusang-loob, malay, at m ulat na ipinapaglaban ito sa larangang pampulitika, pangkultura, at pandigma. Magkaibang mga bagay ang pinapaksa ng kasaysayan ng “malay” na pampulitikang pagkilos ng mamamayan sa mga kasaysayan ng kusa at “di-malay” na dinamismo ng kalinangan. Maaari pa ngang magkaroon ng sitwasyon na walang tinatamasang kalayaan at kasarinlan ang isang bayan sa kabila ng pananatiling dinamiko ng kultura nito. Magkakaibang konsepto ng “kasarinlan” ang tinitingnan nina Salazar at Diokno. Kung gagamitin pa nga ang may prehuwisyo nang pagwiwika ng mga Pranses na Annales, masasabing “pampulitikang kasarinlan” sa antas ng euenementielle ang tinutukoy ni Diokno habang "pangkulturang kasarinlan” naman sa antas ng longue-duree ang tinutukoy ni Salazar. Totoong may itinataguyod si Salazar na isang tunguhin at lapit pangkasaysayan na nagbibigay-halaga sa “di-malay” na kasaysayan ng bayan ngunit hindi nito maaaring mapawalang-bisa o maisantabi ang mga kasaysayang nakatuon sa “malay” na antas. Hindi maaaring iredyus ang kasaysayan ng pagkakabuo ng bansa at kaakibat nitong estado sa Pilipinas at ng mga pakikitunggah laban dito sa mga kategorya ng kasaysayang pangkalinangan. Hindi lehitimo ang ganitong pag-iisa (sa kabila ng kanilang pagkakaugnayan) ng mga penomeno ng “ethnos” at ng “bansa.” Kailangang ituring ang ipinalagay ni Salazar na tila mga aksyomatikong katangian ng “batayang pangkultura” sa antas ng bansa bilang entidad na may sinkronikong lawak at diyakronikong katatagan bilang mga haypotesis na kailangang patunayan at subukan

74 | P o o k

AT Pa n

in in d ig a n

sa tunay na diwang syentipiko at hindi rin dapat m alito sa normatibo at deskriptibong layunin ng agham panlipunan. H indi dahil sinasabing kailangan ng bansa ng “iisang kultura” ay awtomatikong mayroon nang ganito sa realidad o dapat makita ito ng lahat ng mananaliksik. At kung mapatunayan nga na mayroon ngang “buod” na kulturang may sinkronikong saldaw at diyakronikong katatagan, wasto ba at karapat-dapat bang iangat ang “batayang pangkalinangang” ito bilang batayan ng pambansang kultura? Hindi ba posibleng magkaroon, taliwas sa etnikong konseptwalisasyon ng bansa, ng mas eksperimental, demokratiko, mapagbuo, at bukas na pagtingin sa usapin ng pambansang kultura na hindi nagtatakda ng mahihigpit na mga hangganan ng loob at labas kundi sa halip ay nagbubukas lamang ng mga mapanlikhang kondisyon at lumalawak na mga posibilidad para sa mamamayan? Maaari kayang mapalitan ang nakalingon patalikod na kaisipang ito ng isang konsepto ng pambansang kultura na nakatingin papaharap?

VI. Pagbubuod Ang PK sa pormulasyon ni Salazar ay binubuo ng tatlong aspekto na nararapat paghiwalayin upang makamit ang higit na malinaw na pag-unawa. Ang unang aspekto na direksyonal ay tum utukoy lamang sa papalabas na pakikipag-usap sa Iba. Dahil karaniwang may katangiang pragmatiko ang ganitong pangkaraniwan at hindi maiiwasang uri ng komunikasyon ay maaaring isagawa ito sa wika ng Iba o sa sariling wika, depende sa kung alin ang mas nauunawaan ng magkabilang panig. Ang ikalawang aspekto na perspektibal ay tumutukoy sa paggamit ng mga konsepto at kategoryang orihinal na nagmula sa “labas” upang unawain ang sarili. Maaaring lumikha ito ng kalituhan o di kaangkupan kung ang mga ginagamit na konsepto ay ispesipiko at partikular lamang sa kultura ng ibang pangkulturang entidad, ngunit maaari din namang makapagpalinaw kung may batayan itong mapaghambing o kumparatibo na mabungang nakapagpapakita ng mga antas ng pagkakahawig pangkultura, panlipunan, atpangkasaysayan. Ang ikatlong aspekto naman ay ang pangkapangyarihang dimensyon. Tumutukoy ito sa pagtingin o

P o o k | 75

pagturing sa sarili bilang obhetong kinukubabawan ng Iba na siya namang umiiral na suheto kaharap nito. Maliban sa pangkalahatan nitong bisang pangkamalayan, ang representasyon ng sarili bilang obheto para sa Iba ay lagi ring nagkakaroon ng diskursibong anyo. Mahihinuha na maaari itong magkaanyo sa banyagang wika at sa mga kategoryang "panlabas” at maaari din sa sariling wika at sa mga kategoryang “panloob.” Ibig sabihin, kahit sa wikang sarili, at sa pakikipagtalastasan sa mga kababayan ay maaaring manaig ang kapangyarihan at ideolohikal na pananaw ng kolonyal at malakolonyal na interes. Walang anumang balintuna sa ganitong pangyayari lalo’t higit ang pagkaunawa at pagkatanggap ng sariling pagkaalipin (o pagkaobheto) ay higit na mabisa kapag nasa sariling wika at mga kategorya. Lumilitaw na labis na makitid ang depinisyon ni Salazar ng PK bilang isang kamalayang alipin na gumagamit ng banyagang wika at nakabatay sa mga kategoryang angkat. Makikita rito na matinding kalituhan ang ibinunga ng pagbubuhol-buhol ng iba’t ibang aspekto ng pagka-PK na humahantong sa walang saysay na mga bangayan. Malinaw na may mga kaakibat na panganib din na makikita sa direksyonal at perspektibal na aspekto na maaaring magbunga ng hindi pagkakaunawaan o ng hindi kaangkupan, ngunit hindi masasabing tuwirang may kaugnayan ang mga ito sa mga pangkapangyarihang usapin. Ang PK ay pinakawastong mauunawaan kapag nagsimula ang pagsusuri sa dimensyong pangkapangyarihan na pagkaraa'y tumutungo sa imbestigasyon ng epektong diskursibo nito sa wika at mga kategoryang ginagamit sa pagsasaanyo nito. Kalabisan talaga ang pagbabansag na PK, sa konotasyon nitong negatibo, sa alinmang talastasang "papalabas” per se at gayundin sa normal at pangkaraniwang paggamit ng mga kategoryang orihinal na nanggaling “mula sa labas” sa pang-araw-araw na buhay at gawaing intelektwal. Maaari namang ibuod ang pangunahing mga problema ng PT sa sumusunod na mga punto na umiinog lagi sa reduksyon ng dalawang magkaibang aspekto sa iisang aspekto lamang: (1) ang paglamon ng wika sa diskurso, (2) ang paglamon ng ethnos sa bansa, (3) ang paglamon ng kasaysayang di-malay sa kasaysayang malay, (4) at ang paglamon ng wika sa materyal na daigdig. Makikita sa apat na

7 6 | P o o k AT Pa n

in in d ig a n

tendensyang ito ng PT ang pagkakasentro nito sa wika-at-kalinangan sa ispontanyo at di-diyalektikal nilang pag-iral bilang mga elementong pangkasaysayang nakabukod at mapagpasya sa lahat ng pagkakataon. Tila pinapahalagahan lamang ng PT ang tao bilang kasangkapan at ekspresyon ng pangkasaysayang suheto na wika-at-kalinangan at hindi siya itinuturing bilang mismong tagapaglikha at suheto ng kasaysayan. Laging pumapangalawa lamang ang mapanlikhang interbensyon ng tao sa pamamagitan, halimbawa, ng kanyang pagkonstrak ng mga artipisyal na diskurso, pagtatayo ng mga pampulitikang kabuuang pambansa, at pakikisangkot sa kasaysayang malay. Ang mga elementong may diumanong likas at ispontanyong pag-iral at pagiging ang binibigyan ng pangunahing mapagpasyang papel ni Salazar sa kasaysayan. Sanhi nito, ang nagiging pangunahing problema ng tao ay ang kanyang pagkakawalay sa wika-at-kalinangan na laging “naririyan na” at kinakailangan lamang balikan upang muling maayos ang lahat, at hindi ang anumang “panlabas na realidad” na kinakailangang baguhin o likhain. Pundamental at hindi matatawaran ang pagkakasalungat ng mga tendensyang ito ng PT sa Manustang perspektiba hinggil sa ugnayan ng tao at kasaysayan. Sa ganitong paraan m aibubuod ang mga suliraning metodolohikal/ideolohikal ng PT na humahantong sa pahayag mula kay Salazar na sinipi sa simula ng pag-aaral na ito. Hindi nauunawaan ng PT na ang pag-aakda ng daigdig ay nangangahulugan din ng pag-akda ng mismong pang-akda.

Ik a l a w a n g Ba h a g i Paninindigan

I. Mga Batis ng Diskursong Sosyalista Magsisilbi ang sumusunod na bahagi bilang halimbawa ng isang proseso ng pangkalinangang pag-aangkin sa ilang pangunahing kaisipang Marxista o Sosyalista sa loob ng wika at talastasang pambansa. Ngunit maaari din itong magkaroon ng higit pang kabuluhan bilang panimulang empirikal na pag-aaral sa ilang pangkalinangan at pangwikang aspekto ng mga kilusang anakpawis sa Pilipinas. Pangunahing pagtutuunan dito ang pagsasagawa ng kritikal na analisis ng ilang halimbawa ng maagang talastasang sosyalista sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang halimbawa ng panitikan at literaturang sosyalista na sinasakop ng panahong 1906-1969. Bagama't hindi maaaring gumawa ng mahigpit na pagbubukod-bukod ng mga panahon sa pagyuyugto-yugto ng kasaysayang pampanitikan dahil sa pagsasalansan at paglalangkapan ng mga kaisipan at diwa ng bawat panahon, pinili ang taong 1906 bilang simula dahil ito ang taon ng pagkakalathala bilang nobela ng Banaag at Sikat ni Lope K. 77

78 | P o o k AT Pa n

in in d ig a n

Santos; itinakda naman ang 1969 dahil ito ang taon ng paglabas ng Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez. Sa loob ng yugtong ito, na sumasakop sa mahigit 60 taon, magaganap ang pagpupunla, pagpapalaganap at paglakas ng kaisipan at talastasang sosyalista sa Pilipinas. Masasabing panahon ito ng “Pagkamulat” sa diwa at pagsusuring sosyalista. Mahahati naman ang panahong ito sa dalawang sub-yugto na may pagkakaugnay sa pagkakatatag ng Union Obrera Demoeratiea (UOD) noong 1902 at ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 1930. Imumungkahi lamang bilang panimulang panandangpetsa sa paghahati sa panahong 1906-1969 ang taong 1935 kung kailan lumabas ang kwentong "Aklasan” ni Brigido Batungbakal. Inilalarawan ng akda ni Batungbakal ang pagtindi ng hidwaan sa pagitan ng "dilawan" at “pulahang” unyonismo sa harap ng malawakang aklasan ng uring manggagawa. Masasabi ngayon na ang unang sub-yugto ng 1906-1935 ay panahon ng “paghahanap ng landasin” ng kilusang manggagawa ng Pilipinas habang ang ikalawang sub-yugto na 1935-1969 ay panahon ng paglilinaw ng “paghihiwalay ng landasin” ng kilusang manggagawa sa dalawang tunguhin: ang mga tunguhin ng “pagtutulungan” at “pagtutunggalian” ng mga uri. Itinuturing dito ang mga talastasang-bayan bilang mga hugpungan ng tunggalian ng pagpapakahulugan sa konteksto ng isang lipunang napaghahati-hati ng lumilitaw at umiigting na mga hidwaang makauri. Ang mga gumagamit sa wikang nakapaloob sa mga umiiral na kaayusang pangkapangyarihan at masiglang nakikisangkot sa buhay na paggamit at pagpapaunlad ng wika sa panlipunang pakikipag-ugnayan ang mga tagapaglikha rin ng mga talastasang pinagsisibulan ng mga nagsasalungatang panlipunang pagpapakahulugan. Habang nararapat mabigyang-diin ang pagkakaiba ng mga talastasang pasulat at pabigkas, ituturing dito bilang isang uri lamang ng mapanlikhang tagagamit ng wika ang manunulat. Hindi na rito pinapaksa ang mahalagang usapin ng mapanlikhang bisa ng manunulat sa loob ng tradisyong pampanitikan; bagkus, ang pangunahing binibigyang-diin ay ang bisa ng manunulat sa pagbubukas ng mga bagong larangan ng pakikipagtalastasan at, sa gayon, pagtutunggalian din. Sa pamamagitan ng mga mapanlikhang transpormasyon sa talastasang-bayan na mahigpit na nakaugnay sa mga

Pa n

in in d ig a n

| 79

transpormasyong panlipunan—tulad ng paglaganap ng mga ugnayang pampamilihan, paglitaw ng pamilihan sa lakas-paggawa, at pagsibol ng mga bagong relasyong pamproduksyon—ay nakapagbibigkas ng bagong mga tanong na hindi lamang mabibigyang-katugunan sa loob ng wika kundi sa “labas” din nito. Makikita na sa pamamagitan ng mapanlikhang pagbabagong pangwika ay nakakamit sa larangang pangkamalayan ang paglipat mula sa “uri-para-sa-sarili-nito" (na tum utukoy lamang sa obhetibo o istruktural na pag-iral ng penomenong makauri sa antas ng pagkalaganap nito) o “uri-para-sa-iba" (na tum utukoy sa pagiging obheto “para sa iba") ng “manggagawa" tungo sa pagiging “uri-para-sasarili” na malay hinggil sa sariling pagka-uri ng “anakpawis"/“proletaryo." Nagkakaroon ng batayan ang pagsibol at paglaganap ng kamalayang makauri sa konteksto ng paglitaw at paglaganap ng mga obhetibo at istruktural na mga ugnayang makauri sa isang partikular na lipunan. Ayon nga sa teoryang pangwika ng kilusang pambansa demokratiko, “Sa isang lipunang may-uri, ang katayuan at kasaysayan ng wika ay maaaninag sa katayuan at kasaysayan ng tunggalian ng magkakasalungat na uri. Sinisikap ng bawat uri na gamitin ang iba’t ibang elemento ng kultura upang papaglingkurin ang mga ito sa kanilang mga pangangailangan. Kung kaya't sa kaparaanan ng paggamit ng mga tao sa wika, ito, bilang isang sangkap ng kultura, ay nagkakaroon ng makauring katangian" (Atienza 1992, 220). Gayumpaman, makikita sa ganitong pag-aaral hinggil sa sumibol na talastasang-bayang makauri na, kakaiba kay Marx, hindi isang tuwirang “Kritika ng Ekonomiyang-pampulitika" ang nabuo ng maagang talastasang sosyalista sa Pilipinas, sanhi ng partikularidad ng kinapapaloobang milieu at tradisyong intelektwal; mas angkop pa itong matatawag bilang isang “Kritika ng Ekonomiyang Moral” na may mahigpit na historikal na pagkakaugnay sa talastasan ng ekonomiyang-pampulitika hanggang sa kasalukuyan sa kontekstong Pilipino.46 Ang buong panahon ng “Pagkamulat” ng uring anakpawis ay nakatuon sa pag-eeksperimento sa mga tunguhin ng pagpapaunlad ng talastasan ng ekonomiyang-pampulitika at pagpapalalim ng kaisipang sosyalista. Taliwas ang resulta ng kasalukuyang pag-aaral ng diskursong anakpawis sa palagay ni Francisco Nemenzo hinggil sa kawalan ng orihinalidad ng Mandsmo sa Pilipinas. Ayon kay Nemenzo (1992):

8o | P o o k A T P a n

in in d ig a n

Filipinos have a wealth of revolutionary experience dating baek to the Katipunan, but Filipino Marxists have eontribnted nothing oj signijicance to Marxist thought. Absorbed in praetiee, they have grown impatient with theorizing. Hindi maaari ang palagay na ito sanhi nang wala namang ginawang pagsisikap na suriin ang talastasan ng mga kilusang makauri sa Pilipinas na madali naman sanang matagpuan sa mga sulatin at babasahin ng mga kilusang makamanggagawa sa Pilipinas upang mapalitaw ang maituturing na implisitong "teorya” ng mga kilusang anakpawis sa Pilipinas. Mapapabulaanan ang ganitong palagay ng kakaunting pananaliksik lamang na hindi man lang pinangahasang gawin ng mga nagsulat ukol dito. Sa sum usunod na pagsusuri, ituturing ang mga nobelang Banaag at Sikat (1906) ni Lope K. Santos at Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar bilang dalawang magkahiwalay na salaysay na nakapaloob at nagsisilbi bilang mga bahagi ng iisang kabuuang pantalastasan.47 Sa kabila ng pagkakaiba ng dalawang nobela at ng mga may-akdang nagsulat ng mga ito, nilalapitan ang dalawang akda bilang mga bahagi ng pangkabuuang larangang pantalastasang umiinog sa pagigting ng mga tunggaliang makauri noong unang mga dekada ng ika-20 dantaon. Higit na pinahahalagahan sa pagsusuring ito ang pagtatagnitagni ng isang masalimuot, maunlad, lipos sa kontradiksyon, at may kakanyahang talastasang sosyalista na nakaugat sa isang partikular na panahon at konteksto. Upang maisagawa ang ganitong bagay, hindi nagpapalimita ang pag-aaral sa dalawang nobela kundi sa iba pang mga batis na pangkasaysayan o malikhain na maaaring ihambing at magbigay-liwanag sa dalawang pangunahing batis. Pagsisikapang ipakita, sa pagdaloy ng analisis, kung saan nagkakatagpo ang dalawang akda at kung kailan naman nagkakataliwasan o nagkakasalungatan upang maging malinaw rin ang kakanyahan sa sarili nito ng bawat akda. Nagsikap ding maging masinsin sa ginawang paghahambing at pagkokomentaryo batay sa ekonomiyang-pampulitika ni Marx upang maliwanagan sa ilang masalimuot na kontrobersya sa loob ng kaisipang sosyalista. Pinaninindigan dito bilang batayan ng pagsusuri hindi ang mahigpit na pagkakaiba at pagkakawalang-kaugnayan ng mga

Pa

n in in d ig a n

| 81

akda tulad ng Das Kapital at Banaag at Sikat kundi ang masalimuot na pagkakawangis ng nakapailalim na balangkas at pagtatalaban/ pag-uugnayan ng mga tradisyong intelektwal sa harap ng kanilang kakanyahan at pansariling dinamismo. Hindi mananatili, sa gayon, ang pagsusuri sa antas ng paghahambing ng mga kasaklawang semantiko ng mga kataga ni Marx at ni Santos kundi sa pang-ilalim na istrukturang nabubuo sa pag-uugnay-ugnay ng mga konseptong ito sa iisang sistema. Hindi lamang dito naghahanap ng mga sangkap pangkalinangang "katutubo” na maaaring pag-ugatan o "dapuan” (Salazar) ng kaisipang sosyalista "mula sa labas,” kundi nilalayon din nitong palitawin ang kakanyahan ng masalimuot na istruktura ng maagang talastasang sosyalista sa Pilipinas. Inaamin na hindi maiiwasan ang pagiging selektibo sa pagpili ng mga bahagi at aspekto ng dalawang nobela na isasaayos at bibigyan ng isang paraan ng pagkabalangkas. Sa katunaya’y hindi na maituturing na lamang bilang mga "orihinal” na nobela ang sinusuri rito kundi mga tesktong "binuo” o "nilikha” mula sa larangan ng mga posibilidad na binubuksan ng dalawang akda. Habang isinasagawa ito’y isinasaisip ang sinulat ni E. San Juan (1971, 41): "I suggest that a valid and adequate reading of Banaag at Sikat should begin with analyzing the function of those long ‘essayistie' speeehes whieh, beeause spoken in eharaeter, indeed enliven and prom ote the aetion of the narrative.” Sanhi ng kasalukuyang lapit sa pag-aaral ng pagka-diskurso ng mga nobela, hindi na mapapasukan pa ang mga problemang “estetika” ng nobela, at ng Banaag at Sikat sa partikular, na nabigyan na ng mahalagang pag-aaral ni Ma. Luisa F. Torres (1982, 78-100). Gayumpaman, may pagka-"miraculous” talaga ang palagay ni San Juan: “Santos even before the Russian Revolution of Oetober 1917 and even w ithout having read the 1844 Manuseripts, The Gerrnan hleology, or Lenin’s State and Reuolution, has miraeulously synthesized the insights of later revolutionary thought sueh as the need for a vanguard party, eoneepts of totality and objective possibility, eonerete analysis of the situation as the basis for formulating eorreet strategy and taeties, and above all the elass analysis of wealth, eommodity, surplus value, ete.” (1971, 53). Naiiba ang pagbasa ni Resil Mojares at ng marami pang

82 | PO O K

AT P A N I N I N D I G A N

ibang progresibong mananaliksik sa Banaag at Sikat sa pagpuna niya sa nakita niya ritong "indecisiveness of ideologieal arguments whieh hnally get boxed into a liberal, evolutionist outlook on th e elass issue" Dagdag pa rito’y habang ipinapagtanggol ni San Juan ang katangiang diskursibo ng nobela ni Santos, itinuring ni Mojares ang katangiang ito bilang isang kahinaan na maiuugat sa pagkakaroon nito ng “hybrid plot’' kung ihahambing sa “integral plot” ng “mas mahusay” na nobelang Pinaglahuan ni Aguilar (1983, 214-26). Maraming bahagi ng pagtatagpo ang kasalukuyang pag-aaral sa mas masaklaw ngunit mas pahapyaw na pag-aaral ni Melinda TriaKerkvliet sa kanyang akdang Manila Workers’ Unions, 1900-1950 (1992). Maliban kay N oelTeodoro (1982a, 1982b) at ilan pang iskolar ng kilusang paggawa, nag-iisa siya halos sa paggamit ng mga batis sa wikang Tagalog tulad ng mga lumang pahayagan, polyeto, at mga akdang pampanitikan na dating hindi pinagtutuunan ng pansin ng mga historyador ng kilusang paggawa. Itinuturing ang kasaysayang ito at iba pang mga kasaysayan ng kilusang manggagawa bilang salaysay na may sariling “pagkamalikhain” na maihahambing at maihahanay sa pagsasalaysay ng mga pinapaksa ritong nobela at, kasabay nito, bilang isang uri ng "makitid na tulay” patungo sa “katotohanang pangkasaysayan” ng panahong pinapaksa na parating “walang patid" na tinatawid. Ayon nga kay Soledad Reyes, ang Banaag at Sikat ay isang "akdang malinaw na sumasalamin sa mga kontradiksyong panlipunanu (1982, 43-44). Bagama't hindi nabigyang-diin sa kanyang akda, ipinababatid din ni Tria-Kerkvliet ang pagkasensitibo sa aspektong pangwika’t pang-diskurso ng mga batis niyang sinangguni. Nakapagaambag lamang ang kasalukuyang pag-aaral sa usapin ng higit na pagpapalalim ng isang aspekto at isang yugto ng nagawa niyang pagaaral. Ngunit kahit sa antas pa lamang na naabot sa kasalukuyan ay nasisilip na ang pagkakatahi-tahi ng talastasang sosyalista/malasosyalista mula sa diskurso nina Emilio Jacinto, Lope K. Santos, at Crisanto Evangelista. (Noong 1905, nagtayo sina Hermenegildo Cruz at Lope K. Santos ng paaralan ng manggagawa, at si Crisanto Evangelista ay isa sa mga naging mag-aaral nito. ltinuring niya sina Cruz at Santos bilang kanyang mga guro sa unyonismo at pakikibakang anakpawis.)

Pa

n in in d ig a n

| 83

Hindi naging tam pok ang pagkakaugnay-ugnay na ito sa mga nakaraang pag-aaral dahil sa pagkakahon sa mga m anunulat na ito bilang “liberal" (Jacinto), "dilawang lider manggagawa" (Santos), at “tunay na lider manggagawa" (Evangelista); isang paghahanay-hanay itong kakikitaan ng isang implisitong balangkas ng simple at di-diyalektikal na ebolusyon. M apapatunayan ng isasagawang masinsing panunuring tekstwal na hindi ganito kasimple ang katotohanan. Mahalagang suriin muna ang talastasan ng Katipunan na walang kaduda-dudang pinagkakautangan nang malaki ng sosyalistang diskurso nina Santos at Aguilar na pareho ring nakiugnay at nakilahok sa himagsikang Pilipino laban sa Estados Unidos. Hindi na sineseryoso ng maraming mga manunulat sa kasalukuyan ang mga opinyon na binitiwan nina Isabelo de los Reyes48 at Teodoro Agoneillo49 na may bahagi ang kaisipang "sosyalista" (sa maluwag na paggamit ng salitang ito) sa diskurso ng Katipunan. Wala ring nagbibigay-halaga sa sinulat ni Santos (1970, 540) na “ang Katipunan ni Bayaning Bonifacio ay may kahalo nang mga adhikang sosyalista.” Ang pinakahuling historyador na nagpahayag ng ganitong pananaw, si Salazar, ay hindi pa nakapaglabas ng sistematikong pagpapatunay hinggil dito. Ani Salazar (1997h, 54), “hindi na kailangang ituring pang mga bathalaing orakulo sina Montesquieu, Rousseau at Jefferson o dili kaya sina Marx, Lenin at Mao Zedong. Karamihan naman sa mga ideya nila ay naisip na nina Bonifacio at ng Katipunan—o, kung hindi man ay tiyak na maiisip pa ng mga kasalukuyang bayani nang mas angkop at malalim." Gayumpaman, mapapatunayan ng masinsinang pagsusuri sa Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto ang napakalaki at minsa'y nakakagulat na pagkakahawig ng talastasan ng Katipunan sa akda ni Jacinto at ng maagang talastasang sosyalista sa Pilipinas. Maililimbag lamang sa unang pagkakataon ni Jose P. Santos ang Liwanag at Dilim sa taong 1935, halos dalawang dekada pagkaraan ng pagkakasulat at paglalathala ng mga nobelang sosyalistang pinapaksa rito. Bagama't wala siyang ibinigay na petsa, binanggit ni Santos (1935, 25-26) na nabasa na at pinuri ni Lope K. Santos “at iba pang paham na manunuri” ang Liwanag at Dilim na “kinagigiliwan ng lahat.” Si Lope K. Santos pa raw ang unang gumawa ng maikling talambuhay ni Jacinto. (Ang ama ni Jose Santos

84 | PO O K AT PAN IN IN DIGAN

na si E. de los Santos ang orihinal na nagmay-ari ng mga manuskrito ni Jacinto.) Gayumpaman, hindi imposibleng nabasa na ito ng hindi iilang intelektwal noong panahong iyon at, kung hindi man nabasa, maaaring tumagos na at lumaganap sa pamamagitan ng kulturang pabigkas na maituturing na isang mahalagang bahagi ng Himagsikan ng 1896. Umaalingawngaw ang mga aral at tema ng Liwanag at Dilim sa mga nobelang Pinaglahuan at Banaag at Sikat. Pinapaliwanag ni Jacinto ang laganap na “kahirapan, pagdalita” o kawalan ng “kaginhawahan” sa lipunan bilang sanhi ng kawalan ng "katwiran,” "kalayaan,” “pagkakapantay-pantay,” at “pag-ibig.” Ayon sa kanya, “masasamang-loob” ang nagpapalakad sa lipunan na pumapawi sa anumang anyo ng “kagandahang loob” na nararapat ditong umiral. Sa pamamagitan naman ng “ningning” ay nagmumukhang “maganda ang loob” ng mga nagbabalatkayong “masasamang loob.” Ang kawalari ng pagkakapantay-pantay sa lipunan ang sanhi ng “pang-aalipin” at “pang-aapi” ng tao sa kanyang kapwa. Napapanatili ang ganitong kaayusan kapwa sa pamamagitan ng “pandarahas” sa “tulong ng tingga ng baril at ng tanikala ng bilangguan” at ng “pagdadamit-mahal ng kaliluhan” (ningning) at “paglapastangan sa m atwid” na natatanggap at napapaniwalaan ng Bayan “dahil sa kanyang kabulagan.” Inilalarawan ni Jacinto sa sumusunod na mga sipi ang nagaganap na "pang-aalipin” na pinahihintulutan ng ganitong mga tagapagtatag ng umiiral na kaayusan: ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay nagbalatkayo ng maningning . . . (Salazar 1999, 91) . . . katulad ng halimaw at makasalo sila sa pag-inom ng dugo ng Bayan . . . (95) magtamasa sa dagta ng iba . .. Ang Anak ng Bayan ay lagi nang inaagawan ng bunga ng kapaguran niyang sarili .. .so (92) Makikita rito ang laganap na pananalinghaga sa “dugo/dagta” ng Bayan na nilalagok at pinagpapasasaan ng mga “panginoon.” Malinaw na walang ibang tinutukoy ang "dugo/dagta” na ito kundi ang “bunga ng kapaguran” at “pawis” ng anak ng Bayan na "nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay,” na “nabababad sa ulan at nabibilad sa araw upang mabuhay ang lahat ng bunga ng kanyang pinagpaguran” (Salazar 1999,

Pa

n in in d ig a n

| 85

95), na "sa lahat ng panahon at sa lahat ng sulok ng lupa” kung saan may mga panginoong naghahari-harian ay palagi na lang "inaagaw” o "ninanakaw” sa kanya ang kanyang pinagpaguran.51 Ani Jacinto: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin? Tayo'y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. D atapw a’y marahil nam an isatig magnanakaw . .. Nagdaraan ang isang maralita na naghihirap sa pinapasan? Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ngkanyangnoo a tsa hapo ngkanyangkataw an na siya’y nabubuhay sa sipagat kapagalang tunay}2 (Salazar 1999, 90-91; akin ang diin)

Napakalinaw nang pumapasok dito ang konsepto ng "pagsasamantala” bilang "pang-aalipin.” Binabanggit ni Jacinto ang "hapdi ng loob ng mahirap” na "inaagawan ng kapos na upa ng kanyang mga kapagalan” (Salazar 1999, 94). Isang pamamaraan ang pagbibigay ng "kapos na upa,” ng "pagnakaw,” o “pag-agaw” ng mayaman sa "bunga ng kapaguran” ng "gum agaw aM alinaw na tinutukoy sa pangungusap na ito na hindi lamang itinuturing na "kapos ang upa” na ibinabayad sa "gumagawa” (hindi ginagamit ni Jacinto ang tila mas makabagong salitang "manggagawa”) sa pakahulugang hindi ito sapat upang ikabuhay niya kundi sa pakahulugang ang isang bahagi ng kanyang pinagpawisan ay kinukuha at hindi binabayaran. Sapagkat ayon nga kay Jacinto, ang "buong lakas, kalakhan, at kataasang ipinatatanghal” (samakatwid, ang buong puhunan) ng mayayaman "ay galing na lahat sa mga kampong inaalipin at ibinabaon sa dalita” (92) at "ang lahat ng pinakikinabangan, ang balang ikinabubuhay at ikinaiiba sa hayop ay siyang kinakatawan at ibinubunga ng paggawa” (106). Walang anumang bahaging nanggagaling sa mga panginoong may hawak lamang o nagmamay-ari ng "puhunan” at kayamanan. Ang “dugo” at “pawis” ng "gumagawa” ay nagiging "puhunan” ng nang-aalipin sa kanya (pati ang "dugo” ay maaaring maging “puhunan”) (97). Sa usapin naman ng "puhunan” o kasangkapan sa produksyong hindi tuwirang likha ng manggagawa ay wala ring dapat ikasalat ng mga kasangkapan sa paggawa dahil “binigyan ang lahat at bawat isa ng pag-iisip at ng buong kinakailangan sa ikagiginhawa.” Hindi maaaring angkinin ng

86

| P o o k AT Pa n i n i n d i g a n

iilan ang mga "bagay na kinakailangan sa kabuhayan.” Samakatwid ay may "karapatan” ang bawat isa sa mga kagamitan niyang ikabubuhay.53 Maidaragdag pa rito ang punto de bistang moral ni Jacinto sa paggawa bilang isang bagay na nagpapaunlad sa “lakas ng isip, loob, at katawan, mga bagay na kasanib at kinakailangan ng kabuhayan.” Sa pamamagitan ng pagbabanat ng kanyang buto, "ang gumagawa ay nalalayo sa buhalhal na kasalanan, maruruming gawi, at kayamuan; nagtatamo ng aliw, tibay, ginhawa at kasayahan” (Salazar 1999, 105). Habang makikita ang ganitong pagdarakila at pagsasabanal ng "paggawa” sa mga akdang sosyalista ng mga anarko-sindikalista tulad ni Proudhon,54 marahil ay mas nasagap pa ni Jacinto ang ganitong kaisipan sa mga doktrina na naglalaman ng mga aral tungkol sa "kabanalan” ng kasipagan sa harap ng "kasalanan” ng katamaran. Maliban sa tekstwal na pag-uugnay ng ilang nasulat ni Jacinto sa maagang panahon ng pagkakabuo ng kilusang manggagawa ay mahalaga rin sanang maiugnay ang papel ng manggagawang kasapian ng mga gremio sa pagpapalawak ng kasapian ng Katipunan at maging ang indibidwal na biograpiya ni Jacinto sa nam um uo noong kilusang manggagawa. Napakahirap pang gawin nito dahil sa kakulangan ng mga batis pangkasaysayan na maaaring mapagsanggunian. May ilang kalatkalat na datos lamang na magagamit kaugnay nito. Madalas mabanggit sa mga kasaysayan ng kilusang manggagawa ang pakikilahok ng mga gremio sa Katipunan ngunit halos walang sapat na pagpapatunay sa lawak at lalim ng ugnayang ito. Makikita lamang sa isang libritong sinulat ni Hermenegildo Cruz na ang mga naging kasapi ng Katipunan ay mga manggagawa na hindi tinatanggap sa mga logia dahil walang kakayahang matustusan ang mga butaw nito.55 Ang mga gremio ay nagsilbing samahang abuluyan ng pagtutulungan ng mga mahihirap na manggagawa sa kanilang kapwa mahirap sa pamamagitan ng pagiging "takbuhan” kung sakaling magkasakit o mamatay ang isang kasapi. Mahalaga ang pag-aaral ni Tria-Kerkvliet (1982) sa paksang ito dahil napatunayan niya na ang maraming itinuring na mga unang union ng Pilipinas ay higit na may katangiang abuluyan kaysa sa pagiging mga unyong nakikibaka para sa kapakanan ng mga manggagawa bilang isang uring panlipunan.56 Tingnan na lamang ang sinulat ni Lope K. Santos

Pa n i n i n d i g a n | 87

sa saligang-batas ng Kapisanan ng Paggawa sa Pilipinas (1904): "Ang pagtatatag at pagsasaping tunton sa lalong patas na pagsasamahan, ng tanang Departamento, Gremio at Gomite, sa kanilang ikagiginhawa, at upang makapag-abuluyan at makapagtulungan sila-sila sa lahat ng pangangailangan” (Tria-Kerkvliet 1982, 32). G inam it din dito ni TriaKerkvliet bilang isang patunay ang mga sanaysay ni Crisanto Evangelista noong mga taong 1913 kung saan ipinapaliwanag ni Evangelista na hindi sapat na mag-abuloy lamang sa nagkasakit o namatay ang unyon; higit pa rito, aniya'y kailangang makibaka para sa mas mataas na sahod, mas maikling oras ng paggawa, at iba pang mga hakbanging makabubuti sa kapakanan ng uring manggagawa bilang kabuuan. Ani Evangelista, "Hindi sukat ang madalaw ang isang maysakit, masamahan sa paglilibing ang isang kasama sa kanyang bangkay ay nangangahulugang nakatubos na siya . . . Dapat unawaing ang kailangang tubusin ay sangbansangbayanan, ng sangkatauhan sa kanyang pagkalugami, sa kanyang paghihirap, sa kanyang pagkagapos sa tali ng paggagaga ng pamahalaan sa mamamayan, ng mga namum uhunan sa manggagawa” (Tria-Kervkliet 1982, 28).57 Bagama’t makikita sa Katipunan ang ilang katangian ng abuluyan tulad ng binigyang pansin ni De los Reyes,58 matutuklasan rin sa Kartilya ni Jacinto ang pagtanggi sa kaisipan o paniniwalang isang abuluyan lamang ang Katipunan: "Kung ang hangad ng pagpasok dito ay ang siya’y abuluyan o ang ginhawa’t malayaw na katahimikan ng katawan, huwag magpatuloy sapagkat mabigat na mga katungkulan ang matatagpuan, gaya ng pagtangkilik sa mga naaapi at madaluhong na pag-usig sa lahat ng kasamaan” (Salazar 1999, 157; akin ang diin). Maliban sa madaliang pakikipagtagpo ni Jacinto kay Don Belong noong hindi niya matagumpay na matawaran ito nang pinagbilhan niya ng mga tipo para sa palimbagan ng Katipunan (De los Reyes 1971, 207), ang pagkakasama lamang ni Jacinto sa paghahanda ng mga papeles at sulatin ng Katipunan at sa marami pang mga nakaatas na gawain kay Aurelio Tolentino, isa sa mga unang organisador ng Katipunan at, nang lumaon, naging responsableng kasapi ng Union Obrera Demoeratiea Filipinas (UODF) ni Dominador Gomez, ang makikitang tuloy-tuloy na pakikiugnay ng “utak ng Katipunan” sa isang magiging may-akda ng drama soeialista na Bagong Kristo (1907) (Santos 1935, 16).59

88

|Po o k

at

Pa n i n i n d i g a n

Tulad ng napansin sa teksto ni Jacinto, laganap din sa Banaag at Sikat at Pinaglahuan ang matalinghagang paglalarawan ng pagsasamantala ng “di-gumagawa" sa pamam agitan ng “pagsipsip” / “pagpiga” / “panggagatas” / “paghitit” / "pananakmal” / “pangangamkam” / "pangangagaw"/ “panghahamig” sa pawis/dugo/dagta ng gumagawa. Ipinansasagisag ang mga katagang “pawis” / “dugo” / “dagta” sa “buhay" / “lakas”/ “gawa”/ “pagod” / "pinaghanapan” ng manggagawa. “Nabubuhay’* / “nagpapasasa” / "nagpapaginhawa” ang uri ng “iilan” / "malalaki”60 / “mamumuhunan” / “mangangalakal” / “m aypuhunan” / “maykaya" sei “gawa” / “paggawa” / “paghahanap” ng “nakararaming iba” / “ang bayan" ng mga “mahirap” / "maralita” / "dukha” / “sawimpalad.”61 Hinahalintulad ang nagsasamantala sa “linta” / “limatik” na “nagpapataba" at sumisipsip sa “dugo ng may dugo” ("pawis ng may pawis”) o "dapo.”62 Ipinapahiwatig ng mga pariralang “dugo ng may dugo” at “pawis ng may pawis” na ang bunga ng “dugo” at “pawis” na ito ay nararapat pakinabangan ng mga gumagawa dahil kanilang dugo at pawis ito at hindi dapat “ariin” ng hindi nagpuhunan ng dugo/pawis sa paggawa. Nakapailalim sa ganitong pangangatwiran ang kaisipang may karapatan ang tao sa anumang pinagbuhusan niya ng sariling lakas-paggawa. Walang dapat “mabuhay sa paggawa ng iba” dahil ito ay paglabag sa karapatan ng bawat isa sa “bunga”63 ng kanyang sariling paggawa.64 Kasunod ng batayang karapatang ito, iginigiit din ang ikalawang batayang prinsipyo na nagsasaad na ang “lahat ng pangangailangan ay likha ng paggawa.”65 Makikita ito kay Santos (1970, 37): “Talaga po namang ang paggawa lamang ang yumayari at nakapagtatakip ng madlang kailangan.” Makikita rin sa higit na bagong nobelang Hulagpos (Posadas 1980, 108): “Kung sa harap ng pagsasamantala at panggigipit sa mga manggagawa ay tumigil kayong lahat sa paggawa sa kahit ilang araw lamang, tiyak na babagsak ang ekonomiya ng bansa sa loob ng ilang araw na iyon! Ganoon kasipag at ganoon kahalaga ang uring manggagawa!” Tinatanggihan ng ganitong pananaw ang “bisa ng puhunan” sa paglikha ng anumang halaga sa produksyon na isang bagay na natukoy na rin sa Liwanag at Dilim ni Jacinto. Likha ng lakaspaggawa ng mga uring anakpawis ang lahat ng “halaga” sa mundo,

Pa n i n i n d i g a n | 8 9

walang anumang naidaragdag na halaga ang pagmamay-ari lamang sa mga kasangkapan sa paggawa. Sapagkat wala silang nalilikha, ang ikinabubuhay ng sinumang "di-gumagawa" tulad ng m am um uhunan ay ang halagang ibinunga ng paggawa ng iba.66 Sinasabi tuloy na “pinagnanakawan" nila bilang isang uri ang mga bum ubuo ng uring gumagawa at naghahanapbuhay. Binabansagang mga "manggagaga” / “mandaraya” / "magnanakaw” at “walanghiya” (makikita kay Aguilar ang pangungusap na, “Walanghiya ay yaong kumakain ng di niya pinaghahanapan.”) ang mga nabubuhay at gumiginhawa sa “hanap ng iba.” Ang kinukuha ng mga m am um uhunan mula sa halagang likha ng manggagawa ay ang tinatawag nilang “tubo” o “pakinabang.” “Kinakasangkapan” lamang ng m am umuhunan ang manggagawang inuupahan niya upang mapalaki nang mapalaki ang kanyang pinagmamay-ariang puhunan. Ayon nga kay Aguilar (1986, 116), “sapagka't kami ang kasangkapang kinakailangan nila sa pagkakaroon ng marami pang salapi.” Dahil sa pagsamantala ng di-gumagawa sa gumagawa, ani Aguilar (1986, 115), ang napupunta o “napapauwi sa bibig” ng mga gumagawa ay “ikalima o ikaapat lamang” ng dapat nilang matamo habang ang malaking bahagi ay inaangkin ng mga digumagawa. Ito ang “kapos na upa” ni Jacinto. Halimbawa’y kahit ang mga tunay na nakagagawa ng “sampu” ay hindi dapat maghangad na makakuha ng “dalawampu” dahil ang “labis” na ito ay manggagaling sa “kamay ng ibang gumagawa at nangangailangan din.” Sinulat pa ni Crisanto Evangelista sa kanyang “Basahing Anakpawis” (1929) na ang “kaginhawahan [ng manggagawa] ay kabawasan sa kaginhawahan ng mga kapitalista” (Guevarra 1992, 68). Nangangahulugan lamang ito na sa ugnayan ng manggagawa at kapitalista, ang dagdag na kaginhawahan ng isa ay kabawasan sa kaginhawahan ng ikalawa. Magkasalungat ang kanilang palad. Tinalakay ni Marx ang penomenong ito ng pang-aagaw ng uring kapitalista sa kaginhawahan ng uring manggagawa lalo na sa kanyang mas maagang mga akda sa pamamagitan ng kategorya ng “alyenasyon.” Maipapakita rito na madaling mailalapat sa Tagalog na idioma ng “loob” ang dalumat ng “pagkatiwalag” (o alyenasyon) ni Marx sa pamamagitan ng “pagsasalin” ng ilang sentral na kataga at parirala mula

90 I P O O K A T P A N I N I N D I G A N

sa bahaging pinamagatan na “Paggawang Wala sa Loob” (entfremdete Arbeit) ng manuskritong sinulat ni Marx noong 1844 sa Paris.67 Maisasalin halimbawa ang mga pilosopikal na katagang Aleman na “Entfremdung,7”VerfremdungMat “EntauEerung” bilang “pagkakalayo/ pagkatiwalag sa loob.”68 Natukoy na ni Georg Lukaes at ng marami pang iba na ang “EntauEerung” ay isa sa mga pinakabatayang dalumat sa kaisipan nina Hegel at Marx. Sa kasaysayan nga ng paggamit nito ay karaniwang itinutumbas lamang ito sa “Entfremdung,,/ “Verf^emdung.,,69 Magkatumbas nga silaf bagama’t ang “EntauBerung” ay naglalarawan ng “paglabas mula sa loob,” habang ang mga salitang “Entfremdung7 “Verfremdung” naman ay naglalarawan ng transpormasyon ng dating kilalang bagay patungo sa pagiging di-kilala o “banyaga” {Fremd). Nagsisimula at umiinog ang kasalukuyang pagpapakahulugan sa pagtutumbas ng dalumat ng “Entau&erung” sa konsepto ng “pagbuhos ng loob.” Natalakay na sa kasaysayang intelektwal ng Europa kung paano unang tumagos sa talasalitaang pilosopikal ang salitang ito mula sa Bibliyang Aleman ni Luther kung saan isinalin ang Griyegong “eauton ekenosen” bilang “entauBerte sieh selbst” (pagsasa-labas ng sarili), patungo kay Hegel na nakuha ito marahil sa kanyang mga guro sa teolohiya, at paglaon naman kay Marx.70 Katugma ng kanyang pagpapalalim sa dalumat ng “sakop,” binigyang pakahulugan ni Mereado (1975, 151-52) ang pandiwang Griyego na “kenosis” (pagbuhos) bilang pagpapasakop o pagsuko (surrender) ng sarili sa kapangyarihan ng Iba at inugnay pa niya ito sa ideya ng diumanong “di-pagkamakasarili” (non-egoism) ng mga “Pilipino” Naiiba kay Mereado, at mas malapit sa pagtutumbas ng “EntauBerung” at “pagbubuhos ng loob” ang pagpapakahulugan ni Alejo sa ideya ng "kaloob” bilang isang bagay na nanggagaling sa loob ng gumawa nito: Sa ganitong pagloloob ko sa mga bagay, nakasalalay rin ang aking pagsasalamat at kung minsan ay ang pagkilala sa halaga ng isang ka-loob o ng isang pamana. Alam mo na ang handog niyang gulay na kanyang pinagpaguran ay kabahagi ng kanyang sarili, at ang pagtanggi ko sa handog na iyon ay pagtanggi rin sa kanya. Gayon din, ang pagtanggap ko at pagpapasalamat, ang pag-iingat ko sa bagay na iyon sa matagal na panahon ay katapatan ko rin sa kanyang handog. (1990, 197)

Pa n i n i n d i g a n | 91

Makikita kay Alejo na ang “loob” na “ibinubuhos papalabas” sa pamamagitan ng “pagloloob sa mga bagay" ay hindi simpleng "loob” lamang, kundi isang bagay na “pinagpaguran.” Ang “loob” na ito ay ang "buhay,” “lakas,” “paggawa,” “dugo,” at "pawis” ng nagbuhos ng kanyang kalooban. Maaaring sabihin sa Filipino ang mga pariralang"pinagbuhusan ng loob” at “pinagbuhusan ng buong buhay at lakas.” Sinulat nga ni Marx sa kanyang maaagang manuskrito ng 1844 na “pinahiraman” o "pinagkalooban” [yerliehn) ng manggagawa ng loob/buhay/lakas ang bagay na nililikha niya. Sa gayon, parang nagkakaroon ng “utang na loob” sa gumawa nito ang yaring-bagay ngunit hindi ng "sariling loob.” Pinapatunayan ng mungkahing "sahn” na ito na ang buong sistema ng kaisipang Marxista na umiinog sa ideya ng "pagsasamantala” ay maaaring mapaliwanag sa pamamagitan ng idioma ng loob. Napapahiwatig dito ang "paggawa” (pagbuhos ng loob), ang "produkto” (ang pinagbuhusan ng loob), ang "alyenasyon ng produkto” (paghiwalay sa loob), at ang "kapangyarihan ng iba sa pinagpaguran” (namamayaning kalooban). Naisasalarawan din hindi lamang kung paano nagiging tiwalag sa kalooban ng manggagawa ang bagay na pinaghuhusan ng kanyang kalooban kundi kahit kung paano siya nagiging isang “kasangkapan”bilang "alipin”ng isang mas nakapangyayaring kalooban (ng kapitalista). Makikita sa dalawang dulo ng ugnayan ng manggagawa at mamum uhunan ang pagkatiwalag ng tao sa kanyang kapwa bilang pagkatiwalag ng mga kalooban (Entfremdung des Mensehen von dem Mensehen) at pagkatiwalag ng tao sa kanyang sariling kalooban (Selbstentfremdung des Mensehen von sieh). Ang pagkatiwalag ng tao sa tao ang sanhi ng pagkaalipin (Knechtschaft), kahirapan (Arm ut), pagkapatay-gutom [Hungertod), at "pagkahubad” [Entblofeung). ("Isang himagsikang ang tungo'y ikabibihis ng tao,” ani Aguilar.) Sanhi ng kanilang lugar sa proseso ng produksyon, maituturing ang mga manggagawa, bilang mga “pinagnakawan” ng magnanakaw (Dieb) na kapitalista ng kaginhawahang nararapat sa kanila. Higit sa lahat, pinalalakas ang kasalukuyang interpretasyon ng ilang sipi mula kay Aguilar: a.

"sawi na inagawan ng sariling loob, isa akong alipin na sunudsunuran sa panginoon” (1986, 75)71

92 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

b.

"[an g m a m u m u h u n a n

a y ] y a o n g n a b u b u h a y s a p a g n a n a k a w sa

lo o b n g b a y a n . . ( 7 9 )

Ang pagpapasailalim sa kalooban ng m am um uhunan ng kalooban ng manggagawa at ng mga bagay na pinagbuhusan niya ng kanyang kalooban sa paggawa ang sanhi ng hindi pagkakusangloob ng kanyang paggawa at ng hindi pagsasakatuparan ng kanyang sariling saloobin. Itinuturing siyang kagam itang walang sariling loob (saloobin at katuparan) ng kalooban ng m am u m u h u n an g sumasakop sa kanya. Hindi napapasailalim sa kalooban ng manggagawa ang mga bagay na nalikha niya; sa halip ay napapasailalim ito sa kalooban ng kapitalistang sum asakop sa kalooban ng manggagawa. Pareho sa esensya ang paliwanag na m atatagpuan kay A lejo (1990, 91): M a r a h il, s a g a n i t o

d a p a t u n a w a in

ang

p a g k a tiw a la g

o

a ly e n a s y o n

n g m a n g g a g a w a s a k a n y a n g s a r ili a t s a s a n g k a t a u h a n a t s a k a n y a n g p a g p a p a g o d a t p i n a g p a p a g u r a n . A n g k a n y a n g m a l a y a y s a k o p n g m a la y n g ib a . W a la s i y a n g s a r i l i n g b a i t . A n g k a n y a n g p a g - i i s i p a y n a s a ila lim n g s a l a m a n g k a n g m a n g - a a p i . W a l a s a l o o b n i y a a n g k a n y a n g g in a g a w a k ay a h in d i m a g ig in g b u k a l n g k a n y a n g p a g p a p a k a t a o

ang kanyang

p a g lik h a a t p a g g a w a . Is a s i y a n g t a u - t a u h a n , h i n d i t u n a y n a ta o .

siya sa loob at wala siyang loob.

Wala

A n g t r a b a h o n i y a a y g a w a i n g la b a s sa

k a n y a . H i n d i n iy a m a a a n g k i n a n g k a n y a n g p a g g a w a a t sa k a s u k d u l a n , h i n d i n a r i n n iy a p a g - a a r i a n g k a n y a n g s a r ili . I t o a n g b u n g a n g la b i s n a p a g s a s a m a n t a l a . n a a n g b i k t i m a a y n a g i g i n g b a g a y n a l a m a n g n a w a la n g m a k a t a o n g lo o b . ( a k i n a n g d ii n )

Dito makikita ang pagkakalamang ng pagpapakahulugan ni Alejo sa pagkaunawa ni Mereado o ni Enriquez. Hindi nga malinaw kung ano ang pakahulugan ng "pagsasamantala” kay Enriquez. Para kay Enriquez, tila hindi mapagsamantala ang isang ugnayan basta’t "makatao” ang pakikitungo ng may kapangyarihan sa nakapailalim sa kanya kahit walang anumang pagbabagong mangyari sa kanilang katayuan o kalagayan sa lipunan (1994a, 46): "Pakikipagkapwa is mueh deeper and profound in its implieations. It also means aeeepting and dealing with the other person as an equal.The eompany president and the office elerk may not

Pa n i n i n d i g a n I 93

have an equivalent role, status, or ineome but the Filipino way demands and implements the idea that they treat one another as fellow human beings (kapwa-tao) . . . pakikipagkapwa is dehnitely ineonsistent with exploitative human transaetions” (47). Kataliwas nito, ang pakahulugan ng pagsasamantala kay Alejo ay ang pamamayani ng loob ng iba sa ibabaw ng iba, kung kaya't ang isa ay nagiging kagamitan lamang (kinakasangkapan) ng nakapangyayaring-loob sa kabila ng kanilang maaaring "pagkakaisang-loob” at/o “pakikipagkapwa” sa pakahulugan ni Enriquez. Malinaw na hindi ito simpleng usapin lamang ng maayos na pakikipagkapwa kundi problema ng transpormasyon ng kaayusang pangkapangyarihan at istrukturang panlipunan. Tinuligsa rin ni Alejo ang konsepto ni Mereado ng “pagsasakop” (kenosis) sa loob ng iba bilang mapagsamantala sa esensya nito. Batay sa mga aspektong diskursibo na nabanggit na sa itaas, tatalakayin sa susunod na dalawang bahagi ng kasalukuyang akda ang tinatawag ditong "dalawang agos” ng kilusang paggawa sa Pilipinas na masasabing isang drastikong pagpapasimple lamang ng napakasalimuot ng karanasan ng kasaysayan ng (mga) kilusang ito. Gayumpama’y inaasahang makatutulong ang ganitong pagbalangkas sa pag-unawa ng pangkalahatang penomeno ng diskursong anakpawis sa Pilipinas.72

II. UnangAgos: Mga Batayan ng Dilawang Unyonismo Mapapansin sa akda nina Aguilar at Santos na mula sa matalinghagang paglalarawan ng pagsasamantala bilang “pagsipsip ng dugo at pawis” at “pagnanakaw ng pinagpaguran ng iba” ay makikita ang konsepto ng “pagsasamantala” bilang isang bagay na maaaring “sukatin” sa mga pamamaraang kantitatibo.73 Mapapansing ipinapailalim ng ganitong metodong kantitatibo ang pagdaloy ng buhay/dugo ng buong uring manggagawa sa ilalim ng iisang sagisag-panukat.74Sinusukat ang tinatawag na tantos o tindi ng pagsasamantala sa pamamagitan ng pagtingin sa mga bahagi ng pangkabuuang produkto na nagawa na napupunta sa manggagawang gumagawa at sa di-gumagawang mamumuhunan. May inihapag si Aguilar sa kanyang akda na mga tiyak na mga tantos ng

94 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

pagsasamantala: Kung Va ang bumabalik sa manggagawa sa kabuuan ng halagang nilikha niya, ang tantos ng pagsasamantala ay magiging 3; kung H lang, ang tantos ng pagsasamantala ay 4. Galing ito sa simpleng pormula: labis na halaga / halaga ng upa sa paggawa = tantos ng pagsasamantala.75 Malinaw sa halimbawa ni Aguilar na mas malaking bahagi ang napupunta sa mamumuhunan kaysa sa manggagawa. Sa buong halagang nalikha ng indibidwal na manggagawa, pinakikinabangan ng mamumuhunan ang tatlong ulit na mas malaki sa pinakikinabangan ng manggagawa kung Va ang isinasahod dito sa kabuuang halaga, at apat na ulit naman ang pinakikinabangan kapag lang. G ayum pam a’y walang pagpapaliwanag hinggil sa pinagbatayang kalkulasyon ng mga numerong ito; wala ring pagtalakay sa mga sanhi ng pagtaas o pagbaba ng ganitong mga tantos ng pagsasamantala, isang bagay na nagpapahiwatig ng istatiko at didinamikong pagtingin sa tantos na ito na maaaring sanhi ng di sapat na pagkaunawa sa mapagpasyang papel ng mga pwersang pampamilihan sa pagtatakda ng halaga ng kalakal na lakas-paggawa. Mas malinaw ang paliwanag ni Amado V. Hernandez: B in ib ili n g k a p i t a l i s t a a n g t r a b a h o n g o b r e r o s a m u r a n g h a l a g a ; a la la o n g b a g a ’y b i n a b a y a r a n n g u n a a n g h u l i h i n d i s a k a b u u a n n g n a g a w a sa p r o d u k s y o n n it o , k u n d i a n g b a h a g i l a m a n g n g p a n a h o n g i g i n a w a . A n g t u b o sa p r o d u k s i y o ’y i b i n u b u l s a n g k a p i t a l i s t a . . .T a l a s t a s n g k a p i t a l i s t a n a s a p a t a n g a p a t o l i m a n g o r a s n g p a g g a w a n g is a n g o b r e r o p a ra m a y a ri n ito a n g h a la g a n g k a n y a n g s a h o d ; s a m a k a tw id , a n g k a n y a n g p r o d u k s y o n sa l i m a - a n i m n a o r a s n a l a b i s a y w a l a n a n g b a y a d , a t it o 'y s a r ili n a n g p a k i n a b a n g n g k a p i t a l i s t a . K u n g s i y a ’y m a y s a n d a a n g o b re r o , n a g ta ta m o an g k a p ita lis ta n a n g h in d i k u k u la n g in sa lim a n d a a n g o ra s na m a g h a p o n n a h i n d i n a n i y a b i n a b a y a r a n , s a m a k a t w i d , t i n a t a n g g a p n iy a n a n g g r a t is a n g b u o n g p r o d u k s y o n n g s a n d a a n g o b r e r o s a l i m a n d a a n g o ra s . ( 1 9 8 2 , 1 3 3 - 3 4 )

Gayundin sa nobelang Hulagpos: ’k a la

mo

n a m a n , h in d i k u m ik ita n g lim p a k - lim p a k

n a tu b o

it o n g

k u m p a n y a . E s a u n a n g o r a s l a n g n g t r a b a h o ’y s u l i t n a a n g l a h a t n g i p i n u p u h u n a n g g a s to s , l i b r e n a s a k a n il a a n g p i t o n g o r a s n g b a w a t t r a b a h a d o r b a w a t a r a w l 76 ( P o s a d a s 1 9 8 0 , 8 1 )

Pa n i n i n d i g a n | 95

Sa kabila ng pagdidiin sa ugnayang mapagsamantala sa pagitan ng mamumuhunan at manggagawa, may lumilitaw pa ring konsepto ng "karampatan” o "makatarungang sahod” (Tria-Kerkvliet 1992, 9, 67)77 na dapat napupunta sa manggagawa. Tatlong posibleng pakahulugan nito ang makikita kina Santos at Aguilar: a. Kailangang sum apat ang sahod sa mga pangangailangan sa "pagpapakatao”/"kaginhawahan” ng manggagawa. May karapatan ang manggagawa sa sahod na hindi lamang nakabubuhay kundi nakagiginhawa. Nakasalalay ito hindi sa "halaga” na nalikha ng manggagawa sa proseso ng paggawa o sa batas ng kahilingankatugunan sa loob ng pamilihan, kundi sa panlipunan at historikal na konsepto ng "kaginhawahan.” Ayon nga kay Santos (1970 24), "kung di man masasabing lubha na gutom ang kanilang katawan o tiyan, ay gutom naman ang pagkatao, palibhasa’y salat sa buhay at lakas ng pag-iisip, na totoong kinakailangan.” Dagdag pa, "Sapat na kaya ang upang iyan, sa hirap at mga pangangailangan ng isang manggagawa, ng isang taumbayan, ng isang mag-anak?” (39). Makikita naman kay Aguilar (1986, 53) ang kaisipang “pinagkakaitan [ang manggagawa] ng upang nauukol sa kanyang mga kailangan.” Gayundin, "Inuupahan nga, nguni’t upang hindi nakagiginhawa kundi sapat lamang sa mga kailangan ng isang dukha upang huwag mamatay at nang tuw ina’y magkalakas na maihahandog sa panginoon. Ang mga pakundangang ibig naming matamo ay ang lahat ng nababagay sa aming pagkatao” (116). b. Nakabatay ang sahod sa halagang gustong ibayad ng mamumuhunan. Sinulat ni Santos, “Sa ganang mamum uhunan ang pagkain ay dapat isunod sa salapi ng kakain, at di sa pangangailangan niyang mabuhay at sa pagsasauli ng nawawalang lakas sa paggawa” (1970, 26). Makikita naman sa akda ni Aguilar ang tanong ng mamumuhunan, "Ang katampatan daw ng pag-upa ay nasasalig sa mga kailangan ng isang manggagawa at hindi sa maibigan ng umuupa. May kaululan pa bang lalaki sa rito?” (1986, 191).

96 | P o o k

at

Pa n i n i n d i g a n

c. Alinsunod sa karapatan ng bawat isa sa bunga ng kanyang paggawa, dapat itumbas ang sahod ng manggagawa sa buong produkto na nalikha niya. Nakabatay rin dapat ang halagang matatanggap ng "mamumuhunan” sa halaga ng puhunang nagamit sa paggawa at sa kanyang sariling pagtrabaho sa pabrika.78 Ayon sa akda ni Santos (1970, 250), "Kailangan ding matanto ng mga manggagawa na ang puhuna’y hindi dapat makinabang nang higit sa paggawa, ni nang hati, ni nang labis pa sa halaga ng mga kasangkapan at gamit sa pagpapagawa. Na ang dapat lamang ang halaga ng kanyang paggawa rin, at hindi ang tubo at tubo sa mga himagal (salario) at mga nagpapaupa.” Magkaiba man ang (a) at (b) sa itaas sa pinagmumulang panig (nagmumula ang [a] sa panig ng manggagawa habang ang [b] ay nagmumula sa panig ng m am um uhunan), pareho ang batayan ng dalawang kaisipang ito: itinuturing ang ugnayan ng mamumuhunan at manggagawa bilang ugnayan ng dalawang indibidwal na malayang nakapagtatakda ng "makatarungang pagpapahtan” sa pamamagitan ng mga "kasunduan” o "salitaan.” Sa pangkalahata’y nakahiwalay o nakaangat sa mahihigpit na batas ng pamilihan ang binibigyan ditong halaga na "karapatan sa kaginhawahan”79 ng manggagawa (maging napakapayak man o napakasalimuot nito). Bagkus ay isinasalalay ito sa halos "malayang kalooban” o “pagkakusang loob” ng mamumuhunan sa halagang gusto niyang ibayad sa kanyang manggagawa, magpakababa man ito (kung "sakim” siya) o magpakataas man ito (kung “mabuti" siya).80 Inuunawa rito ang ugnayan ng puhunan at paggawa bilang isang ugnayang nakabatay sa ugnayang panloob/kaloob na lumilikha ng buong siklo ng pagpapalitan ng utang na loob o pagpapalitang-kaloob.81 Tinitingnan ang paggawa bilang isang paninilbihang bigay-kaloob at ang sahod ng kapitalista bilang kapalit-kaloob.82 Sabihin mang may utang na loob ang manggagawa sa kagandahang-loob ng kapitalista tulad ng napapahiwatig sa sinabi ng mamumuhunan sa akda ni Aguilar (1986, 115), "pagpiga palang ipinapalagay ninyo ang kagandahang-loob naming dapat pang pasalamatan,” o ang kapitalista ang may utang na loob sa manggagawa tulad ng argumento ng sosyalista sa akda ni Santos (1970,

Pa n i n i n d i g a n | 9 7

535), "ang mga manggagawa ang dapat kilalanin ng utang na loob ng mga nagsisiyaman sa pamum uhunan, bago ang mga ito ang kilalanin ng mga iyon,”83 nakapaloob pa rin ito sa diskurso ng utang na loob at "pagkakasakop” sa manggagawa ng mamum uhunan. Sa katunayan may kaugnayan ito sa pagturing sa "paggawa” bilang isang bagay na hindi mabibigyan o hindi dapat mabigyan ng presyo sa pamilihan,84 kaisipang ipinahiwatig kapwa sa akda ni Santos (1970, 39)—“karaniwan na ngayon ang piso maghapon. Sa halagang piso ang buong kalayaan at karapatan ng isang tao ay nabibili na araw-araw ng isang maysalapi”—at ni Aguilar (1986, 59), “isang bagay na mahalaga, walang kasinghalaga: ng aking lakas na sarili, ng magagawa ng aking mga bisig.” Natuklasan ni Marx ang problemang ito kaya ipinag-iba niya sa kanyang huling mga akda ang "paggawa” {Arbeit) at "lakas-paggawa” [Arbeitskraft) ,85 Ang "halagang-pamalit” (Tausehwert) ng kalakal na lakas-paggawa ay katumbas ng halagang kinakailangan upang matustusan ang buhay ng manggagawa; ang "halagang-gamit” (Gebrauehsiuert) naman nito ay ang paggawa mismo na siyang ibinubuhos sa proseso ng produksyon. Sa pagpapakahulugang nakabatay sa "utang na loob” sa ugnayang kapitalista-manggagawa, hindi ito tinitingnan bilang isang ugnayan ng mamimili (kapitalista) sa isang naglalako ng kalakal niyang lakaspaggawa (manggagawa) sa loob ng isang pamilihang nagtatakda ng mga hangganan sa mga presyo ng kalakal na nakapangyayari at higit na mapagpasya sa anumang "kasakiman” o "kabutihan” ng manggagawa o mamumuhunan. Pinamamayani sa ganitong diskurso ang tinatawag na mga di-pang-ekonomiyang salik tulad ng umiiral sa ekonomiyang pyudal sa pagtatakda ng pagpapalitan imbes na mga pang-ekonomiyang salik ng mga pamilihan at pagawaan. Sa katunayan, ang ganitong mga uri ng pangangatwiran ay hindi mapagbabatayan ng anumang rebolusyonaryong simulain dahil umaasa na lamang ang mga manggagawa ng "pagbabagong-loob” sa panig ng mga “masiba” / "sakim” / “matakaw” / "maramot”86 / "walang kaluluwa” na m am um uhunan. Ayon kay Tria-Kerkvliet: T h e g e n e ra l v ie w

a m o n g U n io n d e T a b a q u e ro s d e

F ilip in a

(U T F )

o ff ic e rs w a s t h a t e a p i t a l i s t s w e r e s e lfis h , l a e k e d e o m p a s s i o n , r e f u s e d

9 8 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

to give loans to workers, and deceived workers by hiding how mueh proht was made at workers’ expense. Yet the union leaders did not advocate a radieal ehange in labor-eapital relations. They did not agree with those who advocated elass struggle or said that the antagonism between labor and eapital was inherent.87 (1992, 59) Sa halip nito ay “pagbabagong-loob” ng bawat isa (“pagpapanibagong-buhay”)88 ang inaasam at hindi ang pagbabago sa umiiral na kaayusan na ipinapalagay nilang tiyak na mananatili dahil “hindi maaaring baguhin” at umaayon sa “tunay na batas ng buhay.” Matatagpuan ang temang ito sa nobelang Nayotig Manggagawa ni Antonio Sempio (1939, 119-25) na tungkol sa isang dating “malupit” na mamumuhunan na nagbagong-loob at naging "pinakamabuti sa lahat ng mayaman” dahil iniukol ang kanyang katandaan sa “pagpapaginhawa sa buhay ng mga maralitang kailangang tulungan” at natutong “maglimos,” “mag-abuloy,” “mag-ambag,” at "makipagkawanggawa.”89 Maaaring bawasan ng m am um uhunan ang kanyang tubo at dagdagan ang binabayarang upa sa manggagawa alang-alang sa kapakanan ng huli dahil sa kanyang “kabaitan” at “kagandahang loob” ngunit kung mangyari man ito ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagsasamantala sa mga manggagawa gaano man kababa ang tantos nito. Hindi ito usapin ng pagwasak sa sistemang mapagsamantala kundi pagbabawas lamang ng tantos ng pagsasamantala at “pagpawi” ng mga pagmamalabis90 ng mga sakim na “panginoon.” Isa itong “matwid” o moralidad na nakakulong sa loob at nagpapanatili ng sistemang mapagsamantala sa uring manggagawa (Tria-Kerkvliet 1992, 19, 47, 72).91 Lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisip ang malalabong konsepto ng “pagkakapantaypantay ng mga uri”92 at ng “pagkakasundo ng mga uri” batay sa “mabuti” at “tapat” nilang pagtugon sa kani-kanilang mga katungkulan sa loob ng lipunan na nahihinggil sa “mga karapatan ng Puhunan sa pakikisama sa Paggawa” (Santos 1970, 28) at sa "karapatan ng mahirap at katungkulan ng mayaman” (Santos 1970, 440). Ngunit sa kabila ng pagtugon ng mga nakatataas na uri sa kanilang mga katungkulan, maaari pa ring kwestyunin ang kanilang pagkuha ng bahagi ng pinagpaguran ng uring manggagawa. Isang gawain itong masasabing lumalabag sa

Pa n i n i n d i g a n | 99

"karapatan" ng bawat isa sa kanyang pinagpaguran. Ipinasasagot dito ang penomenong napakalimitado ng m am um uhunan na manggagawa rin na nararapat tumanggap ng sahod (hindi tubo) na bunga rin ng kanyang sariling paggawa at kabayaran sa nagamit na bahagi ng kanyang puhunan sa produksyon na makikita sa (c) sa itaas. Napapalabo ng hindi sapat na pag-iiba, o pagpapantay, ng “sahod” na natatanggap ng manggagawa at ng "tubo" na natatanggap ng kapitalista ang realidad ng pagsasamantala. Makikita ito sa sumusunod na sipi: “G into ang pawis ng mahirap kaya singpantay rin at kahalaga ng ginto ng mayaman. Ang pagod at ang puhunan ay di nagkakaiba: kaya patas na pakinahang ang dapat tamuhin” (Aguilar 1911, 298; akin ang diin).93 Sa halip na “pigain" ng m am umuhunan ang manggagawa para sa “labis na halaga" o “halagang surplas" (Mehrwert) na galing sa “di binayarang paggawa” (unbezahlte Arbeit) na panggagalingan ng kanyang tubo o pakinabang,94 ibabayad niya sa manggagawa ang buong halaga na nararapat sa manggagawa: “pawis ng may pawis na binabayaran!”95 Sinasabing “kailangang bayaran ninyo ng sukat ang pinagpawisan ng mahirap, upanding ang kayamanang natitipon ay magkabaha-bahagi sa lahat, at nang ang lahat ay guminhawa" (Tolentino 1975, 152). Pero mula sa punto de bistang Mandsta, isa itong tunay na pantasya, dahil mawawala ang pinagmumulan ng tubo ng m am um uhunan na siyang batayan ng kanyang mismong pag-iral bilang mamumuhunang nakikipagkumpetensya (“nakikiagaw"/“nakikipagpaligsahan”) sa iba pang mamumuhunan. Dagdag pa rito, nakita ni Marx na kahit sa isang sosyalistang ekonomiya ay hindi maaaring maibalik sa manggagawa ang buong halaga ng kanyang paggawa bilang isang indibidwal. May komentaryo si Marx hinggil dito sa kanyang “Kritika ng Programa ng Gotha." Ayon sa kanya, kailangang ibalik ang isang bahagi ng nalikha ng bawat isang manggagawa sa panlahat na pondo upang gamitin sa pagpapaunlad at pagpapalawak sa produksyon at sa pagtugon sa mga serbisyong panlipunan para sa lahat. Hindi ang “pagkakapantay-pantay ng mga uri” ang esensya ng sosyalismo kundi ang pagpawi ng mga uri mismo sa lipunan.96

lO O | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

Sa katunayan, ang lahat ng nabanggit sa itaas ay mga ideolohikal na batayan lamang sa pagtatanggol sa mga “bagong” ugnayang panlipunan na nalilikha ng pagpapalitang nakabatay sa pamilihan at pag-uupa ng lakas-paggawa. Habang ipinapangalandakan ng ideolohiya ng kapitalismo ang ilusyon ng "malaya” at “kusang-loob” na kasunduan sa pagitan ng mamumuhunan at manggagawa sa loob ng pamilihan na kakaiba sa “di-malayang” kaayusang pyudal, makikita kay Santos na mas idinikit ang “pagkakusang-loob” na ito sa panig ng mamumuhunang may “kagandahang-loob”97 (sapagkat ang kanyang “loob” ang tunay na nakapangyayari) kaysa sa pantay-pantay na “pagkakusang-loob” ng lahat sa pamilihan. Hindi rito namamayani ang ideolohiya ng “malayang kasunduan” sa loob ng pamilihan na hindi naman ganap na umiral sa Pilipinas kundi isang ipinataw na interpretasyong pyudal ng “malayang kasunduan” na ito sa loob ng mga makabagong ugnayang kapitalista.98 Pinagtatakpan, sa ilalim ng ilusyon ng “kagandahangloob” ng mamumuhunan o ng mga "namumuno,”99 ng ganitong uri ng diskursong moral na nakapaloob sa lohika ng umiiral na kaayusan ang tunay na takbo ng mga prosesong pang-ekonomiya sa pamilihan at ang tunggalian ng mga uri na talagang nakapangyayari sa pagpapatakbo ng mga empresang kapitalista. Sa kanyang panahon at konteksto, ipinahayag din ni Jacinto ang kanyang pagkainip sa ganitong uri ng mga pangangatwiran, “Lagi nang sinasambit ang katwiran ng mga Pinuno at ang mga utang na loob sa kanila ng Bayan.” Dahil sa malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino, kahit ang ugnayang sahuran sa pagitan ng kapitalista at manggagawa ay maaaring magkaroon ng panlabas na anyong patemalistiko. Isang mahalagang pangyayari sa panitikang Pilipino ang pagtukoy ni Amado Hernandez sa kalabuan ng pag-iisip na nasa likod ng sangkap-ideolohiyang ito. Sinulat ni Hernandez (1982, 132) hinggil sa programang “soeial justice” ni Quezon, “Ang katarungan ni Quezo’y batay sa pamamaraang patemalista. Sa kabila ng lahat niyang kabutihan, na parang ama ng isang pamilya, e siya pa rin ang may-ari ng lupa, at ang mga kasama’y nakikibahagi lang sa ani. Ang kapital niya’y ang lupa na binili sa isang tiyak na halaga, samantalang ang puhunan ng mga kasama’y ang kanilang lakas, ang kanilang buhay. Pero sa huli’y humahati siya sa bawa’t kasama”100 (akin ang diin).

Pa n i n i n d i g a n | 101

Walang malalim na pagkakaiba ang pagsusuring nagawa sa itaas hinggil sa "makatarungang sahod” na ipambabayad sa "kalakal” na lakas-paggawa sa konsepto rin ng "makatarungang halaga,',°I ng iba pang mga kalakal. Sa panig ng mga mangangalakal [na nakikipaghatian sa mamumuhunan sa labis na halagang nalikha ng manggagawa) hinihingi ang halaga ng bilihin na makakayanan ng mga manggagawa upang makamit nila ang inaasam na kaginhawahan o kaya naman ay tinatakda ang presyo ng kalakal, hindi sa pamamagitan ng mga pwersang pampamilihan, kundi sa "tunay na halaga” nitong nakabatay lamang sa lakas-paggawang nilalaman nito. Tulad ng pagbili ng lakaspaggawa ng kapitalista, inilalarawan din ng ganitong uri ng pagkaunawa ang pagbibili ng kalakal bilang isang malaya at "marangal" na kasunduan sa pagitan ng dalawang panig na nagmamagandang-loob. Kung hindi tumalima ang mangangalakal sa ganitong mga pamantayang moral, ituturing namang "nandaraya” siya sa mga mamimili sa pamamagitan ng paglalagay ng "malaking patong” sa kanyang mga ibinebenta. Ayon nga kay Aguilar (1986, 256), “Iyang mga mangangalakal na sa bawa’t sandali’y walang iniisip kundi magtubo ng mahigit na makapupo sa talagang puhunan nila at mangakapagpaparami ng salapi sa pananamantala ng mga kailangan ng lahat ay maisasakdal at maparurusahan sa salang pagdaraya.”102 Ang mga nabanggit na penomenong ideolohikal ay ipinapailalim sa katawagang “dilawang unyonismo” na sinasabing isang uri ng "unyonismong nangangayupapa sa mga kapitalista” sapagkat "itinataguyod nito ang paniniwalang iisa ang interes ng manggagawa at kapitalista kaya ang paglaki ng tubo ng isang negosyo ay pag-asenso na rin daw ng mga manggagawa.”103 Bilang panghuli, pinagtanggol kamakailan ng makatang si Domingo Landieho ang "dilawang unyonismo” bilang tunay at likas na "unyonismong” nakabatay sa arketipal na pagsusuri ng mga katutubong kaugalian ng "Kapilipinuhan” at salungat sa mga banyagang ideolohiya sa kilusang paggawa na mapaghati’t mapanggulo. Ani Landieho:

102 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

Isa n g b a g a y a n g n a g ig in g m a lin a w sa d a n a s n g k a s a y s a y a n n g p a g g a w a at

puhunan

sa

lip u n a n g

s in a u n a n g s ib ilis a s y o n

p a n la h i.

ay

A ng

um aakm a

a rk e tip o

sa b a h a g in g

ng

k aay u san

ng

ta g a p a m a g ita n ng

m g a i n s t r u m e n t a l i d a d a t e s e n s i y a n g E s t a d o a t m g a k i n a t a w a n n it o n g id e y a l p a r a s a k a a y u s a n . . . A n g g a n i t o n g k a m a l a y a n g l a h i , la l o n a ng m g a m a k a b a g o n g u r i n g m a n g g a g a w a , a y s i y a n g b a b a y l a n g m a l a y la b a n

pambubuwag yig mga dayong ideolohiya na nagmamaskara sa mga mito yig pagpapalaya s a n a k a g a p o s n a g i n a h i s n a u r i n g m a n g g a g a w a . S a p a g s a p i t n g bagong ideolohiyang mapaghati, i n i l i g a w a n g m g a

sa

la h in g p a n d a y n g s i n a u n a n g l i p i a t p i n a p a n i w a l a n g n a g l a h o n a an g d a ti n g l a n g i t n a s a u n a n g

panahon

a y s i y a n g l a n g i t n g m g a ra h a ,

b a y a n i a t b a b a y la n s a is a n g r i t m o

n g b a y a n ih a n

a t k a p a tira n

K u n g s u s u y u rin a n g k a s a y s a y a n , n a k a u g a t a n g is a n g

ideolohiyang

n iy a p o s

p a n la h in g p a g s u lo n g id e y a l n a

k aayusan

ng

m ga

d a h il ng

na

m anggagaw ang rin

sa

m a ta n d a n g

lip u n a n g

nakamaskarang

P ilip in o

p a g k a b u la b o g la h i.

. . .

sa

ng Sa

d a n a s ng s in a u n a

at

p a g d a t a l sa

a tin g d a l a m p a s i g a n n g m g a d a y o n g la k a s , i n a l i s n i l a a n g k a l u l u w a n g k a is a h a n a t k a p a t i r a n s a m a l a y n g l a h i , p i n a l i t a n n g is a n g s o s y a l a t p ilo s o p ik a l n a k o n s e p t o n g

maganid at makitid na indibidwalismo

at

d i t o ’y n a m a y a n i a n g m g a r e a l i d a d n g p a n g - a a p i a t p a g b a n g o n s a h a n a y ng paggaw a a t p u h u n a n la n g it. D a h i l

sa

p a g k a t n a g in g m a g k a ib a n a

p a g k a k a b a la h o

ng

is a n g

m a k a la h i

ang at

k a n il a n g

m a ta n d a n g

k a a y u s a n n g k a p a t i r a n a t b a y a n i h a n b i l a n g l a n d a s n g is a n g E s t a d o n g B ayan, n a h a ti a n g u r in g a n a k p a w is a t a n g in a p o n g k a p ita lis ta n g m g a d a tin g r a h a , d a t u , b a y a n i a t b a b a y l a n , n a

kontradiksyon ng pagiuawasak

pinasilakbo ng ideolohikal na

sa s in a u n a n g k a a y u s a n . . . M a g in g ang

e s t a d o n a t a g a p a m a g i t a n a y w a r i n g n a b i h a g n a r i n s a s a p o t n g is a n g id e o l o h ik a l n a t u n g g a l i a n . ( L a n d i e h o 2 0 0 1 , 1 4 - 1 5 ; a k i n a n g d i i n )

Hangad ni Landieho sa kanyang sanaysay ang pagpanaw sa lalong madaling panahon ng “pansamantalang pangingibabaw” ng “dayong ideolohiyang mapanghati” sa “malay ng mga anakpawis.” Tatalakayin sa susunod na bahagi ang ideolohiyang binansagan ni Landieho bilang nakapangingilabot na “tikbalang na dayo ng panlipunang anarkismo.”

Pa n i n i n d i g a n | 103

III. Ikalawang Agos: Mga Batayan ng Kilusan ngTunay na Unyonismo Lampas sa mga ideyalistiko na pagpapakahulugang "utang na loob” sa usapin ng pagpapasahod, makikita ang tunay na panlipunang batayan nito sa mga usapin ng pamilihan at paghahangad para sa tubo ng kapitalista: a. Isinusunod ang pinakamababang sahod sa mga pinakabatayang pangangailangan ng manggagawa (o niya at ng kanyang pamilya) upang mabuhay at makabalik sa pabrika sa susunod na araw. Ayon nga kay Santos (1970, 35), "Naglalako at nagduduro ng lakas at ng mga taong itatagal ng buhay, upang makagawa at m aupahan ng kaunting halagang maipagtatawid sa sarili, sa asawa at kaanakan.” Gayundin kay Aguilar (1986, 114), "Palibhasa'y walang kalabisan sa buhay ng maralitang kailan m a'y siyang bagsakan ng lahat ng bigat, siyang sadlakan ng mga pahirap ng mga kapalakaran ng buhay” (akin ang diin). Sumusunod ito sa pagbaba o pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin na kinakailangan ng manggagawa sa pamilihan. Maaaring magkaroon ng “nominal” (sa papel lamang) na pagtaas ng sahod ng manggagawa habang bumababa ang "tunay nitong halaga” dahil sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Ayon nga kay Santos (1970, 39), "Nasasabing nag-ibayo at nagmakaapat pa ang inilaki ng mga upahan sa panahong ito ng Amerikano, kaysa panahon ng Kastila; ngunit parang walang kabuluhan na sa nangagsasabing iyan ang pagkakasampung ibayo pa man ng halaga ng mga ikinabubuhay o kailangan ng nagpapaupa.” Gayundin, maaari ding magkaroon ng nominal na pagbaba ng sahod habang tumataas ang tunay na halaga nito dahil sa pagbaba ng mga presyo ng bilihin. b. Nakabatay ang halaga ng lakas-paggawa sa batas ng kahilingankatugunan (supply and demand) ng pamilihan kung kaya't maaaring mas bumaba pa ang sahod sa ikabubuhay ng manggagawa kung mas maraming manggagawa ang nangangailangan ng trabaho kaysa sa maaaring mapasukang trabaho. Ani Evangelista, "mayroong malaking hukbo ng mga walang hanapbuhay na sa kanila’y maihahalili, na dahil naman sa kagipitan nitong tinitiis, sa pagkawala

104 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

ng hanapbuhay ay walang lingung-likod na sinasagpang ang kahit na anong gawain at kahit na sa gaanong kaupahan.”104 Ani Francisco (1997b, 6), “Sa bawat isang umaklas ay may sampung sumusulot upang humalili."105 Walang halaga ang paggawa kung wala ring kahilingan para rito.106 Ayon nga kay Aguilar (1986, 58), “sa lahat nga naman ng kalakal ay napakahirap ipagbili ang lakas.” Dagdag pa, “Sa panahong ito’y ang lakas ay walang halaga kung hindi rin lamang kailangan, nariyan ang mga makinang likha ng karunungan, isa pa ring umaapi sa paris nating dukha, na siyang kahalili ng lakas ng tao. Ngayo’y hindi na bagay na mahalaga ang lakas, kaya di mo maisasanla riyan” (59). c. Salik sa pagtatakda ng sahod ang lakas ng kilusang manggagawa at ang antas at kamulatang makauring nakamit ng mga manggagawa. Sa pamamagitan ng tunggalian ng mga uri ay napapababa ang tantos ng pagsasamantala. Gayumpaman, maaari pa rin itong pumaling sa “dilawang unyonismo.” Mahagalagang isyu noon ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa arawang walong-oras lamang (“Bakit ang paggawa ay di gawin lamang na walong oras at huwag siyam at kalahating tulad sa paggawa ng isang hayop?”) (Aguilar 1986, 116). Kung titingnan ang (a) at (b) sa itaas, makikita ang dalawang salik na pinagbabatayan ng presyo o halaga ng lakas-paggawa bilang isang ganap na "kalakal” na "ipinagbibili” / “inilalako” / “ipinapaupa” sa pamilihan.107 Sa pangkalahatan, natatakda ang presyo ng kalakal na ito (tulad ng anupamang kalakal) batay sa halaga ng iba pang mga kalakal (mga batayang pangangailangan) na ginagamit sa produksyon nito. Ibinabatay ang arawang sahod sa halaga ng mga “unang pangangailangan" ng manggagawa upang makabalik siya sa pagawaan sa susunod na araw. Gayumpaman, dahil sa napakalaking bilang ng uring manggagawang nangangailangan ng trabaho sa harap ng mababang kahilingan para sa kanilang lakas-paggawa, maaaring bumaba ang halaga o katumbas na kabayaran ng lakas-paggawa sa ilalim ng kinakailangan upang mabuhay ang mga manggagawa sa “kasapatan.” Sa kasong ito, hindi na aabot ang kanilang tinatanggap na upa sa mga batayang kalakal na kailangan

Pa n i n i n d i g a n | 105

nilang bilhin upang mabuhay. Masama pa rito, "walang halaga”/ "walang kabuluhan” ang lakas-paggawa ng maraming walang mapasukan dahil walang kahilingan para sa kanilang lakas-paggawa. Sila'y nagiging mga “pulubi,” "kumain-dili,” "patay-gutom,” "kakaning-itik/* at "hampas-lupa” (Aguilar 1986, 144).108 Mga "malayang” manggagawa silang "hinampas” (gesehleudert) sa "malayang” pamihhan sa ayaw man nila o sa gusto (Marx 1988a, 744).109 Sa ganitong uri ng lipunan ay "walang patlang [ang] agos ng mga walang hanapbuhay” (H em andez 1982, 96). Ang mga taong ito na walang sarihng mga kasangkapan sa produksyon, na ang tanging pagmamay-ari lamang ay ang sariling lakas-paggawa na “labis sa kinakailangan” ng mga pagawaan ay "walang ikabubuhay.” Kay Ferriols, tumutukoy ang konseptong "meron” sa lahat ng umiiral, ngunit sa harap ng pagka-meron ng Puhunan, iyang mga "walang-wala” (H em andez 1982, 139, 144),110 tulad ng pulubi, ay "hindi umiiral” para sa kapitalistang “mayroon” o kaya (mas eksakto pa) para sa sistemang kapitalista. Ani Marx, "Itinapon silang parang dum i” (Sehund). "Tila layak lamang sila na tinatangay ng agos at itinatambad sa pagkaduhagi at paghihikahos” (Francisco 1997, 4). Walang "pagtingin,”111 at walang mapaglulugaran sa, kapitalistang sistema sa mga dukhang itinuturing na "kalabisan sa balat ng lupa.”112 Ayon nga kay Marx (1974, 358), "Ginagawang bagay ng [paggawa] ang sarili nito, ngunit ang pagkabagay na ito ang sarili niyang di-pagiging o pagiging ng kanyang di-pagiging: ang puhunan.” (Sie setzt sieh objectiv, aber sie setzt diese ihre Objektivitat als ihr eignes Niehtsein oder als das Sein ihres Niehtseins— des Kapitals.) Masahol pa ang kalagayan ng manggagawa sa mga makinang pinaaandar nila dahil nagiging mga tagasilbi lamang sila ng makina na kung tutuusi'y walang sariling halaga.113 A t sapagkat "sagad-sagarang walang-wala ang mga manggagawa, wala na talagang maaaring mawala pa sa mga manggagawa . . . kundi ang mga kadenang gumagapos sa kanilal” (Posadas 1980, 108). Hindi rin lamang ang pag-aagawan o "kumpetisyon” para sa trabaho ng mga manggagawa ang mapagpasya sa usaping ito kundi ang kumpetisyon din sa pagitan ng mga kapitalista sa pagbebenta ng kanilang mga produkto. Nakasalalay ang kakayahan ng kapitalistang makipagkumpetensya sa iba pang mga kapitalista sa

106 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

pagpapataas niya ng tantos ng pagsasamantala relatibo sa ibang mga kapitalista. Nangangahulugan lamang ito na kailangang palakihin ng kapitalista ang agwat sa pagitan ng ibinabayad sa manggagawa at ang tubo niyang kinakamal upang mas may kakayahan siyang babaan ang kanyang presyo sa harap ng kanyang mga kakumpetensya sa pamilihan. Maaaring pahabain ng kapitalista ang panahon ng pagtrabaho ng manggagawa o patindihin ang kanyang trabaho (i.e., sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagpapaunlad ng teknolohiya/makinarya) habang pinananatili ang sahod nito sa nakaraang antas upang makapiga ng mas maraming tubo. Makikita sa gayon na, sa ayaw m a’t sa gusto, mapagpasya ang ganitong mga kalkulasyon sa takbo ng ekonomiya sa anumang "kagandahang loob" ng kapitalista at/o manggagawa. Ayon nga sa salin ni Santos kay Kautsky, "Ang halaga at ang lakas ng paggawa ay siyang pinagpapatakaran ng pag-uupa . . . kaya ang mga pagawaan ay di siyang makapagpapairal ng kanilang kalooban sa pag-upa.”114 Ayon naman sa salin ni Arturo Soriano kay Malatesta (1913, 45), “kung ang isang may ari na may magandang puso ay may nasang magpariwasa sa kaniyang mga manggagawa, ay walang magagawa maliban sa makibaka ng walang tagal sa kaniyang mga kalabang malalaking may ari, at mamaya’y ang pagkahapay na niya” (akin ang diin). Kailangang unawain ang penomenong ito hindi sa antas ng indibidwal na moralidad kundi sa sistemang pang-ekonomiyang umiiral sa lipunan. Sinulat ni Crisanto Evangelista na "ang pang-aapi’t pangaaliping ito ay hindi atas ng likas na kasamang budhi o likas na makamkam na kapitalista. lya’y umaalinsunod lamang sa batayang nakatatag o sa pamamaraang sinusunod ng sistema ekonomiko kapitalista . . . Kaya kung sisirain ang kanyang batayan, ay kasamang masisira ang masamang pamamaraang salig sa batayang iyan.”115 Hindi lamang mga kalakal na tutugon sa mga batayang pangangailangan ng mamimili ang ginagawa ng mga manggagawa kundi mga kasangkapan/puhunan na gagamitin sa produksyon. Kinakatawan ng puhunan ang “yumaong paggawa”116 (tote Arbeit) ng manggagawa na ipinapagsanib/hinahalo sa “buhay na paggawa”117 (lebendige Arbeit). Kakaiba ang paggamit nina Marx at Santos sa konsepto ng "puhunan” dahil para kay Marx ay hindi mapaghihiwalay ang puhunan sa

Pa n i n i n d i g a n | 107

ugnayang panlipunan sa pagitan ng manggagawa at m am um uhunan. Walang puhunan kung walang “upahang paggawa” o manggagawang nagbibili ng kanyang lakas paggawa/nagpapaupa sa pam ilihan.118 Ayon nga kay Evangelista; "Hindi tinatawag na kapital [puhunan] ang mga kaparaanan at sangkap sa pagyari, maging salapi man, kailan m a’t ang mga bagay na ito ay ginagamit ng sa kanila’y nagmamay-ari ng ukol sa kanilang sariling kabuhayan at hindi ginagamitan ng upahang paggawa” (Evangelista 1932a). Isa itong ugnayang kinaiiralan ng malinaw at dipantay na ugnayang pangkapangyarihan. Hinggil sa salaping-puhuna'y nasulat naman ni Santos (1970; 39) na; “Talaga; talaga pong malinaw na ang salapi'y tanda lamang ng kapangyarihan ng tao sa kapwa tao; at di kailanman ng paggawal" Gayumpama’y karaniwang ginagamit ni Santos ang konsepto ng “puhunan" (tulad nina Proudhon; Kropotkin; at ng mga anarkista sa pangkalahatan) upang tum ukoy lamang sa mga kasangkapan na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao at hindi upang tumukoy sa isang "ugnayang panlipunan." Para kay Marx; pinapalabo ng ganitong kasaklaw na paggamit ng terminong "puhunan" ang katangiang pangkasaysayan at ang mismong kakanyahan ng kaayusang "kapitalista" dahil nagiging isang penomenong di-historikal ang puhunan na papatungo sa pagkaunawa sa "sosyalismo” bilang problema lamang ng “distribusyon" ng puhunang ito; kung hindi man hanapin ang lunas sa puhunan mismo. Tulad ito ng mga layunin ng "pabrika ng mga manggagawa" na Katubusan Factory na pinamunuan ni Santos (1970; 378) at naipahayag niya sa pangungusap na “pamumuhunang tutubos sa pagkabusabos ng bayang manggagawa.”119 Habang malinaw kay Aguilar na ang "puhunan” mismo na pinagtutubuan ng mamum uhunan sa pamamagitan ng pagsasakasangkapan ng lakas-paggawa ng iba ay pinalalaki at likha/bunga rin ng bahagi ng naturang "inipon" na paggawa ng mamumuhunan. Ayon kay Aguilar (1986; 142); "ang puhunang iyang naipagmamalaki ay hindi talagang kanila; kundi galing at sadyang bunga ng pawis ng dukha."120 Nabanggit ni Hernandez (1982, 136) si Marx hinggil sa bagay na ito: "Inugat ni Marx ang pinagmulan ng kapital o puhunan, na dili iba't ang mga natipong pakinabang sa paghuthot sa paggawa." Taliwas sa ganitong pagsusuri ang pagbibintang sa salaping-

108 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

puhunan bilang ugat ng lahat ng katiwalian sa lipunan na ipinahayag din sa akda ni Aguilar (1986, 40):"Ang salapi ang di-um ano'y napakaimbing kasangkapan ng tao at siyang batis ng pagkaapi ng libu-libong dukha na may mga butong hapo, mga lakas na pagal at mga tiyang walang laman.” Hinahangad daw ng manggagawa ang "bagong araw na minimithing masilayan ng mga api't nagtitiis, ng mga dinuduhagi ng salapi” (299). Napapatungo ang ganitong pananaw sa pagmumungkahi sa "abolisyon ng pera” bilang pangunahing lunas sa mga suliraning panlipunan.121 Totoong ang pera ang naging pangunahing instrum ento upang maisagawa ng mamumuhunan ang akumulasyong walang tiyak na hangganan kung kaya’t madalas batikusin ang "pagbibinbin”122 o "pagtulog” ng kayamanan sa kamay ng iilan. Sa kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas, sinasabing madalas na hindi inilalagak ang itinubong salapi sa pagpapaunlad ng produksyon kundi sa "sakim” na pagsasarili nito o sa paglulustay nito sa mga luho o "kaparangyahan” / "kasagwaan.”123 N gunit ang pera ay isang anyo, o ayon kay Evangelista, "isang hugis lamang ng kapital,” ng puhunang likha ng lakas-paggawa sa siklo nitong pinagdadaanan at hindi maaaring unawaing hiwalay sa buong siklong ito. A t dahil ang puhunan ay hindi isang "bagay” kundi isang ugnayang panlipunan, ganito rin ang salapi. Maihaharap din ang kahalintulad na pangangatwiran kaugnay ng pagturing sa makina bilang "kalaban” ng uring manggagawa na umaagaw sa kanilang trabaho at nakapagpapatindi ng kanilang pagsasamantala. Kailangang salungguhitan na ang mga kagamitan sa produksyon ay isang anyo lamang ng puhunan at walang sariling kapangyarihan sa tao sa labas ng ugnayang historikal na ito.124 Hindi mahiwalay sa kaisipan ni Santos ang likas na yamang hindi nilikha ng tao tulad ng lupa na ginagamit sa produksyon at ang mga kasangkapang bunga ng nakaraang paggawa. Sanhing materyal marahil ng kanyang higit na pagbibigaydiin sa karapatan ng bawat mamamayang gamitin ang mga likas na bagay sa kanyang kapaligiran sa produksyon ang pangingibabaw sa panahong ito ng "buhay na paggawa” sa "yumaong paggawa” dala na rin ng mababang antas na nakamit ng produksyong industriyal sa kontekstong malapyudal. Gayundin, sagkang ideolohikal din ito (gaano

Pa n i n i n d i g a n | 109

man kainutil) sa nagaganap na “panimulang pag-iipon” (urspriingliehe Akkumulation) na nangyayari sa malalawak na lupain sa Pilipinas kung saan inaagaw ng mga panginoong-maylupa ang lupa ng mga magsasaka upang gamitin ang lupaing ito sa produksyon ng mga tanim na pangeksport.125 Sa kabila nito, habang ''nahihiwalay” ang mga magsasaka sa kanilang lupa, napakababa naman ng pangangailangan ng industriya para sa lakas-paggawa ng mga manggagawa. Ito ang sanhi ng pagkakaroon ng napakaraming walang hanapbuhay o kulang sa hanapbuhay na masasabing batayang katangian ng isang malakolonyal at malapyudal na iipunan. “Nahihiwalay" ang mga magsasaka sa batayan ng kanilang buhay ngunit wala naman silang mapaglipatang trabaho sa sektor na industriyal. Sa kontekstong ito nagaganap ang paggugumiit ng “karapatan" ng tao sa mga kasangkapan sa produksyon na hindi pangunahing tum utukoy sa gawain sa mga pabrika kundi sa gawain sa kabukiran kung kaya’t lumilitaw na mas nakadiin ito sa mga usaping agraryo. Nakaugnay ang iginigiit na konsepto ng karapatan ng bawat tao sa mga kagamitan sa paggawa kung saan inaasam ang “araw ng pagbalikwas ng mga nasa ilalim upang bawiin sa mga nang-agaw ang kaligayahang sinasarili at ayaw palaganapin sa lahat” (Santos 1986, 253)126 sa konsepto ng “pagkakapantay-pantay ng tao."127Ang pinakapayak na implikasyon ng pagkakapantay-pantay na ito ay ang “karapatan" ng bawat isang “mabuhay” na nangangahulugan din ng karapatan ng bawat isa sa kasangkapan sa paggawa. Sa pamamagitan ng konsepto nina Santos at Aguilar ng "pagkakapantay-pantay” ay naaatake ang konsepto ng mga mamumuhunan ng “likas at di kailanman magbabagong di-pagkakapantay-pantay ng tao"128 na nagbibigay sa iilan ng karapatang angkinin/sarilinin ang likas na yaman na kinakailangan ng lahat upang mabuhay. Ipinapalagay na “pagnanakaw" at “pagpatay sa kapwa” ang pag-aangkin ng alinmang bahagi ng kalikasan, higit sa lahat ang lupa, na nakalaan para sa lahat.129 Gayumpaman, hindi tumatampok sa kaisipan ni Marx ang konsepto ng "pamamahagi” o “pag-aayaw-ayaw” bilang sentral na ideya. Ipinalagay niyang magkakaroon ng problema sa konsepto ng sosyalismo kapag itinuring na lamang ito bilang anupamang “tendensya" o “iskema" ng redistribusyon ng yaman na maaaring tupdin saanman at kailanman at

l l O | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

hindi bilang isang buong sistemang pang-ekonomiya. Itong "napalawak” na depinisyon ng sosyalismo na rin ang dahilan kung bakit nasasabi sa nobela ni Santos na may "sosyalismo” (o interueneionismo) na sa Estados Unidos at iba pang maunlad na kapitalistang bansa. Dagdag pa rito, maaaring magbunga ang mungkahi sa pantay-pantay na karapatan sa kasangkapan sa paggawa ng magkakaibang mga resulta. Ang isa ay pumapaling sa ideyal ng "payak na pam um uhay” kung saan inililimita ang paggamit ng bawat isa sa anumang kasangkapan sa produksyon sa pinakapayak niyang mga pangangailangan. Ipinahayag ito ni Santos (1970, 37), "ang mag-ari o sumarili ng ano mang bagay na labis na sa kailangan ng kanyang buhay, at kakulangan ng sa iba, ay pangangamkam at pagpatay sa kapw a” Gayundin ni Aguilar (1986, 53-54): "bawat isa’y magkasiya sa kanyang mga kailangan na lamang at huwag magimbot nang labis sa kanyang pamumuhay, dahil sa kung magkaganito ay magkakaroon nga ng mga api-apihang kapwa, magkakaroon ng dukha at ang pag-uuna ng sariling kagalingan sa ano mang gawain ay di matatapos.” Pangunahing nakabatay ang ganitong ekonomiya sa lumang sistema ng produksyon para sa sariling paggamit at pantawid-buhay ng maliliit na magsasaka at panday at hindi sa malaganap na ekonomiya ng pagpapalitan. Ipinapalagay rin na maiiwasan ang anumang anyo ng pagsasamantala o pag-aangkin ng Iba sa bunga ng sariling paggawa kapag ang lahat ay naging maliliit na m am um uhunan na malayang nagpapalitan. Ang ikalawang tunguhin naman ay ang pagpapaunlad ng mga pwersa ng produksyon upang magkaroon ng tuloy-tuloy na pag-angat sa kabuhayan at kaginhawahan ng tao sa pamamagitan ng pagkilala ng katangiang panlahat ng paggawa at ng pagmamay-ari sa mga kasangkapan sa produksyon. Kakaiba ang konseptong ito ng "paggawang panlahat” na pagmamay-ari ng lahat sa "paggawang pagiisa” na pagmamay-ari lamang ng indibidwal.130 Sa ilalim ng sosyalismo, "Ang magiging tunay na tubo’y hindi ang salaping maiimbak sa supot ng mga suwapang o maidaragdag sa kanilang mga kasangkapan sa pagyari, kundi ang kaginhawahan at kasaganaan muna ng mga eonsumer. Kasiyahan muna ng madla ang unang pagmalasakitan” (Hernandez 1982, 135).131

Pa n i n i n d i g a n | 1 1 1

IV. Mula “Pagkamulat" tungong “Pakikidigma" Nagsasalungatan at naghihiwalayan sa masalimuot at lipos sa kontradiksyong talastasan ng yugto ng “Pagkamulat" (1906-1969) na sumasakop sa dalawang sub-yugtong "paghahanap ng landasin" (19061935) at "paghihiwalay ng landasin” (1935-1960) ang "dalawang agos" ng kilusang paggawa na hanggang ngayo'y nagtutuos pa rin sa liwanag at dilim ng kasalukuyang lipunan. Bilang mga manunulat, inako nina Aguilar, Santos, at ng iba pang manunulat na sinuri sa itaas ang gawain sa pagpapalaganap at pagtuturo ng "makabagong matwid"132 ng kilusang sosyalista sa mga manggagawa at sa mas malawak na publiko ng kanilang panahon. Sa gawaing ito ay itinuring nila ang kanilang mga sarili bilang tagapagpatuloy ng "hindi pa tapos” na Rebolusyong Pilipino. Pinagsikapan nina Santos at Aguilar na buuin ang isang sosyalistang matwid/katarungan na uunlad at papaunlarin sa pagdaloy ng kasaysayan ng kilusang sosyalista sa Pilipinas. Kakaiba sa "matwid” at ng agham na pinag-ugatan ng sosyalistang diskurso ng Kanluran, mas namamayani sa uri ng sosyalismo nina Aguilar at Santos ang “matwid" bilang kakayahang moral na nakakakita ng distingksyon sa pagitan ng "tuwid” at "lihis." Naghapag sila ng mga pangangatwiran upang salungatin ang mga batayan ng umiiral na "moralidad" at mga batas. Ayon nga kay Aguilar (1986, 55), “ang luma at bagong mga aral ay kasalukuyang naglalamas.” Itinaguyod kapwa nina Santos at Aguilar ang mga makabagong matwid na ipinapalagay nilang magwawagi sa umiiral na kasalukuyan at nakapangyayaring mga batas at moralidad. Kinikilala rin nilang may sariling sistemang pangkatarungan at konsepto ng matwid ang umiiral na lipunan kung saan hindi maaaring ituring na "pagnanakaw" ang pagsasamantala sa manggagawa at ang pagsasarili sa mga kasangkapan sa produksyon kung kaya’t "ang sinusunod ngayo’y katwi-katwiranan lamang” (Aguilar 1986, 265). Ibinatay nila ang kanilang pagsusuri sa umiiral na lipunan sa ipinapalagay nilang "tunay" at "likas” na "matwid” na mapapairal pa lamang sa hinaharap. Makikita ang ganitong kaisipan sa sinulat ni Santos (1970, 33): "Bakit po sasama ang mga layong iyan, ay siyang talagang naaayon sa mga katutubong matwid ng lahat ng tao?" Sa pagsasagawa

112 |

POOK

A T P A N IN IN D IG A N

n g k a n ila n g p a g s u s u rin g p a n l i p u n a n , i p i n a g - i b a a t h i n i w a l a y n i l a ang h i n d i n a g b a b a g o n g “tu n a y n a m a t w i d ’’ s a k a s a l u k u y a n g

" u m i i r a l na

m a t w i d .” G a y u m p a m a n , k it a n g - k ita k a y S a n t o s a n g k a m a l a y a n n a ang p in a n in in d ig a n n iy a ay h in d i la m a n g kundi

is a n g m a t w i d

na

bunga

ng

is a n g is a n g

d i-n a g b a b a g o n g y u g to -y u g to n g

m a tw id

p ro se so n g

p a n g k a s a y s a y a n .133 M a y h a lo s t u n a y n a d i y a l e k t i k a l n a p a g k a k a u n a w a sa li p u n a n a t k a sa y s a y a n sa a k d a n i S a n t o s h a b a n g k a y A g u i l a r n a m a n ay m a s n a n g in g ib a b a w a n g " d i - n a g b a b a g o n g ” k o n s e p t o

n g " m a tw id ."

M a k ik ita a n g h ig it n a s o p is tik a d o n g k a i s i p a n g i t o s a h i s t o r i k a l n a p u n to d e b is ta n g ip in a p a h a y a g n g p a n g u n g u s a p n a , " A n g m g a b a y a n a t ang m g a ta o , k a tu la d n g l a h a t n g b a g a y , a y m a y m g a k a t u t u b o n g h il ig at la k a d n a d i m a a a rin g b a g u h in o s u g p u i n s a i l a n g a r a w l a m a n g ” (S a n to s 1 9 7 0 , 5 3 7 ). D a g d a g p a , "A n g l a h a t n g n a n g y a y a r i n g a y o 'y i p i n a la l a g a y k o n g a n a k n g m g a n a n g y a ri k a h a p o n a t a n g l a h a t n g m g a m a n g y a y a r i b u k a s ay a p o n g k a h a p o n a t a n a k n g n g a y o n ” ( 5 5 0 ) . N a k i k i t a s a a k d a ni S a n to s an g p a g k a m a la y h in g g il sa k a t a t a g a n a t s a r i l i n g t u n g u h i n n g p ag u n la d n g b a w a t li p u n a n n a h i n d i m a a a r i n g p a t a w a n a t b a g u h i n n a n g g a n o o n n a la m a n g n g m g a k a is ip a n a t d a m d a m i n g h i n d i n a k a u g a t at u m u u g a t sa k a sa y s a y a n g ito .134 A n i S a n to s :

H uw ag kayong paayw an sa b a w a t ita n o n g sa in y o , k a h i t t a h a s na hindi nalalam an. M ay m ga bagay n a h in d i n a ti n n a t a t a l o s sa b ig la n g kuro, d apw a’t ku n g p a m u m u h u n a n n g k a u n tin g p a g -iis ip , a y n a p a g aab o t a t n ata ta ta p . . . H angga’t m an g y ay a ri ay p a g p u m i l i t a n n in y o n g m a tu tu h a n a t m asagot ang kun g b a k it o d a h ila ’t k a p a k a n a n n g b a w a t bagay na nakikita ng ating m ga m a ta o n a h a h a g ila p n g a t i n g g u n ita a t m ga pagdam dam . . . W alang b agay n a d i m a y s a r ilin g k a s a y s a y a n . A ng lalong m arunong na ta o ay yao n g la lo n g m a r a m i n g n a t a t a l o s sa m ga sariling kasaysayang iyan. A ng lalo n g m a ta a s n a d u n o n g a y y a o n g n ak aaab o t ng lalong m atatayog na su lira n in a t k a s a y s a y a n n g m g a b ag ay . (1 9 1 3 ,8 7 -8 8 )

S in u l a t n i L o p e K . S a n to s a n g m g a s a l it a n g i t o u p a n g m a p a s i m u l a n a n g u n a n g m g a h a k b a n g n g i n t e li h e n s y a n g P i l i p i n o s a p a g h u b o g ng k a m a la y a n g

m a p a n u r i a t s y e n tip ik o

h in d i

la m a n g

sa

la r a n g a n

ng

a g h a m p a n g k a lik a s a n , k u n d i m a g in g sa p a g k a u n a w a n g s a r i l i n g li p u n a n

Paninindigan 1113

at k a s a y s a y a n .

Sa

na p a g - i s i p a n

k a b ila

ang

ng

p a g s u s u m ik a p

m akabagong

s o s y a lis ta n g

kung

p a la g in g

nakita n a

sa

ita a s

"d isk u rso

ng

m a tw id ”

paano na

m a k u lo n g

n in a

S a n to s a t A g u ila r

m a tw id

a t k a ta r u n g a n ,

n a n g a n g a n ib

sa

hungkag

a n g k a n ila n g

na

p a n g a n g a ra l.

M a ra m in g p a g k a k a t a o n n a s a h a l i p n a i n i la l a ta g n in a S a n to s a t A g u ila r ang

b a ta y a n

ng

m a p a g h im a g s ik

o

re b o lu sy o n a ry o n g

s o s y a lis ta n g

d isk u rso a y i n i l a l a t a g n i l a a n g m g a b a t a y a n n g p a k ik ip a g k a s u n d u a n a t " p a g tu tu lu n g a n ” n g m a m u m u h u n a n ng " p a g b a b a g o n g - l o o b ” k a p w a

ng

a t m a n g g a g a w a sa p a m a m a g ita n k a p ita h s ta

a t m a n g g a g a w a . Isan g

bagay i t o n g t u m u t u g m a s a n a g i n g t a k b o n g m g a b u h a y n in a S a n to s a t A g u ilar b i l a n g m g a d a t i n g l i d e r n g k il u s a n g p a g g a w a n a n a n g lu m a o 'y “n a k i p a g k a s u n d o ” r i n ni S a n to s a y n a g i n g

sa

k a p a n g y a r i h a n g p u l i t i k a l a t s a k a so p a nga

a n t i - k o m u n i s t a ( T r i a - K e r k v li e t 1 9 9 2 , 3 8 , 6 2 ) . 135

H in d i g a n a p n a m a h i w a l a y n i n a S a n t o s a t A g u ila r a n g d is k u rs o n g m o ra l na t i n a t a g u y o d

n ila

na

n a k a tu o n

s a m g a Min d i b i d w a l N n a k a lo o b a n g

"m alaya” n a h i n u g o t s a a n u m a n g k o n t e k s t o n g s o s y a l 0 p a n g -e k o n o m iy a , sa k r i ti k a l

na

p a g su su ri

mga i n d i b i d w a l n a

ng

k aay u san g

p a n lip u n a n g

s u m a s a k la w sa

i t o . I m b e s t u l o y n a n a g ig in g m a lin a w an g p a p e l

ng p a g b a b a g o n g p a n l i p u n a n s a p a g k a m i t n g m a k a b a g o n g k a tw ir a n a t m a tw id , a n g n a g i g i n g p a m a m a r a a n a y a n g p a g b a b a g o n g s a rili a lin s u n o d sa m g a

p rin s ip y o n g

ta la sta sa n g

m o r a lis tik o .

m a p a tu n g o

sa

N a n g a n g a n ib

pagm um ungkahi

tu lo y

ng

ang

pagbabago

k a n ila n g la m a n g

ng m g a s a r i l i a t h i n d i n g m g a i s t r u k t u r a n g p a n li p u n a n . T ila k a ila n g a n lam ang k i l a n l i n n g m a y a y a m a n n a m a y k a t u n g k u l a n s ila n g p a n g a s iw a a n at i p a m a h a g i a n g k a n i l a n g y a m a n s a n a k a r a r a m i sa n g a la n n g k a n ila n g " k a g a n d a h a n g - l o o b ” a t k a i l a n g a n l a m a n g n g m a y a y a m a n n a “m a g u n a m g u n a m a n ” o " m a g k a r o o n n g k a l u l u w a ” u p a n g m a p a w i a n g m g a s ig a lo t sa li p u n a n . L u m i l i t a w s a g a y o n a n g n a p a k a l a g a n a p a t re a k s y o n a ry o n g p a n g a n g a tw ira n g at p a n la b a s n a

p ilit

na

bago a n g l a b a s ” ( M a r e o s ang

p in a g h ih iw a la y

s in a s a b in g

p a g b a b a g o n g -p a n lo o b

tin a ta n g g ih a n

ng

d ito

p a g b a b a g o n g - p a n lo o b

1 9 7 3 , 1 8 5 - 8 6 ) n a h i n d i k in ik ila la n a s a n h i ng

mga p a g b a b a g o n g - p a n l a b a s (0 sa k a t u n a y a n ,

ang

k a i l a n g a n g “m a g b a g o m u n a a n g k a lo o b a n

m ga

p a g b a b a g o n g -p a n la b a s

at

ang

a y s a n h i n g m g a “p a g b a b a g o n g - p a n l o o b ”

p a g m u m u l a t s a “k a m a la y a n g m a k a u r i ”) . H in d i ang

k o n se p to

ng

" p a g b a b a g o n g - lo o b ”

n g u n it

1 1 4 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

pinagdidiinan lamang ang pangangailangang unawain ito sa loob ng kasabay at diyalektikal na proseso ng "pagbabagong-panlabas.” Sa kabila ng malinaw na gamit-ideolohikal ng talastasan ng matwid at ng panganib na mahulog sa bitag ng hungkag na pangangaral, hindi dapat tanggihan ang buong diskurso ng katwiran at katarungan ng kaisipang sosyalista. Kailangang kilanlin ang kahalagahan ng pagpapanday at pagbubuo ng talastasang ito, habang patuloy na tinitingnan ang "katarungan” at "katwiran” bilang mga penomenong nakaugat sa mga tiyak na makauring interes at panahong pangkasaysayan. Si Marx mismo ay hindi tuwirang tumutol sa paggamit ng diskursong moral ng kilusang sosyalista/komunista sa kanyang "Kritika ng Programang Gotha" (Marx 1979) kundi ipinapabatid lamang niya na ang mga namamayaning kaisipan hinggil sa paksang ito ay natatakdaan ng mga hangganan at makitid na abot-tanaw ng moralidad at karapatang burges. Ayon sa kanya, kahit hindi maaaring makaangat ang moralidad sa ibabaw ng kaayusang pang-ekonomiya at ng kaakibat nitong pagkaunlad pangkultura sa loob ng lipunan, dapat sikaping tawirin o lampasan ng makabagong sosyalista o komunistang moralidad at legalidad ang mga hangganang burges sa pamamagitan ng pagwawaksi ng pag-iral ng mga uri sa lipunan. Pinangangalagaan at ipinagtatanggol ng magiging mga batas at matwid ng lipunang sosyalista ang mga batayang karapatan at kalayaan ng bawat isang mamamayang naninirahan sa loob nito. Nakasalalay sa pagpapahalaga at pagpapaunlad ng sosyalistang matwid ang pagwawaksi sa anumang anyo ng pambubusabos sa kapwa habang isinasagawa ang masalimuot at mahabang proseso ng pagwawaksi sa makauring pagsasamantala sa lipunan. Hindi lamang makikita ang solusyon sa ganitong mga problemang pang-organisasyon ng mga kilusang rebolusyonaryo sa pagbibigay ng karampatang diin sa mga demokratiko at kolektibong proseso ng pagpapasya upang matiyak na hindi namomonopolisa ng iilan ang mahahalagang kapasyahang pangorganisasyon. Usapin din ito ng kakayahan ng bawat isang manindigan sa matinding pagkakapinsala sa organisasyon at sa mga kasapi nito. Kailangang pangalagaan at linangin ng bawat indibidwal ang kakayahang kritikal upang magkaroon ng lakas ng loob at katatagang tumutol, makitunggali, at tumangging makigawa at makisama sa mga

Paninindigan 1115

pagkakataong hinihiling ito, habang hindi pa nahuhuli ang lahat at habang hindi pa napakataas ng presyong babayaran ng organisasyon at ng mamamayan. Kung pupunta sa isang napakabagong halimbawa na naganap nitong nakaraang mga dekada lamang, masasabing nakapagtataka kung paano nangyari na kahit ang mga taong hindi aakalaing masasangkot sa anumang kahibangang pasista ay aktibong nakisama at nakigawa sa trahedya ng pag-aaresto, pagpapahirap, at pagpapatay ng mga inosenteng tao sa Kampanyang Ahos (KAHOS) sa Mindanao at Oplan Missing Link (OPML) sa Timog Katagalugan. Hindi lamang ito maituturing na pagkakamaling pang-organisasyon (bagama't pinakamalaking sanhi ito) kundi pagkakamali rin ng bawat indibidwal na nasangkot sa mga kampanyang tulad nito. Hindi ito purong pulitikal na usapin kundi isa ring usaping etikal. May hindi matatawarang pananagutan ang bawat isang indibidwal na nasasangkot sa ganitong mga kalabisan at hindi lamang, tulad ng madalas akalain ng ilan, ang mga "nakatataas” o “ang organisasyon.” Nalalaman naman ng lahat na mulat at kritikal na pagganap sa tungkulin at hindi bulag na pagsunod ang laging kinakailangan ng sinumang naghahangad maging bahagi ng proyekto ng pagbabagong panlipunan.136 Naipakita na kung paano nagkakasalungat ang pagkaunawa ng dalawang agos sa kilusang paggawa sa pagkakahati ng lipunan sa panig ng uring pinagsasamantalahan sa isang banda, at ng mga uring mapagsamantala sa kabilang banda. Ipinapalagay ng kaisipang pinagsasandigan ng tunay na unyonismo na ang hidwaang ito ay walang ibang patutunguhan kundi isang "tunggalian ng mga uri"137 na pagwawagihan ng uring anakpawis bilang pinakasulong na pwersang panlipunan. Sinulat nga ni Hemandez (1982, 133), "Sa kalagayang umiiral ngayon, hati ang sosyedad sa dalawang klase na magkasalungat ang intereses: Ang unang klase’y nabubuhay at yumayaman sa pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, tulad ng lupa, mina, pabrika, elektrisidad, transportasyon, mga sangkap na hilaw. Ito ang klase kapitalista. Ang ikalawa’y klase obrera." Tinalakay pa ni Hernandez ang pagkakahati-hati ng bayan: "Ang baya’y nahahati sa iba't ibang pangkat, pulutong, lapian, pananalig at kaisipan. Sa kanila’y nakararami ang anakpawis, ang dukha . . . ang mga manghuhuthot e

116 | POOK A T

P A N IN IN D IG A N

di wastong kilalaning bahagi ng bayan. Sila’y kaaway ng bayan” ( 7 9 ) .138 Mapapansin dito ang pagbabago ng paggamit ni Hernandez sa salitang "bayan” sa loob ng ilang pangungusap lamang. Sa unang gamit nito’y parang masaklaw na konsepto ito na sumasakop kapwa sa uring manggagawa at sa mga mapagsamantalang uri, ngunit sa ikalawang gamit naman ay naging mas makitid itong sumasaklaw lamang sa pinakamalaking bahagi ng lipunan na pinagsasamantalahan. Makikita rin ang ganitong mas makitid na gamit ng katagang "bayan” kay Aurelio Tolentino ( 1 9 7 5 , 1 4 8 ): "Batid ninyo kung alin ang tinatawag na bayan, samakatwid ang bayan ay kayong tunay, sapagka’t kayo’t di iba ang mga hindi natutuyuan ng pawis, sikatan at lubugan ng araw sa pakikibaka sa lahat ng hirap upang sumibol at lumusok ang buhay sa sanglibutan . . . Kapag nawala ang bayan ay mawawalang lahat, sampo ng buhay, sapagkat hindi magkakaroon ng buhay kung walang kasipagan, at ang kasipagan ay dili iba kundi ang bayan . . . Sa gayon kayo ang may-ari ng buhay, yayamang ang buhay ay bungang tunay ng pawis ng inyong noo . .. Datapuat bakit at kayotig may-ari ng buhay ay siyang halos walang makain, walang maisuot na damit, walang dampang matulugan?"139 (akin ang diin). Malinaw sa ganitong mga pagpapakahulugan sa salitang “bayan” ang paglitaw ng mataas na pader sa pagitan ng dalawang magkasalungat na uring panlipunan. (Kaya nga ginagamit ng kilusang rebolusyonaryo ang pag-iiba na ginawa ni Mao Zedong sa “bayan” at sa "kaaway ng bayan.”) Ipinapalaganap naman sa agos ng dilawang unyonismo ang kaisipang hindi dapat paabutin sa anumang “tunggalian ng mga uri” ang mga namumuong hidwaan sa pagitan ng magkakaibang uring panlipunan. Sinulat pa nga ni Francisco (1982, 230): “hindi namin tinatanggap ang paniniwala mo na nahahati o dapat hatiin ang tao, sa uring mayaman at sa uring mahirap, maaari lamang hatiin ang tao, kung dapat mang hatiin, sa mabuti at masama, pagka’t hindi nasasarili ng mayaman ang lahat ng sama, ni ng mahirap ang lahat ng buti." "Kapwa mi kasalanan ang meron at wala sa ’ting sosyedad" (Hemandez 1 9 8 2 , 1 6 9 ). Sapagkat implisito sa mga pangungusap na ito ang palagay na hindi mapapawi ang pagkakaiba ng mayayaman sa mahihirap sa isang panlipunang kabuuan, hinahanap ng ganitong mentalidad ang "katubusang salig sa pagkakasundo at pagkakaunawaan

Pa n i n i n d i g a n 1 1 1 7

ng lahat ng uri” dahil ayaw nilang "ang tunggalian ay lalong lulubha at magpapatuloy sa halip na humantong sa pagkakaunawaan at pagkakasundo” (Francisco 1997, 115)140 hanggang sa “masunog ang tulay ng matapat na pagkakaunawaan” (Hernandez 1982, 354}. Bagkus ay kinailangang "tuklasin . . . at nasaing mapapaghari sa buhay ng lahat, mayaman man o mahirap, ang lalong maayos na pagsasamahan at paguunawaan ng mga tao” (Francisco 1997, 42). Inuugat ang ganitong paniniwala sa pagiging "magkapatid” daw ng lahat ng tao (1997, 177) kung kaya't pinahahalagahan higit sa lahat sa pakikitungo ng uring manggagawa sa mamumuhunan ang pagiging "marangal,” "maginoo,” "mahinahon,” "mapagkumbaba” at pagkakaroon ng "kagandahangasal” (Reyes 1932, 39).141 Parang "nalimot” lang, lalo na ng mga nakatataas na uri ang kanilang pagiging kapatid ng mga manggagawa 0 kasama at kinakailangan lamang gisingin ang kanilang alaala sa pamamagitan ng mga pakiusap.142 Ayon nga sa talumpati ni Quezon na sinipi ni Hernandez (1982, 129), "Ang salitang kasama na siyang bansag ng Tagalog sa nagsasaka ng lupa ay nangangahulugan nang kahati, at ang pamagat na ito na minana natin sa ating mga ninuno ay siyang nagbibigay ng wastong diwa at katuturan sa pagsasamahan ng maylupa at ng kanyang mga magsasaka . . . Ito'y lubhang makatao at mapakinabang na pagsasamahan. Gayonman, sa nilakad-lakad ng mga araw, sa bisa ng katakawan at kasakiman, ang kasama ay pinagsamantalahan ng maylupa. Dinaya ang kasama sa mga bunga ng kanyang paggawa . . ” (akin ang diin). Sa ganitong mga uri ng palagay at pangangatwiran lubusang nalalantad ang kahinaan ng paghahanap ng solusyon sa mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng paghahanap lamang ng "tunay na pakahulugan” ng mga "katutubong kaisipan” na mapagkakasunduan ng lahat ng bahagi ng lipunan. Magsisimulang lumitaw lamang bilang mga pangunahing tema ng literaturang sosyalista ang mga paksa ng “tunggalian ng mga uri,” “dilawang unyonismo,” at ang konsepto ng "partido ng uring proletaryo” sa ikalawang sub-yugto ng "Pagkamulat” na binansagang "paghihiwalay ng landasin” (1935-1969). Sa kabila ng pagpapaunlad at pag-ambag nina Santos, Aguilar, at Tolentino sa bahaging mapaghimagsik ng kilusan at ideolohiyang manggagawa hanggang sa taong 1935, hindi

I l8 | P o o k

at

Pa n i n i n d i g a n

pa rin lilitaw ang konsepto ng "partido komunista” sa kanilang mga sulatin.143 Una lamang mababanggit ang partido at ang pagkakahati ng kilusang manggagawa sa dalawang magkasalungat na agos,144 sa mga kwento nina Brigido Batungbakal ("Aklasan”) 145 at Manuel Arguilla ("Caps and Lower Case/' 'Apes and Men”). Una lamang matitisod ang mga katagang "Bolsibiki” (pumapatungkol sa matagumpay na Rebolusyong Ruso ng 1917) at "Partido Komunista/Sosyalista” sa mga akda ng dekada '30. Nakaugnay ang paglitaw ng temang ito sa pagkakatatag ng unang Partido Komunista ng Pilipinas noong 1930 at ang paglaganap ng mga Hukbalahap at ng mga Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) noong dekada '50. Magiging lalo pang malinaw ang papel ng partido sa pakikibaka ng uring manggagawa sa unang nobela ng kilusang pambansa-demokratiko na Hulagpos: "[ang uring manggagawa ang] may tungkuling mamuno sa pag-aalsa ng bayan" (Posadas 1982, 106); "Sa ilalim ng pamumuno ng pampulitikang partido ng uring manggagawa—ang Partido Komunista ng Pilipinas— patuloy na sumulong sa mahabang landas ng pakikibaka ang bagong hukbo ng mamamayan” (229); "mahigpit na silang nagkakaisa sa pamumuno ng partidong pampulitika na sadyang kanila” (261). Pinagdidiinan sa Hulagpos ang pangangailangan ng pagpapalalim ng "makauring kamalayan” sa hanay ng uring manggagawa upang maging mabisa ang pamumunong makauri nito: "Ang isang mulat na manggagawa ay may makauring kamalayan. Ang ibig sabihin, ang partikular na panggigipit at pang-aapi sa mga kapwa niya manggagawa ay itinuturing niyang sa kanya mismo ginagawa. Hindi na niya hihintaying siya mismo ang tamaan bago sila lumaban. Tungkulin ng isang tunay na lider-manggagawa ang bigyan ng gayung kamulatan— makauring kamalayan—ang kanyang mga pinamumunuan” (198).146 Lalo pang mapapatampok ang papel ng partido ng uring proletaryo sa mga nobela at koleksyon ng maiikling kwento na tuwirang pumapaksa sa matagalang digmang bayan sa kanayunan na isinasagawa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas-Mandsta-Leninista-Maoista (PKP-MLM). Kabilang sa mga akdang ito ang Kabanbanuagan, Bukal ng Tubig at Apoy, Sebyo, at Gera.147 Habang pinagpatuloy ng mga akdang ito ang mapaghimagsik

Paninindigan 1 119

na diwa ng mas naunang mga sulatin ng tradisyong sosyalista tulad ng Banaag at Sika t, Pinaglahuan, at Mga lhong Mandaragit, kapansinpansin ang higit na pagbibigay-diin sa paglilinaw at pagpapaliwanag ng mga usapin hinggil sa mga estratehiya at taktika ng digmang bayan kaysa sa dating mga usapin ng ekonomiyang-pampulitika. Sa katunaya’y maaaring imungkahi ang masaklawing paghahati ng kasaysayan ng mga prosa at naratibong sosyahsta sa Pilipinas sa dalawang pangunahing yugto: (1) “Pagkamulat” (1906-1969), ang yugto ng pagpapalaganap ng kamalayan at pagsusuring makauri sa hanay ng manggagawa at sa malawak na sambayanan (kasama rito ang akdang Banaag at Sikat at Pinaglahuan); at (2) “Pakikidigma” (1969 hanggang kasalukuyan), ang yugto ng pagsasalaysay sa naratibo ng pakikibaka ng uring anakpawis at ng buong inaaping sambayanan tungo sa ganap na paglaya (maisasama rito ang K abanbanuagan, B ukal ng Tubig at Apoy, Hulagpos, Sehyo, at Gera). Mas umiinog ang unang dalawang nobela ng kilusang sosyalista sa pagpapalaganap ng mga pagsusuri hinggil sa pagsasamantalang panlipunan at pagpapaliwanag sa pangangailangang magbuklod-buklod ang uring manggagawa upang makamit ang katarungang panlipunan. Pinapansin ng mga kritiko ang mga kakulangan sa pagbibigay-laman at paglalarawan sa tunggalian ng mga uri sa mga nobela nina Santos at Aguilar sapagkat kulang pa marahil ang karanasan sa pakikibaka ng uring anakpawis sa panahong ito ng pagkakatatag pa lamang ng unang mga unyon sa Pilipinas. Maituturing ang Mga Ibong Matidaragit (1969) bilang nobelang tumutulay sa dalawang yugto ng pagkaunlad ng mga sosyalistang salaysay dahil tinataglay nito kapwa ang mga masalimuot na diskusyon ng ekonomiyang-pampulitika at ang mababanaag ngunit hindi tuwirang natutukoy/nababanggit na salaysay ng HMB at ng BHB (hindi rin dapat ihiwalay sa anumang pag-aaral ng Mga Ibong Mandaragit ni Hernandez ang kanyang mahabang mapaghimagsik na tula na B ayang M a la y a [1969] at ang mala-sarsuwelang nobela na Mga Luha ng B u w a ya [1962]). Sa kabilang banda naman, si Lazaro Francisco (1898-1980), sa kanyang mga nasulat na nobela mula sa Ama (1927) hanggang sa M aganda pa angDaigdig (1955) at Daluyong (1962-63), ang maituturing na pangunahing tagapagbuo sa larangan ng panitikang Pilipino ng anti-komunista at anti-sosyalistang punto

iao | Pook at Paninindigan

de bista na sumikap inyutralisa ang impluwensya ng obra ni Lope K. Santos (1879-1963) hanggang sa mga akda ni Amado V. Hemandez (1903-1970). Sa ikalawang yugto nama’y halos magiging eksklusibo ang pagpapaliwanag ng teorya at paglalarawan sa salaysay ng digmang bayan sa halip na magpalalim sa mga talakayan hinggil sa teorya at mga mekanismo ng pagsasamantala. Tila mas iniaasa na sa ikalawang yugtong ito ang pagkatuto at pagtalakay ng ekonomiyang-pampulitika sa pamamagitan ng mga pormal na pag-aaral na gumagamit ng mga babasahing-aralin tulad ng mga huwarang-akda ni Crisanto Evangelista na A-B-K ngAnakpawis: Unang Bahagi, "Ang 'Paggawa' at 'Puhunan' sa llalim ng Pamamaraang Kapitalista,” at"Ang Dalawang Daigdig: Daigdig ng Kapitalismo at Daigdig ng Sosyalismo" hanggang sa ginagamit sa kasalukuyang mga kumprehensibong aklat tulad ng iba’t ibang edisyon ng Gabay sa Tunay na Unyonismo, salin sa Filipino (1998) ng Wages, Priee and Profit (orihinal ni Marx sa Ingles), at ng mga polyetong pangmanggagawa tulad ng "Busabos sa Pahirap, Ibayong Lumalaban para sa Kalayaan.”148 Nangangailangan ng malalimang pagsusuri sa kasinsalimuot ding talastasan ng buong panitikang sosyalista na nakatuon sa digmang bayan ng HMB hanggang sa BHB.149 Umiinog ang salaysay ng panitikang rebolusyonaryo ng ikalawang yugtong ito, hindi na sa isang A-B-K ng Anakpawis, kundi pangunahin sa balangkas at larangan ng kaisipan na binibigyan ng sapat na hugis at kabuuan ng sanaysay na “Mga Ispesipikong Katangian ng Ating Digmang Bayan” (Guerrero 1979). Sa ganang ito, maaaring tingnan ang isang transpormasyon na naganap kaugnay ng konsepto ng "loob" mula sa diskurso ng ekonomiyang-pampulitika tungo sa diskurso ng “digmang bayan.” Bahagyang matatalakay rito ang pangkalahatang paglipat ng diin mula sa “diskurso ng loob” na kaugnay ng mga konsepto ng pagsasamantala sa mga unang sosyalistang akda tungo sa “diskurso ng labas” sa mga akdang pampanitikang pumapaksa sa naratibo ng digmang bayan sa Pilipinas. Masasabing napakahalaga sa pag-unawa ng proseso ng paglilipat-diin na ito ang kategoryang “taong labas.”150 Masinsinan nang tinalakay ni Gealogo ang kahulugan at kabuluhang pangkasaysayan ng konseptong ito lalo na noong ika-19 na dantaon. Ayon kay Gealogo:

Paninindigan | 121

Isa

sa

h in d i

gaanong

p a k ik ip a g tu n g g a li itin a ta k d a n g k a a y u sa n g

ay

k aayusan

p a n lip u n a n

n a p a p a n s in g

ang ng

k a ta n g ia n

p o p u la r

na

k o n se p to

sa

n ito n g m ak ib ak a sa labas ng

li p u n a n . Sa g a n ito n g p am am araan , ang

m is m o

ang

siy an g m agiging direksyon ng

p a k ik ih a m o k . A n g p a g ta t a n g k a n g b ig y a n n g su b ersy o n ang kaayusang m a k ik ita sa l o o b n g l i p u n a n sa p a m a m a g ita n ng pakikibaka sa labas n ito a y m a a r i n g m a g i n g d a h il a n k u n g b a k it ang n akararam i sa mga salitan g g i n a g a m i t t u l a d n g m a n lo lo o b , m an g h a h a ra n g , m an d u ru k o t, a t ib a p a n g k a u g n a y n a d a l u m a t ay n a g p a p a h iw a tig ng p ag tah a n sa labas n g k a a y u s a n s a li p u n a n . . . K ailan g a n g bigyang pansin na ang p ro se so n g p a k i k i b a k a sa la b a s ay h in d i lam an g nangangahulugan ng p a g ta h a n s a la b a s n g p u e b lo . M a k a b u lu h a n m a n ang po o k na p a g ta ta k d a n g p a m a m a r a a n n g p a g -ira l n g m ga "tao n g labas," ay hindi la m a n g sa p is ik a l n a k a la g a y a n n g k a n ila n g p a m u m u h a y . M ahalaga rin na a n g p a g k a la b a s n i l a a y n a s a a n ta s d in ng u sa p in ng kapangyarihan ng e sta d o , n g g u m a g a b a y n a id e y o lo h iy a n g nagsasaayos sa lip u n an pati na an g p a n a n a w p a n d a i g d i g n a g u m a g a b a y sa pagkilos a t pam um uhay.

(1994, 16) Mapapansin sa paglalarawan ni Gealogo ng "taong labas" ang kanilang "pakikibaka at pagtahan sa labas’’ ng umiiral na kaayusang panlipunan. Dagdag pa rito, sinasalungguhitan niya na hindi lamang dapat unawain ang “labas” sa pakahulugan nitong heograpikal kundi sa pakahulugan din nitong pangkapangyarihan at ideolohikal. Samakatwid ay tumutukoy ang “labas” na ito sa isang bagong kaayusan o bagong 'loob’’ na nakabukod/bumubukod at nakahiwalay/humihiwalay sa umiiral na kaayusang itinuturing ng mga subersibong "taong labas” na mapang-api, mapagsamantala, at hindi makatarungan. Ipinakita ni Gealogo sa kanyang pag-aaral kung paano lumaganap ang mga espasyong nasa “labas ng kolonyal na sistema” noong ika-19 na dantaon at ang naging implikasyon nito para sa Himagsikan ng 1896.151 Pinagaralan naman ni Salazar (1997e) ang mga pook ng "pakikibaka at pagtahan sa labas” ng mga “taong labas” at "tulisan” sa konteksto ng ipinapalagay niyang sinaunang anyo nitong “ilihan” o “real” na may kinalaman sa tradisyon ng “pamumundok” sa Pilipinas. Maliban sa katangian ng mga “ilihan” bilang urungan o atrasan ng mga taong labas, higit na pinagdidiinan ni Salazar ang katangian ng mga ito

1 1 2 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

bilang lunsaran o base ng pag-atake sa mga pueblo. Sa ganitong paraan dinidigma ng "labas” ang “loob”152 Maaaring magsilbing halimbawa ng naganap na kontemporaryong paglilipat tungo sa "diskurso ng labas”ang isang koleksyon ng maikling kwentong pinamagatang Kabanbanuagan (Montanez 1987). Lalong lilinaw ang bagay na ito kapag sinuri ang iba’t ibang pagkakataon ng paggamit sa salitang "kilos” (binigyan ng diin sa bawat sipi) sa mga maikling kwento sa koleksyong ito: a. Hindi gaanong nagtagal ang kanyang kapatid, pagkapahinga'y lumakad na uli, kasama ang ilan pang Pulang mandirigma na kumikilos sa sonang gerilyang kinapapalooban ng kanilang baryo. b. Magpupultaym na siya sa kilusang lihim sa baryo. Ang buong baryo, ang lahat ng baryong nasasakop ng sonang gerilya, ang magiging larangan ng kanyang pagkilos paglabas niya sa ospital. c. Kapuna-puna ang pagiging m akibs ng mga sundalong PC sa ating distrito. d. Kasabay ng kaluwagan sa pamumuhay ay ang paghihigpit sa kanilang pagkilos para sa rebolusyon. e. Noong nabubuhay pa ang kanyang tatay, ito pa nga ang nagpapasigla sa pagkilos nilang mag-ina. Noon, madalas na laman ng kanilang usapan sa bahay ang kalagayan at pagkilos ng masa at mga kasama, at ang pag-unlad ng rebolusyon, hindi lamang sa kanilang probinsya kundi sa ibang lugar sa Pilipinas. f. Hirap ang mga kasama sa pagkilos doon ngayon. g. Mahirap man ay kumikilos pa rin nang lihim ang mga kasama sa sentro para mapasigla ang kampanya laban sa ebakwasyon at karahasang militar. h. Habang kumikilos ng lihim para sirain ang rebolusyon sa kanilang pook. i. Dito ma’y makakakilos ka rin, tulad ng dati. j. Ayos lang basta’t nagsusulatan sila at kapwa kum ikilos sa rebolusyon. k. Ipinagunita ni Ka Loida sa sarili ang pagiging alerto. Nasa loob sila ng isang bagong larangang gerilya, hindi pa matatag ang maraming baryong nakapaligid, at makakilos ang kaaway.

Paninindigan 1123

Inilalarawan sa (a); (b); at (k) ang "pagkilos” sa loob ng "sonang gerilya” o "larangang gerilya.” Pinapaksa ng (b); (g); at (h) ang ideya ng "lihim” na pagkilos sa mga erya na pinag-aagawan ng mga militar at BHB na maaaring pabor sa rebolusyon o tungo sa ikabibigo nito. Ngunit nararapat pansinin na ang sahtang "kilusan” na madalas may kakabit na salitang “lihim” ay ginagamit lamang para sa mga pwersang rebolusyonaryo at hindi para sa mga institusyong pangmilitar. "Makilos” ang militar pero wala silang “kilusan" (maliban na lamang siguro noong bahagi ito ng Kilusang Bagong Lipunan [KBL] ni Mareos). Makikita nga ang ideya ng pagkilos "para sa rebolusyon” sa mga sipi (d) at (j) at ng "masiglang pagkilos” naman sa sipi (e). Makikita rin ang paglalarawan ng pagkilos bilang "mahirap” sa mga siping (f) at (g). Inilalarawan naman ang pagiging "makilos” ng kaaway sa mga sipi (e) at (k) na nangangahulugan na labis na mapanganib kumilos ng hayag ang mga BHB sa ganitong mga larangan. Halimbawa’y ipinapaabot ng isang tauhan sa isang kwento "kung may di karaniwang konsentrasyon ng kaaway sa bayan; o kaya’y may pangkat ng PC na umiikot sa baryo.” Sa pamamagitan ng walang-tigil na pagkilos ay nakaiiwas ang mga BHB sa mga lugar kung saan mataas ang "konsentrasyon” ng mga militar na pansamantalang naipapaloob muli sa saklaw ng kapangyarihang estado.153 Mahihinuha sa iba’t ibang paggamit ng katagang "kilos” sa mga sipi mula sa Kabanbanuagan kung paano nagiging higit na kumplikado ang nosyon ng "taong labas” sa naratibo ng modernong digmang bayan. Kumikilos nga ang mga BHB sa “loob” ng “sonang gerilya" pero kumikilos din sa loob nito ang mga militar. Labas-masok ang dalawang pwersang magkatunggali sa loob ng parehong espasyong heograpikal. Kumakalat at nagdidispers ang pwersa ng BHB kung saan tumitindi ang konsentrasyon ng pwersang militar at kung saan kalat-kalat ang huli ay nagkokonsentra naman ang nauna. Hindi sa gayon masasabing malinaw na nakatakda ang mga hangganang teritoryal ng "loob” at “labas” sa ganitong praktika ng madulas na “pagkilos” ng mga "taong labas” at ng mga umuusig sa kanilang mga pwersang militar. Laging nililikha ng mga rebolusyonaryo ang mga

1 2 4 I P O O K A T P a N IN IN D IG A N

"loob” ng "sonang gerilya” sa "labas” ng umiiral na kaayusan pero lagi rin nitong kinakaharap ang posibilidad ng pagpapaloob ng "labas” na ito muli sa dominanteng kaayusan sa pamamagitan ng kapangyarihang militar at pampulitika ng namamayaning estado. Sa mga sinasadya o di-sinasadyang "engkuwentro” ng dalawang pwersang ito ay nagaganap ang "pag-aagawan ng loob” Hindi sa gayon nagkakaroon ng pangunahing heograpikal na pakahulugan ang "labas” na ito kundi, ayon nga kay Gealogo (1994), nagkakaroon ito ng katangiang higit na pangkapangyarihan at ideolohikal sa unang mga yugto ng tunggalian. Ang nasa labas ng umiiral na humihigit sa abot-tanaw ng namamayaning kaayusan ay hindi maitatakda pangunahin sa pamamaraang teritoryal sa ganitong uri at yugto ng tunggaliang armado kundi sa pamamagitan ng kamalayan at ng kapangyarihan. Sumusunod na lamang sa paglawak at paglakas ng ganitong kapangyarihan ang posibleng mas pirmeng teritoryal na manipestasyon ng "labas” at "pagkalabas,” samakatwid, kapag sapat nang napatatag ang “loob” ng hinahangad na lipunang nagpapabob ng dating mga isinasantabi, binubukod, at ineetsa-pwera. Ibig sabihi’y nangyayari lamang ito kapag nagtagumpay ang kilusang papalabas ng umiiral na kaayusan. Parang halos panaginip at pangitaing inilalarawan sa Kabanbanuagan ang imahe ng "malayang purok,” "muog,” o "ilihan” na parang ganap nang nasa labas ng namamayaning sistema. Malayo na siya. Hindi na siya maaabot ng kaaway. Sa harapan niya ay ang mga baryong kinaroroonan ng mga kasamang magsasaka, ang mga bulubunduking pinagkakampuhan ng mga Pulang mandirigma ... Lalo niyang binilisan ang pagtakbo ngayong palapit na sa kanya ang ningas ng mga gasera ng sonang gerilya. (Montanez 1987, 30-31)

Konklusyon Bayan at Pakikibaka

Paninindigan [ito ni Erap na] batay sa realidad ng tunay na buhay ng Bayan. Di tulad ng angkat na “paninindigan” ng elit/elitista; mga "paninindigan” na maaari't madalas pag-ibahin batay sa sirkumstansiya at personal at makauring interes. Ito ang dahilan kung bakit pabagubago ng opinyon at papalit-palit ng panig ang mga pulitiko at "intelektwal” ng elit/elitista. Nalilito sila sa mundong "ispiritwal” at "moral” na angkat sa dayuhan. Nalilito sa pagmamanipula/paghihilot sa mga konseptong angkat, na napakalayo sa karanasan at kaisipan ng Bayan. (Salazar 2005, 515) Nakaniig ni Erap ang Bayan at halos ka-ritmo at kapanabay nito siya kung mag-isip at magreak sa mga pangyayari. Marunong din siyang sumalungat sa opinyon ng Bayan, ngunit hindi siya tahasang lumilihis sa pulso nito; hindi niya pinangangaralan o tinuturuan ang Bayan; talaga siyang nag-aaral at natututo rito at dulot nito’y natututo rin sa kanya ang Bayan. Mithiin at layunin ng Bayan ang kanyang hinuhulo, nililinaw at ipinapaglaban. Sa wari, hindi ito mahirap sa kanya dahil sa tumatawid siya patungo sa Bayan; ka-ritmo na niya ang

12 5

126 | POOK AT P a NININDIGAN

isip at damdamin nito. Di tulad ng karamihan sa Kaliwa na sa simula't sapul ay may agenda na, para sa Bayan kahit (at kadalasan laluna kung) hindi ito nagmumula sa Bayan. (Salazar 2005, 117) Makikita sa mga sipi sa itaas mula sa isa sa mga pinakabagong akda ni Salazar na “pampulitikang biograpiya” ni Joseph Estrada ang patuloy na pagmamaliit niya sa praktika ng “Kaliwa” sa Pilipinas. Inuulit niya ang puna na walang tunay na paninindigan ang Kaliwa sa lipunang Pilipino sapagkat nakalutang sa ere ng angkat na daigdig pangideolohiya. Para kay Salazar, ang “Bayan” ay tila may katangiang eausa sui (sanhi ng sarili nito mismo) o, mula sa punto de bista ng sistemang aksiyomatiko, tumatayo bilang isang “primitibong nosyon” na ginagamit sa depinisyon ng ibang mga elemento ngunit hindi sa sarili nito maaaring mabigyan ng depinisyon. Kumikiling sa ganitong direksyon ang ipinahayag ni Salazar sa isang forum tungkol sa “Pagkataong Pilipino” (Setyembre 3, 2007) na ang kahulugan ng “pagpopook sa bayan" ay ang pagsunod lamang sa anumang kapasyahan ng “Bayan.” Aniya, sa “Bayan” siya [Salazar] lagi “pum opook” at hindi sa alinmang “simbahan” at “laluna hindi sa isang ideolohiya!” Unang problema sa ganitong pahayag ay kung paano m atutukoy at matitiyak ang “kapasyahan ng Bayan.” Nalalaman ba ito sa kantitatibong sarbey ng Soeial W eather Stations (SWS), boto sa eleksyon, sales figures, popularity eontests, laki ng fan base, time slot ratings, pakikipag-usap sa mga drayber ng taxi at jeep, panonood ng balita sa TV, pakikipamuhay sa masa sa piketlayn at bukirin o sa simpleng pakikiramdam at pagmamasid sa paligid? Kailangan bang may PhD sa antropolohiya, kasaysayan at/o linggwistika? Paano ito natutukoy at nino? Mahalagang malaman kung ano ang batayan ng pag-alam na ito sapagkat maaaring laging humantong sa bangayan tungkol sa interpretasyon ng kung “ano ba talaga” ang “gusto” ng “Bayan” at kung sino ang nasa posisyon para malaman ito. Ayon nga sa isang artikulo sa pahayagang Philippine Daily Inquirer (Setyembre 15, 2007) ay tumaas ng 400 megawatts ang konsumo ng kuryente sa araw ng laban ni Pacquiao habang 111 megawatts lamang ang itinaas sa araw ng promulgasyon ng kaso ng

Ba y a n

at

Pa k i k i b a k a | 12 7

dating Pangulong Estrada, na nangangahulugan diumano na mas interesado ang mamamayan sa laban ni Pacquiao kaysa laban ni Erap. Ikalawa, malaki ang pagkakaiba ng ganitong pananaw sa diyalektikal na lapit na tinitingnan ang “Bayan” bilang masalimuot na pangkasaysayang penomenong nakalubog sa isang paulit-ulit at walang tigil na interaksyong nakapaloob at pinapalooban, tumatagos at tinatagusan, tumatalab at tinatalaban, sa at ng iba’t ibang mga salik at institusyon at kilusang panlipunan. Malayo nga talaga sa anumang diyalektikal na konseptwalisasyon ng lipunan ang anumang nosyon ng "Bayan” bilang eausa sui, sapagkat laging kailangang tingnan sa ganitong lapit ang pagkakaugnay-ugnay at pagtatalaban ng mga bahagi at salik panlipunan sa isa’t isa. Sa ganitong diyalektikal na pananaw ay hindi maituturing ang “Bayan” bilang purong immanent na pwersa o bilang entidad na nagbubuo ng “kapasyahang” nagmumula lamang sa loob nito sa isang prosesong hiwalay at nakabukod sa iba pang bahagi ng lipunang kinapapalooban at kinabababaran nito. Kailangang suriin at tingnan ang makabuluhan at may-bisang interaksyon at pagtatalaban ng “Bayan” at ng mga institusyon tulad ng estado, simbahan, paaralan, masmidya at ng iba’t ibang mga kilusang panlipunan upang maunawaan sa kabuuan ang anumang pagkilos nito. Ang aktitud ni Salazar na hintayin lamang ang kapasyahan ng “Bayan” at sumunod dito pagkaraan ay implisitong naniniwala na walang alinmang institusyon o pwersang panlipunan na nagkakaroon ng papel sa pagkakabuo ng alinmang kapasyahan ng "Bayan.” Maging ang isang intelektwal tulad niya ay itinuturing niyang walang anumang magagawa sa paghuhubog ng kapasyahan nito. Ngunit para sa ano at para kanino sa gayon ang sinulat niyang mga libro at monograpo kung wala siyang nais maimpluwensyahan na opinyon? Lumilitaw ang problema ng ganitong paraan ng pag-unawa sa "Bayan” sa kanyang akda hinggil kay Erap sapagkat ipinapakita doon na ang “Bayan” ang siyang naging natatanging tapat na kumilos sa pagtatanggol sa “Saligang Batas” upang maibalik sa puwesto ang “Pangulong Konstitusyonal.” Pero paano kaya nangyari, batay sa paglalarawan mismo ni Salazar, na ang pagkilos ng “Bayan” ay lumilitaw na nakapaloob at nakakulong sa loob ng sistema ng pampulitikang

12 8 |

POOK

A T P A N IN IN D IG A N

lehitimasyong binatikos na ni Salazar mismo sa maraming pagkakataon bilang "banyagang Saligang Batas/Konstitusyon” na hindi maintindihan ng masa dahil Ingles at gumagamit ng mga konseptong angkat? Hindi ba ipinapakita ng ganitong paglalarawan sa mga pangyayari kung paano naging dominante sa kanyang larawan ng “Bayan” ang diskurso ng lehitimasyon ng estado at ng kapangyarihan nito sa ibabaw ng iba pang posibiUdad ng pagsasaayos ng kapangyarihan sa lipunan? Kung binabatikos ni Salazar ang konsepto ng "manipulasyon” ng masa na kaakibat sa palagay niya ng anumang pagtatangkang ''impluwensyahan” ito, ang kanyang paglalarawan naman dito bilang nakabukod na pwersa ay lalong malala dahil tinatabingan nito sa isang nawe na paraan ang panlipunan at pangkasaysayang pagtatalaban ng mga kapasyahan ng “Bayan” at mga namamayaning pwersa at institusyong panlipunan. Dalawang aspekto na lamang hinggil sa problema ng Kaliwa ang babanggitin sa konklusyong ito: (1) ang usapin ng lapit at pamamaraan na naaangkop sa pag-aaral at pananahksik ng penomeno ng pagtanggap at pag-aangkin ng mga kaisipang radikal, sosyalista, at/o Marxista sa kontekstong Pihpino; (2) ang usapin ng mismong praktika ng pag-aangkin, pag-uugat, pagpapalaganap, at pagpapalawig ng mga kaisipang ito sa mga larangang pulitikal, etikal, at pedagohikal ng mga organisasyong radikal at anakpawis. Maaaring bahkan ang konsepto ng “pook” upang linawin ang unang aspekto ng usapin ng ugnayan ng PT at Mandsmo. Ang ''pook" ay maaaring tumukoy sa kabuuang kontekstong pinagmumulan ng sinusuring penomeno o sa “pook” na kinalalagyan ng sumusuri ng penomenong ito. Nakaugat ang isang anyo ng konsepto ng “tayo” o “pagka-tayo” sa iisang "pook.” Ang “paninindigan” naman ay tumutukoy sa makauring “tayo”ng gumagawa ng pagpapakahulugan sa loob ng isang "pook.” Sa lumitaw na pagtingin ni Salazar, ang lahat ng paninindigan, kasama ang makauring paninindigan, hinggil sa mga masalimuot na usapin ng “imperyalismo” at “neohberalismo” ay maaaring magawa hindi sa loob ng pook na Pilipino kundi sa labas lamang nito. Magagawa lamang ang ganitong mga kritikal na anahsis sa “Kanluraning” pook ng Mandsmo. Nailahad na sa unang bahagi ng kasalukuyang akda ang

Bayan at Pakikibaka 1129

iba’t ibang estratehiya ng PT ng pagbubukod sa Mandsmo at naipakita na rin kung paano nagawa ang pagbubukod na ito sa pamamagitan ng ilang kwestyonableng maneobrang metodolohikal. Kasama na rito ang hindi sapat na pagkilala sa magkakaibang katangian ng wika ng balana at talastasang intelektwal, ang pagpapataw ng isang labis na masaklaw na ideya ng “diskursong reaktibo” sa Mantismo, ang pagsasaisantabi sa ngalan ng wika sa kwestyon ng obhetibong istrukturasyon ng lipunan, ang labis na pagkiling sa kasaysayang pangmatagalan kaharap ng kasaysayang pampuhtika at; higit sa lahat; ang buong mapagbukod na diskurso ng "batayang kultura” na laging itinatakwil ang Marxismo bilang banyagang kaisipang walang kaugnayan sa pananaw-sa-daigdig ng taal na “Pilipino.” Higit pa sa malabong kalagayan ng Marxismo kaharap ng PT; ang mga kahinaang metodolohikal at ideolohikal na ito ang siyang nakapagpapahina sa PT sa pangkalahatan bilang isang katanggap-tanggap at mabungang lapit at programa sa pananaliksik sa agham panlipunan. Kailangang isaalang-alang na ang usapin ng pakikipagtagpo at pag-alam sa sarili at sa iba pang mga kalinangan ay isinasagawa sa pamamagitan ng masalimuot na proseso ng pag-aabot-kaya kung saan ipinag-iiba ang proseso ng malayang pag-aandukha sa pagitan ng mga buhay na wika at ang sinasadya at maingat na pag-aangkin ng mga katagang makaagham sa loob ng mga talastasang syentipiko. Inilalarawan ng “pagtatalaban” ang natural na proseso ng pagpapalitang nagaganap sa pagitan ng mga kalinangan na hindi nangangailangan ng malay at kusang interbensyon. Makikita ritong kahit ang bagay na "inangkin" ay may bisa sa loob ng kabuuang umangkin at hindi lamang ang kabuuang umaangkin ang may bisa sa bagay na inaangkin. Nailalarawan ng konsepto ng “pagtatalaban” ang bisa sa isa’t isa ng bawat elemento sa loob ng isang kabuuan, ang bisa ng kabuuan sa mga elementong nakapaloob; ang bisa ng mga elemento sa kabuuang kinapapalooban ng mga ito; at ang bisa ng mga kabuuang nagtatalaban sa loob ng mas masasaklaw na mga kabuuan. Sanhi naman ng pagkakaugnay nito sa iba't ibang lebel ng panlipunan at pang-ekonomiyang realidad, hindi maaaring tingnan ang kalinangan bilang isang kabuuang-walang-

130 | POOK AT PANININDIGAN

lamat kundi mas angkop na turingang kabuuang-may-hidwaan. Ang wika at kalinangan ay itinuturing na mga “kabuuan” at hindi lamang mga "kalahatan” sapagkat nagkakaanyo ang mga ito hindi lamang sa pamamagitan ng pagtatambak sa isang um pok ng magkakahiwahiwalay na mga sangkap kundi bilang mga bahaging may iba’t ibang antas ng tindi na pagkakaugnay-ugnay sa isa’t isa. N gunit sa harap ng pagka-kabuuan ng kalinangan at wika ay mahalagang parating isaisip at ituring na batayan ng anumang pagsusuri ang pagtingin sa mga ito, hindi lamang bilang mga “kabuuang-walang-lamat” kundi, higit pa, bilang mga kabuuang-may-hidwaan at pagkakahati-hating panloob. Ani Ferriols sa kanyang salin ng mga pilosopong Griyego, "Ang katutubong buod ng bawat umiiral ay isang hidwaan: pag-uumpugan: hindi pagkasundo” (1992, 29). Bilang panghuli, hindi sapat na manatili ang pagsusuri ng lipunan at ng mga suliranin nito sa mga metodo lamang ng pagpapakahulugan na walang isinasagawang "panlipunang pagsisiyasat” sa iba pang mga salik tulad ng kondisyong pampulitika at pang-ekonomiya. Kailangang iugnay ang mga penomenong pangkamalayan tulad ng PT at PK sa patuloy na umiiral na mapagsamantalang kalagayang malapyudal at malakolonyal. Iginigiit dito ang pangangailangang unawain ang suliraning pangkultura sa Pilipinas bilang isang bagay na tunay na mahahanapan lamang ng lunas kaugnay at kasabay ng mga suliraning pampulitika at pangekonomiya ng bansa. Nararapat ding maging higit na empirikal at syentipiko ang lapit sa pag-aaral ng problema ng pag-aangkin ng kaisipang Mandsta sa Pilipinas. Malinaw na hindi naaangkop ang mga batayang pilosopikal at metodolohikal ng PT upang matugunan ang ganitong uri ng pag-aaral ng pag-aangkinan at pagtatalaban sa antas ng mga penomenong diskursibo. Ang ikalawang aspekto namang binanggit sa itaas ay pumapatungkol sa ugnayan ng mga tinaguriang "intelektwal” at ng “masa.” Mauunawaan ito, sa anyo nitong “rebolusyonaryo,” bilang isang siklikal, paulit-ulit at walang katapusang proseso ng pagkamit ng iba't ibang antas at uri ng pagkakaisa sa iba’t ibang pamamaraan at anyo, sa iba't ibang antas ng katatagan o pagkamabuway, at sa iba’t

Ba y a n

at

Pa k i k i b a k a | 13 1

ibang saklaw, larangan, at usapin. Naipakita na ang ilang aspekto ng ganitong masalimuot na proseso sa ikalawang bahagi ng kasalukuyang pag-aaral hinggil sa pagsibol at elaborasyon ng talastasang Sosyalista at Marasta sa wikang Tagalog/Pilipino/Filipino. Samakatwid, dinaranas ng bawat kilusang panlipunang tunay na nakalubog sa buhay na praktika ng pagbabago ang isang proseso ng pagtatalabang may bukod-tanging kasalimuotan na inaakay sa “pagka-nariritong-panig” (Marx) ang kamalayan, isipan, at praktika ng mga ito. Kung kaya’t masasabing hindi kailanman magiging ganap na “iisa” ang lahat ng mga bahaging itong nagkakatagpuan, nagsasalimbayan, nagtutunggalian, at nagkakasamasama tulad ng makikita sa ideyalista at halos irasyunalistang nosyon ni Salazar ng pag-"iisang-ritmo ng isip at damdam in” ng pinuno at ng kanyang pinamumunuan. Malinaw na hindi kailanman maglalaho ang lahat ng diyalektikal na ugnayan at tensyon sa pagitan ng iba’t ibang bahaging binibigkis ng panlipunang realidad sa anumang yugtong pangkasaysayan. Ang mithiin ng tuwiran, kung di man ganap, na pagkakaisa sa lahat ng larangan at antas ng kabuuang panlipunan ay isang mitolohiya na tila pinanghahawakan bilang ideyal kapwa ng PT at ng mekanikal at pseudo-syentipikong Marxismong opisyal ng dating Unyong Sobyet. Kailangan nang lubusang talikdan ang ganitong mga konseptwalisasyon ng kaisahang tumatagos sa pinakabuod at kabuuan ng lipunan. Ang pangunahing layunin ng isang pambansang kilusan na naglalayon ng pagbabagong humihigit sa abot-tanaw ng makauring lipunang umiinog sa kapangyarihan ng puhunan ay ang pagkamit ng pagkakaisa sa hanay ng sambayanan na may sapat na lawak, lalim, at katatagan na makapagpapakilos ng sapat na lakas na kinakailangan sa pagkamit ng kapangyarihan tungo sa pagtatatag ng isang lipunang sosyalista na magtataguyod ng makataong kaayusan at mangangalaga sa mga pundamental na demokratikong karapatan ng mamamayan sa diwa ng kapayapaang nakabatay sa katarungan.

V

I

! '

I ;

\ ;* i--»

A pendise A Pagkataong Pilipino: lsang Teorya sa Lalim ng Banga

Sa isang maikling walong pahinang sanaysay na pinamagatang "Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino” at sa pamamagitan ng isang diagram ay sinikap ipaliwanag sa madla ng antropologong si Prospero Covar ang kanyang iskema ng “Istruktura ng Pagkataong Pilipino.” Ang binuo niyang diagram (Covar 1998, 26) ang masasabing pinakamadali at pinakasimpleng representasyon ng teoryang ito. Makikita rito ang tatlong konsentrikong bilog. Sa pinakanakapaloob na bilog ay may hugis ng “yin at yang” na humihiwalay sa dalawang salitang magkaniig na “kaluluwa” at "budhi.” Sa susunod na dalawang bilog na konsentriko ay makakakita ng mga katawagan ng bahagi ng katawan na nakahanay na magkakatambal. Binansagan sa diagram ang pinakanakapaloob na bilog kung saan nakapwesto ang “kaluluwa” at “budhi” bilang “lalim,” ang sumusunod bilang “loob” at ang huli bilang “labas.” Nakahanay sa konsentrikong bilog na “loob” ang “isipan,”"puso,” “atay,” at “bituka.” Samantalang nakahanay naman sa konsentrikong

133

134 | POOK AT PANININDIGAN

bilog na "labas” ang "mukha,” “dibdib,” “sikm ura/’ at “tiyan.” Dinisenyo ang diagram upang maging magkatapat o “m agkatam bar sa mga konsentrikong bilog na “labas” at “loob” ang sum usunod na mga paris: mukha-isipan, dibdib-puso, sikmura-atay; at bituka-tiyan. Payak ang diagram pero tila may nais ipaliwanag na malalim hinggil sa hugis at anyo ng tinatawag na “pagkataong Pilipino.”

I. Saan Nanggaling ang Metapora ng “Banga”? Ano kaya ang istatus ng banga bilang isang metapora ng “pagkataong Pihpino”? Bahagi ba talaga ang “banga” ng tinutukoy ni Covar na diskurso o wika na sinasalita ng mga Pilipino o ng kahit ilang Pilipino lamang hinggil sa “pagkataong Pilipino”? Matutuklasan ba ito sa mga pahayag ng mga Pilipino sa paglalarawan ng kanilang “katawan” kung hindi man ng “pagkatao”? Ibig sabihin ay konseptong emiko ba ito? Kung bahagi talaga ito ng diskurso ng pagkataong Pilipino, ano ang mga patunay na makikita ito sa pang-araw-araw na diskurso ng pagkatao? Hindi inilinaw ni Covar ang usaping ito sa kanyang mga pagpapaliwanag. Minsa’y inaamin ni Covar ang artipisyalidad ng kanyang metapora bilang personal na pagpapakahulugan hinggil sa pagkataong Pilipino pero mas madalas naman ay tila ipinalalabas niya ang impresyon na ganito talaga ang pagtingin ng mga Pilipino mismo hinggil sa kanilang sariling pagkatao. Sa kabila ng pagpapahalaga niya sa wika bilang batis ng kaalaman hinggil sa pagkatao ay wala siya ni isang patunay na inihaharap maliban sa kanyang sariling mga asersyon na ganito o ganito nga dapat ang pagtingin ng mga Pilipino hinggil sa kanilang pagkatao. Tumatalon siya mula sa pagtingin at pagmumuni-muni hinggil sa sa bangang Manunggul tungo sa malalim na obserbasyon na ganito nga rin ang tao, “parang banga.”

A p e n d i s e A | 135

Pansinin ang sumusunod na mga pahayag ni Covar: PAHAYAG

KOM ENTO

a) "Itinatakda ng lekturang ito ang katawan ng tao bilang isang banga: nriay labas, loob at ilalim; at pinagagalaw ng tambalan ng budhi at kaluluwa.” (16)

Dito makikita na sa lektura mismo itinatakda ang pagiging banga ng tao na nagtataglay ng mga katangiang malabanga tulad ng "loob,” "labas," at “lalim."

b) “Sa matagal kong pag-aaral ng pagkataong Pilipino, napasok ko ang metaphor at ginamit ko yong konsepto ng banga, kasi ang katawan ng tao ay parang banga—sisidlan, vessel. Sa spirit possession, parang napapasok yong vessel, yong katawan ng tao. Banga nga.” (57)

Mapapansin muli rito ang pag-amin ni Covar na ang banga ay isang metaporang siya mismo ang "nagpasok'' sa diskurso ng pagkataong Pilipino pero tila nababawi ang pag-amin na ito ng biglang panggigiit na parang katotohanang mula sa langit na “banga nga” talaga ang tao. Sabihin man na "matagal” nang pinagaralan ni Covar ang pagkataong Pilipino, hindi maituturing ang “tagal" ng pananaliksik 0 pagmumuni-muni bilang isang patunay ng katotohanan ng alinmang teorya. Hindi iyan matatanggap sa alinmang syentipikong larangan bilang patunay 0 pandagdag sa patunay.

c) "Ang katawan ng tao ay parang isang banga. Ang banga ay may labas, loob at ilalim. Gayundin naman ang kaluluwa ng tao. Sisidlan na banga. Ang laman nito ay kaluluwa. Sa ilalim tumatahan ang kaluluwa, kaniig ang budhi.” (9)

Higit na niyutral ito pero malinaw na may metaponkal na paghahambing na ipinahihiwatig ng pariralang “parang isang banga."

"The Filipino views the katawan as a vessel not unlike the Manunggul jar. The Filipino katawan has a labas (extemality), loob (intemality), and lalim (depth). The lalim is where the kaluluwa resides.” (23)

Dito sa (d) at (e) ay tuwirang sinasabi na ganito talaga ang pagtingin ng Pilipino sa kanyang katawan. Pero nasaan pa rin ang patunay?

4)

e) "Ang F/Pilipino ay naghahambing na ang isang tao ay isang banga.” (28)

Hindi binabanggit ni Covar kung saan sa tinatawag niyang malawak na "kaalamang bayang dalumat” nahalaw ang sentral na bahaging ito ng kanyang pormulasyon ng teorya hinggil sa “pagkataong Pilipino.” Sinabi lamang niyang “natalos” niya na “ang paglalarawan ng pagkataong Pilipino bilang banga na may labas at loob ay nagsimula sa Niyolitikong

136 | POOK AT PANININDIGAN

Panahon” kung kailan maaaring nililok ang bangang Manunggul. Samakatwid ay nalaman niya na itinuturing ng Pilipino ang kanyang katawan bilang banga sa pamamagitan ng paglilimi-limi sa hugis ng bangang Manunggul sa loob ng museo. Mula sa ganitong kadahupan ng tuwirang pagpapatunay ay dapat pansinin ang suliranin ng paglipat mula sa diumanong deskriptibong paglalawaran ng pagkataong Pilipino sa pamamagitan ng banga (na hindi pa nga nabibigyan ng sapat na patunay at dokumentasyon) tungo sa implisitong normatibong prinsipyo na dapat naniniwala ang bawat tunay na Pilipino dito na m aibubuod sa pangungusap ni Covar na, “The Filipino views the katawan as a vessel not unlike the Manunggul jar” (23).

II. Ano Kaya ang Ibig Sabihin ng "Lalim" ng "Banga"? Tila lumihkha ng malaking kalituhan at kalabuan ang palagay ni Covar na ang kaluluwa ay nasa "lalim” ng banga na nasa sipi (d) sa itaas. Maaaring tumingin muna sa ilang halimbawa upang maging malinaw ang kasalukuyang puntong pinagdidiinan. Kapag ginamit ang isang bagay X bilang metapora para sa isang bagay Y, nangangahulugan ito na bagama’t maaaring walang tuwirang ugnayan ang X at Y ay nakakatanggap ang Y ng ilang katangian ng X. Halimbawa, “kasinlalim niya ang dagat.” Dito ay nagkakaroon din ng lalim ang tao na may konotasyon na di siya madaling maarok, hindi madaling maunawaan. Ang kanyang lalim ay isang sukat na di masukat. Mula rito ay maaaring tingnan kung paano ginamit ang “banga” bilang metapora ng “pagkataong Pilipino.” Bahagi ng depinisyon mismo ng "lalagyan” na ito ay may loob at labas. Kapag tinanong kung nasaan ang isang bola ay pwedeng sagutin na “nasa labas ng lalagyan ang bola” o pwede ring “nasa loob ng lalagyan ang bola ” Kapag isinaalangalang naman na ang isang silindrikal na lalagyan ay may partikular na lalim at diametro ay maaaring tanungin ang sukat ng lalim at/o ng diametro upang malaman ang bolyum o makapagkalkula ng iba pang importanteng impormasyon. Ang sagot sa mga tanong na “ano

A p e n d i s e A | 13 7

ang sukat ng lalim?” o “ano ang sukat ng diametro?” ay mabibigyangtugon sa pamamagitan ng pagbibigkas ng mga partikular na numerikal na sukat. Malaking kalituhan ang ibubunga kapag ang tanong na “nasaan ang bola?” ay sinagot ng “nasa lalim” o “nasa diam etro” ng lalagyan. Halimbawa ito ng tinatawag na “eategory mistake” kung saan inihahanay ang isang konsepto sa isang kategoryang hindi rito naaangkop (Ryle 1963). Isang halimbawa ng pagkakamaling pangkategorya ang pangungusap ni Covar na “The lalim is where the kaluluwa resides” (1998, 23) na inilarawan niya sa kanyang diagram ng istruktura ng pagkataong Pilipino. Masasabing ang serye ng mga salitang “haba,” "lapad,” at “taas” ay seryeng lohikal dahil binubuo ng mga konsepto na ang lahat ay tum utukoy sa sukat. Ngunit ang seryeng ioob,” “labas,” at “lalim” ay seryeng ilohikal sa ganitong konteksto sapagkat ang unang dalawang nauna ay tum utukoy sa mga natitiyak na espasyo at pansagot sa tanong na "nasaan” habang ang ikatlo namang pangngalan ay tum utukoy sa sukat ng espasyo. Ang problema yata ay dahil naisip na may lokasyong panlabas o panloob ang serye ng mga bahagi ng katawang binabanggit sa diagram ng “pagkataong Pilipino” ay naisip na kailangan ding magtakda ng “espasyo” na kalalagyan ng kaluluwa. At ang espasyo daw na ito ay hindi ang labas at hindi rin ang loob kundi ang “lalim.” Pero walang bagay na maaaring lumagi sa isang sukat. Kasing absurdo ito ng pangungusap na ang isang barko ay may “loob,” “labas” at “haba,” kung saan ang dagat ay nasa labas, ang mga pasahero ay nasa loob at ang kapitan ay nasa haba. Kung babaling naman sa halimbawang "Ang submarino ay nasa dagat sa lalim na dalawang daang metro,” malinaw na makikitang hindi nito sinasabi na nasa “lalim” lumalagi ang barko kundi kung saan sa espasyong “loob” ng dagat ito matutuklasan. Laging may kasama itong numerikal na halaga dahil walang kahulugan ang pangungusap tulad ng “Ang submarino ay nasa lalim ng dagat.” Ang “lalim” sa metapora ni Covar ay hindi ang “sukat na hindi masukat” tulad ng makikita sa linyang “singlalim siya ng dagat” kundi isang “pook na di maipook” na wala sa loob at wala rin sa labas. Ang banga ay mayroong “lalim” sa pakahulugan ng sukat pero walang “lalim” sa pakahulugan ng lugar o espasyo. Kaya hindi masasabing ang tao ay

1 3 8 | P o o k AT Pa n i n i n d i g a n

m aitutulad sa banga na may "lalim” bilang lugar dahil wala talagang ganitong banga. Sa pagitan ng "lalim ng banga” at ng "lalim ng pagkatao" n i Covar ay may nangyaring misteryosong kumbersyon ng pakahulugan ng "lalim” mula sa sukat patungong espasyo. Pero wala naman talagang problem a kung may magsulat ng tulang may linyang "ang aking pagibig ay nagtatago sa lapad ng banga.” Ang tanong lamang ay kung magandang tula ang kalalabasan. Ang mahalaga rin sa kaso ng linyang “nasa lalim ang kaluluwa” ay kung lalong naliliwanagan ang mambabasa sa katangian ng "pagkataong Pilipino” sa pamamagitan nito o hindi. Dagdag pa’y anupaman ang pagpapakahulugan sa “lalim,” maging espasyo man o sukat, nananatili pa rin ang pangunahing tanong: nanggaling ba ang metapora ng "banga” para sa "pagkataong Pilipino” sa tinaguriang “kaalamang bayan” o nagmumula lamang ba ito sa personal na pilosopiya ni Covar? Mahalagang pag-iiba ito. Halimbawa'y may nagngangalang C na naniniwala sa bagay na A. Samakatwid ay isang hindi matatawarang fakt na naniniwala si C sa A. Ang problema lamang ay iginigiit ni C na hindi lamang siya kundi sina X, Y, at Z ang naniniwala sa A. Upang makumbinse tayo na naniniwala nga sina X, Y, at Z sa A (o kahit pa ang mayorya sa kanila) ay kailangang kunin ni C ang mga pahayag nina X, Y, at Z o kaya tum ukoy sa alinmang bagay na ginawa nina X, Y, at Z na nagpapaniwala o nagpahiwatig kay C na naniniwala nga sila sa A. Kung walang maiharap na ganitong mga datos si C, lilitaw na merong dalawa pa ring fakt na totoo: (1) si C ay naniniwala sa A; at (2) naniniwala si C na naniniwala sina X, Y, at Z sa A. Samantalang mayroong isang fakt na hindi pa napapatunayan: na naniniwala nga talaga sina X, Y, at Z sa A.

III. Ano ang Batayan ng Pagpili ng mga Bahagi ng Katawan na Nakapaloob sa Iskema ng “Pagkataong Pilipino"? Dagdag pang puna sa iskema ang hindi kumprehensibong pananaliksik na naging batayan ng kagyat na pagpili ng walong bahagi ng katawan (mukha, isipan (?), dibdib, puso, sikmura, atay, bituka, at tiyan) na nakaugnay raw sa konsepto ng pagkataong Pilipino.

Apen

d is e

A | 139

Hindi napatunayan ni Covar na ang mga ito lamang ang mga bahagi ng katawang tam pok at mahalaga sa paglalarawan ng pagkatao sa diskursong pinag-aaralan dahil hindi niya ipinakita ang proseso ng pagpili at ang mga pamantayang kanyang ginamit. Bakit halimbawa hindi ipinapalagay na nakaugnay sa paglalarawan ng pagkatao ang mga ari ng lalaki at babae o ang kanilang mga puwet? Hindi ba may kasabihang “may balat sa puw et”? Wala bang kinalaman sa pagkataong Pilipino ang kasarian at sekswalidad? Nyutral ba ang kasarian ng mukha, ng tiyan o ng sikmura? Inaamin ni Covar (58) na merong bahagi ang kasarian sa pagkatao pero nakapagtatakang hindi na niya ito isinama sa kanyang diagram. Kung walang kasarian ang “pagkataong ito” ay mukhang wala rin itong uri. Wala ba talagang kinalaman sa kapangyarihan, pagsasamantala, pambubusabos, at pang-aapi sa mga konkretong panlipunang konteksto ang diskursong moral ng pagkatao? Sabihin mang nais iabstrakto ni Covar ang mga usapin ng kasarian at kapangyarihan sa kanyang iskema ay maaaring pagdudahan kung ganoon talaga kadaling maibubukod ang isang diskursong pundamental na etikal at moral tulad ng usapin ng pagkatao sa kaligirang panlipunang kinababaran nito. Ang pagsisimula ni Covar sa abstrakto at pananatili sa abstraktong antas ang sanhi ng hindi niya pagbibigay ng pagkilala sa salimuot at kompleksidad ng wika sa tunay na konteksto ng pag-iral nito sa loob ng lipunan at kasaysayan. Halimbawa'y hindi man lang niya binigyan ng pansin ang salimuot ng kasaysayan at nagbabagong larangang-semantiko ng katagang “budhi” mula Sanskrit patungong wikang Melayu patungong Tagalog (Lim 2002). Hindi talaga kumprehensibo at malaki ang kakulangan ng dokumentasyon sa pananaliksik hinggil sa iba’t ibang gamit ng mga kasabihan at pariralang nakakabit sa mga naturang bahagi ng katawan. Sa kabuuan ay 37 (Covar 1998, 37) piraso lamang ng datos ang iniharap niya upang patunayan ang kabuluhan ng walong salitang napili niya (ibig sabihin may average na 4.6 na halimbawa para sa bawat isa) para sa dambuhalang proyekto ng pananaliksik hinggil sa “pagkataong Pilipino” na sumasaklaw sa ngayon sa mahigit walumpung milyong tao.

140

| P00K A T

P A N IN IN D IG A N

Nasa mambabasa na ang paghusga kung nakasasapat na sa kantidad at kalidad ang kanyang katiting na iniharap na datos. Hindi rin niya binabanggit ang mga batis na tuwiran o di-tuwiran na pinagkunan ng kanyang mga datos at pinagbatayan ng kanyang mga konklusyon. Hindi binanggit ang lugar at panlipunang konteksto na pinagkunan at ang panahon ng pagkagamit kaya't imposibleng malaman ang saklaw at kasaysayan ng paggamit ng mga naturang konsepto. Hindi talaga sapat ang sabihin lamang na galing ito lahat sa “kaalamang bayang dalumat.” Sinong syentista ang makakabalik sa naturang napakalawak na “kaalamang bayang dalumat” para maberipika ang sinasabi ni Covar? Ihambing ito sa koleksyon ng mga kasabihan at bugtong ni Damiana Eugenio kung saan maingat na kinatalogo ang mga batis mula sa iba't ibang wika ng Pilipinas. Sa koleksyon niya ng mga kasabihang Pilipino (Eugenio 1992) ay may 12 tungkol sa “mukha/' 33 tungkol sa "puso/ 4 tungkol sa "tiyan” at “sikmura.” Sa koleksyon naman ng mga bugtong (Eugenio 1994) ay mayroong 5 tungkol sa “mukha/ isa tungkol sa "utak/ 16 tungkol sa "isip” at “kaisipan," 20 tungkol sa "dibdib/ 4 tungkol sa "puso,” at 4 din tungkol sa “tiyan” at “bituka.” Mayroon ding 19 na bugtong tungkol sa ari ng lalaki, 19 tungkol sa ari ng babae, at 5 tungkol sa puwet. Wala talagang kadahupan sa datos na mapagkukunan. Kung may istruktura mang nabuo si Covar; hindi wastong tawagin itong istruktura ng "pagkataong Pilipino" sapagkat ang lahat ng mga halimbawang nahihinggil sa mga bahagi ng katawan ay galing lamang sa wikang Tagalog. Kulang na kulang sa batayang pananaliksik at labis ang pagkiling sa Tagalog bilang pribilehiyadong batis ng kaalamang pangkultura. Sa katunaya’y inaamin mismo ni Covar na hindi niya nalalaman ang pagkakatumbas ng mga konseptong ito sa iba’t ibang wika ng Pilipinas kaya nakapagtataka ang kanyang mga mapangahas na asersyon (1998, 63). Hilaw pa talaga ang datos para masabing may kros-etnolinggwistikong kabuluhan ang ganitong iskema.

A pendise A| 141

IV. Paano Ginamit ang Tinaguriang “Tambalang Lapit'' sa Pagtatambal ngmga Bahagi ng Katawan? Ayon kay Covar, Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino: kung may labas, may loob; kung may kaluluwa, may budhi. Kaipala nahahayag sa mahahalagang bahagi ng ating katawan ang labas, loob at lalim ... (11] Dagdag pa, The Filipino has a complex personhood (pagkatao) assoeiated with body parts eontrasted in binary opposition, namely: (1) panlabas and (2) panloob. (23; akin ang diin) Tulad ng ginawa ni Covar mismo sa itaas, itutumbas sa bahaging ito ang binansagan niyang “tambalan” at “binary opposition." Isang napakahalagang paraan sa semantikong analisis ang pagsasaayos ng mga kataga sa mga serye ng dalawahang elementong magkakasalungat 0 magkakabaligtad. Halimbawa ng ganitong mga oposisyong tambalan o binaryo ang sumusunod: oo-hindi, liwanag-dilim, kanankaliwa, loob-labas. Mapapansin sa mga binaryong oposisyong ito na hindi maaaring umiral ang isa nang wala ang isa. Nakasalalay ang pakahulugan ng dalawang kataga sa kanilang binaryong oposisyon sa isa’t isa. Hindi maipapaliwanag ang liwanag kung wala ang dilim. Hindi maipapaliwanag ang kanan kung walang kaliwa. Hindi rin maipapaliwanag ang loob kung wala ang labas. Malinaw ang pagkakaiba sa lohika ng mga kontradiktoryo at kontraryo. Ganap na magkabaligtad ang mga elementong kontradiktoryo, tulad halimbawa kung tinanong ang isang tao kung may pera sa kanyang wallet, ang wastong sagot dito ay simpleng "wala" 0 “meron" na maituturing na mga kontradiktoryo dahil ganap na magkabaligtad ang kahulugan. Kung tinanong naman siya kung magkano ang laman ng kanyang wallet ay maaaring napakababa o napakataas ang kanyang itutugon na halaga.

142 I PoO K AT PANININDIGAN

Ang mga ito ay mga kontraryo sapagkat maramihan at hindi ganap na magkakabaligtad ang mga sagot. Hindi magkabaligtad ang isang daang piso at tatlong daan piso. Ganito rin ang kaso sa mga tanong tulad ng sumusunod: May kulay ba o wala ang laruan? Ano ang kulay ng laruan? Madilim na ba sa labas? Gaano kadilim sa labas? Sa pamamagitan ng mga tambalan ay maaaring gumawa ng karagdagang hakbang ng pagpapailalim o paghahanay ng mga elemento sa ilalim ng magkasalungat na konsepto. Halimbawa kung ang "liwanag” ay may pangkulturang konotasyon ng "kalayaan” at ang dilim ay may konotasyon ng kawalan ng "kalayaan” ay maaaring tingnan ang kasaysayan ng Pilipinas bilang serye ng pagkakasunod ng mga panahon ng "liwanag” at “dilim” kung saan ang "dilim” ay ang panahon ng kolonyalismo at ang liwanag ay ang panahong malaya sa mga mananakop. Kung ang konotasyon naman ng “liwanag" ay ang pagdating ng Kristiyanismo tulad ng makikita sa matandang tulang "May Bagyo ma’t may Rilim” (1605) ay biglang magbabaligtad ang mga pagpapahalaga at ang “liwanag” ay tutukoy na sa pagdating ng mga mananakop at ang "dilim” sa buong panahong binansagang "prekolonyal.” Nakadepende ang paghahanay sa ilalim ng "liwanag” at "dilim” doon sa parametrong ginagamit na batayan ng paghahanay ng mga panahon. Kung lilipat naman sa tambalan ng “loob” at “labas,” maraming makikitang parametro ng paghahanay ng “pagkaloob” at "pagkalabas.” Maaaring ang konotasyon ng “loob” ay “masikip” at “kulob” habang ang “labas” ay “maluwag” at "maaliwalas.” Kaya maaaring sabihin na “huwag ka palaging nasa loob; lumabas ka naman at magpaaraw.” Maaari ding ang konotasyon ng "loob” ay “isip” habang ang "labas” ay "salita.” Kaya maaaring sabihin na "huwag mong ikulong sa iyong loob, ilabas mo na.” Sa kabila ng pagbabansag niya sa kanyang pamamaraan bilang "tambalang lapit” o paghahanap ng mga “binaryong oposisyon,” hindi malinaw ang batayan ng klasipikasyon sa ilalim ng mga kategoryang "loob” at “labas” ng mga termino ng bahagi ng katawan at kung bakit simetrikal at tig-aapat na elemento ang nilalaman ng dalawang kategorya. Hindi rin binabanggit ni Covar kung ano ang partikular na katangiang parehong tinataglay ng apat na bahagi ng katawang

A

p e n d is e

A | 143

panlabas at ng apat na bahaging panloob na maaaring maging batayan ng kanilang klasipikasyon. Hindi man lang inilinaw na “ganito” ang katangiang taglay ng lahat ng mga panloob sa isang banda, at sa kabilang banda, “ganito” naman ang katangian ng lahat ng mga panlabas. May kinalaman ba sa “emosyon” o “isipan” ang “loob”? May kinalaman ba sa “aksyon,” “ekspresyon,” at “pandamdam” ang labas? Hindi ito inilinaw ni Covar. Kulang talaga sa konseptwal na pagsisinsin na kinakailangan sa analisis ng mga binaryong oposisyon at napakametaporikal at impormal ng argumento. Kung panloob ang turing sa "atay,” bakit panloob? Ano ang katangian ng atay kung kaya't maituturing itong panloob? Sirkular na argumentong panloob ito dahil may kinalaman sa “loob.” At kung panloob ang “atay” at “puso,” ano naman ang pagkakatulad nila? Kung ayon kay Covar “ang panlabas ay pangmukha” (58), ano ang “pagkamukha” ng “sikmura”? Ano ba at nasaan ba ang “sikmura”? Hindi rin kaya masasabi na may dimensyong panloob at panlabas ang mga katawagan para sa mga bahagi ng katawang inilista niya? Kumbaga may panloob na bahagi ng “isipang” inililihim at may panlabas naman na bahagi ng “isipang” inihahayag? Sa ngayon ay hindi talaga malinaw ang prinsipyong gumagabay sa paghahanay ng mga konsepto batay sa mga kategoryang “panlabas” at “panloob.” Malabo rin ang batayan ng pagkakapares o pagtatambal ng bawat elementong nakapailalim sa “loob” at “labas” sa isa't isa. Titingin muna sa isang halimbawa para lalong luminaw ang usapin. Maaaring ihanay ang mga letrang A, B, C, D, at E sa ilalim ng kategoryang “malaking letra” at ang mga letrang v, w, x, y, at z sa ilahm ng "maliit na letra.” Makikita rito na magagamit ang binaryong oposiyon sa pagitan ng “malaki” at "maliit" na letra upang maiklasipika ang limang malaking letra at limang maliit na letra. Malinaw na isa itong konseptwal na dikotomiyang may katangiang maramihan-sa-maramihan. Ang tanong ngayon ay kung may iba pang binaryong oposisyong isahan na mabubuo sa pagitan ng mga elementong nakapailalim sa masaklaw na binaryong oposiyon ng “maliit” at “malaking” letra. Halimbawa, maaaring gumawa ng posibleng pagsaayos kung saan maliban sa prinsipyo ng kategorisasyon na “malaki” at “maliit” na letra ay may iba pang katangian na umuugnay sa bawat elemento sa isa’t isa. Maaaring itambal ang “maliit na letrang

1 4 4 I POOK AT pANININDIGAN

a” sa "malaking letrang A,” "maliit na letrang b ” sa "malaking letrang B,” "maliit na letrang c” sa "malaking letrang C,” atbp. Gayumpaman, kung walang kagyat na matukoy na sistema ng pag-uugnay ng bawat elemento sa isa’t isa ay makikitang mahirap o imposibleng makabuo ng binaryong oposisyon para sa bawat elem ento lalo na kung hindi magkapareho o di simetrikal ang kanilang bilang para sa bawat hanay na siyang madalas matuklasan sa mga tunay na penomenong makikita sa lipunan o kalikasan. Sa kaso ng iskema ng "pagkataong Pilipino,” malinaw ang pagiging binaryong oposisyon ng "loob” at "labas” pero hindi gaanong malinaw at hindi inilinaw ang binaryong oposisyon lalo ng mga tambalang puso-dibdib, tiyan-bituka, sikmura-atay. Napakahalaga ng ganitong paglilinaw dahil may 576 na posibleng arbitraryong kumbinasyon at pagkakasunod-sunod na maaari kahit sa tig-apat na elemento lamang sa dalawang hanay. Tila sinasakyan ng mga tambalang ito ang pambungad na tambalang pang-sentido-kumon ng "mukha” at "isip” kahit pa hindi talaga masasabing bahagi ng katawan ang "isip.” "Utak” sana ang mas angkop. Sa pamamagitan ng pagdulas mula "utak” patungong "isip” at pagpapalit-palit ng mga ito ay lumilikha si Covar ng ilusyon ng lohikal na oposisyon sa pagitan ng dalawang bahagi ng katawan na naipapasa naman sa sumusunod pang mga tambalan. Pero ano ba talaga ang batayan ng konseptwal na oposisyon ng mga ito sa isa’t isa? Kung ang kaliwa ay nauunawaan lamang kung may kanan, ganito rin ba ang relasyon ng atay sa sikmura? Walang pagpapaliwanag si Covar. Hinahayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagmumuni-muni sapagkat sa katunaya’y parang malabo pa ang salalayan nito. Tila ang tanging batayan ng pagbubuo ng mga tambalang dalum at ay nakaayon lamang sa proksimidad ng mga bahagi ng katawan sa isa't isa. Sa gayon, ang pamantayan ng pagtatambalan ay nakabatay sa "panlabas” na pamantayan. May lumilitaw ditong kontradiksyon sa pangyayaring ang binaristikong pagkategorya ng mga bahagi ng katawan ay batay sa metaporikal at konseptwal na kaugnayan ng mga ito sa panloob o panlabas na bahagi ng pagkatao, habang ang pagbubuo ng mga ispesipikong tambalan o pagpapares ng mga elemento ay nakabatay lamang sa pisikal at literal na proksimidad ng mga organo sa isa’t isa

A

p e n d is e

A | 145

mula sa itaas pababa. Sa gayon ang mga ispesikong tambalang binuo ni Covar ng mga bahagi ng katawan ay hindi nakabatay sa kanilang konseptwal na oposisyon sa metaporikal na antas kundi sa simpleng pagkakatapat nila sa pisikal na katawan. Hindi maituturing ang ganitong uri ng tambalan bilang binaryong oposisyon. Imbes na tambalang lapit ito’y matatawag na “tabihang lapit.” Ibig sabihin, hindi nakasalalay sa konseptwal na tambalan kundi sa pisikal na pagkakatapat. Tama si Covar na, “Ang pag-uugnay ng iba’t ibang konsepto ay isang pagtatangka na makabuo ng isang sistema o teorya tungkol sa pagkataong Pilipino” [10). Ang kailangan lang talaga ay maipakita sa isang malinaw at hayag na paraan kung paano isinasagawa ang paguugnay-ugnay na ito ng mga konsepto. Hindi talaga sapat na sabihing ganito ang kanyang "nararamdamang” katotohanan batay sa kanyang matagal na “pagdanas” ng pagka-Pilipino. Madali naman sanang maresolba ang ganitong usapin. Halimbawa’y may isang antropologong matagal na nakipamuhay sa isang komunidad at pagkaraa’y nagsulat ng pag-aaral hinggil dito. Maaari niyang sabihin na batay sa kanyang matagal at marubdob na “pagdanas” ay natuklasan niyang naniniwala ang mga tagaroon na ang sikmura at atay ay magkatambal. Kasabay nito’y ipapaliwanag at isasalaysay niya ang mga “nadanas” niya upang sapat na maipakita ang mga batayan ng kanyang binitiwang obserbasyon. Hindi basta-bastang tatanggapin ninuman lalo na sa akademikong konteksto ang ibinunga ng kanyang “danas” kung sasabihin lang niyang, “Basta, totoo ito kahit hindi ko maipaliwanag sa pamamagitan ng salita. Isa itong bagay na di-mabigkas at di mailarawan, kailangang madanas mo rin para maintindihan mo. Danasin mol” Ang ganitong uri ng pahayag ay pwede sa simbahan o kulto pero hindi maaari sa isang unibersidad na may kaunti pang pagpapahalaga sa pag-iisip at pangangatwiran. Dapat lamang na ipaliwanag ang mga batayan ng ganitong uri ng teorya para sa lahat at hindi isinasalalay ang pagkaunawa rito sa anumang partikular na talento ng mambabasa o sa kung ano mang lihim na kaalaman. Sa kasalukuyang anyo nito’y tila hindi masinsin at maingat ang paggamit o paglalapat ng tinatawag na “tambalang lapit” sa teorya ng “pagkataong Pilipino.” Kung nagkamali man si Covar sa kanyang nagawang pagtutumbas ng “tam balan” at

146 | Pook AT Paninindigan

"binary opposition" ay napakahalagang malaman kung ano nga ba ang naiibang katangian at alituntunin ng mga pagtatambal na ito upang maunawaan nang buong liwanag ang naging gabay niya sa "pag-uugnayugnay” ng mga konsepto.

Pagbubuod at Ilang Mungkahi Maaaring balikan muli ang pangungusap ni Covar na; "The Filipino views the katawan as a vessel not unlike the Manunggul jar.M(23) Maihahalintulad ito sa sumusunod pang mga pangungusap mula rin kay Covar: a. "Even now, the Filipino believes in the existence of a spirit or kaluluwa.”(23) b. "No Filipino would elaim that he/she does not have a kaluluwa" (23) e. "Ang lahat ng Pilipino’y naniniwala sa spirit possession.” (57) Mabubuo ang sumusunod na mga pangungusap mula sa tatlong asersyong ito: a. "Ang lahat ng totoong Pilipino sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ay naniniwala sa pag-iral ng kaluluwa at naniniwala na mayroon siya nito at naniniwala rin na pwede siyang ma-possess ng spirits.” b. "Hindi totoong Pilipino ang sinumang Pilipino na magsabi na hindi siya naniniwala sa pag-iral ng kaluluwa at tumatanggi na mayroon siya nito at hindi naniniwala na maaari siyang ma-possess ng spirits.” Ang pangunahing usapin kaugnay ng mga asersyong ito kasama na ang lahat ng iba pa tungkol sa “loob,” “labas,” at lahat ng mga bahagi ng katawan ay kung posible talagang gumawa ng pagpapakahulugang pangkultura tulad nito na umaangkin para sa sarili ng interpretatibong

A pendise A 1147

awtoridad na lumikha ng monolohikal na pagpapakahulugan hinggil sa diumanong tunay na “pagkataong Pilipino." Sa pangkalahatan ay hindi malinaw ang mga parametro at hangganan ng mga pagpapakahulugan ni Covar dahil hindi isinasaalang-alang ang kasaysayan ng mga dalumat at ang pagkakaiba-iba at maaaring kontradiktoryong paggamit at pagpapakahulugan ng mga ito. Sa gayo'y umaangkin ito ng unibersal (sa loob ng kultura) at di nagmamaliw na katunayan ang kanyang pagpapakahulugan. Pinagtatakpan ng ganitong lapit ang ideolohikal na mga salik na maaaring humubog sa kanyang mga interpretasyon bilang isang Pilipinong babad din sa isang partikular na yugtong pangkasaysayan at kalagayang panlipunan. Kailangan ding punahin ang isang mapanlahat na obserbasyon ni Covar hinggil naman sa tinatawag niyang mga "Kanluranin” na tila kabaligtad ng mga Pilipino, The Filipino pagkatao, made manifest in myriad situations and eireumstanees, enables him to relate quite warmly to people. We do not eonsider people as others. Unlike in the West, the Filipino eonsiders people as kapwa. The way we deal with people is pakikipagkapwa. ( 24)

Hindi talaga lehitimo ni syentipikong obserbasyon ang dambuhalang binaryong oposisyong ibinabatay sa iskematisasyong ito na ang Pilipino per se ay mapagkapwa habang ang mga binabansagang “Kanluranin” naman, o ang lahat ng mga taong saklaw ng buong dambuhalang larangang tinatawag na “Kanluran,” ay hindi mapagkapwa. May pag-aaral na bang nagawa hinggil sa pagka-hindi-mapagkapwa ng lahat-lahat ng Kanluranin sa buong daigdig at sa buong kasaysayan ng kanilang pag-iral? Hindi ba si Kant ang mismong nagsabi na hindi dapat ituring ang kapwa-tao bilang gamit kundi bilang layon mismo? Nararapat sipiin ang isang mahalagang pahayag mula kay Zeus Salazar hinggil dito: Kahinahunan din ang nararapat sa pagpapahiwatig 0 pag-iintindi ng “pilosopiyang Pilipino.” Hindi dapat ipakita itong parang kabaligtaran

14 8 | P o o k AT Pa n in in d ig a n

lamang ng kung anumang nalalaman ng diwang Kanluranin. Indibidwalista ba ang mga taga-Kanluran? Samakatwid, tayo ay makagrupo, makapangkat, mapag-ibig sa sariling pamilya, angkan o anupamang kabuuan. Lohikal ba ang mga taga-Kanluran? Samakatwid, tayo’y mapagbuo ng kaisipan. Hindi maaari ang ganitong pag-iisip. Una, sapagkat nagawa na ito—at hindi ng sinumang katutubo, kundi ng mga Kanluranin mismo! (1989, 54) Ang Pranses na si Lueien Levy-Bruhl, at mas maaga pa, si Hegel, ang gumawa ng ganitong mga klasipikasyon. Hindi lamang "reaktibo" at hungkag ang ganitong kaisipan na ibinabaligtad lamang ang bawat katangian ng mga mga tinatawag na "Kanluranin” kundi ironikong kumakaharap din sa isang kontradiksyong lohikal. Halimbawa’y sabihin na ang "Pilipino” ay hindi binaristiko mag-isip (samakatwid ay "mapagbuo"), hindi tulad ng mga Kanluranin na binaristiko. Hindi ba ang mismong paghahanay ng "Pilipino” sa isang tabi at ng mga “Kanluranin” sa kabilang tabi ay isang dambuhalang binaristikong iskema? Samakatwid ay dapat na ring tumigil sa paggamit ng kompyuter at Internet ang mga Pilipinong anti-binaryo ang pag-iisip. Nakakabahala ang tendensya ni Covar sa mabilisan at walang pakundangang mapanlahat na konklusyon kahit pa wala o hilaw ang pananaliksik na pinagbabatayan nito. Masasabing may malalaking kahinaan ang teoryang ito sa mga katangiang kailangang itinataguyod sa akademiko at syentipikong konteksto hinggil sa kasapatan ng patunay at ng pagkalohikal ng argumento. Sinasabi ni Covar na "di-gaya ng syensya na may pretensyong panukat na unibersal, ang gagamitin kong parametro ay kaalamang bayang dalumat” (1998, 9). Isinalin pa niya para lalong maunawaan ang "kaalamang bayang dalumat” bilang "folkloric analysis” Hindi man unibersalistang konklusyon ang hinahangad ng naturang “folkloric analysis,” hindi pa rin ito nangangahulugang hindi na kailangang umayon ang mga pananaliksik sa ganitong erya sa iilang minimum na pamantayang syentipiko upang matanggap bilang isang lehitimong disiplinang akademiko. Ibig sabihin, kahit sa ganitong larangan ng pag-aaral ay kinakailangang isaalang-alang ang pagtatakda ng mga pamantayan at batayang kapwa kalitatibo at

A pendiseA|

14 9

kantitatibo ng pagpapatunay ng mga asersyon sa loob ng disiplina. Ang pagsasanib ng mataas na pamantayan ng scientific rigor sa mga binubuo niyang katutubong lapit ang isa nga sa naging pangunahing layunin ng Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez. Ayon nga sa kanya, “Seientihe methodology is a universal heritage of universal applieability whieh demands the same rigor from the traditional herbalist of yesteryears and the present-day pharmaeologist” (1994, 48). Pumapasok dito ang usapin ng kasapatan ng mga inihaharap na patunay upang maituring ngang matibay ang batayan ng alinmang teoryang pangkultura. Kung gaano kalawak at kalalim ang teoryang inihaharap ay ganoon din dapat kalawak at kalalim ang pagsisikap na mapatunayan ang mga nilalaman nitong mga asersyon. Mula sa ganitong pananaw at konsiderasyon ay masasabing hindi nakakakumbinse ang diagram ni Covar ng "istruktura ng pagkataong Pilipino.” Ni hindi nga ito posibleng maituro ng isang responsableng guro dahil hindi mabigyan ng batayan ang lohika ng mga asersyon. Patay na siya kung biglang tatanungin ng estudyante kung bakit magkatambal ang sikmura at atay? Makikita rin sa kanyang pagtutumbas ng "pagkataong Pilipino’’ sa “Pilipinong tao” (Covar 1998, 9) na eksklusibong pangkultura ang kanyang depinisyon ng “Pilipino,” na umiinog lamang talaga sa mga penomenong pangwikang Tagalog. Ang mga kaugahan, kaisipan, at kilos na hindi umaayon sa mga nailatag niyang pamantayang pangkulturang Pilipino ay maituturing sa gayon na hindi “Pilipino." Salungat dito, masasabing ang kasalukuyang penomeno ng pagkaPilipino ay masalimuot na pagtatagpo at kumbinasyon ng mga pamantayang teritoryal, pampulitika, pang-ekonomiya, pangwika, at pangkultura. Maging napakahalaga man ng salik ng pagkakamag-anak ng karamihan ng mga wika at kultura sa Pilipinas (sa kabila ng salimuot ng pagsasanga-sanga at iba't ibang pinagdaanang pangkasaysayang karanasan) at maging napakahalaga man ng Tagalog, hindi binubuo ng mga salik na ito ang masasabing kaisa-isang batayan ng pag-iral ng modemong estadong-bansa na tinaguriang Pilipinas at eksklusibong batayan ng pagtatakda ng pagka-mamamayan at ng pagiging kabilang ng bansang ito.

150 | POOK AT PANININDIGAN

Ano sa gayon ang posibleng magawa? Maaari pa ring tunay na pag-aralan ang kasaysayan at panlipunang salim uot ng diskurso ng "pagkatao” at "pagpapakatao” sa kontekstong Pilipino pero hindi ang "pagkataong Pilipino” per se. Maisasama na rin dito halimbawa ang proyekto ng pananaliksik sa kasaysayan ng diskursong pampulitika sa mga mayor na wika sa Pilipinas. Lalalim at lalong yayaman lamang ang ganitong pananaliksik kapag iniugnay ang mga pakahulugan sa tunay na salimuot na ibinubunga ng mga konteksto at panahong pinaggamitan ng mga diskursong ito. Malaki ang m aitutulong sa ganitong gawain ng mga modemong lapit sa pagsusuri sa diskurso at ng mga makabagong teknolohiya sa pagpoprosesong tekstwal at panlinggwistika. Kasama sa nabanggit na kontekstong Pilipino hindi lamang ang Tagalog o Filipino kundi ang lahat ng mga mayor o di gaanong mayor na wika sa Pilipinas, bagama't maaaring magsimula sa Filipino na tutuloy rin agad sa iba pang mayor na wika sa Pilipinas. Ibig sabihin, hindi tuwirang layunin ng ganitong proyekto ang pagsuporta sa pagpapalagay na may esensyang magkakatulad ang lahat ng pangwika at pangkulturang penomeno sa buong kapuluan tulad ng makikita sa ideya ng “pagkataong Pilipino” kundi nagsisimula sa prinsipyo ng salimuot o kompleksidad ng mga penomeno. Sa ganitong paraan ay masasabing may ginagamit na ganito at ganyang mga dikurso hinggil sa "pagkatao” at "pagpapakatao” sa Pilipinas sa ilang panahon, yugto, konteksto, pamayanan at ng ilang pangkat, uri, kasarian, etnisidad. Pero hindi talaga masasabing may iisang "pagkataong Pilipino” lamang na sumasaklaw sa lahat ng mga tinataguriang tunay at taal na Pilipino sa nakaraan, kasalukuyan, at sa hinaharap magpakailanman. Ang pagka-Pilipino at pagkataong Pilipino, anupaman ang mga ito, ay nililikha araw-araw ng milyonmilyong Pilipino sa iba't ibang lugar, paraan, kalagayan, at pamayanan. Hindi kailanman matatakdaan ng mga hangganang ipinapataw ng mga depinisyong artipisyal na iniimbento sa akademya o planado ng represibong estado ang mapanlikha at walang-tigil na gawaing ito ng sambayanan.

A p e n d ise B Salin ng “Hinggil kay Feuerbach" (Thesen uber Feuerbach)

Bilang ambag sa proseso ng pag-aangkin ng Mandsmo sa wikang Filipino at sa interes ng pagpapasigla ng diskusyon hinggil sa lapit at pilosopiyang Mandsta ay isinama rito ang isang salin ng “Thesen iiber Feuerbach” (TF) ni Marx. Itinuturing ito bilang pinakamaikli, pinakasinisipi, at pinakakontrobersyal na akdang pilosopikal sa tradisyong Kanluranin. Ang saling ito ay ibinatay sa nakalathalang bersyong pinakamalapit sa isinulat ni Marx sa isang notebook mula sa mga taong 1844-1847. Tinatayang sinulat niya ito sa buwan ng Mayo o Hunyo sa taong 1845 bago nila sinimulan ni Friedrich Engels ang akdang Die deutsehe Ideologie (1846). Ang unang bersyong inilathala ni Engels sa kanyang akdang Ludwig Feuerbach und der Ausgang der klassisehen deutsehen Philosophie (1886), na siyang pinanggalingan ng pamagat ng akda at naging pinakakilala sa lahat ng bersyon ay maraming pagkakaiba sa orihinal ni Marx na nagbunga ng ilang kontrobersya sa interpretasyon at pagbasa. Yaong inilathala namang bersyon ni David Rjazanow noong 1932 sa Moskow ay hindi rin 151

1 5 2 | P O O K A T Pa N IN IN D IG A N

lubusang tapat sa orihinal. Sa pagsasagawa ng salin ay nakatulong ang pagsangguni sa mga akda nina Georges Labiea (1998), Ernst Bloeh (1968), at Wolfgang Fritz Haug sa Historiseh-Kritisehes Wdrterbueh des Marxisinus (HKWM). Ang naunang salin sa wikang Filipino ni Epifanio San Juan (1993) ay pinamagatang "Kartilya ng Panunuring Panlipunan.” Magandang pamagat ito dahil maaaring magbunga ang pag-aaral nito ng mahahalagang kaisipan hinggil sa siyentipiko at kritikal na lapit sa pag-aaral ng kultura at lipunan; higit sa lahat, makakatulong ito sa pag-unawa sa edukatibo at transpormatibong praxis ng pagbabago ng lipunan.

Thesen iiber Peuerbaeh (I. ad Teuerbaeh.) I. Der Hauptmangel alles bisherigen Materialismus* (den Feuerbach’schen mit eingereehnet) ist, daB der Gegenstand, die Wirkliehkeit, Sinnliehkeit nur unter der Form des Objekts od. der Ansehauung gefafit wird; nieht aber als sinnlieh mensehliehe Thatigkeit, Praxis; nieht subjektiv. Daher die thdtige Seite abstrakt im Gegensatz zu dem Materialismus von dem Idealismus— der natiirlieh die wirkliehe, sinnliehe Thatigkeit als solehe nieht kennt— enUvickelt. Feuerbach** will sinnliehe—von den Gedankenobjekten wirklieh untersehiedne Objekte: aber er fafit die mensehliehe Thatigkeit selbst nieht als gegenstandliehe Thatigkeit. Er betraehtet daher im Wesen des Christenthums nur das theoretisehe Verhalten als das eeht mensehliehe, wahrend die Praxis nur in ihrer schmutzig jiidischen Erscheinungsform*** gefaSt u. fixirt wird. Er begreift daher nieht die Bedeutung der "revolutionairen” der "praktisehkritischen"Thatigkeit.

A pendiseB 1153

Hinggil kay Feuerbach (Salin sa Filipino) I. Ang pangunahing pagkukulang ng lahat ng nakaraang materyalismo* (kasama na ang kay Feuerbach) ay nagagagap nito ang bagay ang katotohanan, pandama sa anyo lamang ng bagay 0 ngpandatna; at hindi bilang nadaramang lawain ng tao, praktika; hindi suhetibo. Sa gayo'y salungat sa materyalismo, pinaunlad ng ideyalismo ang aktibong panig, bagama’t natural na hindi nito nababatid ang tunay na pandamang aktibidad. Nais ni Feuerbach** ang obhetong pandama na tunay na naiiba sa obheto ng kaisipan, ngunit hindi niya nagagagap ang aktibidad ng tao mismo bilang obhetibonggawain. Itinuturing niya samakatwid sa pinakabuod ng Kristiyanidad ang pag-uugaling teoretikal lamang bilang tunay na pantao, habang nagagagap at naitatakda lamang ang praktika salitaw nitong anyong marumi’t hudyo.*** Hindi niya sa gayon nababatid ang kahulugan ng "rebolusyonaryo” at "praktikal-kritikar' na aktibidad.

' Materyalismo - ang paniniwala na higit na mapagpasya at independyente ang pag-iral ngmaterya kaharap ng kaisipan/kamalayan. " Ludwig Feuerbach ( 1804- 1872) - Impluwensyal na Alemang pilosoper na nagtaguyod ng materyalismo laban sa dominanteng ideyalismong Aleman ng kanyang panahon. May-akda ng Ang Esensya ng Kristiyanismo (Das Weseti des Christetitums, 1841). "* Hindi ito patunay na rasistang anti-Hudyo si Marx katulad ng ipinapalagay ng maraming nakakabasa nito. Sa punto ngang ito ay inaangkin/iginigiit pa niya ang posisyong "marumi’t Hudyo" kaugnay ng usapin ng praxis kaharap ng anti-semitikong posisyon ni Feuerbach.

154 I POOK

AT PANININDIGAN

II.

Die Frage, ob dem mensehliehen Denken—gegenstandliehe Wahrheit zukomme—ist keine Frage der Theorie, sondern eine praktisehe Frage. In der Praxis muB der Menseh die Wahrheit i.e. Wirkliehkeit u. Maeht, Diesseitigkeit seines Denkens beweisen. Der Streit iiber die Wirkliehkeit od. Niehtwirkliehkeit des Denkens—das von der Praxis isolirt ist,—ist eine rein seholastisehe Frage.

III. Die materialistisehe Lehre v. der Veranderung der Umstande u. der Ereiehung vergi6t, da6 die Umstande v. den Mensehen verandert u. der Erzieher selbst erzogen werden muB. Sie muE daher die Gesellschaft in zwei Theile—von denen der eine iiber ihr erhaben ist—sondiren. Das Zusammenfallen des Aenderns der Umstande u. der mensehliehen Thatigkeit od. Selbstveranderung kann nur als reuolutionaire Praxis gefafit u. rationell verstanden werden.

IV. Feuerbach geht von dem Factum der religiosen Selbstentfremdung, der Verdopplung der Welt in eine religiose u. eine weltliehe aus. Seine Arbeit besteht darin die religiose Welt in ihre weltliehe Grundlage aufzulosen. Aber, daB die weltliehe Grundlage sieh von sieh selbst abhebt u. sieh ein selbststandiges Reieh in den Wolken fixirt, ist nur aus der Selbstzerrissenheit u. Siehselbstwiderspreehen dieser weltliehen Grundlage zu erklaren. Diese selbst mufi also in sieh selbst sowohl in ihrem Wiedersprueh verstanden, als praktiseh revolutionirt werden. Also naehdem z.B. die irdisehe Familie als das GeheimniS der heiligen Familie entdeekt ist, muB nun erstere selbst theoretiseh u. praktiseh vemichtet werden.

V Feuerbach, mit dem abstrakten Denken nieht zufrieden, will die Ansehauung, aber er fafit die Sinnliehkeit nieht als praktisehe, mensehlieh sinnliehe Thatigkeit.

A pendise B 1155

II.

Hindi usaping teoretikal ang pagtutugma ng pag-iisip ng tao sa obhetibong katotohanan, sa halip ay isa itong praktikal na usapin. Kailangang mapatunayan ng tao sa praktika ang katotohanan, i.e., pagkatotoo at kapangyarihan, ang pagka-nariritong-panig ng kanyang kaisipan. Isang purong iskolastikong usapin ang bangayan hinggil sa pagka-makatotohanan 0 pagka-di-makatotohanan ng kaisipang nakahiwalay sa praktika.

III Nalilimutan ng materyalistang doktrina ng pagbabago ng kalagayan at ng edukasyon na kinakailangang baguhin ng tao ang mga kalagayan at ang nagtuturo ay kailangan mismong turuan. Napipilitan samakatwid itong hatiin ang lipunan sa dalawang bahagi, at sa dalawang ito’y merong isang nangingibabaw sa lipunan. Magagagap at makatwirang mauunawaan lamang ang pagtatagpuan ng pagbabago ng mga kalagayan at ng aktibidad ng tao, 0 pagbabago ng sarili, bilang praktikang rebolusyonaryo. IV. Nagsisimula si Feuerbach sa pangyayari ng panrelihiyong pagkatiwalagsa-sarili, ang pagdodoble ng daigdig sa isang bahaging panrelihiyon at isang bahaging pandaigdig. Mabubuod ang kanyang gawain sa paglulusaw ng panrelihiyong daigdig sa batayan nitong pandaigdig. Ngunit ang pag-alpas ng batayang pandaigdig sa sarili nito at ang pagtatayo nito ng isang nakabukod na kaharian sa kalangitan, ay maipapaliwanag lamang ng sarili nitong pagkakahati at ng kontradiksyong panloob ng batayang pandaigdig na ito. Kinakailangan sa gayong hindi lamang maunawaan ito sa sarili nitong kontradiksyon, kundi tuwirang baguhin sa praktika. Samakatwid, pagkaraan halimbawa ng pagkakatuklas ng pamilya sa daigdig bilang lihim ng banal na pamilya ay kinakailangang lansagin ang nauna sa paraang teoretikal at praktikal. V. Hindi nasisiyahan si Feuerbach sa abstraktong pag-iisip, nais niya ang pandama, ngunit hindi niya nagagap ang pandama bilang pagkilos na praktikal, pantao-pandama.

1 5 6 | POOK A T P A N I N I N D I G A N

V I.

Feuerbach lost das religiose Wesen in das mensehliehe Wesen auf. Aber das mensehliehe Wesen ist kein dem einzelnen Individuum inwohnendes Abstraetum. In seiner Wirkliehkeit ist es das ensemble der gesellschaftlichen Verhaltnisse. Feuerbach, der auf die Kritik dieses wirkliehen Wesens nieht eingeht, ist daher gezwungen: 1. von dem gesehiehtliehen Verlauf zu abstrahiren u. das religiose Gemiith fur sieh zu fixiren, u. ein abstrakt—isolirt—mensehliehes Individuum vorauszusetzen. 2. Das Wesen kann daher nur als "Gattung,” als innere, stumme, die vielen Individuen natiirlieh verbindende Allgemeinheit gefaftt werden.

VII. Feuerbach sieht daher nieht, dafi das "religiose Gemiith” selbst ein gesellsehaftliehes Produkt ist u. daB das abstrakte Individuum, das er analysirt, einer bestimmten Gesellschaftsform angehort. VIII. Alles gesellschaftliche Leben ist wesentlieh praktiseh. Alle Mysterien, welehe die Theorie zum Mystieism veranlassen, finden ihre rationelle Losung in der mensehliehen Praxis u. in dem Begreifen dieser Praxis. IX. Das hoehste, wozu der ansehauende Materialismus kommt, d.h. der Materialismus, der die Sinnliehkeit nieht als praktisehe Thatigkeit begreift, ist die' Ansehauung der einzelnen lndividuen u. der biirgerliehen Gesellschaft. X. Der Standpunkt des alten Materialismus ist die burgerliehe Gesellschaft, der Standpunkt des neuen die mensehliehe Gesellschaft od. die gesellschaftliche Mensehheit. XI. Die Philosophen haben die Welt nur verschieden interpretirt, es kommt drauf an sie zu uerandem.

A pendise B 1157

VI. Nilulusaw ni Feuerbach ang pinakabuod ng pananampalataya sa pinakabuod ng tao. Ngunit ang pinakabuod ng tao ay hindi isang abstraksyong tumatahan sa loob ng nag-iisang indibidwal. Sa katunayan ito’y ang pinagsamasamang kabuuan ng mga panlipunang ugnayan. Dahil hindi na pinasok ni Feuerbach ang kritika ng tunay na kabuurang ito, napilitan siyang 1. isantabi ang pagdaloy ng kasaysayan at ipirme na tila nakabukod ang damdaming panrelihiyon at ipagpalagay na may umiiral na isang abstraktong—nakabukod—indibidwal na tao. 2. Mauunawaan lamang sa gayon ang pinakabuod na ito bilang "uring tao,” bilang panloob, pipi na paglalahat na likas na bumibigkis sa maraming indibidwal. VII. Hindi sa gayon mabatid ni Feuerbach na produktong panlipunan mismo ang "damdaming panrelihiyon” at ang kanyang sinusuring abstraktong indibidwal ay kaanib ng isang tiyak na anyong panlipunan. VIII. Ang panlipunang buhay ay praktikal sa esensya nito. Ang lahat ng kababalaghan na umaakay ng teorya tungo sa mistisismo ay nakakatuklas ng makatwiran nitong solusyon sa praktika ng tao at sa paggagap ng praktikang ito. IX. Ang pandama ng nag-iisang indibidwal at ng lipunang sibil-burges ang pinakamataas na nakamit ng kontemplatibong materyalismo na hindi inuunawa angpagdama bilang gawaing praktikal. X. Ang lipunang sibil-burges ang punto de bista ng lumang materyalismo, ang punto de bista ng bago ay ang lipunan ng tao o ang panlipunang sangkatauhan.

XI. hiuunawa lamang sa iba't ibang paraan ng mga pilosoper ang daigdig, ito!y bilangang baguhin.

158 | P o o k

at

Pa n i n i n d i g a n

Isang paraan para unawain ang TF ay ang pagtutuon o pagsesentro sa konsepto ng Diesseitigkeit (Tesis II). Maisasalin itong literal bilang “pagka-nariritong-panig.” Ayon kay Marx, ang kapangyarihan (Maeht) at katunayan (Wirkliehkeit) ng kaisipan ng tao (mensehliehes Denken) o ang bisa nito sa daigdig [die Wielt) ay nakasalalay lamang sa "pagkanariritong-panig” nito (Tesis II). Walang bisa sa daigdig ang kaisipang "nasa ibang lupalop” o ang kaisipang naroon sa "kabilang panig” at "tiwalag sa dito” at "pagka-naririto” na makikita sa nosyon na buo na ang pinaka-esensyal na mga katangian ng tao, na panloob lamang, at tumatahan sa kanyang kalooban, bilang likas na indibidwal (mensehliehes Wesen; abstraktes lndividuum, Tesis VI at VII), bago pa man siya pumapaloob at nalulubog sa daigdig na ito. Halimbawa nito’y ang mga pahayag tulad ng sumusunod: "ang tao ’y likas na sakim kaya bagay sa kanya ang kapitalismo,” "ang tao’y likas na m abuti at mapagbigay sa kapwa kaya bagay sa kanya ang komunismo,” "ang tao ’y laging ganyan at hindi nagbabago” o dili kaya’y "ganyan talaga ang Pinoy, likas na tamad," "ganyan talaga ang Pinoy, mahilig magnganga at makipagkapwa-tao,” "ganyan talaga ang Pinoy, awtoritaryo mag-isip at hindi nababagay sa demokrasya,” "ganyan talaga ang Pinoy, bilib sa spirit possession” at iba pang mga absurdong pahayag. Mapapansin sa mga ito ang pagturing sa tao bilang "hindi-taga-rito” sa daigdig na ito kundi bilang isang sariling may nakabukod na pag-iral. Kaakibat ng ganitong pananaw ang palagay na ang indibidwal na tao ay "dumadama,” "tumatanaw,” o "dumudungaw” lamang sa daigdig (Sinnliehkeit; Anehauung, Tesis V at IX) na tulad niya’y "tapos” at ganap na, sa halip na siya'y itinuturing na "nakalubog,” "pinaliligiran,” at "tinatalaban” nito sa kanyang kabuuran. Ang ganitong uri ng kaisipang “indibidwalista” ang partikular na namamayagpag at naging dominante sa ideolohiyang ibinunga ng kapitalismo at ng lipunang sibil-burges (burgerliehe Gesellschaft, Tesis IX at X). Layunin ng TF na magtatag ng kaisipan na lumalampas at humihigit sa abot-tanaw ng ganitong makitid na perspektiba. Sa isang banda, ang tao o ang "taga-rito,” ay nakakalikha ng pagbabago sa daigdig o sa "dito,” sa pamamagitan ng pagsubok at pagtatangka ng kanyang transpormatibong praktika (Praxis, Tesis I, II, III at V) na hinihila o

A p e n d i s e B | 159

inaakay sa "pagka-nariritong-panig” ang kanyang pag-iisip. Sa kabilang banda, ang pagbabago ng daigdig na ito (Anderwng der Umstande, Tesis III), 0 pagbabago ng “dito,” ay lumilikha rin ng kasabay na pagbabagong-sarili (Selbstueranderung, Tesis III) o ng pagbabago ng “taga-rito,” na siyang nahuhubog naman ng kabuuan ng kanyang kinapapaloobang mga ugnayang panlipunan (Ensemble der gesellschaftlichen Verhaltnisse, Tesis VI). (Binura ni Engels ang salitang “pagbabago-ng-sarili” sa inilathala niyang bersyon ng TF.) Ang problema ng pagkakatiwalag ng kaisipan sa “dito,” ibig sabihin, ang pagkakatiwalag ng “taga-rito” sa kanyang sarili (Selbstentfremdung, Tesis IV), at ang pag-iral nito sa "ibayong daigdig” ay malulunasan lamang sa pamamagitan ng teoretikal at praktikal na pag-igpaw ng pagkakatiwalag at pagkakawalay na ito. Ang paghuhugpungan ng pagbabago ng “dito” o ng “kalagayan-dito” (Umstdnde) at ng mapanlikhang pagkilos (Thatigkeit) ng “taga-rito” ay nagaganap lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong praktika (Tesis III) na mailalarawan bilang proseso ng masidhing “pagtatalaban ng dito at ng taga-rito.” Ayon nga kay Marx, ang “guro” (Enieher) ay hindi nagtataglay ng mga pirmeng kaalamang kailangan lamang niyang ipasa upang “palayain,” “liwanagin” o “paunlarin” ang nalalabuang kaisipan ng iba. Maging ang "guro mismo ay kinakailangang m aturuan” (Der Enieher selbst enogen werden mufi, Tesis III), at ang kanyang guro ay ang daigdig na kanyang dinadanas at kinikilusan. Bilang panghuli, kailangang bigyang-pansin ang maliit na rebisyon ni Engels sa pinakabantog na Tesis XI na ginawa lamang niya marahil upang mas mapadulas ang estilo ng munting akdang ito ni Marx (na tila hindi talaga binalak ilathala ng huli) ngunit maaaring lumikha ng pagbabago sa pagpapakahulugan. Maihahambing ang orihinal ni Marx: “Die Philosophen haben die Welt nur verschieden interpretirt, es kommt drauf an sie zu verandem” (Inunawa lamang sa iba’t ibang paraan ng mga pilosopo ang daigdig, ito’y kailangang baguhin) sa mas kilalang bersyon ni Engels: “Die Philosophen haben die Welt nur verschieden interpretiert; aber es kommt darauf an sie zu verandern” (Inunawa lamang sa iba't ibang paraan ng mga pilosoper ang daigdig, ngunit ito’y kailangang baguhin) (akin ang diin). Sa pagdaragdag ng “ngunit”

16 0 | P O O K A T PA N IN IN D IG A N

(iaber) ni Engels sa pangungusap ay tila nagkaroon ng mas matinding kontradiksyon sa pagitan ng '‘pag-unawa sa daigdig” at ng “pagbabago” nito. Taliwas ito sa ipinapahayag sa Tesis VIII na pagkakatuwang ng "praxis” at ng "pagkagagap sa praxis” na ito mismo (Begreifen dieser Praxis,Tesis VIII], sapagkat sa pagsisikap ng “taga-rito,” sa pamamagitan ng kanyang pakikibaka at praxis, na baguhin ang "dito” (daigdig) ay kaalinsabay ring matitiyak at mapapalalim ang “pagka-nariritong-panig” ng kanyang mga teorya at kaisipan.

Daigdig (dito)

9T

>

\/> V$

Tao [taga-rito)

Pagbabago ng Daigdig (Pagbabago ng dito)

Isipan/Kamalayan

Pagka-nariritong-panig

P a S b a t > a g ° ng Sarili (Pagbabago ng taga-rito)

O i

Bisa ng kabuuan ng mga panlipunang ugnayan

0 2

Bisa ng praktika

M g a Ta l a

1. Maliban pa sa interes na napukaw ng kanyang mga akda, natatangi rin si Salazar sa hanay ng mga historyador ng Pilipinas sa paglitaw niya sa ilang akdang pampanitikan bilang kinathang-tauhan. Isinalaysay ng pangunahing tauhan sa nobelang K illitig T im e iti a W arm Plaee ni Jose Dalisay ang kanyang pagkakilala sa piitan ng isang nagngangalang Professor Malixi sa mga buwan ng kanyang pagkadetine bilang aktibista sa ilalim ng Batas Militar. Inilarawan niya si Professor Malixi: "A stout and balding man of fifty, with a seraggly beard, wire glasses and a mueh-bitten pipe . .. He had gone to Germany for his Ph.D. in history and he elaimed the likely distinetion of being the only Filipino to have read D a s K a p ita l in the original language. Whenever he eould gather a loose knot of new fellows, he would leeture them on his pet subtopie, the merits of Paul Keres's variation of the Sieilian Defense . . . ‘That’s the trouble with this revolution,' we would hear him grumble, ‘half-baked minds, lazy minds, you'd think it was all a matter of sereaming’” (Dalisay 1999, 147). Maraming binago si Dalisay sa paglalarawan niya kay Professor Malixi ngunit malinaw, batay sa ilang personal at biograpikal na detalye, na ang inspirasyon ng tauhang ito ay si Salazar na nakulong din noong panahon ng pagbaba ng Batas Militar. Kathang-tauhan din si Salazar sa eksperimental na dula ni GodolTedo Calleja bilang "Playwright” na mahilig magbigkas ng mga salitang Pranses sa bawat posibleng pagkakataon, nagkaroon ng ilang tendensyang radikal at

161

162 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

naging bahagi, nang lumaon, ng isang proyektong pangkasaysayan na malinaw namang tumutukoy sa proyektong Tadhana na kinasangkutan ni Salazar sa ilalim ng rehimeng Mareos: “Dr. Renato Manalae, who is the author of the play, spent a year in Camp Crame [Applause.] He is baek at the university, where he is Weneeslao Q. Vinzons professor of politieal seienee. A Sorbonne Ph.D. in Oriental history, he is now a eonsultant at Malaeanang. [Seattered boos fVom the audienee.] He has been eommissioned by no less than the dietator himself to rewrite Philippine history [Raeonteur's voice sounds regretful. More boos.]" (Calleja 1986, 136). 2. Si Edwin Markham (1852-1940) ang may-akda ng tulang “The Man with the Hoe" (1899). 3. Ang pilosopong si Roque Ferriols (1994) ang gumagamit sa katagang “pagtatalaban” sa kanyang mga akdang pilosopikal. Malaki ang pagkakahawig nito sa itinuturing sa mga akda nina Marx at Hegel bilang kategoryang diyalektikal par excellence na "Weehselwirkung.” Binubuo ang katagang Aleman na ito ng "Weehsel" (palitan) at “wirken" (bisa). Kuhang-kuha ang pakahulugan nito ng salitang ugat na “talab” na dinikitan ng mga panlapi na nangangahulugan ng aksyong resiprokal (pag-ta-talab-an). 4. Ito rin ang isa sa mga pangunahing tesis ni Nemenzo (1984a) sa kanyang kasaysayan ng PKP na pinamagatang “An Irrepressible Revolution: The Deeline and Resurgenee of the Philippine Communist Movement.” Naiiba rito ang batayan ng kritisismong ipinahayag sa dokumentong “Rectify Errors and Rebuild the Party” (Guerrero 1968, 41), kung saan ipinaliwanag ang pagmamadali sa pag-agaw ng kapangyarihan na hindi iniugat sa “kaisipang milenaryan” ng kasapian kundi sa “kaisipang petiburges” ng pamunuan ng PKP: “a petty bourgeois leadership was too mueh in a hurry, too impetuous to eapture within so short a period the bourgeois state power eentered in Manila. This petty-bourgeois leadership never realized that the Party eould fight the bourgeois state by establishing the people’s demoeratie power in the eountryside.” 5. Kabilang dito sina Renato Constantino sa kanyang A Past Revisited/Ang Bagong Lumipas (1977) at Jose Ma. Sison sa isinulat niya sa ilalim ng sagisagpanulat na Amado Guerrero na Philippine Soeiety and Reuolution/Lipunan at Rebolusyong Pilipino (1971) at (may kaunting pasubali) si Teodoro Agoneillo dahil sa kanyang Reuolt of the Masses (1956). Tugon yata ang huli ni Agoneillo sa panawagan ni Salvador Lopez para sa isang “Proletarian Literature.” Tungkol dito, tingnan ang akda nina Jose M. Hemandez at Simeon del Rosario, uThe

M

ga

Ta

la

1 163

Reuolt of the Masses”: The Story behind Agoneillo's Story of Andres Bonifacio (1956). 6. Pinakamahalaga para sa Maneistang Georg Lukaes ang kategorya ng "Kabuuan” (Totalitat). Ayon kay Lukaes (1968, 68-69), “Upang makahakbang mula sa mga 'fakt' na ito patungo sa 'fakt' sa tunay na pakahulugan nito, kailangan matalos ang pagkakabatay nito sa kasaysayan, at iwanan ang punto de bista na tuwirang pinagmumulan ng mga ito: kailangan ito mismo ay mapailalim sa isang historikal-diyalektikal na lapit . . . Dito lamang sa kontekstong ito magiging kaalaman ng katotohanan ang kaalaman ng mga fakt, sa pamamagitan ng pagpapaloob ng panlipunang buhay sa pangkasaysayang pagsulong bilang isang yugto nito sa isang kabuuan." (Um von diesen ’tatsaehen’ zu den Tatsaehen im wahren Sinne des Wortes fortschreiten zu konnen, muB ihre gesehiehtliehe Bedingtheit als solehe durehsehaut, der Standpunkt, von dem aus sie sieh unmittelbar ergeben, verlassen werden: sie selbst sind einer gesehiehtlieh-dialektisehen Behandlung zu unterwerfen . . . Erst in diesem Zusammenhang, der gesellschafdichen Lebens als Momente der gesehiehtliehen Entwieklung in eine Totalitat einfugt, wird eine Erkenntnis der Tatsaehen, als Erkenntnis der Wirkliehkeit moglieh.) 7. Nangangahulugan ang "magkataliwas” ng “hindi pagtatagpo” o ng "simpleng pagkakaiba,” habang ang "magkakasalungat” ay nangangahulugan ng "tuwirang tunggalian” o "negasyon” ng isa't isa. 8. Sanggunian ang konsepto ni Sartre ng "pag-iral-para-sa-sarili" at “pag-iralpara-sa-iba” na umiinog sa "titig” o "pagmamasid” ng Iba sa sarili. Ayon nga kay Sartre, “being seen eonstitutes me as a defenseless being for a freedom whieh is not my freedom. It is in this sense that we ean eonsider ourselves "slaves” insofar as we appear to the Other. But this slavery is not a historieal result— eapable of being surmounted—of a Iife in the abstraet form of eonseiousness. I am a slave to the degree that my being is dependent at the eenter of a freedom whieh is not mine and whieh is the very eondition of my being. Insofar as I am the object of values whieh eome to qualify me without my being able to aet on this qualification or even to know it, I am enslaved” (Sartre 1992, 358). Magiging higit na istorikal kaysa eksistensyal ang magiging lapit ni Sartre (2001) tungkol sa problema ng kolonyal na dominasyon sa kanyang prefasyo sa pangunahing akda ni Frantz Fanon. 9. Halimbawa raw nito si Joseph Estrada. Ani Salazar (2005, xxvii-xxviii), "Isang lider pulitikal si Erap na nagmula sa elit ngunit tumawid at naging bahagi—o mas angkop pa, natanggap/naampon—ng Bayan, at bunga nito,

1 6 4 | P O O K A T PA N IN IN D IG A N

ay di na mabigyan ng tiwala ng kanyang uring pinagmulan—lalo’t higit dahil 'nakaiilang’ na para sa kapwa niya elit/elitista ang naangkin niyang ugali ng Bayan . . . Isang anak ng uring elit ay napalapit sa bayan sa pamamagitan ng likas sa kanyang pagpapahalaga sa 'mahihirap'." 10. Malaki nga ang pagbabagong magaganap kapag nagamit na ang wikang pambansa sa lahat ng larangan ng kaalaman. Ayon nga kay Salazar (1997b, 32), "Ang Karunungan ay natanggalan ng kaniyang mahiwagang kalayuan, naging bagay na mapag-uusapan sa salita ng bayan, bukas patungo sa pamumuhay nito. May pag-asang sa susunod ay papanaw ang pagkakahiwalay ng mga ‘marurunong’ sa bayan, sa tunay na lipunang pilipino." Magkagayonma’y taliwas sa ideyang ito, hindi pa rin maglalaho nang tuluyan ang isang antas ng pagkahiwalay ng intelektwal na gawain sa buhay at pananalita ng nakararami, sapagkat "ang nagdadalubhasa’y natututo hindi lamang ng isang pandalubhasang wika kundi, kasabay nito, ng isang bagong wika at napapasok sa ibang mundo. Kaya’t ang dalubhasa at ‘edukadong' Pilipino’y napapahiwalay sa kanyang bayan nang dalawang beses. Ang una'y normal at kahawig sa nangyayari sa ibang bansa: ang dalubhasa’y natututo ng ispesyal na wika ng kanyang agham o ispesyalisasyon” (Salazar 1997g, 37). 11. Salazar (1998d, 27), "En detaehant du signe (=concept de ’mana’ ou de ’totem/ par exemple) son ‘signihe’ sans le ‘signihant,’ une telle methode laisse tout du contexte justement ’ethnique’ qui le determine et l'explique ... Si l’on trouve par la suite d’autres ‘signihes’ analogues pour pouvoir faire de l’ensemble une theorie, e’est generalement au prix de nouvelles amputations de ‘signihants' ou de contexts ‘ethniques’ qui s'y rattaehent." 12. Ayon nga kay Marx (Marx at Engels 1953, 432), “Isa sa mga pinakamahirap na gawain ng mga pilosopo ang pagbaba mula sa daigdig ng kaisipan patungo sa tunay na daigdig. Ang tuwirang realidad ng kaisipan ay ang wika. Tulad ng pagpapatindig-sa-sarili ng mga pilosopo sa kaisipan, ay gayundin ang pangangailangan nilang bigyan ng sariling nakatindig-sa-sariling kaharian ang wika. Ito ang lihim ng wikang pilosopikal kung saan ang kaisipan bilang salita ay may sariling nilalaman. Ang problema ng pagbaba mula sa daigdig ng kaisipan patungo sa tunay na daigdig ay nagiging problema ng pagbaba mula sa wika patungo sa buhay.” (Fiir die Philosophen ist es eine der sehwierigsten Aufgaben, aus der Welt des Gedankens in die wirkliehe Welt herabzusteigen. Die unmittelbare Wirkliehkeit des Gedankens ist die Spraehe. Wie die Philosophen das Denken verselbstandigt haben, so muBten sie die Spraehe zu einem eignen Reieh verselbstandigen. Dies ist das Geheimnis

M g a T a l a | 165

der philosophisehen Spraehe, worin die Gedanken als Worte einen eignen Inhalt haben. Das Problem, aus der Welt der Gedanken in die wirkliehe Welt herabzusteigen, verwandelt sieh in das Problem, aus der Spraehe ins Leben herabzusteigen.] 13. Ang importanteng kilusang pangwika sa agham na Maugnaying Pilipino ang nanindigan para sa ganap na relatibistang posisyon sa epistemolohiya (Del Rosario 1973, 20): “ang pagkamaugnayin ay lalong makahulugan kaysa pagkatotoo. Mahirap matagpuan ang katotohanan; lalong madaling masumpungan ang pagkamaugnayin.” 14. Ayon nga kay Hernandez (1982, 138), “Ang rebolusyon sosyal . . . ay isang tahasang pagbabago at paghihimagsik ng isang uri ng mga tao laban sa katunggaling uri sa sinapupunan ng sosyedad. Ang hangad ng mga rebolusyonaryo’y baguhin, palitan, igiba ang lumang balangkas at institusyon at magtayo ng lalong maunlad at kasiya-siya.” 15. Hindi ito sasang-ayunan ni Salazar, ayon sa kanyang mga komentaryo sa sariling salin ng Manifesto ng Partido Komunista (Marx at Engels 2000, 116): "Sa katunayan, iba ang ating kaayusang panlipunan at pang-ekonomiya noong ika-16 na dantaon, kung kaya't abusado ang alinmang paghahambing nito sa isang di-umano’y baitang na ‘piyudal' ng pag-unlad patungo sa alinmang ‘pormasyon' o kaayusang sosyo-pulitikal.” 16. Gayundin, ani Salazar (1972, 80), “ang lipunang Pilipino ay nasa yugto ng isang matatawag na 'pamayanang pambansa’ na tumutungo sa isang bagong kabuuang kultural na hinuhubog ng isang estado: ang bansa . . . ang kakanyahang kultural ng Pilipinas ay nakasalalay sa kanyang pagiging isang bansa.” 17. Halaw ang konseptong "Kulturkreis” sa “Kulturmorphologie” ni Leo Frobenius (1973). 18. Tingnan ang Mareos (1975, 12):“The foundations of Filipino eulture were therefore laid very early and acquired solidity in the first one thousand and a half years of the Christian era. This solid eultural base was developing politieal institutions in the sense of solidifying soeio-eultural struetures. This is the sense of the birth of the various ethnie states. In the context of one eulture, there was a felt need for politieal eonsolidation. In the modem geopolitieal sense, there was a politieal vacuum ereated by the very eommon eulture whieh had evolved in the territory. Here was a eultural eontinuum (already with almost defined frontiers) whieh laeked a unified politieal system to lend it sense, value and

166 | P o o k AT P a n i n i n d i g a n

direetion in history. In short, the Philippines was on the verge of transforming herself from an ‘ethnographie’ entity into an 'historie’ polity, firom ethnieity to nationality, from pure ethnie existence to historieal affirmation.’' 19. Para sa ilang paliwanag hinggil sa konsepto ng "ethnie state" at "ethnie nationalism/’ tingnan ang “The Polities of Culture: Ethnieity and Nationalism” ni Anthony D. Smith (1994). 20. Tingnan sa Navarro, Rodriguez, at Villan (1997, 100) ang "batayang kalinangan” sa dayagram ng “Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan." Makikita ang pagkiling sa “homogenous’' na pambansang kalinangan sa susunod na sipi mula kay Salazar (1997c, 123): “Napakaimportante rito ng pagsasaP/Filipino ng buong sistemang pang-edukasyon, upang maging homogenous o isa at napag-ugnay-ugnay ang pangkalahatang kaalaman.” Gayundin sa pagdidiin niya sa nosyon ng iisang "eode" (1997c, 83): “Samakatuwid, ang isang lipunan at kalinangan ay may ‘pantayong pananaw’ lamang kung ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang eode o 'pinagtutumbasan ng mga kahulugan/ ibig sabihin, isang pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali.” Tingnan ang Salazar (1983b, x-xi): ‘Take the twin ideas o f ‘diversity’ and ‘uniformity\ No nation exists without some degree of internal ethnie differences. But for most peoples, these differences remain intemal and, as it were, subliminal to the overall national awareness of uniformity . . . The image that Westeni nations have of themselves is that of the eomplete nation-state, with relatively homogeneous eonstituents. The internal differences make for variety, eolor and originality; together with the various parts, if these are at all recognized, they build up a eommon and uniform national eonseiousness” (akin ang diin). 21. Nasa Salazar (1998b, 280): "S’agit-il des traits caracteristiques des regimes plus ou moins reaetionnaire du Tiers Monde ou y retrouve-t-on des elements eommuns dans la vie politique et dans les eoneeptions de l'etat des trois pays principaux du monde nusantarien? En tout eas, les regimes issus de 1965 en Indonesie et de 1972 aux Philippines non seulement sont amis aetuellement mais se ressemblent egalement de plus en plus, s’induengant mutuellement a des niveaux divers.” 22. Kapareho ito ng sinulat ni Salazar (1975) sa "The Barangay in the Present Perspective.” 23. Makikita sa sumusunod na sipi ang pagtatangka ni Salazar na pag-ibahin ang katayuan ng pagka-"elit” sa pag-astang “elitista” alinsunod sa mga moral na

M g a T a l a | 167

pamantayan; likas na mapagsamantala at mapang-api ang "elitista” habang ang "elit” ay maaaring hindi. Ayon nga kay Salazar (2005, xvii), “Elit man ang . . . pinagmulan [ni Erap], hindi siya elitista—elit na nagmamaliit/ nang-aalipusta/ nanggagamit/ nagsasamantala sa Bayan o 'masa'—o dili kaya, mas masahol pa kaysa rito, elit (o naging/ nagiging elit) na nagsasamantala sa inaaping Bayan na tinawag ng kaliwa noon, sa modo ni Mao Zedong, na ‘burges-komprador/ 'burukrata-kapitalista/ kasama na ang mga ‘trapo' o 'tradpol’ at ‘klerikopasista'." 24. Makikita ang mga halimbawa tulad ng "hrst mass,” "first Filipino Christians,”,‘first Filipino priest,” “first chair,”‘‘first battle,”‘‘first Spanish-Filipino marriage,”‘‘first map/“‘first bakery/“‘first inventor,”‘‘first ehemist,”"first dentist," ‘‘first eeonomist,” *‘first pilot,” “first aeeountant" atbp. sa Juan dela Cruz, Book of Pinoy Facts and. Reeords (2005, 193-219). 25. Nagpahayag din si Rizal (1990, 47) ng kahalintulad na ideya sa pamamagitan ng tauhang si Simoun na nagsabing, “bayang walang kaluluwa, bansang walang kalayaan; lahat ng sa inyo ay magiging hiram, maging ang inyong mga kahinaan.” 26. Maisasalarawan naman sa kabilang banda ang pinakaradikal na katumbalik ng pangkaming pananaw sa ultra-nasyonalistikong posisyon na matutuklasan sa mga kamangha-manghang sulatin ni Norlito Cervo (1982, 4) na nagpapahayag ng mga kaisipan tulad ng, “magiging isang malaking pagkakamali natin na tanggapin kara-karaka na hiram nga natin ang isang salita dahil lamang sa ito ay natatagpuan din sa ibang lengguwahe. Ngunit, pagkakamali rin naman at maibibintang na udyok lamang ng pagkamakabayan ang sabihing hindi tayo nanghiram at sa halip ay tayo ang nahiraman. Ang mabuti ay isa-isahin natin ang mga pantig ng ating mga ninuno—na matatagpuan sa wikang Tagalog—at nang maipakita natin ang kaluluwa at buhay ng ating wika—upang sa gayon ay magkaroon ng dugo at laman ang ating paninindigan” (1982, 8). At ang nabanggit na “paninindigang” ito ni Cervo ay walang iba kundi ang palagay na "masisinag . . . natin na ang mga salitang 'hiram' natin buhat sa iba't ibang wika ay malamang na sadyang ‘atin’ sa simula." 27. May pagkakawangis (ngunit naiiba) rito ang sinulat ni Salazar (1974, 16566): “Sa kaso ng paglaganap ng Europa, ang teritoryo ng magiging Pilipinas ay walang ‘pangkalinangang pananggalang’ katulad ng kapuluang Indones laban sa Islam. Ang impak ay nagbigay-daan sa isang uri ng tinatawag ng mga antropologong 'penomenong akulturatibo’—i.e., isang pagkakatagpo ng magkakaibang mga kultura at ang kinalabasan nitong mga reaksyon.” Ihambing

l6 8 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

dito ang sinulat ni "Mareos” (1976a, 388): "In the ease of the European expansionf the Philippine area did not have the same ‘eultural buffer’ that it possessed naturally in the Indonesian arehipelago against Islam. The impaet was in the nature of what anthropologists would later eall an 'acculturative phenomenon'.” 28. Ang Pranses na antropologong si Lueien Levy-Bruhl ang isa sa mga “Kanluranin” na tinukoy ni Salazar sa siping ito na siyang nagbalangkas ng maituturing na pinakaklasikong paglalahad ng ganitong binaristikong teorya hinggil sa mga katangian ng mga hindi-Kanluranin kaharap ng mga Kanluranin. Tingnan ang Paulin Hountoundji (1996, 12-13): “The high point of ethnoeentrism in anthropology was attained in the work of Lueien Levy-Bruhl who devoted his entire life and eareer to the demonstration of the radieal disparity between the nature and quality of mind of the European and what he ealled 'primitive mentality/ whieh he attributed essentially to non-Western peoples and eultures . . . [the primitive] mentality is thus of a wholly different eharaeter from the European; it stands, indeed, as its negative image . . . His eontribution to anthropology and European ideas is posited on an explicit hierarehy of valufcs for whieh the Westem serve as an absolute reference.” 29. Sa kanyang maagang pag-aaral hinggil sa mga akda ni Andre Malraux, mababanaag na kay Salazar ang paniniwalang hindi maaaring magkaunawaan ang magkakaibang "sibilisasyon” ng Silangan at Kanluran sa anumang antas na malaliman (toute civilisation est impenetrable en profondeur pour une autre). Sinabi ni Salazar na nagsisimula nang magkahugis ang PT sa maagang sanaysay na ito. Sa kabila nito’y nakita pa rin niya ang halaga ng pagsusumikap ni Malraux na matuklasan ang maaaring maging "nagkakaisang layon” (but eommun) ng dalawang kaayusang pantao (deux systemes humains). Ayon sa kanya, ang pagtatagpong ito’y ang layunin ng“pagpapakatao” (dignite humaine) na niyuyurakan sa kasalukuyang mga lipunang kinaiiralan ng “pagsasamantala ng tao sa kapwa-tao” (l’exploitation de l'homme par l'homme) (Salazar 1965, 224-25). 30. Halimbawa raw ng ganitong mentalidad ang paggamit ng kategoryang "katutubo.” Ani Salazar (1994a, xvi-xvii), “Kaya walang pasubaling magagamit ng ‘pangkaming pananaw’ ang katagang ‘indigenous’ (katutubo) para tukuyin ang historya o histori ng Pilipino sa kanyang reaktibong punto-debista. Kabalintunaan kung tatawagin ng pantayong historiograpiya ang sarili bilang 'indiheno’ o katutubo. Katutubo lamang ang Pilipino kung siya ay pinagmamasdan mula sa labas, sa perspektiba ng o bilang reaksyon sa banyaga.

M g a Ta l a

1

169

Para sa sarili niya, ang Pilipino ay Pilipino, piryod; ‘katutubo’ lamang siya kung idinidiin niya ang buod ng kanyang sarili vis-a-vis sa dayuhan (pangkaming pananaw) o kung ang banyaga ay iginigiit ang kaibhan ng Pilipino sa kanya (pangkayo o pansilang pananaw). Sa dalawang kaso, may paghahambing: nakakabit ang Pinoy sa iba; hindi niya inaatupag ang pagpapalitaw ng kanyang kasarinlan/kakanyahan mula sa loob ng kanyang kalinangan at ayon sa kanyang pagkaunawa sa sarili; nanganganino o pinanganganino lamang siya . . . Kaya, talagang 'indigenous' (indiheno) ang reaktibong kasaysayan, bagama't, sa loob ng mapagsalungat na pagpapahalagang ito, mahirap sigurong bigyan ng tumpak na kahulugan ang konseptong ‘collective indigenous aet,' sapagkat kailangan dito na ang lahat sa isang grupo ng tao ay nakaharap (at kumakausap) sa banyaga at tumatanggap sa dikotomiyang katutubo/banyaga, kung saan ang ‘katutubo' ay ang Iba at ang kanyang pagkaka-Iba ay nasasalalay sa pagtingin at pagtatakda ng banyaga (na siya naman talagang Iba para sa naturang grupo). Mahirap mahagilap diyan ang sariling kakanyahan ng alinmang grupo ng tao, sapagkat lahat ng kategoryang hahanapin ay nagmumula't itinatakda ng Iba— i.e., mula sa labas.” 31. "Der Sklavenaufstand in der Moral beginnt damit, dass das Ressentiment selbst schopferisch wird und Werte gebiert: das Ressentiment soleher Wesen, denen die eigentliehe Reaktion, die der Tat, versagt ist, die sieh nur dureh eine imaginare Raehe sehadlos halten. Wahrend alle vomehme Moral aus einem triumphierenden Ja-sagen zu sieh selber herauswaehst, sagt die Sklaven-MoraI von vornherein Nein zu einem 'Ausserhalb,' zu einem Anders/ zu einem 'Nieht-selbst’: und dies Nein ist ihre schopferische Tat.” 32. "Es wird etwas, ein A, bejaht, geschatzt, gelobt, nieht um seiner inneren Qualitat willen, sondern in der—aber ohne spraehliehen Ausdruek bleibenden—Intention, ein anderes, B, zu vemeinen, zu entwerten, zu tadeln. Das A wird gegen das B 'ausgespielt."’ 33. "Wir konnen G. Simmel nieht zustimmen, wenn er den 'Vomehmen' dadureh dehnieren will, dafi er sieh und seinen Wert mit anderen nieht vergleiche, daft er ‘jeden Vergleich ablehne.' . . . Aber gewiB hat Simmel etwas Riehtiges im Auge . . . Was Simmel die Haltung der 'Vomehmheit' nennt, besteht darin, daB niemals ein wertvergleichendes 'Messen’ meines Wertes und des Wertes, der einem anderen zukommt, zur fundierenden Bedingung fur das Erfassen des eigenen und fremden Wertes wird . . . Der Vornehme erlebt die Werte vor dem Vergleich; der Gemeine erst im und dureh den Vergleich.”

170 | POOK AT PANININDIGAN

34. "Der Racheerfullte, der dureh das Gefuhl in Aktion versetzt wird und sieh raeht . . . verfallen nieht in Ressentiment. Nur dort liegt eine Bedingung fur seine Enstehung, wo eine besondere Heftigkeit dieser Affekte mit dem Gefuhl der Ohnmaeht, sie in Tatigkeit umzusetzen, Hand in Hand geht, und sie darum ‘verbissen' werden—sei es aus Sehwaehe leiblieher und geistiger Art, sei es aus Furcht und Angst vor jenen, auf welehe die Affekte bezogen sind." 35. "Sehon die Zeitschrift Loustalots vom Jahre 1789 fiihrt das Motto: Les grands ne nous paraissent grands/ Que paree que nous sommes a genoux/ Levons nousl Aber um sieh zu heben genugt es nieht, sieh in Gedanken zu heben und iiber dem wirkliehen, sinnliehen Joch, das nieht mit Ideen wegzuspintisieren ist, sehweben zu lassen. Die absolute Kritik jedoch hat von der Hegelsehen Phanomenologie wenigstens die Kunst erlernt, reale, objective, auBer mir existierenden Ketten in blob ideelle, bloB subjektive, bloB in mir existierende Ketten und daher alle auBerliehen, sinnliehen Kampfe in reine Gedanke zu verwandeln." Karl Marx at Friedrich Engels, "Die heilige Familie oder Kritik der kritisehen Kritik" (Marx at Engels 1957, 87). 36. "Das klingt naeh Blasphemie. Denn selbstverstandlich ist die Dritte Welt eine Realitat, und zwar eine Realitat, die zunachst von den westliehen Kolonialmaehten und dann von den Vereinigten Staaten mitgeschaffen wurde. So ist es aueh in gar keiner Weise verwunderlich, daB sieh diese dureh den Kapitalismus entstandene Realitat im Zuge der weltweiten und allgemeinen Emporung der Jugend in einer neuen Ideologie niedersehlug. Entseheidend, meine ieh, ist aber nieht diese Ideologie der Neuen Linken, sondem einfach das Vorhandensein der Realitat Dritte Welt, das diese Ideologie iiberhaupt erst ermoglieht.” 37. "Das analektisehe Moment ist die Affirmation der Exterioritat; sie ist nieht nur die Negation der Negation der Systeme aus der Affirmation der Totalitat, aber nieht nur als Aktualitat dessen, was der Mogliehkeit naeh im System ist. Sie ist die Aufhebung der Totalitat aus einer inneren Transzendentalitat—aus der Exterioritat, die niemals im System war. Die Exterioritat affirmieren heiBt das verwirklichen, was dem System unmoglieh ist (es hat dazu kein Mogliehkeit); es heiBt, das Neue zu realisieren, das von der Totalitat nieht vorgesehen ist, das aus der niehtkonditionierten, revolutionaren, innovativen Freiheit entsteht.” 38. "Lihat, Tuan, hidup Pribumi sangat sunyi—tidak pemah bieara dengan manusia dan dunia di luar dirinya. Hidupnya berputar siang-malam pada satu sumbu, dalam ruang dan lingkaran yang sama. Sibuk dengan impian sendiri

M g a T a l a | 171

saja . . . Orang yang menyedari ini patut mengajaknya bieara. Bieara dari orang pada orang yang sebanyak itu jumlahnya tentu tidak mungkin, maka menulislah aku, seorang yang bieara pada banyak orang . . . Biearalah kau pada bangsamu sendiri. Kau lebih dibutuhkan bangsamu sendiri daripada bangsa pa dan siapa pun. Eropa dan Belanda tanpa kau tidak merasa rugi." 39. "Belum berarti Tuan mengenal bangsa Jawa lebih baik. Pemah Tuan mengenal kampung dan dusun orang Jawa, di mana sebagian terbesar bangsa Tuan tinggal? Paling-paling Tuan hanya melaluinya saja. Tahu Tuan apa yang dimakan petani Jawa, petani bangsa Tuan sendiri? Dan petani adalah sebagian terbesar bangsaTuan, petani Jawa adalah bangsaTuan.” 40. ”[Civilisations] ne ehangent point en essenee que quand, en mourant, elles disparaissent de la face eulturelle du globe pour ne plus ressuseiter meme en partie que quand leurs mythes eoneordent avec ceux d’une autre eneore vivante." 41. "Hindi sinasabi saanman na mali per se ang 'pangkaming’ historiograpiyang pamana ng Propaganda, tulad ng ipinangangalandakan ng ilan ... Lamang, hindi ito angkop sa pagkatuklas ng kakanyahang pambansa sapagkat—dahil reaktibo at nakikipagtalastasan sa Kanluran sa wika, kultura at diskurso nito—nakakabit talaga ito sa penomenong 'kolonyal’ na sa kahabaan ng kasaysayan ng Pilipinas (mula 250,000 B.K. kung papag-umpisahin sa Homo ereetus o mula 7,000 B.K. kung magsisimula sa mga Austronesyano) ay napakaikli (251,571 o 8,571 vs 429 na taon lamang ng pakikipag-ugnay sa Kanluran, kahit na isama pa ang panahon. mula 1946 M.K.); samakatwid, hindi pundamental sa kabuuang kasaysayan ng bayang Pilipino ang huling 429 na taon. Hindi tuloy mula sa loob ang pagtingin sa ating kasaysayan kundi mula sa labas” (Salazar 1994a, xvi-xvii). 42. Batay, halimbawa, sa modelo ng "hamon-tugon" (ehallenge-response) ni Toynbee (1978, 246): "We eonelude that a given series of succcssful responses to successive ehallenges is to be interpreted as a manifestation of growth if, as the series proeeeds, the aetion tends to shift from the ficld of an cxternal environment, physieal or human, to the for interieur of the growing personality or civilization. Insofar as this grows and eontinues to grow, it has to reekon less with ehallenges delivered by extemal forces and demanding responses on an outer battlcfield, and more with ehallenges that are presented by itself to itself in an inner arena. Growth means that the growing personality or civilization tends to beeome its own environment and its own ehallenger and its own field of aetion. In other words, the eriterion of growth is progress towards selfdetermination.”

1 7 2 I P O O K A T P A N IN IN D IG A N

43. Si Salazar ang nagsulat ng Ferdinand E. Mareos, Tadhana: A blistory of the Filipitio People, tomo 2, bahagi 1 (Eneounter), at ng kalahati ng sumusunod na tomo (Salazar 1992, 193-99). 44. Nabanggit ni Salazar ang pagka-“Marxista” ng Tadhana sa kanyang panayam na "Ang Historiograpiya ng Tadhana: Isang Malayang PaggunitaPanayam” (1994, 194). Hindi ito sinasang-ayunan ni Jaime Veneracion. Ayon sa kanya, "Bunga ng . . . pagbibigay diin sa Kultura at pulitika . . . ang pagsusuri sa batayang Ekonomiko ay kinaligtaan . . . Ang paggamit ng Kultura bilang sangkap ng karanasang Pilipino sa ilalim ng Espanya ang binigyang-diin upang maiwasang iharap ang pangunahing kontradiksyon ng lipunang Pilipino na nakabatay sa tunggalian ng mga uri at hindi sa tunggalian ng mga katutubo laban sa puting kolonyalista” (1977, 215). 45. Susulatin din ni Salazar sa isang mas maagang sanaysay ang kahalintulad na ideya na, "Ang tunay na dahilan ng kanilang pagtaas ay hindi ang alinmang ipinapalagay na imposisyon mula sa labas kundi ang pangyayaring kaya talagang dalhin ang mga estadong ito ng puwersang ekonomiko-sosyal ng lipunan, ng sariling kaayusang pamproduksyon” (1974,165). 46. Tingnan ang konseptong "moral eeonomy” ni James C. Seott (1976, 3) na nagbigay ng kapaki-pakinabang na pakahulugan dito bilang "[the peasant] notion of eeonomie justicc and their working dehnition of exploitation—their view of whieh elaims on their produet were tolerable and whieh intolerable.” 47. Lope K. Santos (1879-1963): Isinilang sa Pasig, anak nina Victoria Canseco at Ladislao Santos (isang manlilimbag). Sumanib sa kanyang pagkabinata sa Himagsikang Pilipino. Aktibong kasapi siya ng Partido Naeionalista at naging gobemador ng Rizal, Nueva Vizcaya, at senador. Hinirang din siya bilang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa (1941-45). Naging mahalaga ang papel niya sa pagtatatag ng Union Obrera Demoeratiea (UOD) noong 1902 at sa pagiging tagapangulo ng iba pang samahang manggagawa tulad ng Union del Trabajo de Filipinas (UTF) at Congreso Obrero (CO). Naging manunulat at patnugot siya sa napakaraming pahayagan, kabilang ang Muling Pagsilang, Watawat, Lipang Kalabaw, Ang Paggawa atbp. Bagama't nakapagsulat siya ng sampung libro ng mga tula at anim na nobela, itinuturing pa rin ang Banaag at Sikat (1906) na sinulat niya sa gulang na 23 taon bilang pinakadakila niyang obra. Sinerye ito sa pahayagang Muling Pagsilang nang dalawang taon. Faustino Aguilar (1882-1955): Isinilang sa Malate. Naging tagahatid ng sulat para sa Katipunan sa gulang na 14 na taon. Nagsilbi bilang empleyado ng

M g a Ta l a | 173

Kalihimang Pandigmaan at ng Kalihimang Panloob sa Republikang Malolos noong 1899. Lumaban sa mga mananakop na Amerikano. Pagkaraan ng digmaan ay naging manunulat siya at patnugot sa ilang mga pahayagang makabayan tulad ng La Patria, Muling Pagsilang, at Taliba. Hinirang siyang^ direktor ng Bureau of Labor (1918-1923) at umupo pa sa maraming posisyon sa pamahalaang may kinalaman sa usapin ng paggawa. Sinulat niya ang Pinaglahuan (1907), Busabos ng Palad (1909), Nangalunod sa Katihan (1911), Sa Ngalan ng Diyos (1911), Lihim ng Isang Pulo (1927), Ang Patawad ng Patay (1950), at Ang Kaligtasan (1951). Itinuturing ang Pinaghihuan bilang isa sa mga pinakamatagumpay at pinakamahusay na nobelang "sosyal.” 48. Tingnan ang Sehumaeher (1991, 256): "[Isabelo de los Reyes’s] interpretation of the Katipunan as soeialist or plebeian, besides having already been refuted, is to be seen in the context of his interest in soeialism after being released from prison in Bareelona in 1898." Para dito tingnan ang de los Reyes (1971,202-23). 49. Tingnan ang Agoneillo (1956, 115): "For the Katipunan, together with its offspring, the Revolution, was fundamentally a mass-idea based on utopian soeialism." Gayumpaman ayon sa dalawang anti-komunistang kritiko ni Agoneillo (Hernandez at del Rosario 1956), binago niya diumano ang orihinal na manuskrito na nagsasaad daw ng ganito: "For the Katipunan, together with its offspring, the Revolution, was fundamentally a proletarian idea based on utopian soeialism, sinee seientihe or Marxian soeialism was still unknown.” Mahirap nang mapatunayan o mapabulaanan ito dahil ayon sa isang panayam ni Agoneillo kay Ambeth Oeampo (1995) ay nawala na ang orihinal na manuskrito. 50. Ang "Anak ng Bayan" na laging “inaagawan ng bunga ng kanyang pagod” ay magiging "Anak ng Dalita" (kahit sa sulatin ni Jacinto) at “Anak ng Pawis" na magiging "anakpawis” sa mga akdang sosyalista. Inimbento raw ni Lope K. Santos ang mga salitang "anak-pawis" a t“kawal ng bisig” (Villanueva 1980, 69). Nang lumaon, naging katumbas ang “anakpawis” ng "proletaryo” na makikita sa itinatag ni Evangelista noong 1929 na Katipunan ng mga Anak-Pawis sa Pilipinas (KAP) at sa paggamit ng pariralang “diktadura ng anak-pawis” upang tumukoy sa “proletarian dietatorship" (Tria-Kerkvliet 1992, 163). 51. Makikita ang ganito ring paglalarawan sa “pang-aalipin" kay Bonifacio, "Ang lahi ni Legazpi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan; ating pinagtatamasa at binubusog kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan” (Almario 1993, 152), at kay Rizal, . . samantalang ang salaping ito’y

174 | P O O K A T PA N IN IN D IG A N

pinipiga sa buto ng mahirap” (Ramos, Tiamson-Rubin, at Sena, w.p., 89). Kung talagang susuriin ang kalat-kalat na pahayag ni Rizal ukol sa penomeno ng pagsasamantala, makikitang may sarili rin siyang mga kaisipan ukol dito. Unang-una, ipinapalagay ni Rizal na hindi dapat kasangkapanin ang tao (el hombre) ng ibang tao (otro hombre) bilang makina [maquina) o tratuhin bilang hayop o malahayop (animaliiaeion brutos a medias). Layon (fin) ng bawat taong makamit ang sariling kaligayahan (felicidad) sa pamamagitan ng sariling paggawa (La Solidaridad, tomo 2, 1967, 574). 52. Maraming halimbawa ng ganitong pagtalakay sa Banaag at Sikat at Pinaglahuan. Kahalintulad din ng pagtalakay ni Jacinto sa “ningning" ang sumusunod na sipi mula kay Rizal: “Lo bueno y lo bello le atraen, le sedueen y le cautivan, aunque, eomo el japones, eambia muehas veces lo bueno por lo malo, si se presenta engalatiado y brillante” (La Solidaridad, tomo 2, 1967, 602). 53. May pagkaanakronistiko ang gamit ng "karapatan” dito sapagkat relatibong bagong imbensyon ang salitang“karapatan” ng unang dekada ng ika-20 dantaon. Maaari marahil palitan ang salitang ito ng “matwid” sa diskursong pulitikal ng ika-19 na dantaon. Ayon kay Salazar (1999, 61) ay walang makikitang anumang konsepto ng “rights” sa mga teksto ng Katipunan. 54. Batayan ang ganitong pananaw ng pagpapalagay na ang maaari lamang makibahagi sa kilusang manggagawa ay mga manggagawa rin lamang dahil sila lamang ang may mga kaloobang nalinis ng paggawa at kasipagan na naiiba sa mga dekadenteng burgis. Dahil ang "katubusan ng uring manggagawa ay nasa manggagawa rin” (Tria-Kerkvliet 1992, 22). 55. Cruz (1922, 30-34): “Sa loob ng 'Masoneria,' ayon sa kaniyang palatuntunan, ay di tinatanggap ang mga manggagawang hamak, na ang kabuhaya’y ‘isang kahig, isang tuka’; pagka’t upang maging 'mason/ isa sa mga pangunahing kailangan ay ang ikaw’y may sapat na kinikita upang buhayin ang iyong asawa’t mga anak at may kaunting halagang nalalabis, na isasagot sa mga pangangailangan ng kapatiran at maiambag sa sinomang kapatid na nasa sa isang kagipitan. Dahil dito, ay sukat ng mataho na ang mga 'mason’ ay mga taong nakakakaya at ang mga katipunan ay yaong mga taong hindi matatanggap sa ‘Masoneria,’ na mga anak pawis, mga dukha’t maralita” at "kung ano ang laki ng kaayawan sa paghihimagsik ng mga pilipinong litaw at nakakakaya’t mayayaman ay siya namang higit ng pagyakap ng mga maralita sa layunin ng ‘Katipunan.’ Ang mga manggagawa, ang mga tagabukid at ang mga

M g a T a l a | 1 75

dukha, ay paraparang nagsisiluha kung sila’y pinaliliwanagan ng mga adhikain at aral ng ‘Katipunan' at nag-uunahan sa pagsapi.” 56. Tria-Kerkvliet (1982, 32): “The usual interpretation is premised on an evolutionary development; before 1902, it is said, there were only religious and soeial-oriented assoeiations, but after 1902 the 'labor movement’ emerged. I would argue, however, the boundaries were not elear-eut. Both federations and workers' groups tended to fuse mutual aid-related functions and broader eeonomie activities. Furthermore, the tradition of mutual aid was not ehanged or removed, it was simply absorbed and in many ways beeame the point of unity among many workers.” 57. Nagmula sa mga sanaysay ni Evangelista na “Kung Ano ang mga Pangunahing Tungkulin ng Isang Manggagawa” (Tambuli, Oktubre 1913) at "Kung sa Paanong Paraan Dapat Itaguyod ang mga ‘Uniones de Oheios' ” [Tambuli, Disyembre 1913). Upang makita kung paano ipinagtutunggali ang “mapanghimagsik” na mga samahan at ang mga "abuluyan,” tingnan ang Francisco (1997, 179-80): "ang mapanghimagsik na himig ng mga adhika ay napawing kasabay ng pagkapawi rin ng tagibang at kabilaning pag-uuri-uri sa katayuan at kalagayan ng tao sa buhay. Ang Kapatirang iyon, na pinapag-alab sa halip na masugpo ng kasakiman at kapalaluan, ay madaling napalamig ng wasto at maunawaing pagtuturing sa mga manggagawa hanggang sa nauwi na lamang sa isang kapisanan ng pagtutulungan at pagdadamayan ng mga kaanib” (akin ang diin). Tingnan din ang Francisco (1995, 76): "Wala nang natitirang maganda sa buhay kundi ang pagdadamayan ng mga taong may mabubuting kalooban.” 58. De los Reyes (1971, 206-7): “The members let their wives find out the seeret and admitted them into the soeiety, telling them that the object was mutual aid in soeial life and hiding the deeper or politieal purpose” at 'The civil or soeial object, was mutual aid, and in fact, the Katipunan gave sueeor to the members and their families in illness and want.” Tingnan ang ang "Katungkulang Gagawin ng mga Z. LL. B.” ni Bonifacio, lalo na ang katungkulan bilang 8. 59. Tingnan ang Tolentino (1975, 158): "Ako’y dumadamay sa kapatid na tumatangis sapagkat ang hindi umabuloy, kung makakaya rin lamang, sa nagdadalita ay hindi maituturing na kapatid . . .” Batay sa mga katangiang ito ay hindi kataka-takang iniugnay nina Tolentino, Santos, at Aguilar ang mga simulain ng sosyalismo sa mga aral ni Kristo. Nagsulat ang lider manggagawa na si Domingo Ponee ng artikulong pinamagatang "Si Kristo ang Unang Bolsibiki”

1 7 6 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

at si Amado Hemandez naman ay kumapit sa kanyang sariling bersyon ng sosyalismong Kristiyano. Tingnan ang Hernandez (1982, 305): "Sinasabi ritong isa sa mga layuni’y pawiin ang klase ng mga tao. Huwag magkaron ng mayaman at mahirap . . . ng manghuhuthot at hinuhuthot . . . anong masama riyan?—Yan ang prinsipyo ng komunismo.—Si Kristo ang unang nagkalat ng ganyang simulain . . . pagkakapantay ng mga tao . . . pagpapabuti sa kalagayan ng mga api .. "Tingnan din ang Tria-Kerkvliet (1992, 94, 163). 60. Brigido C. Batungbakal (1997, 152): "Nabubuhay ngayon ang mga dukhang mamamayan sa atin sa gitna ng kagipitan at paghihikahos. Iba nang talaga ang mamuhay sa ating nayon. Kinakain ng malalaki ang maliliil" (akin ang diin). 61. Hindi pa malinaw ang paggamit ng salitang "uri” sa panahong ito sa pakahulugang “elass.” Makikita lamang kina Santos at Aguilar ang paggamit sa "uri” na katambal ng iba pang kataga tulad ng "mayaman” o "mahirap.” 62. Halamang kumakapit sa ibang halaman; diumano’y sumisipsip ng "dagta” ng ibang halaman. Inigo Ed. Regalado (1997, 109): "Ano't may mga taong parang hindi mabubuhay kung hindi madapo at makapit sa iba? Na, talagang ganito ang lakad ng sansinukob . . . Diyos! Bakit ka pa nagbiling ang ikabubuhay ay dapat panggalingin at kunin sa katutubong pawis? Bakit pa! Bakit pa, kung ganitong pinahihintulutan din lamang ang mga pagkakamaling pambubusabos at pagpapakaaba sa kabuhayan?” 63. Hindi sang-ayon si Marx, sa kanyang "Kritika ng Programa ng Gotha,” sa paggamit ng terminong "bunga ng paggawa” (Arbeitsertrag) dahil hindi malinaw kung ang ipinapahiwatig nito ay iyong "halagang nalikha” o iyong mismong "bagay na nagawa/'Tingnan ang Marx, "Kritik des Gothaer Programmentwurfs" saMarx (1979, 375-402). 64. Tingnan ang Hemandez (1982, 133-34): "Madalas na hindi nila nabibili o natitikman ang kanilang mga ginagawa at niyayari. Porke sa ilalim ng kapitalismo, hindi kung sino ang nagtatrabaho nang patay-katawan ang kumikita nang malaki at nagtatamasa, manapa’y kung sino ang nagmamayari ng lalong marami, saka hindi nagpapawis, e siyang mahiga’t magbangon sa ginhawa at salapi.” At "Ang mga limatik at pulgas na nabubuhay sa pagsipsip ng dugo ng iba’y mangamamatay pag wala nang dugong masisipsip. Gayondin ang nagsiyaman at tumaba sa paghuthot sa kapwa tao” (34). Tingnan din ang Regalado (1997, 266): "Sa sarili’y tila napahiya: Kumain nang hindi nagpatulo ng pawis?”Tingnan ang Amado (1991, 55): "Ang yaman ko ay aking nakamtan sa tulo ng sarili kong pawis " Tingnan muli ang Regalado (1997, 298): "Ibig

M g a Ta l a | 177

niyang tugnawin na ang lahat ng kayamanang ari ng taong ito na ipinang-aaba at ipinagmamalaki sa mga api, sa mga kinapos ng palad, sa mga di nagkaisip na lumabag sa 'ikapitong utos ng Diyos’ upang magkasalapi . . 65. Hindi sang-ayon si Marx sa ideyang ito. Ani Marx, "Hindi ang paggawa ang pinagmumulan ng lahat ng kayamanan. Ang kalikasan ay pinagmumulan din ng mga halagang-gamit (at mula nga rito nabubuo ang materyal na kayamanan!) tulad ng paggawa, na mismo'y ekspresyon din ng kapangyarihan ng kalikasan, ang lakas-paggawa ng tao.” (Die Arbeit ist nieht die Quelle alles Reiehtums. Die Natur ist ebensosehr die Quelle der Gebrauehswerte [und aus solehen besteht doeh wohl der saehliehe Reiehtum!] als die Arbeit, die selbst nur die AuBerung einer Naturkraft ist, der mensehliehen Arbeitskraft) (Marx 1979). 66. Taliwas sa ganitong interpretasyon ang pagmamaliit sa inambag ng lakas-paggawa na makikita sa sumusunod na sipi mula kay Lazaro Francisco (1997a, 113-14), "Kung ikaw na namuhunan ng isa ay masiyahan na sa naging pakinabang mong isa, at kung ako na di namuhunan ng ano man (maliban sa kauntingpagal) ay hindi pa masiyahan sa naging pakinabang kong walo, sino sa ating dalawa ang lalong sakim?” (akin ang diin). Tingnan din ang Aguilar (1911, 30), "Ang puhunan ay mahalaga sa pagod.” 67. "Zur Kritik der Nationalokonomie” sa Marx (1992, 204-6) at Marx (1964). Para sa salin sa Pilipino, tingnan ang salin nina Jose J. Magadia at Victor C. de Jesus ng “Unang Manuskrito: Alyenadong Paggawa ni Karl Marx” sa Marx (1988b, 23-36). 68. Ipinag-iba ni Sehaeht ang dalawang katagang ito sa kanyang librong Alienation (1970, 46, 81). Tinutulan naman ang interpretasyong ito ni Inwood (1992,36). 69. Ipinakita ni Lukaes (1973) na ang Entdufeerung ang pinakamahalagang dalumat sa buong Phanomenologie des Geistes ni Hegel. Gayumpaman, tiningnan lamang niya ang salitang ito bilang tuwirang salin ni Hegel mula sa mga ekonomistang Ingles ng salitang extemalization at bilang pag-aangkin din ng mas naunang paggamit nito ng ideyalistang palaisip na si J. G. Fichte. 70. Ang pinagmulan nitong Griyegong "eauton ekenosen” ay may literal na pakahulugang "ibinuhos niya ang kanyang sarili” ayon kay Dussel (1988, 249). 71. Tumutukoy ang siping ito mula kay Aguilar sa pagbebenta ng anak na babae upang makabayad ng utang. Tingnan din ang Regalado (1997, 290): "Babaing naging puhunan! Babaing naging kapalit ng salapi! Taong naging kalakal ng kapwa tao!”

1 7 8 | P O O K A T PA N IN IN D IG A N

72. Hindi tinatanggap sa pag-aaral na ito ang limang kategorya ng unyon na inihanay ni Dcjillas. Ayon sa kanya (1994, 124), "Our analysis has found five eategories of unions reflected in varying degrees in the behavior of Philippine trade unions. There is the revolutionary type of unionism, whieh orients the goal of Philippine trade unions toward what it advances as the dismantling of eapitalist domination and the establishment of a Marxist soeialist state in soeiety. This type is aggressively projected in the eharaeter of KMU. Then, there is the eeonomist or business type, whieh direets the goal of unions largely towards eeonomie issues, aseribes to trade unions the role of ereating a responsible and productive labor force. This type is predominantly manifested in the eharaeter of TUCP and to some extent also in the posture of FFW. The third is the moralist type, whieh assigns to unions the primary role of reforming soeial struetures based on some religious and ethieal norms. The moralist eharaeter is expressed in the baekground and orientation of FFW. The fourth type is the demoeratie and politieal, whieh assigns trade unions the role of broadening and promoting workers' partieipation in the factory, industry, and in soeiety as well as in strengthening the politieal power of trade unions as demoeratie forces. This type of unionism is manifested in the behavior of FFW, and oeeasionally in the posture of the TUCP. The fifth and final type is the proteetiue or defensive, whieh focuses the role of trade unions on proteeting and defending the interests of workers against the ill effects of the eeonomie system and the abuses of some employers. Protective unionism is reAeeted in varying degrees in the eharaeter of the three labor groups." Labis na napapawalangsaysay ng pagkapatong-patong ng mga kategoryang ito sa tunay na karanasan ang kategorisasyon ni Dejillas. Ang paghahanay na "rebolusyonaryo” sa isang banda, na maaari ding maging “demokratiko/pulitikal,” "moralistiko,” at "depensibo,” at ang "ekonomista” sa kabilang banda, na maaari ding maging "demokratiko/pulitikal," "moralistiko,” at "depensibo.” 73. Maging sa sinaunang lipunang Pilipino ay isinasagawa na rin ang "pagsukat” ng panahong inilalaan sa produksyon para sa sarili at produksyon para sa panginoon. Ayon kay Morga, "Sa mga aliping sagigilid at namamahay, mayroong mga aliping buo at aliping kalahati at aliping ikapat. At nangyayari na kung malaya ang tatay o nanay at mayroon silang iisang anak, nagiging kalahating malaya at kalahating alipin ang kanilang anak; kung mas marami pa sila sa isang anak, nagkakaroon nang ganitong hitsura: ang pinakauna ay magiging katulad ng kanyang ama, malaya o alipin, at ang pangalawa ay magiging katulad ng kanyang ina; at kung ang bilang ay gansal, ang matitira ay magiging kalahating malaya at kalahating alipin . . . Itong mga kalahating alipin o aliping ikapat,

M g a Ta l a

1

179

sagigilid o namamahay, ay nagsisilbi sa kanilang mga amo ng isang buwan at sa isang buwan naman ay hindi; ganito ang takbo ng pang-aalipin." Nasa Antonio de Morga, Sueesos de las Islas Filipinas. Edisyong may anotasyon ni Rizal (1890, 298). Pinansin ni Rizal: "Se observaba matematieamente el prineipio de la ley, y lo aplieaban eon todo rigor e impareialidad.” 74. Makikita rin ang ganitong diwa ng pagsukat hindi ng pagkaapi ng manggagawa kundi ng "kaligayahan” ng nagsasamantala sa sumusunod na pangungusap (Francisco 1997, 61): “bawat butil pala ng ligayang tinatamasa namin ay may kaluluwang lihim na nagtitiis at nagdurusa.” 75. O kaya, mas eksakto sa “tantos ng pagsasamantala,” maaaring gamitin ang "tantos ng halagang-labis” (Rate des Mehnoerts'). 76. Regalado (1997, 215): "Pinamumuhanan! At sapagkat pinamumuhanan ay pinagtutubuan. Walang mamumuhunan ni Puhunang hindi nagtubo!” 77. Hyman (1990, 146): "Ideology is also important in the routine of everyday relations. One of the most popular eoneepts in the everyday vocabulary of industry is ‘faimess’, a notion whieh may at times inspire eritieism of praetiees or relationships whieh are perceived as inequitable and sustain workers in struggles for redress. Yet in its conventional usage the language of faimess tends on the eontrary to eontain conflict and reinforce eapitalist relations of eontrol. The idea of a 'fair day’s work’, for example, ineorporates the assumption of a moral obligation owed by the worker to the employer: the preeise eontent of this obligation may be disputed, but the conflict is one of detail rather than prineiple. Conceptions o f‘fair wages’ are normally struetured by the traditional relationships of the labor market, and thus take for granted the prevailing patterns of ineome inequality and the neeessity that labor should receive less than the value whieh it ereates.” 78. Tingnan ang pagtalakay sa samahang Lunas-Dalita at ang pinondohan nitong Katubusan Factory na pinamahalaan ni Santos sa Tria-Kerkvliet (1992, 25, 26-28). 79. Implisito lamang ito kina Santos at Aguilar. Pero maliwanag sa sentral na konsepto ng "dereeho al bienestar” (karapatan sa kaginhawahan) ng La Conquista de Pan (1892) ni Peter Kropotkin, akdang madalas banggitin ni Santos. 80. Ayon kay Marx (1982, 41-43), hindi magagap ni Proudhon na kalakal din ang lakas-paggawa sa gitna ng iba pang mga kalakal. Isinasantabi ni Proudhon ang kumpetisyon at ang halaga ng produksyon at ipinaghaharap ang itinuturing

i8 o | P o o k AT P a n in in d ig a n

niyang "malayang mamimili” sa "malayang tagagawa” bilang mga "bayani ng malayang-kalooban" (chevaliers du libre-arbitre^. Kaugnay nito ang sinulat ni Marx (1953, 199) hinggil sa konsepto ng "pagkakusang-loob" ni Kant: "Ang mga nakabatay sa materyang kondisyon ng kalooban ng burgesyang Pranses ay ginawa ni Kant na purong pagtatakdang-sarili ng ‘malayang kalooban/ ng kalooban sa at para sa sarili nito, ng kalooban ng tao, at ginawa itong purong ideolohikal na pagtatakdang-dalumat at alituntuning moral." ([Kant] maehte die materiell motivierten Bestimmungen des Willens der franzosischen Bourgeoisie zu reinen Selbstbestimmungen des ‘freien Willens’, des Willens an und fiir sieh, des mensehliehen Willens, und verwandelte ihn so in rein ideologisehe Begriffsbestimmungen und moralisehe Postulate.) 81. "Palitang loob” ito kay Lazaro Francisco (1995, 285). Tingnan din ang depinisyon ng "utang na loob" sa Francisco (1995, 1): "Kabilang sa maraming bagay na nagiging utang ng tao sa kaniyang kapwa tao ang isang uri ng utang na lubhang kaiba. Kaiba, pagka’t hindi nasisingil at hindi naman lubos na nababayaran, pagkusaan mang bayaran. Hindi nasisingil pagka’t pinapawi ng paniningil na rin ang anyo at halaga ng utang. Hindi lubos na nababayaran, pagka't ang utang na ito ay di-nahahalagahan, ni-nabibilang, ni-natatakal, ninatataya, ni-nauuri, ni-nasusukat, ni-natitimbang. Anupa’t ang utang na ito, minsang maging utang, ay utang kailanman—hindi ganap na matatakpan, nimatutumbasan, ano man ang gawin ng may-utang sa pinagkakautangan. Iyan ay ang utang-na-loob.” Ayon nga sa pantung Melayu, "ang utang na ginto ay maaaring mabayaran, ang utang na loob ay dadalhin hanggang kamatayan" (hutang emas dapat dibayar, hutang budi dibawa mati). 82. "At kung ikaw ay nakilala na may puri at maayos gumawa, ikaw ay gigiliwin, at saka nga hindi mapagkakaitan ng ano mang hingin mo sa mga may pagawaan at ibibigay ang upang ibigin mo na kabayaran sa inyong gawa.” Mula sa pahayagang La Redeneion del Obrero, sinipi sa Guevarra (1992, 28). 83. Tingnan ang Francisco (1997, 61): "Ngunit . . . pagtatawanan mo ako ... tumatanaw ako ng utang na loob sa aming mga manggagawa at kasamal Kinikilala kong utang namin sa kanila ang lahat na halos ng aming kaligayahan at kaginhawahan sa buhayl”AtTolentino (1975, 149):“Kayo’y walang utang na loob sa mga maginoo, at subali ay ang inyong malalakas at masisipag na kamay ay siyang magpapakain sa kanila.” Aguilar (1911, 217):"Kung siya man ay may apat na pung piso isang buwan ay sapagkat pinakikinabangan ang kanyang paglilingkod ng binatang panginoon. Ang halagang ito ay hindi bigay, kundi bayad sa kanyang mga kapagalan, at sapagkat ito ang totoo ay wala siyang utang na sukat lingapin ”

M g a T a l a | 181

84. Carlos Ronquillo (1910, 68): "ang pag-uupahan sa paggawa ay siyang lalong malubhang sugat ng pangbubusabos . . .” Ayon kay Hermenegildo Cruz sa kanyang Paunawa” sa libro ni Ronquillo, “Maliban sa aklat ng katoto kong Lope K. Santos [at nitong kay Ronquillo] na 'Banaag at Sikat' ay wala pa akong nalalamang aklat na nasusulat sa sariling wika na tahasang tumutukoy at nagbibigay ng paliwanag sa 'Soeialismo'” Ang akda ni Ronquillo, na nasa anyo ng isang diyalogo, ang isa sa mga pinaka-kakaibang obrang pampanitikan at pang-ekonomiya sa Pilipinas na punong-puno ng mga buhol-buhol na kontradiksyon sa pangangatwiran dahil sa kagustuhang manatili sa larangan ng "Wagas na Matwid" (may panlasang Kantian pa nga ang pamagat) ng indibidwal mula sa punto de bistang malinaw na anarkista. Kailangan pa itong gawan ng tunay na pag-aaral. 85. Kahalintulad ngunit naiiba sa esensya sa mga konseptong ito ang ginawa ni Carlos Ronquillo na pag-iiba ng “gawi” at “gawain” sa kanyang Bagong Buhay. Tumutukoy ang “gawi” ni Ronquillo (1910, 46-50) sa anumang "kakayahan" (potensyal) ng gumagawa habang ang tinutukoy ng "gawain” ay ang kanyang pinapasukang trabaho. 86. Santos (1970, 39): "Ang salapi ay di maaaring makatumbas ng paggawa saan mang gawaang ang naghahari'y takaw ng namumuhunan sa malaking pakinabang.” At Aguilar (1986, 141): “Ang mga pagkaaping nilalagok dahil sa karamutan ng puhunan, ang mga pagkadusta dahil sa pagpapasasa ngmga maykaya" (akin ang diin). 87. Tingnan din kung paano inilarawan ang naghaharing uri sa Kapampangang Pasion Ding Talapagobra ni Lino Lopez Dizon sa Maeeda (1996, 214, 73-77). Ayon kay Maeeda, tinataglay ng akdang ito ang buod ng kaisipang ‘‘sosialista" ng Partido Sosialista ng Pilipinas (PSP) na itinatag noong 1933. 88. Ronquillo (1910, 74): "Sa lilim ng bandilang pagkakaisa’t paglilingapan ay matutuklasan ng bawa’t isa sa atin ang madaling landasing patungo sa bagong buhay." Pinansin ni Maeeda (1996, 38-39) ang paggamit ng pariralang “bagong buhay" sa bersyon ng PKP ng awit na "Intemasyunal,”“Wala tayong maasahan/ Lingap sa mga gahaman/Kaya tayo’y magbagong-buhay/Hirap nati'y lunasan” (akin ang diin). 89. Kaugnay nito, tingnan ang mga anti-komunistang ideya ni Lazaro Francisco (1995, 81-82): "Kung ayaw silang lingapin, tulungan, at akayin sa ikaanyo ng kanilang mayamang panginoon ay hindi sila dapat mawalan ng pag-asa kahit na sa isang paris ko lamang na katulad din nilang dukha. Kailangang magkaroon

182 | P o o k AT P a n i n i n d i g a n

sila ng katiwasayan ng isip; kung di man ng makatwirang kaluwagan sa buhay, upang huwag silang mahulog sa kuko ng mga mang-uupat, ng mga komunista, na naghahasik sa kanila ng mga aral na patungo sa isang paraan ng buhay na lalong masama, habang patuloy na kinukukot ng mga mag-uupat na iyan ang kakarampot na ngang mga pag-agdong-buhay nila . . . Makikitang madali ng madlang kinauukulan na maaari palang mabuhay ang lahat sa katiwasayan at kasaganaan kung malalagok lamang ng lahat ng mayayamang maylupa na bawasan nang kaunti ang kanilang mga kasakiman . . . Ang lalong kailangan ay magnawnaw sana sa puso ng mga tao, lalo na ng mga mayayaman, ang mabuting kalooban sa kapwa. Mabuting kalooban ng tao sa kapwa tao, di batas, ang siyang tanging lunas sa lubhang maraming kasamaan." Francisco (1995, 219): "Taglayin nawa ninyo ang mabuting kalooban sa isa’t isa sa inyo, at sa lahat ng inyong kapwal Ang mabuting kalooban ay siyang susi sa katiwasayan, ng kapayapaan, at ng isang buhay na sagana at kaayaaya!” 90. Francisco (1997a, 105): . . isang kilusang may layuning bakahin at kalabanin nang tahasan at totohanan ang pagmamalabis ng mga asendero." At "Ang pagbaka sa pagmamalabis at kawalang-habas ng mayayamang maylupa’’ (112; akin ang diin). Francisco (1997a, 61): “Magsasakang masunurin, masikhay, matiyaga, masipag, matapat, mapagtiis at mapagkumbaba sa isang panginoong marunong gumalang at magpahalaga sa kanilang mga katwiran at karapatan, subalit . . . Magsasakang malaya, mapanuwag at mapanganib sa isang panginoong mapaniil, mapanghamig, makamkam, mapang-api, mapanduhagi at walang pakundangan sa karapatan at katwiran ng mga dukhang manggagawa!’’ (akin ang diin). 91. Pinanghawakan ng Kapisanan ng Paggawa sa Pilipinas (KPP) na binuo ni Santos noong 1903 ang "pagtutulungan” ng"puhunan at paggawa.” 92. Sa tulang "Katubusan" ni Julian E. Balmaeeda sa pahayagang Balagtas, ika7 ng Hulyo, 1907, mababanggit ang "pagkakapatas ng pawis at yaman.” Ayon pa kay Isabelo de los Reyes, "Workers are equal to the 'privileged elasses’ ” (Tria-Kerkvliet 1992, 11). 93. Tingnan ang nosyon ni Regalado ng "namumuhunan ng pawis” at "namumuhunan ng salapi’’ sa Regalado (1997, 333): "Nagsiaklas pala ang mga kawani ng lalong pinakamalaki at pinakamalakas na Samahan kaya mahina ang galaw ng pinagkakakitaan ng Samahang iyan . . . iya’y nagpapakilala na kapag tumigil ang bisig ng mga manggagawa ay tigil naman ang mga makina ng mga pagawaan; samakatwid, kapag nawalan ng mga namumuhunan ng pawis ang mga namumuhunan ng salapi, ang salapi nito’y hindi maaaring ipang-api sa

M g a T a l a | 183

mga bayani ng kasipagan ” Tingnan, halimbawa, ang tatlong bersyon (1924, 1940, 1961) ng tulang "Bayani" ni Amado V. Hemandez. Makikita sa halimbawang ito ang unti-unting paglipat mula sa diskurso ng "dangal ng paggawa" tungo sa mga kategorya ng ekonomiyang-pampulitika; sanggunian para rito ang Torres-Yu (1986). Ani Hernandez sa bersyong 1961, "Kung di nga sa aki’y alin kayang bagay/ Ang magkakasigla at magkakabuhay?/ Puhunan? Likha ko lamang ang Puhunanl/ Bayan? At hindi ba ako rin ang Bayan?/ Walang mangyayari, pag ako ang ayaw,/ Mangyayaring lahat, ibigin ko lamangl” 94. Posadas (1980, 107):".. . isang sistemang malupit, isang sistemang laganap, isang sistemang ipinagtatanggol ng gubyerno mismo, isang sistema kung saan 'tubo' ang tawag sa di binabayarang pagpapagod ng manggagawa." 95. Makikita kay Ronquillo (1910, 53-55), ang mga kakatwang mungkahi sa manggagawa na makiusap sa mamumuhunan: "Kailangang papagunitain mo sa pamamagitan ng maayos na pananalita, at hingin mo sa mahusayan ang dapat matungkol sa iyo . . . tutulan ang tangkang pag-ulol sa pangangatwiran at matalinong pagpapagunita . . ” Ni wala man lang pagtalakay sa kung paane malalaman ng manggagawa kung ano nga ang halagang "natutungkol” sa kany< Ipinayo pa niyang iwanan ang hanapbuhay kahit maging sanhi ito ng matinding gutom o kung kailanganin, bawiin o "kuhanin" sa "anumang paraan” ang halagang “itinago” ng mamumuhunan. Tila pinahihintulutan ni Ronquillo ang "pagbawi” mula sa kapitalista sa pamamagitan ng "pagnanakaw” o “pagpatay” sa pamamagitan ng indibidwal at hindi sama-samang pagkilos. 96. Hernandez (1982, 136): “Papawiin ang uring mayaman at uring mahirap, ang kapitalista at ang busabos ng pasahod, upang maitindig ang madalas n'yong marinig na elassless soeiety, na ang hantunga’y ang pagkakapantay ng mga tao.” 97. O kaya’y "mabuting loob.”Tingnan ang Hernandez (1982, 132). 98. Tinalakay ni Marx at Engels (2000) sa Manifesto ng Partido Komunista ang pagsulpot ng "sosyalismong pyudal” (/eudale Sozialismus) bilang kilusang paurong sa nakaraan at reaksyon lamang sa pagkapawi ng mga "ugnayang pyudal” (Feudalbande) at "paglusaw ng mga lumang kaugalian” (die Aufldsung deralten Sitten). 99. Tingnan na lamang ang petisyon sa dating Pangulong Fidel Ramos ng Kapisanan ng mga Pangulo ng mga Unyon sa Pilipinas (KPUP) noong ika-15 ng Abril, 1996: "Ginoong Pangulo, upang magkaroon ng tunay na progresong panlipunan, ipagkaloob mo sa manggagawang Pilipino ang hustisyang panlipunan. Umaasa kami na ngayong Mayo Uno ay hindi kami bibiguin ng

18 4 | P o o k AT Pa n i n i n d i g a n

pamahalaan sapagkat alam naming nasa panig kami ng katwiran.” Ayon nga kay Ronquillo (1910, 86), "Kapalautangan ng loob? Kung gayo’y hindi masama, lalo’t sa pakiusapan daraanin ” 100. Matindi ang pagpapalabo at mistipikasyon na ipinalaganap ni Mary Raeelis Hollnsteiner kaugnay ng konsepto ng "utang na loob.” Ayon sa kanya, "There are . . . dehnitely one-sided utang na loob relationships where a power status differential preeludes the likelihood of equivalent repayment on the part of the subordinate party. In the landlord-tenant relationship, whieh parallels the dato-eabalangay relationship . . . the tenant knows that he eannot approaeh anywhere near an equivalent retum” (30). Ibig sabihin nito na ang magsasaka pa (1) ang nakatatanggap ng surplas sa ugnayan niya sa panginoong maylupa. Pero saan kaya nanggaling ang surplas na ito ng kanyang "amo"? Hubad na panloloko ang ganitong mga pananaw na makikita sa akda niyang "Reeiproeity in the Lowland Philippines” na nasa Lyneh (1964). 101. Sa kaisipang Iskolastiko ng Europa, tinawag itong "just wage” na kahalintulad ng kanilang konsepto rin ng"just priee” (Hunt 1983, 9). 102. Regalado (1997, 2): "Ang salitang pangangalakal ay nagkakahulugan ng pang-uulol." 103. Nasa Glosaryo ng Gabay sa Tunay na Unyonismo (1995). 104. Crisanto Evangelista, "Ang Dalawang Daigdig: Daigdig ng Kapitalismo at Daigdig ng Sosyalismo." Nasa pahayagang Pagkakaisa, ika-1 ng Mayo, 1932. 105. Tingnan din ang sumusunod na mga sipi mula kay Regalado (1997, 33334): "Sapagkat ang mga manggagawang nagsisipalit sa mga manggagawang nagsiaklas ay inaalagaan ng gutom, kaya maging ano pa man ang mangyari ay pilit na isinisiksik ang katawan. Bakit nga naman magpapakamatay sa gutom kung may kasisiksikan din lamang gaya ng mga siwang ng iniwan ng mga nagsiaklas . . . Hindi mo ba natatarok na habang may nagsisisukong manggagawa sa kalupitan ng puhunan ay di mawawala ang pag-alipusta at pagpapalagay na hamak sa kawal ni pawis?" Regalado (1997, 333): “Kaya nga kung nagkakaisa ang mga manggagawa, kung sa pag-aklas ng mga anakpawis sa pag-uusig ng kanilang matwid at karapatan ay walang mabibighani o mabubulagang humalili sa pinag-aklasan ng mga manggagawang ito, asahan mong hindi maaaring mainis ng matwid ng lahat ng mga manggagawa, ni lalong hindi maaaring iwalang-halaga ang karangalan ng mga manggagawang iyan: bawat kilos ng mga anak-pawis ay pagtatagumpay, bawat sigaw ng mga bayani ng pagod ay pagwawagi! Oh, kailan pa mangyayari ang ganito.” Regalado (1997,

M g a T a l a | 185

335): “Kaya lamang nangabibigo ay sapagkat hindi pa lubusang nangagsisikilos ang mga manggagawa laban sa nagpawalang-halaga sa kanila at laban sa mga walang dangal na humahalili sa kanilang pagawaang pinag-aklasan; subukan mo ngang mangagsikilos ang mga manggagawa nang lubusang pagkilos; maghagis ng mga dinamita sa lalong matitibay na pagawaan at dumurog ng mga bungo ng mga manggagawang walang puri, at tingnan mo, kung may papasok pang iba sa pagawaang inaklasan.” Diwang anarkista ang huling sipi, lalo na at nabanggit ang dinamita. 106. Errieo Malatesta, Dalawang Magbubukid (Etitre Catnpesinos) (1913) salin ng isang “Kabisang Tales” (Arturo Soriano) at may paunang salita ni "Tambuli” (Hermenegildo Cruz). Ayon nga kay Malatesta (1913, 45), “ang mga manggagawa, dahil sa kagutuman, ay nangagpapaligsahan sa paghahanapbuhay, at sapagka't napakarami ang mga bisig kaysa mga gagawin (hindi dahil sa walang magagawa, kundi dahil sa ang mga may pagawaan ay nangaiimpid sa pagpapagawa), ay sapilitang sila’y mangagaagawan ng tinapay sa kanikanilang bibig, at kung kayo’y gumagawa upang makakita ng dalawa, ay nariyan naman ang iba, makakita lamang ay kahit na isa.” Napakapopular ng akdang ito sa mga unyonista at sosyalista nang panahong ito. Ayon sa salaysay ni Jose Ma. Sison (1972, 166-81), na base naman sa salaysay ni Runes (1967), ang dalawang librong pangunahing pinagbatayan ng saligang-batas ng Union Obrera Demoeratiea (UOD) ay ang Vida e Obras de Carlos Marx ni Friedrich Engels (hindi pa matiyak kung mayroon nga talagang ganitong akda si Engels na lumabas sa wikang Espanyol noong ika-19 na dantaon); tingnan ang kumprehensibong listahan ng mga salin ng mga akdang Maneista sa wikang Espanyol sa Ribas (1981) at ang sinalin sa Tagalog na akdang Entre Campesinos [Fra eontadini: dialogo sull'anarehia, 1884) ni Malatesta. Higit na maunlad ang pagtalakay ng Dalawang Magbubukid sa ekonomiyang-pampulitika at hinggil sa mga batas ng pamilihan kaysa sa makikita sa pangkaraniwang mga babasahin noon. Kay RonquilIo halimbawa’y halos walang makikitang “pamilihan.” 107. Aguilar (1986): “kaya may kinakain ay sapagka’t nagbibili ng lakas” (56); "Nagbibili ng lakas sa balang may ipabuhat” (57). 108. Ayon kay Sison (Sison at De Lima Sison 1998, 29), “There are at least three eategories of farm workers. (1) Those who are still poor peasants and lower middle peasants owning or tenanting small plots, who own some simple farm implements, but who sell part of their labour power as seasonal farm workers; (2) Those who have been dispossessed of both land and implements and who fully, or in the main, sell their labor power; and (3) those who are

l8 6 | POOK AT PANININDIGAN

in transition to full unemployment and the worst form of pauperization and who may subsequently migrate to urban areas to do odd jobs . . . The inerease of landless rural workers is leading to revolution and vagabondage rather than to full eapitalist development . . . the semifeudal eeonomy is bursting at the seams with surplus labor that it eannot employ.” 109. Maaaring ihambing ang historikal na paglalarawan ng manggagawang hinampas (gesehleudert) sa pamilihan na makikita kay Marx sa abstrakto at eksistensyalistang nosyon ni Martin Heidegger ng "pagka-itinapon” (Geworfenheit) ng tao sa daigdig. Tingnan ang Inwood (1999, 218-19). 110. Tingnan din ang Regalado (1997, 299): “Saan naroon ang habag ng isang ‘mayroon' sa nananangis na 'wala’?" 111. Tolentino (1975, 161): “Sila ay may tainga, ngunit hindi marunong duminig; sila’y may mga mata, ngunit hindi marunong tumingin: ang salapi ay talagang bingi at bulag pa.” At Francisco (1997a, 23): “isang katawa-tawang karupukan ng loob ang pag-uukol ng pansin sa mga dukha.” Batungbakal (1997): "magandang puso sa pagtingin sa mga dukha" (127); "[wala nang] maririkit na matang marunong lumingap sa anyo ng mga dukha" (157); “Iyang mga mamumuhunan ay kulang na kulang sa pagtingin sa mga manggagawa” (182; akin ang diin). Ang suliranin lamang sa ganitong mga konsepto nina Tolentino at Batungbakal ay nakalagay sa antas na interpersonal, samakatwid sa antas na moral at hindi umaabot sa pag-unawa ng pagkabulag at pagkabinging ito bilang mga katangiang sistemiko sa kapitalistang lipunan at di lamang katangian ng mga "manhid” na indibidwal. 112. Tolentino (1975, 215): "Oh mga maginool Ang inyong matitigas na puso ay siyang tunay na kuta ng kalulua ng bohong na si Malthus, iyong hangal na teologong nagwika ng ang mahirap daw ay kalabisan sa balat ng lupa" (akin ang diin). 113. Posadas (1980, 81): "ang makina, pag nasisira, ginagastusan ng kumpanya upang makumpuni. Samantalang tayo, kung mamatay o magkasakit sa katatrabaho dito’y basta na lamang inaalis at pinapalitan ng ibang trabahador. Marami yatang nakapila sa labas at naghihintay ng uaeaney}" Regalado (1997, 129): "Naalaala ko ang sinasabing ‘halaga ng pawis!’ at sa pagkakaalaalang ito’y natingnan ko tuloy ang aking katawan: Ah! Malusog, malakas! Datapwat wala namang mapaggawan. Sinasabing marami raw mga Pilipino ang tamad, hampas-lupa, tamad, ngunit wala akong mapasukan! Puno ng mga manggagawa ang mga pagawaan.”

M g a T a l a | 187

114. Parang napakalayo ng itinumbas ni Santos sa "ley de demanda y de la oferta" bilang "tuntunin ng paglakas o paghina” sa kanyang salin sa akda ni Kautsky (1935, 46) na mula marahil sa naunang salin sa Kastila. Paano nga naman maging "paglakas” at "paghina” ang “demanda” at "oferta” sa kalagayang parehong maaaring “lumakas” at "humina” ang dalawang ito (kahilingan at katugunan) sa loob ng pamilihan? 115. Crisanto Evangelista, "Ang ‘Paggawa’ at ‘Puhunan’ sa Ilalim ng Pamamaraang Kapitalista,” Tinig-Manggagawa, Mayo 1, 1930. 116. Ronquillo (1910, 42-43): "'Yumaong hanapbuhay’, ay ang ibig kong tukuyi’y yaong pinagkakakitaang ano mang gawain, na kahit napalitan man o hindi ng ibang paghahanap, ay nagkaroon na ng kaganapan susog sa kasunduan . . . Naupahan ka na? Itong tinanggap mong upang ito ay siyang bunga ng iyong 'yumaong hanapbuhay’, na dapat mong ipagtanggol laban sa kanino mang ibig umupasala.” 117. "Buhay na paggawa” ang termino ni Evangelista. Iba ang nasa Ronquillo (1910, 46): "'kasalukuyang hanapbuhay’ ay malinaw na nag-aangkin ng pakahulugang isang gawi at isang gawaing pinagkakakitaan ng pang-abdong buhay sa panahong tinatawid." 118. Regalado (1997, 247): "Mangangalakal ng pawis, mamumuhunan ng pagod, magbabatak ng buto.” 119. Tingnan din ang Hemandez (1982, 363):"Isang korporasyong magpapairal ng hustisya sosyal.” 120. Mahusay ang paglalarawan ni Dominador B. Mirasol sa ideyang ito sa kanyang maikling kwentong "Makina.” Lumalawak/lumalaki ang puhunan habang pumapayat at namamatay sa gutom ang lakas-paggawang lumilikha nito. Nasa Mga Agos sa Disyerto (Abueg et al. 1993, 101): "Payat na payat na nga siya, nasa isip niya. Marahil, hinuthot nang lahat ng gusali ng imprenta ang lakas at dugo niya . . . Tumaas at lumapad ang gusali (dating dadalawangpalapag ngayon ay apat-nang-palapag na gusali), nguni’t umimpis naman at humumpak ang dating malalaman niyang dibdib at mga braso, at nangulubot at nanluwag ang dating hapit-sa-lamang balat niya . . .” Regalado (1997, 42): "Sa malalawak nating lupain ay naglipana na ang mga pag-aari na nasa kapangyarihan ng mga dapo.” 121. Amado (1991, 30): "Ang salapi, sa mga gaya ninyo, ay katumbas ng lahat; salapi ang una, at salapi ang katapus-tapusan; kung walang salapi ay walang ligaya . . . Para sa inyo, ang tao ay dapat tumalikod sa lahat, dapat isatabi ang

l 8 8 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

katungkulan, isalimot ang pag-ibig sa bayan, lahi, matwid, at karangalan, kung ito ay kakailangan upang lumagi sa pagkamasalapi . . . Buhay na walang pinipintuho kundi ang Diyos Salapi—ang buhay na walang hanap kundi ang kagalingan ng sarili, ay isang buhay na mababa, walang halaga, karumaldumair Regalado (1997, 312): "Ang mga buhay ng tao ay nasa dalawang dulo ng timbangan: iba’y tumatawa't iba’y lumuluha: iba’y gumiginhawa at iba’y naghihirap. At, sadyang ganyanl Habang hindi nawawala ang mga salapi, habang hindi napupunit ang mga bandila, habang nahahati ang mga lupa sa bayan at mga bayan sa lahi, at habang hindi kinikilala na ang bayan ng lahat ng tao ay ang sandaigdig, ang buhay ng mga tao ay nasa talarong timbangan ng hirap at ginhawa, ng luha at ngiti.” Regalado (1997, 42): “Ang kagalingan ng lahat? Kaaway siya ng salapi at kayamanan kung ang mga ito'y matitira sa isang tao, lalo pa't gagawing kasangkapan upang ialipusta sa kapwa.” 122. Santos (1970, 549): “na ang mga kayamanang nabibimbin sa kamay ng ilan, ay dapat mapag-ayaw-ayaw at pakinabangan ng lahat.” 123. Tungkol sa papel ng salapi, tingnan ang Maepherson (1979, 204).Tingnan din ang Francisco (1997a, 26): “Kailangang magbalik at makinabang ang aking salapil Hindi natin pinapanaog ang ating salapi upang magpasyal lamangl Pagpanaog ng salapi'y dapat kumita ng kapwa salapi!” 124. Malatesta (1913, 26):“Hose - Ang mga makina! Kung mangyayari'y dapat pa ngang pagsusunugin! Ang mga makina ay siyang sumasalat sa mga bisig at siyang umaagaw sa mga gagawin ng mga dukha . . . Horhe - Datapuwa’t ito'y nangyayari, sa dahilang ang mga makina’y nasa sa kamay pa ng mga ginoo. Kung ang mga makina'y mapasakamay na ng mga manggagawa ay iba naman ang mangyayari: ang mga makina ay siyang pinakamalaking bagay na makapagpapaginhawa sa katauhan.” Tila isinadula ni Lope K. Santos ang usaping ito sa kanyang balagtasang “Ang Manggagawa at ang Makina” (1927) na makikita sa Zafra (1999). Regalado (1997, 117): "Ang pagkasabog ng mga utak ng mga manggagawang tubo rito na napapabangga sa makina ng mga mamumuhunang napasampid lamang sa Pilipinas.” 125. Mas malapit ang “panimulang pag-iipon/akumulasyon” sa orihinal na “urspriingliehe Akkumulation’’ kaysa sa “primitibong akumulasyon” na karaniwang makikita sa mga salin mula sa Ingles. Sa katunayan, kinuha ni Marx ang terminong ito mula sa Ingles nina Adam Smith na "previous aeeumulation” o “original aeeumulation.” Mahirap na kasing maunawaan kung ano ang “primitibo” sa "primitibong akumulasyon.”

M g a T a l a | 189

126. Francisco (1982, 158): "Ang kaligayahan, tulad din ng kabuhayan, ay dapat mapag-ayaw-ayaw! . . . Dahil sa pagkakalagom ng malalaking kayamanan sa kamay ng iilang tao o kaanak, ay di mabilang ang nadadayukdok na mga tao at kaanak! Ganyan din ang maaaring mangyari sa kaligayahan" (akin ang diin). 127. Santos (1970): "igiba ang matataas, upang mawala na ang kataasan, at matira na lamang ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa uri at pagkakapatas-patas sa pamumuhay” (178); ". . . na ang mga tao’y dapat magkapantay-pantay sa uri; na ang mga kayamanang nabibimbin sa kamay ng ilan, ay dapat mapag-ayaw-ayaw at pakinabangan ng lahat; na ang mga pinuno’y tagaganap lamang ng kalooban ng bayan" (549). Aguilar (1986, 299): “. . . aking ninanais na ipagkakapantay-pantay ng madla at iguguho ng masasamang palakad sa mga baya't kapisanan.” Regalado (1997, 41):"Ang lahat ng tao ay ibig na magkapantay-pantay. Walang mayaman at walang mahirap, marunong at mangmang ay dapat na magtamo ng lahat ng karapatang biyaya ng tao sa kanyang pagkatao, maging sa harap ng kautusan, maging sa harap ng pamahalaan at maging sa harap ng alinmang kapisanan." 128. Gayundin, pinuna ni Faustino Aguilar ang paghahalintulad sa “likas" na pagkakaiba ng kasarian sa pagkakaiba-iba ng mga uring panlipunan. (Kung talagang susuriin pa nga ang dalawang nobela nina Santos at Aguilar, makikita ang higit na maunlad at progresibong "peministang” pananaw sa panig ni Aguilar kaysa kay Santos.) Binatikos ang pangangatwirang bunga ng sariling paghihirap ang pagkakaroon ng malaking kayamanan. Binatikos din ang institusyon ng "mana” na makikita sa Manifesto ng Partido Komunista ni Marx at maging sa mga sulatin nina Proudhon at Bakunin. Sa kabila nito'y hindi itinuturing ni Marx ang pagbubuwag sa “mana” bilang pangunahing simulain ng kilusang manggagawa tulad ng mga Bakuninista. Binatikos ang pangangatwirang Biblikal na parusa sa tao ang paggawa at paghihirap. Tinuligsa ang mga pangangatwiran ukol sa tadhana at "talaga ng Diyos.” Mapapansin pa nga na napakahalagang tema sa panahong ito ang "talaga ng Diyos.” Jacinto: "Kung lahat ng mangyayari ay talaga ng Diyos, ang nagnanakaw at pumapatay sa kapwa ay hindi dapat parusahan." Makikita ang parehong diwa ng pangangatwiran sa Lope K. Santos, Hindi Talaga ngDiyos (1913). 129. Regalado (1997, 240): "Ang mga hari-harian, ang mga ‘mapapalad,’ ang mga ‘malalakas,’ ay nangapapasa ligaya, nagkakaroon, nananagana samantalang ang mga kulang-palad, ang mga api, ang mahihina ay nangalungkot, nangawalan, nangagutom, nangauhaw, napagnakawan.”

190 | P O O K A T P A N IN IN D I G A N

130. Malatesta (1913): “Totoo ngang kailangan na ang lahat ng magagawa o bungang pawis ng mga tao’y maukol para sa lahat; datapuwa’t upang maganap ang bagay na ito'y wala nang kailangang pilitin pa ang sino man, sapagka’t ang tunay na ring adhika sa ikatutubos ang siyang makapaguudyok sa mga tao ng gawaing panglahat. Sa pamamagitan ng mga pagaari’t paggawang panglahat ay lubhang mapapaayos tayo kay sa gumawa ng magisa, lalo na’t kung isasaalangalang natin ang naibibigay na tulong ng mga bagong tuklas na makina, ay lumalabas na ang mga paggawang pagiisa o pamumukuran ay lubhang napakahirap at walang saysay” (25-26). At "magtipontipon sa isang kapisanan upang masubok ang gawaing panglahat, na ang magiging bunga nito'y babahaginin sa lahat ng pataspatas” (31). 131. Sa sosyalismo ilalagay "ang buhay ng tao sa ibabaw ng ari-arian” (Hemandez 1982, 42). Tolentino (1975, 150): "Sasapit ang araw na ang lahat ng bagay sa balat ng lupa ay masisiayos sa kahinusayan sukat; ang kapatid ay kikilala sa kapatid; ang mga pag-aari ay kakalat sa madla, at kakamtan ng isa’t isa ang biyayang sukat sa kani-kanilang pinagpawisan.” Diumano, ang komunismo nama’y gagabayan ng simulaing, "Ibigay ng bawa't isa ang kanyang makakayanan, ibigay sa bawa’t isa ang kanyang kailangan!” (Evangelista) o “Jeder naeh seinen Fahigkeiten, jedem naeh seinen Bedurhaissenl” (Marx). 132. Hindi dahil magkaibang salitang-ugat ang "matwid/katwiran” at "reason” ay masasabi nang "walang kinalaman ang ‘razon’ ng Kastila sa katuwiran o matwid ng Pilipino” tulad ng ipinahayag ni Salazar sa kanyang sanaysay na "Ang K.artilya ni Emilio Jacinto sa Agos ng Kasaysayan” (1999). Kung sa usapin lamang ng pagkakaiba ng "salitang-ugat," isinalin halimbawa sa Aleman noon pang ika-18 dantaon ang Lating “ratio” bilang "Vernunft.” Nagmula ang "Vemunft” ("kakayahang mangatwiran”) sa pandiwang "vemehmen” ("tingnan, pakinggan, suriin, alamin"). Dahil sa pagbabagong-pangwika ay nahiwalay na ang "Vemunft” sa "vemehmen.” Talagang naiiba ito sa mga Alemang salitanghiram na “rasonieren” (mula sa Pranses na "raison”) at "rational" (mulang Latin) ngunit ang "Vemunft” ay may masalimuot na pagkakapareho’t pagkakaiba sa "reason" ng Kaliwanagang Ingles, Pranses, o Espanyol at hindi ganap na masasabing "walang kaugnayan” doon dahil lamang sa pagkakaiba ng mga salitang-ugat. Tingnan ang entring “Reason and Understanding" sa Inwood (1992). 133. May mga bahagi sa kaisipan ni Santos na hiniram mula sa pagpapanahong tatluhan ("maka-Bathala, maka-bayani, maka-sangkatauhan”) ni Giambattista Vico (1668-1744) mula sa kanyang Scienza Nuoua (1744) at sa iskema ng "rebolusyon at ebolusyon” ng akdang "Evolution and Revolution” (1891) ng

M g a T a l a | 19 1

anarkistang heograpo na si Elisee Reelus (1830-1905). Naging popular ang Italianong pilosopo na si Vico sa mga sosyalistang Pranses sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanyang iskema ng mga Saint-Simonista at nang lumaon ng paggamit din ng anarko-sindikalistang Georges Sorel (1847-1922) dito. May talababa pa nga si Marx sa kanyang Das Kapital na pumupuri kay Vico. Matutuklasan din kay Santos ang malaorganismikong, mala-Hegelianong konsepto ng pagsilang at pagpanaw ng mga dakilang sibilisasyon. Kaugnay ng ganitong mga pagtatangka ni Santos ang ginawang paglalapat ni Hermenegildo Cruz sa balangkas pangkasaysayan na hinalaw ni Engels kay Henry Lewis Morgan (sa El origen de la familia, la propiedad priuada y el Estado/ Der Ursprung der Familie, des Privateigentums und des Staats) sa pre-istorya ng Pilipinas. Tingnan ang Cruz (1906, 196-99). 134. Regalado (1997, 64): "Hindi ito lamang ang araw, ang panahon ay mahaba; sa likod ng ligaya ay kapighatian at pagkatapos ng mga luha ay luwalhati; magpatuloy kal Darating ang araw ng pagsisingilan at ang lahat ay magigiba at maguguho." 135. Basahin ang pagtakwil ni Santos sa sosyalismo at komunismo sa kanyang "Huling-Kabit na Kasaysayan ng Danaagat Sikat" (1970, a-p). 136. Sanggunian ang “ehapter 2” na may angkop na pamagat na "Revolutionary Excesses”sa Hau (2004). 137. Sa buong Banaag at Sikat ay hindi pa makikita ang pariralang “tunggalian ng mga uri” ngunit makikita na ang “labanan” sa pagitan ng mga ”uri” sa dulang Bagong Kristo ni Tolentino: "Sasapit sa madaling panahon, sapilitang magkakaroon ng mahigpit na labanan ang puhunan at ang kasipagan ng mga Obrero. Dahil sa bagay na ito ay kailangang sila’y turuan sapol pa ngayon. Ang kanilang pagkakaanib-anib ay siyang lakas na ilalaban sa may puhunan kung sumapit na ang araw ng sakuna” (Tolentino 1975, 161). Mahirap nga lang maintindihan kung bakit ang "kasipagan” ng mga obrero ang makakalaban ng puhunan. 138. Tolentino (1975, 218): "Nagkadalawang baak [ang lipunan], na ang isa’y pawang mga poon, at ang isa nama’y pawang mga alila.” 139. Dagdag pa sa Tolentino (1975, 152): "Ang kayamanang na sa supot ng mga maginoo ay bungang pawis ng mga taong bayan.” Ginamit rin ni Tolentino ang termino nina Bonifacio na "Haring Bayan,” “Malapit nang dumating ang tunay na may-ari ng mundo, maririnig na ang yabag ng kaniyang paa, at siya ang maghahari. Ang haring iyan ay dili iba kung di ang Haring Bayan” (216).

1 9 2 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

140. Francisco (1982, 106): "Lubhang mapanganib ang pagpapatuloy ng anomang sistema sa pagsasamahan ng tao na maaaring maging dahilan ng di pagkakaunawaan ng mga mamamayan. Habang nakapag-aanyong hari ang mga maylupa sa bisa ng tenaney system ay patuloy at lalong madaling maibubunsod ng mga mang-uupat ang mga magbubukid na hangaring agawin ang paghahari sa pamamagitan ng iniaaral nilang dietatorship of the proletariatY’ 141. Tingnan ang Francisco (1997a, 2): "Umalon ng bahagya ang dibdib, at pinatigas ang dalawang bisig. Ngunit . . . saglit lamang iyon . . . Nanaig din ang katutubong kahinahunan, ang likas na pagkamaginoo, at ang di maiwaksing kagandahang-asal na naitaling mahigpit sa kapakumbabaang likha ng maraming kasawian at pagkabigong dinanas niya sa buhay” (11). Makikita ang ganito ring mga kaisipan hinggil sa etika ng mga Balagtasista sa Inigo Ed. Regalado, Benigno Ramos, at Julian Cruz Balmaseda, "Kahapon, Ngayon at Bukas,” Sampagita, 20 Agosto-17 Disyembre 1926, nasa Zafra (1995). Higit na pilosopikal ito kaysa sa pagtatalo nina Hernandez at Batute kung kaya’t masasabi pa nga ng Lakandiwang si Lope K. Santos na "lalabas ang tatlong di lamang poeta kundi pilosopo.” Mayamang batis din ng etikang ito ang Jose Corazon de Jesus at Amado V. Hernandez, "Balagtasan sa Lumang Usapin.” Unang lumabas nang buo sa Mabuhay Extra, 11 Abril 1939. 142. Tolentino (1975, 148): "Dapat sanang tayong lahat ay magmahalang parang tunay na magkapatid, at magdamayan sa lahat ng hirap at kaginhawahan . . . Ngunit hindi gayon ang nangyayari. Sinasarili ng mga maginoo ang kaginhawahan at itinira sa madla ang lahat ng hirap.” 143. Tolentino (1975): "kung ang mahihirap ay magkaroon ng isang layon, iisang kalooban at iisang pagmamalasakit, ay alin kaya ang lakas ng kayamanang makapagsisinkaw sa madla sa pagkabusabos?” (19); “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang pagkakatimawa ng bayang obrero ay na sa pagkakaisang-loob at pagkakaisang-layon ng lahat din ng obrero sa sanglibutan” (151). Tingnan ang Hernandez (1982, 296-97): “Panahon nang ang baya'y kumawala sa matutulis na kuko ng dambuhalang 'yan> magpisan sa isang malakas na kabuuan, at iwagayway ang kanyang sariling bandila na patungo sa katubusan ng bayang api.” 144. Crisanto Evangelista, "Ang ‘Paggawa’ at ang ‘Puhunan’ sa Ilalim ng Pamamaraang Malakapitalista," sa Tinig-Manggagawa, Mayo 1, 1930: “[Ang] pagkakaibayo ng kilusang manggagawa sa dalawang pakpak; sa pakpak na kanan, o dilaw at reaksiyonaryo, at sa pakpak na kaliwa, o pula at mapanghimagsik .. . Samantalang ang saligan ni Marx ay nakakatang sa batayan

M g a T a l a | 193

ng ‘paglalabanan ng mga uri’ (elass struggles) na siya naming sinusunod, ang mga kasalungat naman namin ay nanununton sa tuntunin ng 'pagtutulungan ng mga uri' (elass eollaboration)." 145. Batungbakal (1997, 172): “Ang pamahalaan ay kailangang pangasiwaan ng mga dukha, ng mga manggagawa at magkaroon ng pagbabago sa tagapangasiwa.” “Sino sina Crisanto Evangelista, Jacinto Manahan at Capadocia? Ito ang hahawak ng bagong pangasiwaan sakaling ang kanilang simulain ay siyang tangkilikin ng mga dukha at iwasak ang pangasiwaang nasa pamamahala ni Quezon." Kapansin-pansin ang pagkakatulad ng paglalarawan ng mga eskirol sa kwentong “Aklasan” (1935) at sa “taksil sa bayan" sa dulang Kahapon, Ngayon at Bukas (1903) ni Tolentino. Gayumpama’y ang naging paninindigan ni Batungbakal ay anti-komunismo (1997, 340): “Ang kailangan natin ngayon ay maglunsad ng isang kapisanan na liliwanagin sa taumbayan kung bakit ang mga komunista ay di dapat pakinggan. Unang-una sa ngayon, ang gusto niyan ay ang lupa ng mayayaman ang kunin at ibigay nang walang bayad sa kanilang mga kaibigang magsasaka. Hindi maaari ’yan." Panayam ni Rolando B. Tolentino kay Brigido C. Batungbakal (7 Hunyo 1992) na isinama sa koleksyong Pula ang Kulay ng Dugo at iba pang Kwento. 146. Tingnan din ang Francisco (1997a, 161): “Kumislap sa noo ko, sa isip ko, sa diwa ko, sa kaluluwa ko, ang isang banal na bulong budhi na maging tapat ako, hindi sa isang kuhilang panginoon, kundi sa aking mga kauri na malaon nang nagdurusa sa kalupitan at kasakiman ng mga maylupa!” (akin ang diin). 147. Sanggunian ang sumusunod na mga akda: Kris Montanez, Kabanbanuagan, Mga Kwento ng Sonang Gerilya (w.l.: ARMAS/NDF, 1987); Mano de Verdades Posadas, Hulagpos (w.l.: Palimbagang Kubli, 1980); Tatang (Cesar Hernandez Laeara, 1910-), Sa Tungki ng Ilong ng Kaaway (w.l.: LINANG, 1988); Levy Balgos dela Cruz, Bukal ng Tubig at Apoy (w.l.: LINANG/Mainstream, 1989); Carlos Humberto, Sebyo (w.L: LINANG/Mainstream, 1990); Ruth Firmeza, Gera (w.L: LINANG/Mainstream, 1991); STR (Sa Tagumpay ng Rebolusyon), Mga Tula ng Rebolusyong Pilipino (w.L: LINANG/Mainstream, 1989); Gelaeio Guillermo, pat., Muog: Ang Naratibo ng Kanayunan sa Matagalang Digtnang Bayan sa Pilipinas (Lungsod Quezon: UP Press at IPASA, 1998); Gleey Atienza, Bienvenido Lumbera, at Galileo Zafra, mga pat., Bangon: Antolohiya ng mga Dulang Mapanghimagsik (Lungsod Quezon: UP Office of Researeh Coordination, 1998). Para sa panunuri ng panitikan ng pambansang demokrasya, sanggunian ang Kris Montanez, The New Mass Art and Literature 1974-87 (Lungsod Quezon: Kalikasan Press, 1988); Gelaeio Guillermo, Ang

1 9 4 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

Panitikan ng Pambansang Demokrasya (Lungsod Quezon: Kalikasan Press, 1990); at "Pangmasang panunuri sa progresibong panitikan/’ dokumento sa kongreso ng pagtatatag ng Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA), Disyembre 18-19, 1971. Inilimbag, kasama ang dokumentong "Ang Sining Biswal” ng Nagkakaisang Progresibong Artista-Arkitekto (NPAA) (Konsehong Tagapag-ugnay ng Rebolusyonaryong Sining [KONTRES], 1972), bilang Rebolusyonaryong Panunuring Masa sa Sining at Panitikan (Lungsod Quezon: Kalikasan Press, 1992). 148. Orisanto Evangelista, A-B-K ng Anakpawis: Unang Bahagi (Maynila: K.P., 1932). Sinulat ni Evangelista sa kanyang panimula ng A-B-K na kinailangan niyang sulatin ang akdang ito sapagkat "wala pa tayong mga babasahing ukol sa mga bagay na ito na nasusulat sa ating sariling wika, o kung mayroon man, ang mga nasusulat na iyan ay mga bahagi lamang. Hindi nalilimi ng lubusan sa isang kaparaanang sapul at malawak” Orisanto Evangelista, “Ang ‘Paggawa' at ‘Puhunan' sa Ilalim ng Pamamaraang Kapitalista” (Tinig-Manggagawa, 1 Mayo 1930); Orisanto Evangelista, "Ang Dalawang Daigdig: Daigdig ng Kapitalismo at Daigdig ng Sosyalismo” (Pagkakaisa, 1 Mayo 1932) Gabay sa Tunay na Unyonismo (Lungsod Quezon: Eeumenieal Institute for Labor Edueation and Researeh ine. [EILER], 1995); Kilusang Mayo Uno (KMU) atbp., Busabos sa Pahirap, Ibayong Lumalabati Para sa Kalayaan (w.l.: w. p., 1999). 149. Tingnan ang kumprehensibong introduksyon ni Gelaeio Guillermo sa Muog: Ang Naratibo ttg Kanayunan sa Matagalang Digmang Bayan sa Pilipinas (xix-lix) at ang kanyang sanaysay na "Party Poliey in Revolutionary Literature” sa Doble (2006, 59-96). 150. Gealogo (1994, 16-17): "Mahigit nang isang dekada simula nang magamit ang loob at labas bilang pangunahing dalumat na makapagpapaliwanag sa katauhang Pilipino, ang pagkabuo ng mga pag-aaral ukol sa 'taong-labas’ bilang isang pormal na konsepto na gagabay sa pagsusuri ng mga nakikibaka ay hindi pa halos nagsisimula.” 151. Gealogo (1995, 130): "Ang kawalang-kakayahan ng kolonyal na sistema na gupuin at kontrolin ang mga taong labas ay nagpapakita hindi lamang ng relatibong kahinaan ng kapangyarihang kolonyal, kundi ang higit na mahalagang relatibong kalakasan ng mga taong labas na mamuhay sa labas ng kolonyal na sistema.” 152. Salazar (1997e, 24): "Maaaring tagurian ang ‘real’ bilang isang pinalawak na komunidad ng mga tulisan. Ibig sabihin, ang mga Anak ng Bayan ay

M g a T a l a | 195

nagmimistulang mga tulisan na humihiwalay ngunit may kaugnayan pa sa mga pueblo; ngunit mas marami sila at ang ilihan (na kadalasan ay may mga kuweba rin, tulad ng sa tulisan) ay magiging base ng pag-atake sa mga pueblo na pumapaligid sa bawat bundok na kinaroroonan ng ilihan o real." 153. Guerrero (1979, 230-231): “[Kahibangan] kung nagkanlong ang sentral na pamunuan sa isang makitid na purok, kung ikinonsentra nitong lahat ang limitadong tauhan at pagsisikap ng Partido roon at bunga nito’y inakit ang kaaway na magkonsentra ng pwersa niya sa isang pulong lubhang maunlad ang komunikasyon . . . Ipinakikita ng mapait nating karanasan na ang labis na pagkakalat ng ating mga iskuwad gerilya sa maling pag-asang saklawin ang mas malawak na purok o atupagin ang napakaraming estratehikong lugar nang magkakasabay ay humahantong sa mababaw na gawaing pampulitika at kapaha-pahamak sa ating mga iskuwad. Sa ilang iskuwad, kailangang magkaroon ng ilang sentro ng grabidad o ng tipunan maging sa pansamantalang pag-urong o sa isang konsentradong operasyon laban sa kaaway. Kasabay nito, huwag nating kaligtaan kailanman ang pangangailangang maging makilos, na kadalasa’y humihinging maglipat-lipat ng gayong sentro."

M g a Sa n g g u n ia n

Abinales, Patrieio N. 2000. Saving Philippine studies abroad. UP Porum 1, no. 12 (Nov.-Dec). Abueg, Efren R., Edgardo M. Reyes, Eduardo Bautista Reyes, Rogelio L. Ordonez, at Rogelio R. Sikat. 1993. Mga agos sa disyerto. Ikatlong edisyon. Lungsod Maynila: Solar Publishing Corp. Agoneillo, Teodoro A. 1956. The revolt of the masses. Lungsod Quezon: UP Press. Aguilar, Faustino. 1911. Nangalunod sa katihan. Lungsod Maynila: Cultura Filipina. --------. 1986 [ 1907]. Pinaglahuan. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Alejo, Albert. 1990. Tao po, tuloyl Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Almario, Virgilio S. 1993. Panitikan ng rebolusyon(g 1896). Lungsod ng Maynila: Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Amado, Ismael A. 1991 [1909]. Bulalakawngpag-asa. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. Arguilla, Manuel E. 1940. How my hrother Leon brought home a wife, and other stories. Manila: Philippine Book Guild, 1940. Aspillera, Paraluman S., pat. 1972. Talambuhay ni Lope K. Santos. w.l.: Capitol Publishing House, ine.

197

198 | P O O K A T P A N IN IN D I G A N

Atal, Yogesh. 1990. The eall for indigenization. Nasa Indigenous psyehology: A book of readings, ed.Virgilio G. Enriquez. Lungsod Quezon: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino. Atienza, Gleey, Bienvenido Lumbera, at Galileo Zafra, mga pat. 1998. Bangon: Antolohiya ng mga dulang mapanghimagsik. Lungsod Quczon: UP Office of Researeh Coordination. Atienza, Monieo M. 1992. Kilusang pambansa-demokratiko sa wika. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino UP. Batungbakal, Brigido C. 1997. Pula angkulay ngdugo at iba pangkwento. Lungsod Maynila: De La Salle University Press. Bautista, Violeta V., at Rogelia Pe-Pua. 1991. Pilipinolohiya: Kasaysayan, pilosopiya at pananaliksik. Lungsod ng Maynila: Kalikasan Press. Bender, Karl-Heinz. 1977. Reuolutionen: Die Entstehung des politisehen Revolutionsbegriffes in Frankreich iwisehen Mittelalter und Aufkldrung. Miinehen: Fink. Bloeh, Ernst. 1968. Weltveranderung oder die elfThesen von Marx iiber Feuerbach. Nasa Ernst Bloeh, Uber Karl Marx. Frankfurt am Main: Suhrkamp. Braudel, Femand. 1973.Time, history and the soeial seienees. Nasa The uarieties of history: Prom Voltaire to the present, ed. Fritz Stern. New York: Vintage Books. Calleja, Godofredo. 1986. Hand to hand (Mga buwaya sa paligid). Lungsod Quezon: Kalikasan Press. Cervo, Norlito Ison. 1982. Another bok at Tagalog. Lungsod Quezon: Manlapaz Pub. Constantino, Pamela C., at Monieo M. Atienza, mga pat. 1996. Mga piling diskurso sa wika at lipunan. Lungsod Quezon: UP Press. Constantino, Renato. 1978. Neoeobnial identity and eounter-eonseiousness: Essays on eultural deeobnisation. Merlin Press: London. --------. 1997. Ang bagong lumipas. Lungsod Quezon: UP Press. Covar, Prospero. 1998. Kaalamang bayang dalumat ng pagkataong Pilipino. Nasa Prospero Covar, Larangan: Seminal essays on Philippine eulture. Maynila: NCCA, 1998. ------- . 1998. Larangan: Seminal essays on Philippine eulture. Maynila: NCCA. Cruz, Hermenegildo. 1906. Kung sino ang kumatha ng 'Tbrante": Kasaysayan ng buhay ni Francisco Baltzar at pag-uubt nang kanyang karununga’t kadakilaan. Lungsod Maynila: Libreria Manila Filatelico. --------. 1922. Kartilyang makabayan. Lungsod Maynila: w.p. Dalisay, Jose. 1999. Killing time in a warm pbee. Lungsod Pasig: Anvil. De los Reyes, Isabelo. 1971. The Katipunan: Origin and development. Nasa The Philippine insurreetion against the United States, ed. John R.M.Taylor.Tomo 3. Lungsod Pasay: w.p.

M g a S a n g g u n i a n I 199

De Mesa, Jose M. 1987. In Solidarity with the eulture: Studies in theologieal rerooting. Lungsod Quezon: Maryhill Sehool of Theology. De Morga, Antonio. 1890. Sueesos de las Islas Rlipinas. Edisyong may anotasyon ni Jose Rizal. Paris: Libreria de Gamier Hermanos. Dejillas, Leopoldo. 1994. Trade union hehamor in the Philippines 1946-1990. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Del Rosario, Gonsalo. 1973. Si Balagtas at angsimulain nglahatangpagkamaugnayin. Lungsod Maynila: Surian ng Wikang Pambansa. Dela Cruz, Juan. 2005. Book of Pinoy facts and reeords. Mandaluyong: National Bookstore. Dela Cruz, Levy Balgos. 1989. Bukal ng tubig at apoy. w.l.: LINANG/ Mainstream. Deleuze, Gilles. 2002. Nietzsche und die Philosophie. Hamburg: Europaisehe Verlagsanstalt. Deseombes, Vincent. 1982. Modem Preneh phibsophy. Cambridge: Cambridge University Press. Diokno, Ma. Serena. 1997. Philippine nationalist historiography and the ehallenge of new paradigms. Diliman Reuiew 45 (2-3). Dussel, Enrique. 1988. Ethies and eommunity. Salin mula Espanyol ng Etiea Comunitaria ni Robert R. Barr. Kent: Bums & Oates. --------. 1989. Philosophie der Befreiung. Hamburg: Argument Verlag. --------. 1990. El Ultimo Marx (1863-1882) y La Liberadon de Latinoamerieana. Mexico: Siglo Veintiuno Editores. Eeumenieal Institute for Labor Edueation and Researeh ine. (EILER). 1995. Gabay sa tunay na unyonismo. Lungsod Quezon: EILER. Enriquez, Virgilio G. 1989. Sikolohiyang Pilipino: Perspektibo at direksyon. Nasa Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo at gamit, pat. Rogelia Pe-Pua. Lungsod Quezon: UP Press. --------. 1994a. From eolonial to liberation psyehology. Lungsod Maynila: De La Salle University Press. --------. 1994b. Pagbabarigong dangal: Indigetwus psyehology and eultural empowerment. Lungsod Quezon: PUGAD Lawin Press. --------. 1994c. Pagbabangong-dangal: indigetwus psyehology and eultural empowerment. Quezon City: Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino. --------. 1996. Pagbubuo ng terminolohiya sa sikolohiyang Pilipino. Nasa Readings in Philippine soeiolinguisties, pat. Ma. Lourdes S. Bautista. Lungsod Maynila: De La Salle University Press. Enriquez, Virgilio G., pat. 1990. Indigenous psyehology: A book of readings. Lungsod Quezon: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino.

2 0 0 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

Eugenio, Damiana L., pat. 1992. Philippine folk literature: The prouerbs. Quezon City: U.P. Folklorists. --------. pat. 1994. Philippine folk literature: The riddles. Quezon City: University of the Philippines Press. Evangelista, Crisanto. 1930. Ang “paggawa" at ang "puhunan” sa ilalim ng pamamaraang malakapitalista. Tinig-Manggagawa, Mayo 1. --------. 1932a. A-B-K nganakpawis: Unang bahagi. Lungsod Maynila: K.P. --------. 1932b. Ang dalawang daigdig: Daigdig ng kapitalismo at daigdig ng sosyalismo. Pagkakaisa, Mayo 1. --------. 1932c. Ang dalawang daigdig: Daigdig ng kapitalismo at daigdig ng sosyalismo. Pagkakaisa, Mayo 1. Ferriols, Roque J. 1992. Mga sinaunang Griyego. Lungsod Quezon: ORP. --------. 1994. Pambungad sa metapisika. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Firmeza, Ruth. 1991. Gera. w.l.: LINANG/Mainstream. Fores-Ganzon, tagasalin. 1967. La solidaridad. Tomo II. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. Francisco, Lazaro. 1982. Maganda pa ang daigdig. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. --------. 1995. Daluyong. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. --------. 1997a. Ama. Lungsod Quezon: UP Press. --------. 1997b. llaw sa hilaga. Lungsod Quezon: UP Press. Freire, Paulo. 1984. A pedagogy of the oppressed. New York: Continuum. Frobenius, Leo. 1973. Leo Frobenius 1873-1973: An anthology. Wiesbaden: Franz Steiner Verlag. Gallardo, Myra, at Elsie Ramos. 1997. Kasaysayan ng kasaysayan bilang disiplina sa Pilipinas. Nasa Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan, pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. Lungsod Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. Gealogo, Francis. 1994. Hermeneutika ng pakikipagtunggali: Ang pagpapakahulugan sa diskurso ng pakikibakang panlipunan. Nasa Ang kilusang masa sa kasaysayang Pilipino (1900-1992), pat. Jaime Veneracion. Philippine Sodal Sdenees Reuiew, January-December. Lungsod Quezon: CSSP-UP. --------. 1995. Ang mga taong labas, ang kabayanihan, at ang diskurso ng kapangyarihan at kasaysayan. Nasa Mga ideya at estilo: Komposisyong pangkolehiyo sa wikarig Filipino, pat. Lilia Quindoza-Santiago. Lungsod Quezon: UP Press. Griewank, Karl. 1992. Der neuzeitliche Revolutionsbegriff: Entstehung und Entwieklung. Hamburg: Europ. Verl.-Anst. Guerrero, Amado. 1968. Rectify errors and rebuild the party. w.l.: w.p.

M g a S a n g g u n i a n | 201

--------. 1971. Philippine soeiety and revolution. w.l.: w.p. --------. 1979. Specific eharaeteristies of people’s war in the Philippines. USA: International Assoeiation of Filipino Patriots. Guevarra, Dante G. 1992. Unyonismo sa Pilipinas. Lungsod Maynila: Polyteehnie University of the Philippines. Guillermo, Aliee G. 1995. Mga istratehiyang ideolohikal sa katutubong tradisyon. Nasa Mga ideya at estilo: Kotnposisyong pangkolehiyo sa wikang Filipino, pat. Lilia Quindoza-Santiago. Lungsod Quezon: UP Press. Guillermo, Gelaeio. 1990. Ang panitikan ng pambansang demokrasya. Lungsod Quezon: Kalikasan Press. --------. 2006. Party poliey in revolutionary literature. Nasa Kadiliman: The Philippine Gollegian anthology of eritieal and ereatiue writing, ed. Jaime Doble. Lungsod Quezon: Philippine Collegian. Guillermo, Gelaeio, pat. 1998. Muog: Ang naratibo ng kanayunan sa matagalang digmang bayan sa Pilipinas. Lungsod Quezon: UP Press at IPASA. Guillermo, Ramon G. 2008.Toward a Filipino-language Philippine studies project. Philippine Studies 56 (4): 467-74. ------- . 2009. Notes on Zeus Salazar’s Filipino translation of the Gommunist Manifesto. Marxism in The Philippines, ed. Third World Studies Center. Lungsod Quezon:Third World Studies Center. Hau, Caroline S. 2000. The "eultural” and “linguistie" tums in Philippine seholarship. Papel na binasa sa Intemational Conference on “Ruptures and Departures: Language and Culture in Southeast Asia.” UP Faculty Center, Diliman, January 19-22. ------- . 2001. Neeessary fictiotis: Philippine literature and the nation 1946-1980. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. --------. 2004. On the subject of the nation: Filipino writings frotn the margitis 1981 to 2004. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Haug, Wolfgang Fritz, ed. 1998. Historiseh-kritisehes Wdrterbueh des Mandstnus 4, Fabel bis Gegentnaeht. Hamburg: Argument Verlag. Hernandez, Amado V. 1969. Bayangmalaya. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. ------- . 1982. Mga ibotig mandaragit: Nobelang sosyo-politiko. Lungsod Maynila: M&L Lieudeine Enterprises. Hernandez, Jose M., at Simeon del Rosario. 1956. The revolt of the tnasses: The story behind Agondllo’s slory of Andres Bonifacio. Lungsod Maynila: w.p. Hollnsteiner, Mary Raeelis. 1964. Reeiproeity in the lowland Philippines. Nasa Four readings on Philippine values, ed. Frank Lyneh. 2nd revised ed. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press.

2 0 2 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

Hountoundji, Paulin. 1996. African philosophy: Myth Sd reality. Bloomington: Indiana University Press. Humberto, Carlos. 1990. Sebyo. w.l.: LINANG/Mainstream. Hunt, E. K. 1983. Property and prophets. New York: Harper & Row Publishers. Hyman, Riehard. 1990. Industrial relations: A Marxist introduetion. Hong Kong: Maemillan. Inwood, Miehael. 1992. A Plegel dietionary. Cambridge, Massaehusetts: Blaekwell Publishers. --------. 1999. A Heidegger dietionary. Oxford: Blaekwell. Javier, Mariano. 1960. A study of the life and works of Lope K. Santos with speeial reference to Danaagat Sikat. MA thesis, Unibersidad ng Pilipinas. Joaquin, Niek. 1988. Culture and history. Manila: Solar Publishing Corp. Jocano, F. Landa. 1992. Issues and ehallenges in Filipino ualues formation. Lungsod Quezon: Punlad Researeh House. Kautsky, Karl. 1935. Ang pagtatanggol ng mga manggagawa at ang pag-aaraw na walongoras. Lungsod Maynila: Mabuhay. Kilusang Mayo Uno (KMU). 1999. Busabos sa pahirap, ibayonglumalaban parasa kalayaan. w.l.: w. p. Kropotkin, Peter. 1995. The conquest of bread and other writings. Cambridge: Cambridge University Press. Labiea, Georges. 1998. Karl Marx: Thesen iiber Feuerbach. Hamburg: Argument Verlag. Landieho, Domingo. 2001. Diskurso sa Pilipinismo: Pagsilang ng inang bayan. Lungsod Quezon: Unibersidad ng Pilipinas. --------. 2007. Pandayan sa pagpapantas. Tanod: Diyaryo ng Bayan, Oktubre 15. Levtonova, Yulia. 1977. Sulat sa patnugot mula sa isang istoryadorang Rusa. Nasa Kasaysayan, I (Nob.), pat. Zeus A. Salazar. Lim, Kim Hui. 2002. Budi as the Malay Mind. Disertasyon, Unibersidad ng Hamburg. Llanes, Ferdinand M. 1994. A new national perspective in Filipino historiography. Papel na binasa sa Intemational Workshop on Historiography and National History sa Universiti Brunei Darussalam, Setyembre 18-22. Lukaes, Georg. 1968. Gesehiehte und Klassenbewufltsein. Berlin: Hermann Luehterhand Verlag. --------. 1973. Der junge hlegel. Tomo 2. Frankfurt am Main: Suhrkamp Tasehenbiieher. Maceda,Teresita Gimenez. 1996. Mga tinig mula sa ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipiiias at Partido Sosialista ng Pilipinas. Quezon City: UP Press at UP Center for Integrative and Development Studies.

M g a S a n g g u n i a n | 203

Maepherson, C.B. 1979. The politieal theory of possessiue indiindualism: Hobbes to Loeke. London: Oxford University Press. Malatesta, Errieo. 1913. Dalawang magbubukid (Entre eampesinos). Salin ni "KabisangTales” (Arturo Soriano). Lungsod Maynila: LimbagangTagumpay. Mareos, Ferdinand E. 1973. The intemal revolution. Nasa Ferdinand E. Mareos, Notes on the new soeiety of the Philippines. Lungsod Maynila: National Media Produetion Center. --------. 1975. Tadhana outline. w.l.: w.p. ------- . 1976a. Tadhana: A history of the Filipino people. Tomo 1. w. 1.: w.p. --------. 1976b. Tadhana: A history of the Rlipino people. Tomo 2. Bahagi 1. w.l.: w .p.

--------. 1983. An ideology for Pilipinos. Lungsod Maynila:The Mareos Foundation, ine. Marx, Karl. 1959. Thesen iiber Feuerbach. Nasa Marx-Engels Werke 3. Berlin: Dietz Verlag. --------. 1964. The eeonomie & philosophie manuseripts of 1844. New York: International Publishers. --------. 1974. Grundrisse der Kritik der politisehen Okonomie [Rohentwurf) 18571858. Berlin: Dietz Verlag. --------. 1979. Kritik des Gothaer Programmentwurfs.Nasa Karl Marx at Friedrich Engels, Ausgewahlte Werke in seehs Beinden. Tomo IV. Berlin: Dietz Verlag. --------. 1982. The pouerty of philosophy. New York: Intemational Publishers. ------- . 1988a. Das Kapital. Kritik der politisehen Okonomie.Tomo I. Berlin: Dietz Verlag. --------. 1988b. Unang manuskrito: Alyenadong paggawa ni Karl Marx. Salin nina Jose J. Magadia at Victor C. de Jesus. Nasa Pilosopiya ng tao: llang piniling babasahin, pat. Antonette Palma-Angeles atbp. Lungsod Quezon: Pamantasang Ateneo de Manila. --------. 1992. Zur Kritik der Nationalokonomie. Nasa Karl Marx: Fruhschriften, ed. Iring Fetscher. Berlin. ------- . 1998. ad Feuerbach. Nasa Marx-Engels Gesamtausgabe 4.3. Berlin: Akademie Verlag. Marx, Karl, at Friedrich Engels. 1953. Die Deutsehe Ideologie. Stuttgart: Verlag das neue Wort. ------- . 1957a. Die Deutsehe Ideobgie. Tomo 3. Berlin: Dietz Verlag. --------. 1957b. Die heilige Familie oder Kritik der kritisehen Kritik. Nasa Karl Marx &? Eriedrieh Engels Werke. Tomo 2. Berlin: Dietz Verlag. ------- . 2000. Manifesto ng Partido Komunista. Salin sa Filipino mula Aleman ni Zeus A. Salazar. Lungsod Quezon: Bagong Kasaysayan.

2 0 4 | P O O K A T P A N IN IN D I G A N

Mendoza, Lily L. 2000. Nuaneing the diseourse on anti-essentialism: A eritieal genealogy of Philippine experiments in national identity formation. Nasa Between law and eulture: The identities erisis in soeio-legal seholarship, ed. L. C. Bower, D.T. Goldberg, and M. Musheno. Minnesota: University of Minnesota Press. --------. 2002. Between the homeland and the diaspora: The polities of theoriiing Pilipino and Filipino Ameriean identities. New York: Routledge. Mereado, Leonardo. 1975. Elements of Filipino theology. Lungsod ng Taeloban: Divine Word University Publieations. --------. 1977. Applied Filipino philosophy. Lungsod ng Taeioban: Divine Word University Publieations. --------. 1994. The Pilipino mind. Washington D.C.: The Council for Researeh in Values. Mojares, Resil. 1983. The origin and rise of the Tilipino nouel. Lungsod Quezon: UP Press. Montanez, Kris. 1987. Kabanbanuagan: Mga kwento ng sonang gerilya. w.l.: ARMAS/NDF. --------. 1988. The new mass art and literature 1974-87. Lungsod Quezon: Kalikasan Press. Navarro, Atoy, at Raymund Abejo. 1998. Wika, panitikan, sining at himagsikan. Lungsod Quezon: LIKAS. Navarro, Atoy, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, mga pat. 1997. Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan. Lungsod Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. Nemenzo, Francisco. 1984a. An irrepressible revolution:The deeline and resurgenee of the Philippine Communist Movement. --------. 1984b. The millenarian-populist aspeets of Filipino Marxism. Nasa Marxism in the Philippines: Marx eentennial leetures, ed. Randolf David. Lungsod Quezon:Third World Studies Center. --------. 1992. Questioning Marx, critiquing Marxism. Kasarinlan: A Philippine Quarterly ofThird World Studies 8 (2). Nietzsche, Friedrich. 1988. Zur Genealogie der Moral. Eine Streitschrift. Stuttgart: Reelam. Oeampo, Ambeth R. 1995. Talking history: Gonuersations with Teodoro Agondllo. Lungsod Maynila: De La Salle University Press. Paluga, Myfel Joseph. 2008. Mga tala at tanong sa [di-buong) pag-aagham-tao. Di-nailathalang sanaysay. Panganiban, JoseVilla. 1972. Diksyunaryo-tesauro Pilipino-Ingles. Lungsod Quezon: Manlapaz Publishing Co. Pehalosa, Carmen, pat. 2000. Ilatig babasahin sa pantayong pananaw. w.l.: w.p.

M g a S a n g g u n i a n I 205

Peregrino, Jovy M. 2007. Nang hindi ituring ang paniniwala bilang fakt dahil hindi sumapat ang panukat at obserbasyon sa lalim ng pag-unawa na nangangailangan ng danas. Hindi inilathalang papel. Posadas, Mano de Verdades. 1980. Hulagpos. w.l.: Palimbagang Kubli. Pramoedya Ananta Toer. 1981. Anak semua bangsa. Jakarta: Hasta Mitra. --------. 1991. Child of all nations. Salin ni Max Lane sa Ingles. New York: Penguin Books. Quindoza-Santiago, Lilia. 1997. Sa ngalan ngina: Sandaangtaon ngtulang/eminista sa Pilipinas, 1889-1989. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. Raehum, Ilan. 1999. “Reuolution": The entranee of a new word into westem politieal diseourse. Lanham: Univ. Press of Ameriea. Ramos, Jesus Fer., Ligaya Tiamson-Rubin, at Naney C. Sena, mga pat. w.p. Kalipunan ng mga sinulat ni Dr. Jose P. Rizal. w.l.: w.p. Rebolusyonaryong panunuring masa sa sining at panitikan. Lungsod Quezon: Kalikasan Press, 1992. Regalado, Inigo Ed. 1997 [1909]. Madaling araw. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Reif, Adelbert. 1972. Intenhews. Hamburg: Hoffmann und Campe Verlag. Relova, Rogelio N., at Anselmo S. Cabigan. 1973. Mga simulain sa maugnaying Pilipino: Isang aklat-aralan sa aghimuing (Teehnieal) Pilipino. w.l.: GMS Publishing. Renan, Emest. 1990. Qu'est-ce qu’une nation? (What is a nation? [1882]). Salin mula sa Pranses ni Martin Thom. Nasa Nation and narration, ed. Homi Bhabha. London: Routledge. Reyes, Franco Vera. 1932. Bagong Kristo. Lungsod Maynila: National Publishing Company. Reyes, Portia. 2002. Pantayong pananaw and bagong kasaysayan in the new Filipino historiography: A history of Filipino historiography as an history of ideas. PhD dissertation, Universitat Bremen. Reyes, Soledad S. 1982. Nobelang Tagalog 1905-1975: Tradisyon at modemismo. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Ribas, Pedro. 1981. La introdueeion del marxismo en Esparia. Madrid: Ed. de la Torre. Rizal, Jose. 1990 [1891 ]. El filibusterismo. Lungsod Maynila: Instituto Naeional de Historia. Ronquillo, Carlos. 1910. Bagong buhay o ang mga katutubong karapatan tig mga manggagawa sa harap ng wagas tia matwid. Maynila: Limbagang Tagumpay. Runes, IldefonsoT. 1967. The red ehapter. The Matiila Ghroniele, February 13.

206 | P O O K A T P A N IN T N D IG A N

Ryle, Gilbert. 1963. The Goneept of Mitid. Middlesex, Harmondsworth: Penguin Books. Salazar, Zeus A. 1965. Malraux et la Revolte de L’Asie. Philippine Sodal Sdenees Reinew 30 (2). ------- . 1968a. Footnote to Dr. Francisco’s notes on Tavera. Asian Studies 6 (3): 431-44. --------. 1968b. Le eoneept AC + ‘anitu’ dans le monde austronesien: Vers l’etude comparative des religions ethniques austronesiennes. [Ang konseptong ‘anito’ sa daigdig ng Austronesyano: Tungo sa mapaghambing na pag-aaral ng mga etnikog relihiyong Austronesyano]. PhD dissertation, Universite de Paris. ------- . 1972. Ukol sa wika at kulturang Pilipino. Mga bagong Pananaw sa Wika, Literatura at Kultura: Dyomal ng Masaklaw na Edukasyon, XXVIII-XXIV. ------- . 1973. Panunuring-aklat ng Yulia Levtonova, Istoriya Obshehestuennois Mysli na Filippinakh (utoraya polouina XIX v.). Kasaysayan ng Panlipunang Kaisipan sa Pilipinas. Ikalawang Hati ng ika-19 na dt. Moskva: Izdatel’stvo. Nasa Ang Kasaysayan: Diwa at lawak, pat. Zeus A. Salazar. Lungsod Quezon: UP Press. --------. 1974. Ang pagpapasa-kasaysayang Pilipino sa nakaraang pre-lspaniko. Nasa Ang kasaysayan: Diwa at laivak, pat. Zeus A. Salazar. Lungsod Quezon: UP Press. --------. 1975. The barangay in the present perspective. Pamana, Deeember 19, 1975, 5-9. --------. 1981. Wika at diwa: Isang pansikolingguwistikang analisis sa halimbawa ng konsepto ng hiya. Nasa Ulat ng Ikalabiridalawang Seminar sa Sikobhiya ng Wika, pat. Susan Cipres-Ortega. Lungsod Quezon: National Computer Center. ------- . 1983. A legaey of the propaganda: The tripartite view of Philippine history. Nasa The ethnie dimension, ed. Zeus A. Salazar. Cologne: Caritasverband. ------- . 1989. Ilang batayan para sa sikolohiyang Pilipino. Nasa Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo at gamit, pat. Rogelia Pe-Pua. Lungsod Quezon: UP Press. ------- . 1990. KabihasnangAsyano: Isangpangkasaysayang introduksyon. Lungsod Quezon: Cacho Publishing House. --------. 1992. Ang historiograpiya ng tadhana: Isang malayang paggunita-panayam. Nasa Paksa, paraan at pananaw sa kasaysayan, pat. Ma. Bernadette L. Abrera at Dedina A. Lapar. Lungsod Quezon: UP Departamento ng Kasaysayan. -------- . 1993. Kasaysayan ng Pilipinas: Isangbalangkas (ea. 250,000 B.K. - 1992). Lungsod Quezon: UP Diliman Departamento ng Kasaysayan. -------- . 1994a. Agosto 29-30, 1896: Ang pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila. Lungsod Quezon: Miranda Bookstore.

M g a S a n g g u n i a n I 207

— . 1994b. Pagsasakatutubo ng teorya: Posible ba o hindi? Di-limbag na panayam, Hulyo 6. — . 1995a. Ang Babaylan sa kasaysayan ng Pilipinas. Bagong Kasaysayan 4. — . 1995b. Kahulugan, pakahulugan at katotohanang pangkasaysayan: Ang Sto. Nino sa harap ng Manaoag Mandaya, Badhala ng Bikol at Likha o Ladawan ng Katagalugan. Di-limbag na papel. — . 1995c. Katitikan ng klase sa Kasaysayan 210, Setyembre 14. — . 1996. Ang babaylan sa kasaysayan ng Pilipinas. Nasa Women's role in Philippine history: Seleeted essays. Lungsod Quezon: UP Press at University Center for Women's Studies. — . 1997a. Ang limang panahon ng pamumunong bayan sa kasaysayan ng Pilipinas. Nasa Lider: Pamumunong bayan, karanasan, katanungan at kinabukasan. Lungsod Quezon: Edueation for Life Foundation. — . 1997b. Ang pagtuturo ng kasaysayan sa Pilipino. Nasa Pantayongpananaw: Ugat at kabuluhan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. Lungsod Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. — . 1997c. Ang pantayong pananaw bilang diskursong pangkabihasnan. Nasa Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. Lungsod Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. — . 1997d. Ang pantayong pananaw sa agham panlipunan: Historiograpiya. Nasa Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. Lungsod Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. — . 1997e. Ang real ni Bonifacio bilang teknikang militar sa kasaysayan ng Pilipinas. Bagong Kasaysayan 1. — . 1997f. Pantayong pananaw: Isang paliwanag. Nasa Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. Lungsod Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. — . 1997g. Pantayong pananaw: Kasaysayang pampook, pambayan at pambansa. Nasa Pantayong pananaw: Ugat at kabuluhan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. Lungsod Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan. — . 1997h. Si Andres Bonifacio at ang kabayanihang Pilipino. Nasa Bagong Kasaysayan 2. — . 1998a. Fiir eine Gesamtgesehiehte des Malaiiseh-Philippinisehindonesisehen Kulturraums. Nasa The Malayan Gonneetion, ed. Zeus A. Salazar. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi.

2 0 8 | P O O K A T P A N IN IN D IG A N

-------. 1998b. L’importanee de l’horizon philippin dans les etudes indonesiennes. Nasa The Malayan eonneetion, ed. Zeus A. Salazar. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi. ------- . 1998c. Pour un domaine Philippino-Est-Indonesien de reeherehe. Nasa The Malayan eonneetion, ed. Zeus A. Salazar. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi. ------- . 1998d. The Malayan eonneetion. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi. ------- . 1998e. The matter with inAuenee: Our Asian linguistie ties. Nasa The Malayan eonneetion, ed. Zeus A. Salazar. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi. ------- . 1998f. Wika at historiograpiya: Ang pag-aaral ng kasaysayan tungo sa pagbubuo ng bansa. The Arehiue, Publieation 14, 201-14. --------. 1998g. Wika ng himagsikan, lengguwahe ng rebolusyon: Mga suliranin ng pagpapakahulugan sa pagbubuo ng bansa. Bagong Kasaysayan 8. --------. 1999. Ang kartilya ni Emilio Jacinto sa agos ng kasaysayan. Bagong Kasaysayan 5. --------. 2000. Bagong balangkas ng kasaysayan ng Pilipinas. Lungsod Quezon: Palimbagang Kalawakan. --------. 2005. Pangulong Erap: Biograpiyang sosyopulitikal at pangkalinangan ni Joseph Ejercito Estrada. Tomo 1: Pinunong bayan: Tungo sa hamon ng EDSA II. Lungsod Maynila: RPG Foundation ine. Salazar, Zeus A., pat. 1977. Kasaysayan I (Nob.). --------. ed. 1983. The ethnie dimension. Cologne: Caritasverband. Samson, Laura. 1990. The polities of understanding Philippine eulture. Nasa Indigenous psyehology: A book of readings, ed. Virgilio G. Enriquez. Lungsod Quezon: Akademya ng Sikolohiyang Pilipino. San Juan, Epifanio. 1971. The radieal tradition in Philippine literature. Lungsod Quezon: Manlapaz Publishing Co. --------. 1993. Kartilya ng panunuring panlipunan. Salin ng"Theses on Feuerbach” ni Karl Marx. Nasa Epifanio San Juan, Pakikibaka tungo sa mapagpalayang kultura. Manila: Kalikasan Press. Santos, Jose, pat. 1935. Buhay at mga sinulat ni Emilio Jacinto. w.l.: w.p. Santos, Lope K. 1913. Hindi talaga ng Diyos. Lungsod ng Maynila: Limbagan at Litograpiya ni Juan Fajardo. --------. 1970 [1906]. Banaag at sikat. Lungsod Quezon: Manlapaz Publishing Co. Santos, Vito C. Si Lope K. Santos, bilang tao at bilang manunulat sa kanyang Banaag at sikat: Isang pasubali sa isang pasubali. Nasa Talambuhay ni Lope K. Santos, pat. Paraluman S. Aspillera. w.l.: Capitol Publishing House, ine.

M g a S a n g g u n i a n | 209

Sartre, Jean-Paul. 1992. Beingand nothingness.A phenomenologieal essay on ontology. Salin ni Hazel Bames. New York: Washington Square Press. --------. 2001. Preface to The wretehed of the earth. Nasa Jean-Paul Sartre, Golonialism and neoeolonialism. London: Routledge. Sehaeht, Riehard. 1970. Alienation. New York: Doubleday & Company, ine. Seheler, Max. 1961. Ressentiment. Salin ni William Holdheim ng Das Ressentiment im Aufbau der Moralen. New York: The Free Press. --------. 2004. Das Ressentiment im Aufbau der Moralen. Frankfurt am Main: Vittorio Klostermann. Sehumaeher John N. 1991. Propagandists’ reeonstruetion of the Philippine past. Nasa John N. Sehumaeher, The Makingof a nation. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Seott, James C. 1976. The moral eeonomy of the peasant: Rebellion and subsistenee in Southeast Asia. New Haven and London: Yale University Press. Sempio, Antonio. 1939. Nayong manggagawa. w.l.: w.p. Simmel, Georg. 1908. Exkurs iiber den Adel. Nasa Georg Simmel, Soziobgie, Untersuehungen iiber die Forrnen der Vergesellschaftung. Berlin: Duneker & Humblot. Sison, Jose Ma. 1966. Ang nasyonalismo at ang kilusang manggagawa. Manila: Union de Impresores de Filipinas. --------. 1972. Slruggle for national demoeraey. Lungsod Maynila: Amado V. Hernandez Foundation. Sison, Jose Ma., at Juliet De Lima Sison. 1998. Philippine eeonomy and polities. w.l.: Aklat ng Bayan Publishing House. Smith, Anthony D. 1994.The polities of eulture: Ethnieity and nationalism. Nasa Oompanion eneyelopedia of anthropology, ed.Tim Ingold. London: Routledge. Sta. Maria, Madeleine. 1993. Die Indigenisierungskrise in den Sozialwissenschaften und der Versuch einer Resolution in Sikolohiyang Pilipino. PhD dissertation, Universitat Koln. STR (Sa Tagumpay ng Rebolusyon): Mga Tula ng rebolusyong Pilipitw. 1989. w.L: LINANG/Mainstream. Talaadhikaan ng M.A.N.: Ang demokratikong Pilipinong ulnong. 1969. w.L: Malaya Books ine. Tatang (Gesar Hemandez Laeara). 1988. Sa tungki ng ilong ng kaaway. w.L: LINANG, Teodoro, Noel. 1982a. Alienation and struggle in radieal Philippine literature: 1907-1934. Philippine Sodal Sdenees and Humanities Reinew 46 (3-4). --------. 1982b.The radieal tradition in the Philippines: A historieo-literary survey, 1864-1941. MA thesis, Unibersidad ng Pilipinas.

2 1 0 | P O O K A T P A N IN IN D I G A N

Tiongson, Nieanor G. (pat.). 1994. CCP eneyelopedia of Philippine art. Tomo IX (Philippine Literature). Lungsod Maynila: Cultural Center of the Philippines. Tolentino, Aurelio. 1975. Bagong Kristo: Drama soeialista. Nasa Aurelio Tolentino: Seleeted writings. Lungsod Quezon: UP Library. Torres, Ma. Luisa F. 1982. Ang panunuring pampanitikan hinggil sa nobelang Tagalog (1905-1941). MA tesis, Unibersidad ng Pilipinas. Torres-Yu, Rosario (pat.). 1986. Amado V Hemandez, Tudla at tudling: Katipunan ng mga nalathalang tula, 1921-1970. Lungsod Quezon: Unibersidad ng Pilipinas. Toynbee, Amold. 1978. A study of history. Vol.l. New York: Dell Publishing Co. Tria-Kerkvliet, Melinda. 1982. Mutual aid and Manila unions. Wiseonsin Papers on Southeast Asia Blg. 7. -------- . 1992. Manila workers' unions, 1900-1950. Lungsod Quezon: New Day Publishers. Veneracion, Jaime B. 1977. Panunuring-aklat ng Tadhana. Nasa Kasaysayan l, Nobyembre, ed. Zeus A. Salazar. -------- . 1993. Ang historiograpiyang Pilipino sa gitna ng mga pagbabagong panglipunan, 1950-1986. Nasa Pagbabaliksa bayati:Mga lekturasa kasaysayan ng historiograpiya at pagkabansang Pilipino, pat. Ferdinand C. Llanes. Lungsod Quezon: Rex Bookstore. Villanueva, Antonio F. 1980. Si Lope K. Santos, lider ng mga manggagawa. Nasa Mga sanaysay sa alaala ni Lope K. Santos sa kanyang ika-100 taon. Lungsod Maynila: Surian ng Wikang Pambansa. Zaffa, Galileo S. 1995. Ang kasaysayan at retorika ng balagtasan (1924-1941). Tomo 2. MA tesis, Unibersidad ng Pilipinas. -------- . 1999. Balagtasan: Kasaysayan at antolohiya. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press. Zaide, Gregorio, at Sonia Zaide. 2002. Kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas. Lungsod Quezon: All Nations Publishing Co. ine.

A n g M ay - a k d a

Si Ramon Guillermo ay kasalukuyang Katuwang na Propesor sa D epartam ento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) sa Kolehiyo ng A rte at Literatura (KAL), Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. Aktibo siyang miyembro ng Congress of Teaehers and Edueators for Nationalism and Demoeraey (CONTEND).