749 115 7MB
Tagalog Pages [400] Year 2014
3
0RWKHU7RQJXH%DVHG 0XOWLOLQJXDO(GXFDWLRQ .DJDPLWDQQJ0DJDDUDO Yunit 1
$QJ DNODW QD LWR D\ PDJNDWXZDQJ QD LQLKDQGD DW VLQXUL QJ PJD HGXNDGRUPXODVDPJDSXEOLNRDWSULEDGRQJSDDUDODQNROHKL\RDWR XQLEHUVLGDG +LQLKLND\DW QDPLQ DQJ PJD JXUR DW LEDQJ QDVD ODUDQJDQ QJ HGXNDV\RQ QD PDJHPDLO QJ NDQLODQJ SXQD DW PXQJNDKL VD .DJDZDUDQQJ(GXNDV\RQVDDFWLRQ#GHSHGJRYSK Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-971-9601-95-1 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Mga Manunulat: Nelia D. Bamba Florita R. Matic Franlyn R. Corporal Arabella May Z. Soniega
Lilibeth A. Magtang Irene T. Pilapil Gretel Laura M. Cadiong Grace U. Rabelas
Claire B. Barcelona Raquel C. Solis Florinda Dimansala Victoria D. Mangaser
Konsultant at Editor: Felicitas E. Pado, PhD Rosalina J. Villaneza, PhD Editha Macayaon Mga Tagasalin: Enelyn T. Badillo, Fe V. Monzon, at Agnes G. Rolle (Lead Person) Tagaguhit: Reynaldo A. Simple Mga Tagapamahala: Marilette R. Almayda, PhD at Marilyn D. Dimaano, EdD
Inilimbag ni Inilimbag ni ___________________________ Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., Complex, Meralco Avenue, Pasig City,Mabini Philippines Office Address: 5th Floor, Bldg.,1600 DepEdComplex, Meralco Avenue, Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 Pasig City, Philippines 1600 E-mail Address: [email protected] Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address:
[email protected] ii
Mahal kong mag-aaral, Ang aklat na ito ay makatutulong upang maipahayag ang iyong kaisipan, pananaw, at damdamin tungkol sa iyong sarili, pamilya, kaibigan, tahanan, paaralan, at pamayanan. Makatutulong din ito sa iyong pagbabasa nang may pang-unawa, may mapanuring pag-iisip, at matalinong pagpapasiya. Matututunan mo rin ang pagsulat ng ibaibang uri ng sulatin. Masisiyahan ka na gawin at pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa tahanan, paaralan, at pamayanan gamit ang mga natutuhan mo mula sa aklat na ito. Pakiusap, huwag susulatan ang aklat na ito ng mag-aaral dahil gagamitin pa ito sa susunod na taon. Maaaring gumamit ng papel o kuwaderno sa pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay sa kagamitang ito. Maligayang pag-aaral! May Akda
iii
Talaan ng Nilalaman Yunit 1 Aking Sarili at Aking Pamilya Aralin 1: Ako at Aking Pamilya………………………………………………....2 Aralin 2: Kinawiwilihang Tao at Bagay.……………………………............ .10 Aralin 3: Mga Bagay na Gusto Ko............................................................ 23 Aralin 4: Ang Paborito k ong Hayop at Halaman.................................... 30 Aralin 5: Ako at Aking Kaibigan…………................................................. 42 Aralin 6: Pag-iingat sa Kalikasan…………………………………................ 55 Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin……………………....67 Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya…………...........……….85 Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan…………………………….....102
iv
Yunit 1 Aking Sarili at Aking Pamilya
1
Unang Linggo
Aralin 1: Ako at Aking Pamilya
Sabihin at Alamin
Basahin ang diyalogo. Si Albert naman ako, walong taong gulang din. Tawagin mo naman akong Bert.
Kumusta! Ako si Rosita, walong taong gulang. Tawagin mo na lang akong Rose.
Ano ang pinag-usapan ng dalawang mag-aaral? 2
Kung ikaw ang isa sa dalawang bata, ano pang impormasyon ang iyong maaaring ibigay? Kumuha ng kapareha at kilalanin ang bawat isa sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa inyong sarili. Gawain 1 Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento. Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang talaan tungkol sa kuwentong “Aking Alaga.” Talaan ng Tagpuan
Pamagat ng Kuwento
Saan nangyari ang kuwento
Kailan nangyari ang kuwento
Paano mo mailalaPaano mo mailalarawan rawan ang lugar ang lugar na painagyarihan na pinangyarihan ng kuwento? ng kuwento
Talaan ng Tauhan Pamagat ng Kuwento
S ino ang pangunahing tauhan sa kuwento
M agbigay ng mga katangian ng tauhan sa kuwento.
3
S ino ang pinakagusto Sinosa ang pinakagusto mo mo mga tauhan sa tauhan? Bakit? Bakit
Talaan ng mga Pangyayari Pamagat ng Kuwento
Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa k uwento?
Ano ang naging suliranin ng pangunahing tauhan sa kuwento?
Ano ang naging kalutasan ng suliranin sa kuwento
Tandaan Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang tagpuan, tauhan, at mga pangyayari. Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento. Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento. Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga naging suliranin at kalutasan sa kuwento.
4
Sabihin at Alamin
Gawain 2 Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa kuwentong “Halina sa Bukid.” A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan. Sa pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting? Ano ang nakita ng Tatay Nasaan ang kuting Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit? B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid. Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga tutubi sa paligid? Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga tutubi? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit? Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? Ano ang pangngalan?
Tandaan
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari.
5
Subukin Gawain 3 Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Tukuyin ang uri ng sumusunod na pangngalan at isulat ito sa angkop na kahon. ate aklat
upuan bag
walis tatay
pambura silid-aklatan Tiya Rose
Pangngalan Tao
Lugar
6
Bagay
Basahin at Alamin Basahin ang mga salita sa kuwento nang wasto at may damdamin. Ang Pag-uwi ni Sally ni: Nelia D. Bamba “Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni Nanay. Pumunta na tayo sa terminal ng bus upang salubungin siya. Isasama ko si Tatay at Ben upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni Sally.” “Hindi na ako makapaghintay, Nanay! Pagkatapos ng dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya,” ang sabi ni Ben. “Ano kaya ang pasalubong niya sa akin ” “Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si Sally ” tanong ni Tatay. “Malapit nang lumubog ang araw, hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon sumakay si Sally," nag-aalalang sabi ni Nanay. Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kaniyang luha. “Nanay, huwag kang mag-alala, sigurado akong nasa susunod na bus na si Sally.” “Heto na ang huling bus mula sa lungsod!” wika ng Tatay. “Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally.” Nang bumukas ang pinto, patakbo, at masayang bumaba si Sally at sabay sabing, “Sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!” “Nag-alala kaming lahat sa iyo,” wika ni Tatay. “Halika na, naghihintay na ang paborito mong pagkain sa bahay,” sabi ni Nanay. Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na dala si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at backpack, ” wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.”
7
Isipin Sagutin ang mga tanong. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Sino ang uuwi? Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus? Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya? Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally? Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa? Bakit nag-alala si Nanay Ano ang naramdaman ng pamilya? Isadula. Ano ang naramdaman ni Ben? Isadula.
Lingguhang Pagtataya Gawain 1 Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno kung tao, lugar, o bagay. Gamit ang mga salita mula sa kahon, punan ito ayon sa uri. Isulat kung ang mga ito ay tao, lugar, o bagay. guro tiya
opisina silid-aklatan
1.
lapis sabon tsokolate ina
pambura
8
entablado
Gawain 2 Basahin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang uri ng mga pangngalang may salungguhit at isulat ito sa tamang kahon. a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya ang mga manok. b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso. c. Inutusan sila ng nanay na makipaglaro ng holen sa iyo. d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na mga payong. e. Hindi ko siya mapabangon sa kama. f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang paso.
Pangngalan Isahan
Maramihan
9
Ikalawang Linggo
Aralin 2: Kinawiwilihang Tao at Bagay
Sabihin at Alamin
Gawain 1 Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!” 1. May bagong saranggola si Tatay. May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa bukid. 2. Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang nilagang itlog, tatlong pirasong keso, at dalawang piraso ng bilog na tinapay. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap? Paano sila nagkakaiba? Ano ang isahang pangngalan? Ano ang maramihang pangngalan?
10
Tandaan
Ang pangngalang isahan ay nagbibigay pangalan sa iisang bagay. Ang maramihang pangngalan ay nagbibigay pangalan sa dalawa o higit pang mga bagay.
Subukin Gawain 2 Sipiin ang tsart sa iyong sagutang papel at isulat ang wastong sagot. Pangngalan Isahan
Maramihan
11
Basahin at Alamin Basahin ang kuwento nang wasto, may tamang diin at ekspresyon. Prutas na Makatas ni: Nelia D. Bamba “Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang mga bata sa pagkuha ng kani-kanilang bag. “Uuwi na tayo, Biyernes na rin sa wakas,” ang sabi ng mga bata. “Narito na ba ang lahat?” tanong ni Mang Peping. “Hintay!” ang sabi ni Miguel. “Naiwan ko ang aking lagayan ng tubig, uhaw na uhaw na ako, kailangan kong uminom, napagod ako sa aming praktis ng balibol.” “Wow! Tumingin kayong lahat sa labas! Nakikita ba ninyo ang mga tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada Maraming melon, suha, pinya, at bayabas, mukhang makatas at sariwa,” ang wika ni Marie. “Oo nga, wala ang mga iyan kahapon,” ang sabi ni Miguel. “Panahon ngayon ng anihan,” ang sabi ni Mang Peping. “Ang mga prutas na iyan ay kapipitas lamang ng mga magsasaka sa kanilang bukid.” “Sana ay nakita ni nanay ang mga prutas, sigurado ako, bibili siya,” ang sabi ni Miguel. “Mahilig akong kumain ng mga prutas, mabuti ito sa kalusugan,"” ang sabi niya. “Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na! Tayo nang uminom ng katas ng prutas,” wika ng mga bata. 12
Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap. “Suha, suha, makatas na suha Kainin, katasin tayo ay palulusugin. Melon, melon, makatas na melon Masarap lalo na kung mainit ang panahon Pinya, pinya, makatas na pinya Maasim, matamis talagang masustansiya.
Isipin Sagutin ang tanong. 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus? 3. Bakit nila ginawa ito? Basahin ang pangungusap mula sa “Lipad! Lipad!” 1. Binigyan ng nanay si Marlon ng isang plato na may kanin, itlog, at isang tasa ng sopas. 2. Magdadala si nanay ng mga nasa latang juice at mga piraso ng tinapay. Alin ang mga pangngalan sa pangungusap? Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin? Alin ang mga pangngalan na hindi nabibilang? Alin ang pangngalang pamilang? Alin ang pangngalang di-pamilang? Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang? Ano ang ibig sabihin ng pangngalang di-pamilang? 13
Tandaan
Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang. Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang di-nabibilang.
Sabihin at Alamin Gawain 1 Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na pangkat. ice cream
carrot
saging
sopas
asukal
bayabas
(Pangngalang Pamilang)
14
(Pangngalang Di-pamilang)
Gawain 2 Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon.
a. b. c. d. e. f. g. h. i. j.
bote ng mantika bibingka isang mansanas isang tasang asukal sampung mangga mantekilya isang pirasong saging garapon ng asin isang basong juice tatlong kahel
P a n g n g a l a n
Pangngalang pamilang
Pangngalang di-pamilang
Basahin ang pangyayari mula sa “Makatas na Prutas.” Nalimutan ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan. Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang kunin ang tubigan at makainom. Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento? Bakit nag-alala si Miguel? Ano ang naisip niyang kalutasan? Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag-aalala ng tauhan? Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon?
15
Tandaan Ang suliranin ay kaganapan na dapat lutasin ng mga tauhan sa kuwento. Ang kalutasan ay ang solusyon sa suliranin sa kuwento.
Gawain 3 Pangkatang Gawain Pangkat 1 Basahin at bigyan ng kalutasan ang suliranin. Oras na ng recess. Nalimutan ni Sonia ang kaniyang baon. Kalutasan: ____________________________ Pangkat 2 Suriin ang larawan. Magbigay ng isang suliranin at isang kalutasan.
Suliranin: ______________________________________ Kalutasan: ____________________________________ 16
Pangkat 3 Batay sa iyong karanasan, gumawa ng isang suliranin at bigyan ito ng solusyon. Ang suliranin ay: ______________________________ Ang kalutasan ay: ____________________________
Basahin ang talata mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!” Isang Sabado, magkasamang binaybay nina tatay at Marlon ang taniman ng palay at mabatong daan bago nila narating ang malawak na bahagi ng bukid. Masaya sa pangyayaring iyon si Marlon. Saan nangyari ang kuwento? Kailan ito nangyari? Anong bahagi ng kuwento ang nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento?
Tandaan
Ang pinangyarihan ng kuwento o setting ay: x lugar kung saan nangyari ang kuwento at x ang oras kung kailan nangyari ang kuwento Sinasagot nito ang mga tanong na saan at kailan.
17
Gawain 4 Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Handaan para sa Pasasalamat saan ito nangyari? ____________ a. sa bahay b. sa parke c. sa palengke Kailan ito nagaganap? ____________ a. Araw ng Pasko b. Araw ng mga Kaluluwa c. Araw ng swimming 2. Kuwento tungkol sa mga diwata. Saan ito nangyari ___________ a. paaralan b. palasyo c. zoo Kailan ito naganap? ____________ a. noong unang panahon b. kasalukuyan c. sa darating na panahon 3. Mga katatakutang kuwento. Saan ito nangyari ____________ a. sa handaan b. nakakatakot na bahay c. palasyo Kailan ito nangyari? ____________ a. gabi b. tanghali c. madaling araw
18
Subukin Gawain 5 Punan ng mga titik ang puzzle sa ibaba upang ito ay mabuo. Makinig sa ididiktang salita mula sa kuwentong narinig. Saranggola Bukid Prutas Sabado T atay
p
T
bado tay
p
T s
d
S 18
19
Gawain 6 Isulat ang PP kung ang salita ay Pangngalang Pamilang at DP kung Di-Pamilang. a. isang kutsaritang toyo b. isang boteng suka c. isang labanos d. isang sibuyas e. mga kamatis f. isang bandehadong pansit g. pinya h. isang boteng patis i. mangga j. mantekilya k. isang boteng mantika
Basahin at Alamin Gawain 7 Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo. “Gustong-gusto ko ang lugar na ito,” ang sabi ni Jenny. “Kahanga-hanga ang mga puno. Halika na sa paborito kong puno,” ang sabi ni Joyce. “Hitik sa bunga! Gusto kong makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin.” “Ito ang panungkit, gamitin natin,” sabi ni Jenny. “Isa, dalawa, hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga,” sabi naman ni Joyce. “Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakahahalina sila,” ang sabi ni Jenny. Lumapit siya, ngunit nahulog ang 20
kaniyang isang tsinelas at naanod ito. “Naku! ang tsinelas ko!” sigaw ni Jenny. “Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares na tsinelas sa aking bag,” ang sabi ni Joyce. Talata 1 Ano ang suliranin? _______________________________________ Ano ang kalutasan? _____________________________________ Talata 2 Ano ang suliranin? _______________________________________ Ano ang kalutasan? ______________________________________ Gawain 8 Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang talaan sa ibaba. Pangalan:______________________________________________ Ama: __________________________________________________ Trabaho: _______________________________________________ Ina: ____________________________________________________ Trabaho: _______________________________________________ Tirahan: ________________________________________________ ____________ ___________ _____________ Barangay Bayan Probinsiya
21
Lingguhang Pagtataya Gawain 1 Tukuyin ang uri ng sumusunod na pangngalan. I sulat ang mga ito sa angkop na kahon. 1. isang boteng catsup 2. itlog 3. isang kilong harina 4. karne 5. jelly 6. pipino 7. isang tasang suka 8. mansanas 9. carrot 10. kahel
P a n g n g a l a n
22
Pangngalang Pamilang
Pangngalang Di-pamilang
Ikatlong Linggo
Aralin 3: Mga Bagay na Gus to Ko
Read andat Learn! Sabihin Alamin Basahin ang sumusunod na pangungusap na mula sa teksto. a. Sinimulan ni nanay ang paghuhugas ng plato, kawali, at kaldero. b. Naglagay ng isang basong gatas si Louie sa mesa. Alin ang pangngalang pamilang at di-pamilang sa pangungusap? Aling pangngalan ang maaaring mabilang at hindi mabibilang?
Tandaan
Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang. Ang pangngalang di-pamilang ay ang mga pangngalang di-nabibilang.
23
Gawain 1 Isulat ang mga pangngalan sa angkop na pamagat sa ibaba batay sa uri nito.
mantika tsinelas asin
harina kahel mangga suka kamatis sibuyas
Pangngalang Pamilang
Pangngalang Di-pamilang
24
Gawain 2 Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa sumusunod na pangngalang di-pamilang. Ilagay ito sa patlang. isang basong isang timbang isang kahong
isang platong isang tasang isang kilong
1. ______________ bigas 2. ______________ manok 3. ______________ tubig 4. ______________ kape 5. ______________ pasas
Subukin Gawain 3 Ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga gawain ni Gina pagkatapos niyang umuwi galing sa paaralan. Ilagay ang tamang bilang sa patlang. Ikinuwento ni Gina kay Annie kung ano-ano ang kaniyang ginagawa pagkagaling sa paaralan. ________Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan ang nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan. ________Kapag natapos na niya ang kaniyang mga gawaing-bahay, katabi niya ang kaniyang nanay sa panonood ng paborito nilang palabas sa telebisyon. ________Pagkatapos, kukuhanin niya ang kaniyang mga kuwaderno at gagawa na siya ng takdang-aralin. 25
________Sa huli, hahalik siya sa kaniyang nanay at matutulog na. ________Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad siya sa kusina upang kumain ng meryenda.
Tandaan
Ang mga pangyayari sa isang kuwento ay may tamang pagkakasunod-sunod. Upang maisaayos ang mga pangyayari, makikita ang mga panandang bago, una, sumunod, pagtapos, sa wakas o iba pang salita na makapagsasabi ng pagkakasunod-sunod.
Gawain 4 Hanapin ang mga salitang galing sa tula. Bilugan ang mga ito. b
t
u
n
a
y
l
s
i
A
t
e
w
a
l
o
y
T
m
a
s
a
y
a
a
A
p
a
r
k
r
d
y
y
a
y
t
p
t
y
a
i
e
s
i
d
s
t
k
a
i
b
i
g
a
n
26
Gawain 5 Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na ginagamitan ng sumusunod na pangngalang di-pamilang at ilagay ito sa patlang. isang tasa ng isang garapon ng isang patak ng
sopas
gamot
isang baso ng isang bote ng isang sako ng
isang plato ng isang dakot na
pasas
juice
jam
kanin
27
Gawain 6 Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagkuha ng pagsusulit. Ilagay ang tamang bilang sa patlang. _______ Basahin at unawain ang panuto. _______ Isulat ang pangalan, baitang, at pangkat. _______ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit. _______ Magbalik-aral sa iyong mga sagot. _______ Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit. Gawain 7 Punan ng mga pangngalan ang tsart sa ibaba. Piliin ang sagot mula sa bag sa ibaba.
Pangngalan
mangga
asukal
lapis
cake
mansanas
bigas
asin
mantikilya
mantika
aklat
Pangngalan
Pangngalang Nabibilang
Pangngalang Di-nabibilang 28
Gawain 8 Piliin mula sa talaan ang tandang pangngalang pamilang na ginagamit ng pangngalang nasa larawan. Gamitin ito sa pangungusap at isulat sa sagutang papel.
garapon ng plato ng isang patak na
piraso ng isang basket na bote ng tasa ng baso na puno ng
_____ cake
_____ tubig
_____ cake
_____ kanin
_____ jelly
______ prutas
_____ buhangin
29
Pangungusap 1 ___________________________________ Pangungusap 2 ___________________________________ Pangungusap 3 ___________________________________ Pangungusap 4 ___________________________________ Pangungusap 5 ___________________________________
Ikaapat na Linggo
Aralin 4: Ang Paborito kong Hayop at Halaman
Sabihin at Alamin
Gawain 1 Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1. _______ akong hindi uulan sa aking kaarawan. 2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata. 3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon. 4. _______ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta. 5. _______ si Norman na mananalo siya sa paligsahan.
30
Tandaan
Ang mga salitang umaasa at gusto ay ginagamit upang maipahayag ang iyong nais. Umaasa ang ginagamit kung ang nais ay maaaring mangyari o makatotohanan. Ang salitang gusto ay ginagamit kung ang kaisipang ipinahahayag ay hindi maaaring mangyari o hindi makatotohanan.
31
Gawain 2 Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Isulat kung alin sa mga salitang umaasa at gusto ang angkop na gamitin sa pagpapahayag ng mga larawang ito.
\ umaasa gusto
umaasa gusto
umaasa gusto
umaasa gusto
umaasa gusto
umaasa gusto
32
Sabihin at Alamin Gawain 3 Basahin ang mga pangngalang ginamit sa kuwentong “Papasukin Po Ninyo Ako!” pag-ibig kagalakan takot puno
hardin kapatid panlilinlang pagdaralita
kaligayahan kagandahan palumpong pagsuway
Alin sa mga pangngalan ang nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy? Alin naman ang hindi? Anong uri ng pangngalan ang mga ito?
Tandaan
Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na maaaring mahawakan o makita gamit ang ating limang pandama. Ang di-kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maaaring mahawakan o makita katulad ng katangian o damdamin.
33
Read and Learn! Basahin at Alamin Ano sa palagay mo ang maaaring maibigay ng kuting sa atin? Ano kaya ang nararamdaman ng kuting tuwing mayroon siyang bagong kalaro? Pakinggan ang guro habang binabasa niya ang tula. Pagkatapos, basahin ang tula nang may angkop na bilis, tono, at damdamin.
Ang Kuting na si Pussy ni: Florita R. Matic
Ako ay isang kuting Pussy kung ako’y tawagin Nakatutuwa at napakalambing Sa iyo ay higit sa akin. Ang pagmamahal na dulot ko Nagdadala ng kagalakan sa inyo Ang kalituhan at kalungkutan Ay hindi ko nararamdaman. Pagkasabik at kagalakan Sa puso ko ay nananahan Sa tuwing ako’y nakakikilala Ng bagong mga kasama.
34
Isipin Sagutin ang mga tanong. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula? 3. Masayahin ba ang kuting? Basahin ang saknong sa tula na nagpapahayag nito. 4. Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting? Basahin ito. 5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa nag-aalaga sa kaniya? Ipaliwanag.
Sabihin at Alamin Kaya mo bang sabihin ang salitang ugat ng bawat salita 1. madaya 2. kasama 3. nasabi 4. makulay 5. malungkot Ano-anong panlapi ang idinagdag sa bawat salitang-ugat? Nagbago ba ang kahulugan ng salitang nilagyan ng panlapi? Ano ang panlapi?
35
Tandaan
Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng salitang-ugat tulad ng ma-, na-, pag-, at ka-. Gitlapi ay pantig na idinadagdag sa gitna tulad ng salitang ugat gaya ng um- at in-. Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na idinadagdag sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng an-, at-, at han-.
Subukin Gawain 1 Basahin ang mga salitang ginamit sa tulang “Ang Kuting na si Pussy.” Salungguhitan ang mga panlaping ginamit. pagmamahal kagalakan kalungkutan
kalituhan pagkasabik
36
Sabihin at Alamin Basahin nang malakas ang mga salita. tauhan talata tugma
pinangyarihan saknong tula
pangyayari taludtod kuwento
Paano natin pagbubukud-bukurin ang mga salita? Aling mga salita ang tumutukoy sa isang kuwento? Alin ang tumutukoy sa tula?
Tandaan
Ang kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay naglalaman ng tauhan, pinangyarihan, at pangyayari sa kuwento. Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong ay binubuo ng mga taludtod na may salitang magkakatugma.
37
Gawain 2 Pangkatin at isulat sa loob ang angkop na mga salitang magpapakilala ng kaibahan ng kuwento sa tula.
pangyayari
tugma
tauhan
saknong
talata
pinangyarihan
taludtod
kuwento
tula
Gawain 3 Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol sa iyong alaga. Sagutin ang mga tanong bilang gabay sa pagsulat mo ng tula. 1. Ano ang inaalagaan mo? 2. Ano ang pangalan ng iyong alaga? 3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga? 4. Ano ang mga bagay na sabay ninyong ginagawa ng iyong alaga? 5. Mahal mo ba ang iyong alaga? 38
6. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong alaga? Gawain 4 Bilugan ang mga di-kongkretong pangngalang makikita sa loob ng kahon. pagdamay bayani kamalayan usapan pagkilala
luha telebisyon masaya pagmamahal sulat
isipan kabayanihan kahirapan pagmamalaki paniniwala
Gawain 5 Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. -ka1. ___seryoso___ 2. ___tapang___ 3. ___malay____
-an
-han
-ran
4. usap ____ 5. ____tupa___
39
Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1 Piliin sa kahon at isulat sa kuwaderno ang di-kongretong pangngalan. kapakumbabaan pamilihan pagpapaubaya silid-dalanginan
kamalayan kaunlaran silid-aklatan pinag-aralan
Pagsasanay 2 Punan ng panlapi ang bawat patlang upang mabuo ang salita. Isulat sa sagutang papel. 1. ___ganda___ - loob 2. ___api____ 3. ___mali____ 4. ___malay____ 5. ___siya____
40
Pagsasanay 3 Piliin ang kahulugan ng bawat salita sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel. 1. katapangan a. hindi matapang b. pagiging matapang c. walang tapang 2. katuparan a. natamo ang nais b. hindi natamo ang nais c. hindi natupad ang nais 3. kahirapan a. mayaman b. mahirap c. pagiging mahirap 4. pagkayamot a. hindi naiinip b. pagpapakita ng inip c. naaaliw 5. kalungkutan a. hindi nalulungkot b. walang nadaramang lungkot c. nakakaramdam ng lungkot
41
Ikalimang Linggo
Aralin 5: Ako at Aking Kaibigan
Sabihin at Alamin
Kaya mo bang magbigay ng mga kilalang tao, lugar, at pagdiriwang sa inyong pamayanan?
Sino-sino ang kilalang tao sa inyong lugar? Saang lugar mo ipapasyal ang iyong mga kaibigang dadalaw sa iyo? Sa anong pagdiriwang kilala ang inyong lugar?
42
Tandaan Ang iba’t ibang pamayanan ay may kani-kaniyang kilalang tao, lugar, at pagdiriwang. Igalang natin ang mga ito.
Subukin Gawain 1 Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang tao, lugar, at pagdiriwang sa inyong lugar. Idikit ang larawang inihanda ayon sa tamang bahagi ng katawan . ulo- sikat na tao kamay- kilalang pagdiriwang paa- kilalang lugar
43
Basahin at Alamin Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong “Isang Kahilingan.” Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito. A kagalakan pagkagulat kalungkutan kasigasigan pagkasabik
B
ngiti regalo luha handaan mag-anak
Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang pandama? Anong uri ng pangngalan ito? Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito?
44
Gawain 2 Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na kakatawan sa nakasaad na di-kongretong pangngalan. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Halimbawa: pagmamahal – bulaklak , tsokolate 1. pananampalataya 2. katarungan 3. karunungan 4. kalinangan 5. kaunlaran
-
pamilihan pulis sayaw aklat daan
________ ________ ________ ________ ________
________ ________ ________ ________ ________
silid-dalanginan paaralan gawang-kamay kulungan Bibliya
Tandaan Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitang maaari nating madama samantalang ang di-kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy.
45
Basahin at Alamin May mga kaibigan ka ba? Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan? Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa iyong paligid? Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang kaibigan. Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono, at damdamin. Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante ni: Florita R. Matic
Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan Tunay na taong mapagkakatiwalaan Tulad ng bato, matatag at matibay May lakas at tibay na walang kapantay. Sa sandaling tayo ay naliligaw Mga kaibiga’y nakaagapay Tulad ng isang matuwid na daan Tunay na kaibiga’y di ka bibitawan Totoong kaibiga’y tulad ng kayaman an Gaya ng gintong may kinang na taglay Walang katumbas, di kayang bayaran Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay. Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin Ang halaga nito’y hindi sukat akalain Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin. 46
Isipin Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang katangian na mayroon ang bato na tulad ng isang kaibigan? 2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang daan ay katulad ng isang kaibigan 3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong katangian ang magkatulad ang dalawa 4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian ang magkapareho sa kanila? 5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit? Gawain 3 Basahing muli ang tula. Ano ang ibig sabihin ng tula? Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Basahin at Alamin Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula. 1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na walang kapantay. 2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibiga’y di ka bibitawan.
47
3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning. 4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan. 5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay. Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan ang isang kaibigan? Puwede bang ihambing ang tao sa bagay? Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay? Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay? Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing?
Tandaan
Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng-, at gaya ng-. Halimbawa: sintamis ng kendi tulad ng rosas
48
Subukin Gawain 4 Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap. Halimbawa: Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak. 1. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang makita niya si Leah. 2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin. 3. Singgaan ng balahibo ang papel. 4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat. 5. Tulad ng bituin ang kislap ng kaniyang mga mata. . 6. Lumangoy siyang simbilis ng isda. Gawain 5 Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng pangungusap na may simile o pagtutulad. Isulat ang sagot sa patlang. 1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng ________________________________________________________ 2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa, ay ________________________________________________________ 3. manggagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay, langgam ________________________________________________________ 49
4. isip, ang, kaniyang, singliwanag, ng, ay, araw ______________________________________________________ 5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng ______________________________________________________ 6. ang, palagay, ay, umaagos, tulad, kaniyang, ng, ilog ______________________________________________________
Basahin at Alamin Basahin ang liham. Tingnan kung paano ito isinusulat. 18-B. Chico St. Marulas Valenzuela City Ika-23 ng Hulyo, 2013 Mahal kong Ellaine, Ang aking lola’y magdiriwang ng kaniyang ika-89 na kaarawan sa ika-10 ng Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilang isang sorpresa. Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulat na ito ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Tiyak na matutuwa ang aking lola kung makadadalo ka sa kaniyang kaarawan. Maraming salamat at umaasa akong ika’y darating. Ang iyong kaibigan, Eunice
50
Isipin A. Sagutin ang mga tanong. Sino ang sumulat ng liham? Saan nakatira si Eunice? Kailan niya isinulat ang liham? Kanino niya ipinadala ang liham? Tungkol saan ang liham? B. Paano isinulat ang katawan ng liham? Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po. 1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng liham? 2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa bawat pangungusap? 3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit, at iba pang bantas na ginamit? 4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita? 5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel? Gawain 6 Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata. Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake 1. Painitin muna ang oven sa temperaturang 350 degrees F (175 degrees C). 51
2. Sa isang katamtamang laki ng lalagyan, paghaluin ang mga sangkap ng tatlong minuto gamit ang de-kuryenteng panghalo. 3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin. 4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang oven. 5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan. 6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas, at vanilla nang salit-salit. 7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at lagyan ng icing ang bawat patong.
52
Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1 Tukuyin ang uri ng mga pangngalang nasa loob ng kahon. Isulat ang mga ito sa ilalim ng angkop na pamagat. Di-Kongkretong Pangngalan
tagumpay pagtitiyaga paaralan
medalyang ginto kaalaman kapayapaan
53
Kongkretong Pangngalan
pagmamahal aklat computer watawat
Pagsasanay 2 Buuin ang simile o pagtutulad sa mga pangungusap sa ibaba. Gamitin at isulat sa patlang ang mga salitang nasa loob ng kahon. sindilim ng
sintamis ng
isang anghel isang ilog
isang araw
1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______. 2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi. 3. Tulad ng ________ kung siya ay magsalita. 4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ ng jam. 5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng ______ na nagbibigay liwanag. Pagsasanay 3 Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito ng isda. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata. a. Linisin ang isda. b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta. c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika. d. Iprito ang isda hanggang sa maluto. e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang tumulo ang mantika. f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis. 54
Ikaanim na Linggo
Aralin 6: Pag-iingat sa Kalikasan Sabihin at Alamin May hardin ba kayo sa bahay? Paano mapagkukunan ng pagkain ang hardin? Ano pa ang maidudulot sa atin ng hardin? Bigkasin ang tula. Hardin Ko…Pinggan Ko! ni: Florita R. Matic
Isang araw, sa aking paggising Aking nasilayan pagsikat ng araw Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati Tila isang dalagang mayumi. Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan. Kung ikaw ma’y nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa iyo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin. Ang hardin ko ay aking pinggan Na nagpapalusog sa aking katawan Dahil sa alaga kong anong inam Puno ng pagmamahal na iningatan. 55
Isipin 1. 2. 3. 4. 5.
Tungkol saan ang tula? Sino ang tagapagsalaysay sa tula? Saan iwinangis ang araw? Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kaniyang sarili? Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula?
Subukin Gawain 1 Pagkuha ng pangunahing diwa ng bawat saknong Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung tungkol saan ang saknong. Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.
56
Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Pangunahing Diwa: a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw. b. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita sa kaniyang hardin.
Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan. Pangunahing Diwa: a. Magandang pagmasdan ang mga tanim. b. May mga bituin sa halamanan. c. Higante ang mga halaman.
Kung ikaw may nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin. Pangunahing Diwa: a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin. b. Nagbibigay saya ang aking hardin. c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin.
57
Gawain 2 Gumuhit ng hardin na gusto mo sa iyong kuwaderno.
Basahin at Alamin Read and Learn! Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula. 1. Ako’y isang kalabaw sa bukid. 2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan. 3. Mga higante ang halaman. 4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kay sarap pagmasdan. 5. Ang hardin ko ay aking pinggan. Paano pinaghambing ang mga bagay sa bawat pangungusap? Anong anyo ng pananalita ang ginamit? Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag na metapora o pagwawangis.
Tandaan
Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing- o tulad ng-.
58
Subukin Gawain 3 Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay gumamit ng metapora. ______1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo. ______2. Singgaan ng balahibo ang papel. ______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga modelo. ______4. Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat parang pagong kung siya ay kumilos. ______5. Siya ay bituin sa paningin ng kaniyang ama. Gawain 4 Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon. dilang-anghel dugong-bughaw isang kahig, isang tuka
pusong mamon pusong bato
1. Madaling mawala ang galit ni Bing. Siya ay may _____________________________. 2. Hindi marunong magpatawad si Rene. Mayroon siyang __________________________. 3. May_____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar. 59
4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya ay may__________. 5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho ang magulang niya. Sila ay___________________________________.
Basahin at Alamin Mayroon ka bang talaarawan? Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan? Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa niya araw-araw.
Ako po si Ronel, walong taong gulang. Paghahardin, pangongolekta ng halaman, at pagtatanim ng mga puno ang aking mga paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan. Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay isinusulat ko sa aking talaarawan tuwing gabi pagkatapos kong gawin ang aking takdang-aralin.
60
Lunes, Ika-22 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Dinala kami ng aming guro sa Science na si Bb. Santos sa hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga halaman. Namangha ako sa dami ng mga makukulay na halaman sa aming hardin. Kahanga-hanga ang galing ng aming hardinero sa pag-aalaga ng halaman.
Martes, Ika-23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang hardinero ng aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya sa akin na kinakausap niya ang kaniyang mga tanim sa tuwing siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas sa kaniyang paningin.
Miyerkules, Ika-24 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Habang ako’y pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli si Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin ng aming paaralan. Nagpasalamat ako sa kaniya. Alam niyang mahilig akong magtanim.
61
Huwebes, Ika-25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla. Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag ng araw upang hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga tanim.
Biyernes, Ika-26 ng Hulyo, 2013, ika-7:15 ng gabi Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking hardin. Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mga tuyong dahon. Nakatutuwang pagmasdan ang mga buko ng aking mga halamang namumulaklak.
Sabado, Ika-27 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi Kahit walang pasok, maaga akong gumising upang tumulong sa mga gawain. Pagkatapos kong linisin ang aking silid-tulugan, agad akong pumunta sa aking hardin. Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking mga itinanim.
Linggo, Ika-28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan ang aking hardin. Nakita nila roon ang iba’t ibang namumulaklak na halaman na naging kanlungan ng makukulay na paruparo. Gusto rin ng aking mga kamag-aral na magkaroon ng kanilang sariling hardin!
62
Gawain 5 Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na nagustuhan? Gumuhit ng kuwadro sa sagutang papel at sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol dito.
Gawain 6 Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran. Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat. Sundin ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan. 1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? 2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong ibahagi? 3. Kailan at saan ito nangyari? 4. Ano ang nangyari noong araw na iyon?
63
Isipin Mahilig ka bang magbasa? Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng aklat? Kaya mo bang tukuyin ang lima sa mga bahagi nito Salungguhitan ang mga ito.
pabalat ng aklat
katawan ng aklat
pahinang pang-isports
pamagat
pang-ulong tudling talaan ng nilalaman talaan ng pagpapalimbag
glosari
Tandaan
Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang pabalat ng aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag ng aklat, paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat, talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya.
64
Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1 Pagtambalin ang metapora sa hanay A sa katumbas nito sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. A _____1. tinik sa lalamunan _____2. mabangis na hayop _____3. basang-sisiw _____4. kayod-kabayo _____5. pusong bato
B a. sobrang trabaho b. walang pakiramdam c. masama ang ugali d. problema e. inaapi
Pagsasanay 2 Piliin mula sa talaan sa ibaba ang iba’t ibang bahagi ng aklat. Isulat ang mga ito sa inyong kuwaderno. glosari bibliyograpiya pabalat ng aklat pahinang pang-isports indise o indeks pamagat pahinang pamagat talaan ng nilalaman paunang salita katawan ng aklat talaan ng pagpapalimbag ng aklat
65
Pagsasanay 3 Tukuyin ang pangunahing diwa na ipinapahayag ng bawat talata. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. _____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod. Wala silang bakuran upang pagtaniman ng mga puno ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na magtanim ng gulay tulad ng petsay, kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig. a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay. b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng bakuran. c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit sila’y nakatira sa lungsod. _____2. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa isang proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na “Tayo nang Maglinis.” Araw-araw pagkatapos ng klase, nagwawalis sila sa kalsada. Nagtatanim din sila ng mga puno upang mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala sila na ang pamayanang malinis ay ligtas sa sakit. a. Si Ana at ang iba pang girl scout ay naglilinis ng paligid araw-araw. b. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa proyektong “Tayo nang Maglinis” upang maging ligtas sa sakit ang kanilang pamayanan. c. Nakatutuwang maging girl scout dahil maaari kang sumali sa proyekto ng pamayanan.
66
Ikapitong Linggo
Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin Paunang Pagtataya Lagyan ng tsek (9) ang wastong hanay kung ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. Pangungusap
Sangayon
1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng-, at gaya ng-. 2. Ang tatay ko’y kawangis ng toro kapag nagbubuhat siya ng mabigat na karga. Ito ay halimbawa ng metapora. 3. Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata. 4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o padamdam sa hulihan ng pangungusap. 5. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang buong diwa.
67
Hindi sang ayon
Basahin at Alamin Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan. Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit. Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi.
Ang sanggol ay anghel ng pamilya.
Siya ay gutom na leon kung kumain.
Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang litrato? Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan? Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop na gamitin sa paghahalintulad o pagwawangis? Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang pagkakapareho ng mga bagay? Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad metapora o pagwawangis? Paanong nagkaiba ang simile at metapora?
68
Tandaan Simile at Metapora Ano ang simile? Ano ang metapora? Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-tulad ng- at gaya ng-. Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng-.
Isipin Ilarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora. Isulat ang nabuong pangungusap sa patlang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1.
______________________________________ ______________________________________
69
2.
______________________________________ ______________________________________ ______________________________________
3. ______________________________________
______________________________________ 4. ______________________________________
______________________________________ 5. ______________________________________
Basahin at Alamin Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa kuwentong “Tulad ng Langgam.” a. Nagwawalis ng bakuran si Athena. b. Nagdidilig ng halaman si Brigette. c. Nagbubungkal ng lupa si Rose. 70
d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. e. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim. Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak na pangungusap. Simuno Athena Brigette Rose Kuya Anton Mark Mang Jose
Panaguri nagwawalis ng bakuran nagdidilig ng halaman nagbubungkal ng lupa hinahakot ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono nagbubunot ng damo nilalagyan ng abono ang mga tanim
Ano ang mga bahagi ng pangungusap? Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit? Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan lamang? Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap?
71
Tandaan Ano ang payak na pangungusap? Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang. Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang panaguri.
Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap. Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa ginawa o ikinilos ng simuno. Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang pananong (?), o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap.
72
Subukin Gawain 1 Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
73
Basahin at Alamin Tulad ng Langgam ni: Claire B. Barcelona
“Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila masyadong abala?” tanong ni Brigette. “Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan,” sagot ng kaniyang kuya. Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang tatay. “Athena, Brigette, at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo akong linisin ang ating bakuran,” pakiusap ni Mang Jose sa mga anak. Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya-maya’y naging abala na ang lahat. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan. Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng
74
kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain. Nakangiting pinagmamasdan ng nanay ang kaniyang mga anak. “Para kayong mga langgam na abalang tinatapos ang gawaing bahay,” sambit ng kanilang ina. Sagutin ang mga tanong. Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya? Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samang pagtatrabaho? Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kaniyang mga anak? Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mga bata? Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon ang mga langgam para sa tag-ulan? Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata? Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin? Gawain 2 Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ng iyong pamilya sa mga espesyal na okasyon? Ibahagi ang iyong karanasan sa bawat pangyayaring nakasulat sa kahon, gamit ang payak na pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel. Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.
bakasyon
kaarawan
Pasko
75
pista
Araw ng mga Puso
Sabihin at Alamin Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan. Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain. Ano ang isinasaad sa bawat talata? Ano ang pangunahing diwa ng unang talata Ikalawa Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa pangunahing diwa? Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito? Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat talata? Saan makikita sa talata ang susing pangungusap? Ano ang susing pangungusap? Ano ang pangunahing diwa?
76
Tandaan Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng talata. Lahat ng pangungusap sa talata ay sumusuporta sa susing pangungusap. Ang pangunahing diwa ay naglalaman ng mahalagang impormasyon na nagsasaad ng kabuuang layunin ng bahagi ng teksto.
Gawain 3 Suriin ang tsart at buuin ang kaisipan. Isulat sa sagutang papel ang nawawalang impormasyon sa tsart.
Pamagat ng Kuwento
Pagbabasa ng Diyaryo
libangan
Pag-iipon ng mga larawan pagbabasa ng aklat at diyaryo
77
pagtatanim ng halaman
Basahin at Alamin Basahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo. Tagapagsalita 1: Ang DCBB Balita Ngayon ay magbabalik pagkaraan ng paalalang ito. Joseph:
Mark, saan ka galing?
Mark:
Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako gumawa ng aking takdang aralin at humiram na rin ako ng aklat.
Joseph:
Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang tayo ng computer.
Mark:
Mabuti raw na libangan ang pagbabasa, sabi ni tatay. Halika at ipakikita ko sa iyo ang aking paboritong kuwento dito sa aklat na hiniram ko.
Joseph:
Uy, kay bilis mong nahanap ang pahina ng kuwento!
Mark:
Dahil alam kong lahat ang mga bahagi ng aklat, mabilis kong nakikita ang aking hinahanap.
Joseph:
Siguro, kailangan ko nang sumama sa iyong magbasa.
Mark:
Tama! Nakalilibang ang magbasa at marami kang matututuhan.
78
Tagapagsalita 2: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng AKLAT Foundation at ng istasyong ito. Tungkol saan ang paalala sa radyo? Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyang libangan? Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap ni Mark ng kuwento sa aklat? Gawain 4 Pag-aralan ang mga impormasyon na nakasaad sa talahanayan na nagbibigay ng impormasyon ng iba’t ibang bahagi ng aklat. Bahagi ng Aklat 1. Pabalat ng aklat
Kahulugan nagpapakita ng pamagat ng aklat, may-akda, at gumuhit ng mga larawan
2. Talaan ng nagsasaad kung kailan pagpapalimbag ng aklat inilimbag ang aklat 3. Talaan ng nilalaman
nagpapakita ng paksa, aralin, at pahina kung saan ito mababasa
4. Katawan ng aklat
nilalaman ng aklat
5. Glosari
nagsasaad ng kahulugan ng mga salitang ginamit
Ano-ano ang bahagi ng aklat? Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito? 79
Gawain 5 Itambal ang nilalaman ng hanay A sa bahagi ng aklat na nasa hanay B kung saan ito makikita. Isulat ang letra ng sagot sa isang papel. A
B
1. Landas sa Pagbasa ni Paz M. Belvez
a. talaan ng pagpapalimbag
2. EduResources Publishing, Inc. Visayas Avenue, Quezon City
b. pabalat ng aklat
3. Aralin 1-Mga Tugmang-bayan (Salaysay)………….2
c. glosari
4. malumbay, 24 5. Antonio Basilla, tagapagguhit
d. talaan ng nilalaman
Lingguhang Pagtataya Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng linggong ito. Sagutin nang wasto ang bawat aytem gamit ang inyong sagutang papel. A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong. “Nanay, nasaan po kayo?” tawag ni Mark. Hinanap niya ang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang tao roon. Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ay abala.
80
Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang tatay. Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyo ng bote na lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang nanay ay nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng basura habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na basura. Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong. “Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang lahat para sa ating pista,” sambit ng kanilang Punong Barangay na tuwang-tuwa. “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwahiwalay,” puna ni Mark. 1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento? a. Ang Pista b. Oras ng Maglinis c. Pagtutulungan ng Mag-anak d. Paghahanda sa Pista 2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng binasa a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan. b. Hiniling ng Punong Barangay ang bawat mag-anak na maglinis. c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan. d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging responsable. 3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon sa diwang “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay?” 81
a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan. b. Ang matatanda lamang ang dapat na tumulong sa paghahanda para sa pista. c. Iniutos ng Punong Barangay ang bawat mag-anak na maglinis ng daan. d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang tumutulong sa paghahanda para sa pista. A. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung metapora. _____1. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya nang kumain sila, gabundok na kanin ang naubos. _____2. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang nabasag ang kaniyang paboritong plorera. _____3. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng langit kapag iyong natikman. _____4. Ang nanalo’y isang kabayong hindi patatalo sa karera. B. Basahin ang talata at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel. Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola.
82
1. Alin ang susing pangungusap? a. Umaga ng Sabado. b. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola. c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. 2. Aling pangungusap ang hindi sumusuporta sa pangunahing diwa a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. b. Nag-eensayo naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. 3. Ano ang kaisipang diwa ng talata? a. Ang mga Batang Abala b. Katapusan ng Linggo sa Lolo at Lola c. Kapana-panabik na Araw sa Bukid d. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola 4. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit, at naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kaniyang titingnan? a. indeks o indise b. glosari c. pabalat ng aklat d. talaan ng nilalaman
83
5. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba. Alin sa mga ito ang halimbawa ng payak na pangungusap a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang nanay na magluto ng tanghalian. b. Tatlong makukulay na paruparo sa isang magandang hardin. c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang kaniyang asawang si Joyce. d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kaniyang computer sa paaralan. C. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan nito. Isulat ito sa papel. (13-15)
84
Ikawalong Linggo
Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya Paunang Pagtataya Piliin at isulat sa sagutang papel ang hanay na kakatawan sa iyong pansariling karunungan sa nakasulat na konsepto. Lagyan din ng sagot ang huling dalawang hanay kung alam mo ito.
Konsepto
Alam na Narinig Walang alam ko ko na Ito palatandaan Ito
tambalang pangungusap salitang may iba’t ibang kahulugan nakapagbibigayhinuha sa nararamdaman ng tauhan talaan ng nilalaman
85
Hal
Kahulugan
Basahin at Alamin Tara Na! ni: Florita R. Matic
Ang lahat ng kasama’y abala Ang pakiramdam ay masaya Dahil lahat ay tiyak na sasama Sa lakbay-aral na kay saya Tiyak na magdudulot ng ligaya. Tara na at maglakbay Ingat lang at alalay Sa paanan ng burol Hakbang mo’y ingatan Talampakan ay tatagan. Mga puno sa burol Puno ng sangang madahon Sa tabi naman nito’y May tubo na nakabaon. Doon sa di kalayuan Iyong masisilayan Mga tanim na tubo Tubo na ang ilan Kay sarap tikman. Paso at lapnos ang aming balat Sa init ng araw na matingkad. Dahil sa layo ng aming nilakad Katawang pagod ay agad napaupo Sa tabi ng paso dahil sa hapo.
86
Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pang beses sa rap na binasa? Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso? Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita? Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ng salitang magkapareho ang baybay?
Sabihin at Alamin
Mga Salitang may Iba’t Ibang Kahulugan Pag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ng tsart. Salita puno tubo
paso
Kahulugan tanim o punongmaraming laman kahoy daluyan ng tubig isang uri ng usbong ng halaman pananim na na lalaki pa lamang ginagawang asukal lapnos sa balat dahil lalagyan ng sa init halaman
. .
Ano ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart? Ano ang ibig sabihin ng salitang may iba’t ibang kahulugan? Paano mo malalaman kung ano ang angkop na kahulugan ng salitang may magkaparehong baybay na ginamit sa pangungusap?
87
Tandaan Ang mga salita ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang kahulugan. Ang kahulugan ng mga salita ay nakabatay sa kung paano ito ginamit sa pangungusap.
Isipin Pag-aralan ang bawat larawan at itambal ito sa pangungusap na nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang sagot.
a. Bumili ng bagong saya si Ana. 1.
2.
b. Makikita sa mukha ng mga bata ang saya na kanilang nararamdaman.
3.
c. Malakas ang tunog ng pito.
4.
d. Alam kong isulat ang simbolo ng bilang na pito. 8888
5.
e. Magtanim tayo ng puno.
f. Puno ng kape ang tatlong tasa. 6.
Sabihin at Alamin Pagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng Tauhan Basahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay ang iyong hinuha sa kanilang nararamdaman. Ano ang sinabi?
Ano ang nararamdaman?
Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot.
Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton.
Anton: Madali lang yan. Tutulungan kita. Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.
Sino-sino ang tauhan sa usapan? Ano ang nararamdaman ni Athena? Ano ang iniisip ni Brigette? Ano ang sagot ni Anton? 89
Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mga anak? Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? ni Anton? ni Mang Jose? Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilang usapan. Tauhan Nararamdaman Iniisip Ginawa Usapan Ugali Athena Brigette Anton Mang Jose Ano ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo ay nagsasabi ng hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan?
Tandaan Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Paano mo masasabi kung ano ang nararamdaman ng tauhan sa kuwento? Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap sa kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa, o iniisip.
90
Gawain 1 Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kay Dino. Ito ang araw ng palatuntunan sa paaralan nina Dino. Masaya ang mga magulang, kapatid, at iba pang manonood dahil masasaksihan nila ang talento ng mga mag-aaral. Tinawag na si Dino at siya ay tumugtog. Ang lahat ay nagpalakpakan at nasiyahan sa kaniyang ipinakita. Binati at niyakap siya ng kaniyang kapatid pagkababa niya sa entablado. Nagustuhan ng kaniyang tatay ang napakaganda niyang ipinamalas. Isipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod na damdamin. Paano mo ito nalaman? Damdamin Sitwasyon Ako po si Dino. kinakabahan kawalan ng tiwala sa sarili maiyak-iyak matapang
Ako po si Angela. Ano po ang ugali ko?
91
Ugali
Ginawa at Sinabi ng Tauhan “Hindi ko halos narinig kung kailan ka nagkamali. Lahat ay pumalakpak pagkatapos mong tumugtog.” “Narinig kitang tumugtog. Ang husay mo!” Niyakap niya ang kapatid. “Bakit, Dino ” bulong niya sa kapatid.
Gawain 2 Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan. Sipiin sa inyong sagutang papel. Ako po si _______ ___________. iniisip
ginagawa
sinasabi nararamdaman
pangalan ng tauhan 92
Basahin at Alamin Magandang Ideya ni: Claire B. Barcelona
“Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena,” sambit ni Brigette sa kapatid. “Talaga, paano mo ito nagawa?” tanong ni Athena. “Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong sagutin nang maraming beses pero hindi ko talaga makuha,” sagot ni Brigette sabay lapit sa kaniyang kapatid. Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math. “Ano kaya ang mali sa sagot mo?” nakakunot-noong tanong ni Athena. “Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay Kuya Anton. Isa siyang Math wizard,” giit ni Brigette sa kapatid. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng kanilang Kuya Anton sa Math. “Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong puso,” mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton.
93
Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing “Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.” Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay silang tumungo sa hapag-kainan. Sagutin ang mga tanong. x Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga kapatid? x Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga kapatid? x Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa niya ang kaniyang galing sa Math? x Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong ipagmalaki? x Ibinabahagi mo ba sa iyong pamilya ang iyong talento? Paano? x Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin?
Basahin at Alamin Tambalang Pangungusap Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kuwento. a. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin at humanga sila sa kaniyang husay. b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid na si Athena. c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si Anton. d. Niyakap nila ang isa’t isa at sama-sama silang tumungo sa hapag-kainan. 94
Ano-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat pangungusap? Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin at humanga sila sa kaniyang husay. Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap? Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag-isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag? Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa? Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapagiisa? Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap na ginamit sa kuwento.
Tandaan Ano ang tambalang pangungusap? Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa? Ano ang pang-ugnay? Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang pangungusap? Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap? Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at-, o-, ngunit-, at saka-.
95
Gawain 3 A. Nasaan ang aking kaparis Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel. A 1. Pagpipinta ang gusto ni Mark. 2. Tumutugtog ng gitara si Joseph. 3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda. 4. Mahusay sumayaw si Grace. 5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil. B a. Araw-araw siyang nagsasanay. b. Siya ang lider ng cheering squad. c. Kumakanta ang banda nila sa handaan. d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit. e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan. Gawain 4 Talaan ng Nilalaman ng Aklat Pag-aralan ang talaan ng nilalaman at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel. Mga Libangan Mo Aralin Aralin Aralin Aralin Aralin Aralin
1 2 3 4 5 6
Pag-XVDSDQDQJPJD/LEDQJDQ«««««««1-7 3DJWXNODVVDL\RQJ/DNDV««««««««-39 3DJ\DPDQLQDQJ*DOLQJ««««««««-76 ,EDKDJLVD,ED«««««««««««««-99 3DJSDSDXQODGVD6DULOL««««««««-124 /LEDQJDQ/DEDQVD3UL\RULGDG«««««-150 96
Ilang aralin mayroon sa talaan? Ano ang pamagat ng huling aralin? Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa pagtuklas ng iyong lakas? Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98? Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng libangan? Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at priyoridad? Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling aralin ang babasahin mo?
Tandaan
Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita sa unahang bahagi ng aklat. Nakasaad dito ang yunit, aralin, o kuwento at kung saan pahina ang mga ito matatagpuan.
Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman ng aklat? Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat?
97
Lingguhang Pagtataya Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng Linggong ito. Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto. A. Pakinggan ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra. Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal na si Myka. “Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang pahiramin mo ako ng iyong bola,” pakiusap ni Myka. “Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na tugon ni Myko sa kakambal. Tinawag silang dalawa ng kanilang nanay. 1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali ni Myko? a. makasarili b. mapagtiwala c. palakaibigan d. matigas ang ulo 2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang kakambal? a. natakot b. nalungkot c. nagalit d. humingi ng paumanhin
98
3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si Myko? a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan. b. Mayroon kang sariling manika. c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. d. Maaari bang mahiram ang iyong bola? B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot. 4. Alin ang tambalang pangungusap? a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola. b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa kanilang Tito Bobby. c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si Myka, umalis siyang maluha-luha. d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang Tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo. 5. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang gawing hamon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. karneng manamis-namis ang luto b. paghingi ng tawad c. pag-aanyaya ng away d. pagkaing gawa sa isda 6. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong pang-ugnay. Tumula ang mga batang babae. Nagsayaw ang mga batang lalaki.
99
Alin ang tama? a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang mga batang lalaki. b. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang mga batang lalaki. c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga batang lalaki. d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang mga batang lalaki. 7. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan? a. Nakadamit ng saya ang mga bata. b. Saya ang dulot ng sanggol sa pamilya. c. Baro at saya ang kasuotan ng mga ninuno nating Pilipino. d. Ang saya ng mga bata ay makikita sa kanilang mga ngiti. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel. a. taniman ng halaman b. lapnos ang balat dahil sa init c. lagpas na sa itinakdang araw 8. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa. 9. Ginamot ng nanay ang mga paso ni Mark sa braso. 10. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito.
100
C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat. Malusog na Pamumuhay Aralin Aralin Aralin Aralin
1 2 3 4
Ano ang Mabuti sa Katawan?................... 1-18 Pag-LLQJDWDQJ.DLODQJDQ««««««-36 Mag-H[HUFLVH7D\R«««««««««-54 Pagkaing TDPDVD,\R««««-75
11. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong malaman ang ehersisyong bagay sa iyo? a. Aralin 1 b. Aralin 2 c. Aralin 3 d. Aralin 4 12. Anong impormasyon ang nasa pahina 32? a. Tamang Ehersisyo b. Gabay sa Pagkain c. Mabuti sa Katawan d. Pag-iingat ang Kailangan D. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang tambalang pangungusap tungkol dito.
14._____________________________________ 15. _____________________________________
101
Ikasiyam na Linggo
Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan Pagpapayaman ng Bokabularyo
Basahin at Alamin Basahin nang mabuti ang pangungusap. Piliin kung alin sa mga sagot ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. Ibinalik ni Mia ang tapon upang hindi sumingaw ang amoy ng alcohol. a. Inutusan ko si Mia na ilagay muli ang tapon ng bote ng alcohol . b. Tapon nang tapon ng basura ang mga bata sa baybay kalsada. 2. Mahahalagang tala ng kasaysayan ang matatagpuan mo sa Corregidor. a. Kapakipakinabang ang mga tala mula sa mga makasaysayang lugar ng ating bansa. b. Maliwanag ang tala kung gabi. 3. Laging bukas ang aming tindahan araw-araw. a. Pakiusap, iwanan mo na bukas ang pinto, may dadating na panauhin. b. Bukasaalis na ang iyong pinsan.
102
Tandaan Paano mo nakikilala ang mga salitang maraming kahulugan. May mga salita na maraming kahulugan. Nagbabago ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap.
Subukin Gawain 1 Hanap larawan: Piliin at iguhit sa sagutang papel ang larawang nagpapahayag ng pangungusap. 1. Kulay ube ang puso sa puno ng saging.
2. Si Mimi ay nagdiwang na ng ikapito niyang kaarawan.
103
3. Ang baso ay puno ng gatas.
4. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika.
5. Kulay berde ang upo.
Sabihin at Alamin Balikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ng tauhan na inilalarawan sa pangungusap. a. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangkapan na hindi nahuhugasan sa gabi. Si Monita ay__________. mapagbigay
bastos
104
tamad
b. Hinugasan ni Monina ang mga pinggan ng walang reklamo. Si Monina ay __________. mabait
mapagbigay
matulungin
c. “Monita, ibigay na lang natin sa matandang nagugutom ang ating baon. Si Monina ay __________. malungkot
galit
mapagbigay
d. “Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko ibibigay, ”" wika ni Monita. Siya ay _________. makasarili
maalalahanin
palakaibigan
e. Nararamdaman niyang siya ay __________. masaya
malungkot
mainitin ang ulo
Kung ano ang sinasabi, ginagawa, iniisip, at nararamdaman ng tauhan ay nagpapakita kung anong ugali ang mayroon siya. Ano pa ang maaaring pagkakilanlan o clue ng isang tauhan sa kuwento upang malaman natin ang kaniyang ugali.
105
Basahin at Alamin Basahin ang mga payak na pangungusap. Pagsamahin ang dalawang pangungusap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salitang dahil o habang 1. Masaya ako. Nakapasa ako sa pagsusulit. 2. Nilinis ni Maria ang kuwarto. Naghihintay si Mario sa labas. 3. Umawit si Paolo. Matamang nakinig ang kaniyang mga kaklase. 4. Umuwi kami nang maaga. Nagpatawag ng pagpupulong ang punong guro. 5. Tumatahol ang aso. Maraming tao sa likod bahay. Ano ang hugnayang pangungusap? Paano nabubuo ang hugnayang pangungusap?
Tandaan Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap. Nagpapahayag ito ng dalawang kaisipan at pinagsasama ng mga pang--ugnay na dahil o habang.
106
Basahin at Alamin
A. Basahing mabuti ang pangungusap. Sabihin kung ang pangungusap ay tambalan o hugnayang pangungusap. 1. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa doon kahapon. 2. May sakit si Alice at kailangan niyang tumigil muna sa bahay. 3. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center dahil nangangailangan sila ng tulong. 4. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito. 5. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng bus. B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng pang-ugnay na dahil o habang. 1. Nakapunta kami sa maraming lugar _____ kami ay nasa Cebu. 2. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ namamaga ang kaniyang paa. 3. Sikat ang pamilya Garrara ________ lahat ng kanilang mga anak ay nasa honors roll. 4. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa. 5. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga lalaki sa silid-aralan.
107
Basahin at Alamin Basahin ang talaarawan. Sagutin ang tanong.
April 25, 2012 Ibinili ako ng tatay ng asul na bisikleta. Sa darating na bakasyon mag aaral akong magmaneho. Natutuwa talaga ako! Bert Bert Bert
April 27, 2012 108 Marunong na akong magmaneho ng bisikleta. Tinuruan ako ni tatay. Ngunit dahil madulas ang kalsada kahapon, natumba ako. Nasaktan ang aking tuhod. Napakasakit.
Bert
104
108
Tanong: 1. Sino ang sumulat ng talaarawan? 2. Ano-ano ang mahahalagang detalye mula sa talaarawan? 3. Ano ang sinasabi ng talaarawan tungkol kay Bert?
Tandaan Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay tungkol sa ating sarili. Mga pangyayari na gusto at hindi natin gusto. Nakatutulong ito upang matandaan o mabalikan natin ang mahahalagang pangyayari sa ating buhay.
Subukin Pagsulat ng talaarawan Sagutin ang tanong: 1. Ano ang mahalagang nangyari sa iyo noong Sabado Sumulat ng dalawang pangungusap. 2. Bakit nangyari iyon? 3. Ano ang naramdaman mo tungkol dito
109
Gamit ang inyong mga sagot, sipiin ang talaarawan sa sagutang papel. Isulat ang inyong karanasan. Ang Aking Talaarawan _________________ Petsa ______________________________________________________ Pagpapayamang Gawain Iguhit ang inyong isinulat sa inyong talaarawan. Gawin itong kawili-wili sa paningin sa pamamagitan ng pagkukulay. Isalaysay sa buong klase ang iyong nabuo. Suriin ang inyong ginawa. Lagyan ng marka batay sa bituin sa tsart ang inyong katha. Nilalaman at Kaayusan 1. Ang mga pangungusap ay naisulat nang angkop, kumpleto, at nauunawaan (may tamang bigkas) 2. Ang mga pangungusap ay maliwanag at kumpleto 3. Ang mga pangungusap ay hindi kumpleto pero maliwanag Katangian 1. Ang mga nakasulat ay nagbabahagi ng buhay ng isang mag-aaral 2. Ang mga nakasulat ay nagbabahagi ng buhay ng ibang kamag-aral 3. Kulang ng mga detalye
110
Nakuha
3
0RWKHU7RQJXH%DVHG 0XOWLOLQJXDO(GXFDWLRQ .DJDPLWDQQJ0DJDDUDO Yunit 2
$QJ DNODW QD LWR D\ PDJNDWXZDQJ QD LQLKDQGD DW VLQXUL QJ PJD HGXNDGRUPXODVDPJDSXEOLNRDWSULEDGRQJSDDUDODQNROHKL\RDWR XQLEHUVLGDG +LQLKLND\DW QDPLQ DQJ PJD JXUR DW LEDQJ QDVD ODUDQJDQ QJ HGXNDV\RQ QD PDJHPDLO QJ NDQLODQJ SXQD DW PXQJNDKL VD .DJDZDUDQQJ(GXNDV\RQVDDFWLRQ#GHSHGJRYSK Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog Unang Edisyon, 2014 ISBN: 978-971-9601-95-1 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Mga Manunulat: Nelia D. Bamba Florita R. Matic Franlyn R. Corporal Arabella May Z. Soniega
Lilibeth A. Magtang Irene T. Pilapil Gretel Laura M. Cadiong Grace U. Rabelas
Claire B. Barcelona Raquel C. Solis Florinda Dimansala Victoria D. Mangaser
Konsultant at Editor: Felicitas E. Pado, PhD Rosalina J. Villaneza, PhD Editha Macayaon Mga Tagasalin: Enelyn T. Badillo, Fe V. Monzon, at Agnes G. Rolle (Lead Person) Tagaguhit: Reynaldo A. Simple Mga Tagapamahala: Marilette R. Almayda, PhD at Marilyn D. Dimaano, EdD
Inilimbag ni Inilimbag ni ___________________________ Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat (-IMCS)
Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat (-IMCS) Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., Complex, Meralco Avenue, Pasig City,Mabini Philippines Office Address: 5th Floor, Bldg.,1600 DepEdComplex, Meralco Avenue, Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 Pasig City, Philippines 1600 E-mail Address: [email protected] Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address:
[email protected] ii
Mahal kong mag-aaral, Ang aklat na ito ay makatutulong upang maipahayag ang iyong kaisipan, pananaw, at damdamin tungkol sa iyong sarili, pamilya, kaibigan, tahanan, paaralan, at pamayanan. Makatutulong din ito sa iyong pagbabasa nang may pang-unawa, may mapanuring pag-iisip, at matalinong pagpapasiya. Matututunan mo rin ang pagsulat ng ibaibang uri ng sulatin. Masisiyahan ka na gawin at pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa tahanan, paaralan, at pamayanan gamit ang mga natutuhan mo mula sa aklat na ito. Pakiusap, huwag susulatan ang aklat na ito ng mag-aaral dahil gagamitin pa ito sa susunod na taon. Maaaring gumamit ng papel o kuwaderno sa pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay sa kagamitang ito. Maligayang pag-aaral! May Akda
iii
Talaan ng Nilalaman Yunit 1 Aking Sarili at Aking Pamilya Aralin 1: Ako at Aking Pamilya………………………………………………....2 Aralin 2: Kinawiwilihang Tao at Bagay.……………………………............ .10 Aralin 3: Mga Bagay na Gusto Ko............................................................ 23 Aralin 4: Ang Paborito k ong Hayop at Halaman.................................... 30 Aralin 5: Ako at Aking Kaibigan…………................................................. 42 Aralin 6: Pag-iingat sa Kalikasan…………………………………................ 55 Aralin 7: Bawat Kasapi ng Pamilya: May Tungkulin……………………....67 Aralin 8: Bawat Kasapi: Karangalan ng Pamilya…………...........……….85 Aralin 9: Bawat Kasapi: May Pananagutan…………………………….....102
iv
7DODDQQJ1LODODPDQ Yunit 2 Tuklasin ang Pamayanan Aralin 10 Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya«....113 Aralin 11: Aking Pamayanan: Kalinisan at Kaayusan ««««««.....122 Aralin 12: Aking Pamayanan......................«««««««««««.....132 Aralin 13: Kasaysayan ng Aking Pamayanan«««....145 Aralin 14: Ang Pamayanan Noon at Ngayon …««««««««« ..151 Aralin 15: Mga Tao sa Pamayanan: (Yaman at Bayani)...«««««...161 Aralin16: Mga Lugar sa Pamayanan: Paaralan.........................................169 Aralin 17: Mga Lugar sa Pamayanan: Pook Pasyalan«««««« ..179 Aralin 18: Mga Pangyayari sa Pamayanan …………………………......... ..190
v
Yunit 2 Tuklasin ang Pamayanan
111
Ika-10 Linggo
Aralin 10: Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya
Sabihin at Alamin Ano ang pangalan mo?
Basahin ang diyalogo. Ako si Liza Santos.
Saan ka nakatira ?
Nakatira ako sa 76 Tandoc, San Carlos City, Pangasinan.
Ano ang mga tanong Ano ang mga naging sagot Kung ikaw ay isa sa kanila, ano pang impormasyon ang nais mong malaman Ngayon, humanap ng kapareha at gawin ang usapan sa itaas. 113
Tandaan
Ang ano, sino, saan, at kailan ay tinatawag na panghalip pananong. Ang panghalip pananong ay mga salitang ginagamit upang magtanong. x Ang pananong na sino ay ginagamit sa ngalan ng tao. Halimbawa: Sino ang ating panauhin? Sino ang aawit para sa akin? x Ang pananong na saan ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong ukol sa lugar. Halimbawa: Saan ka pupunta? Saan mo gustong tumigil? x Ang pananong na kailan ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa oras. Halimbawa: Kailan ka pupunta sa Maynila? Kailan natin bibisitahin sina lolo at lola? x Ang pananong na ano ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa bagay o pangyayari. Halimbawa: Ano ang ginagawa mo? Ano ang masasabi mo sa exhibit?
114
Subukin Gawain 1 Gumawa ng mga tanong na nagsisimula sa sino, ano, saan, at kailan gamit ang sumusunod na pangungusap. 1. Ang kuwento ay nangyari sa bahay. 2. Nagbakasyon sina Mildred at Nestor nang dalawang Linggo sa bahay ng pinsan nila. 3. Nanguha ng hinog na prutas si Nestor sa kanilang likod-bahay. 4. Umuuwi sila ng bahay kapag Linggo. 5. Sinalubong sila ng nanay, tatay, at ate sa bakuran. 6. Niyakap nila ang isa’t isa. 7. Ikinuwento ng mga bata ang kanilang masayang karanasan sa baryo. 8. Nilinis ni Mildred ang bahay. 9. Itinapon ni Nestor ang mga tuyong dahon sa kompost pit. 10. Masaya silang naghapunan nang sabay -sabay.
Basahin at Alamin Basahin ang maikling salaysay. Itala ang mahahalagang detalye. Ang Pangako ni Mila Isang umaga, habang naglalakad si Mila papunta sa paaralan, naisip niya na matutuwa si Bb. Romero kung bibigyan niya ito ng bulaklak para sa kaniyang plorera. Nadaanan ni Mila ang hardin sa plasa, 115
maganda at namumukadkad ang mga gumamela. Nabasa niya ang babala, “Bawal pumitas ng bulaklak.” Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon, palihim siyang pumitas ng gumamela. Ibinigay ni Mila ang bulaklak sa guro at nagpasalamat ito. Nagkataon na ang kanilang aralin sa araw na iyon ay tungkol sa pagpapahalaga at pagsunod sa mga babala sa pampublikong pasyalan. Isa dito ay “Bawal pumitas ng bulaklak.” Pagkatapos ng paliwanag ni Bb. Romero, naisip ni Mila na mali ang kaniyang ginawa. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi na niya uulitin ang pagkakamali niya. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa papel. 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Kailan nangyari ang kuwento? 3. Anong aralin ang tinalakay ng guro noong araw na iyon? 4. Kailan niya nalaman ang kaniyang pagkakamali 5. Bakit niya pinitas ang gumamela kahit nakita na niya ang babala? 6. Ano ang nangyari sa loob ng klase? 7. Ano ang naisip ni Mila nang marinig ang tinatalakay ng guro? 8. Tama ba ang ipinangako ni Mila sa sarili? Bakit? 9. Kung ikaw si Mila, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
116
Tandaan
Ang mahahalagang elemento ng kuwento ay ang tagpuan, tauhan, at mga pangyayari. x Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento. x Ang tauhan ay nagsasaad kung sino-sino ang gumanap sa kuwento. x Ang pangyayari ay nagsasaad sa mga naganap o nangyari sa kuwento. Ang mga panghalip na pananong na sino, saan, kailan, at ano ay ginagamit upang malaman o masagot ang mahahalagang detalye at elemento ng kuwento.
117
Subukin
Gawain 2 Gamit ang kuwento na “Pangako ni Mila” sagutin ang mga tanong sa graphic organizer. Isulat sa sagutang papel.
Sino?
Ano?
Saan?
Kailan?
118
Basahin ang maikling kuwento. Habang naghahapunan kagabi, hindi sinasadyang nabasag ni Gerald ang baso. Agad na inilayo ni Kuya Luis si Gerald sa mga bubog. Nagmamadali naman si Jane na kumuha ng tambo, pandakot, at basahan upang malinis kaagad ang kalat. Nakita nina tatay at nanay ang maganda nilang ginawa. Nasiyahan sila sa pagtutulungan ng magkakapatid. Gawain 3 Guhitan ang panghalip na pananong at sagutan ang mga tanong. 1. 2. 3. 4. 5.
Ano ang paksa ng maikling salaysay? Sino ang nakabasag ng baso? Saan nangyari ang kuwento? Kailan tumulong si Gerald at Jane? Ano ang naramdaman ng kanilang magulang nang makita ang kanilang ginawa? Bakit?
Gawain 4 Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na panghalip pananong para sa pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5.
__________ang sasama sa amin? __________ang mga bagay na kailangan? __________tayo magkikita? __________tayo pupunta sa bukid? __________mga bagay na dapat nating isaisip upang maging ligtas ang ating paglalakbay?
119
Lingguhang Pagtataya I.
Ano ang angkop na panghalip pananong na sinasagot ng mga salitang may salungguhit ? Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat sa sagutang papel. sino
ano
kailan
saan
1. Ang mga mag-aaral ay nagdala ng plastik na bote sa paaralan. 2. Ang mga mag-aaral ay nagdala ng plastik na bote sa paaralan. 3. Ang mga mag-aaral ay nagdala ng plastik na bote sa paaralan. 4. Binigyan ng supot na may lamang pagkain ang mga biktima ng baha noong isang Linggo. 5. Binigyan ng supot na may lamang pagkain ang mga biktima ng baha noong isang Linggo. 6. Binigyan ng supot na may lamang pagkain ang mga biktima ng baha noong isang Linggo. 7. Magbibigay si Don Jose Pidlaoan ng tulong para sa feeding program ng Barangay Magalang sa loob ng anim na buwan. 8. Magbibigay si Don Jose Pidlaoan ng tulong para sa feeding program ng Barangay Magalang sa loob ng anim na buwan. 9. Magbibigay si Don Jose Pidlaoan ng tulong para sa feeding program ng Barangay Magalang sa loob ng anim na buwan. 10. Magbibigay si Don Jose Pidlaoan ng tulong para sa feeding program ng Barangay Magalang sa loob ng anim na buwan.
120
II.
Basahin ang maikling sanaysay. Piliin ang elemento ng isang kuwento. Umisip ng angkop na pamagat para sa maikling salaysay. A. Noong Linggo, ang mag-anak na Fernandez ay pumunta ng Baguio para sa isang araw ng picnic. Maaga silang nagsimba bago tumungo sa picnic. Sumakay din sila sa makukulay na bangka sa Burnham Park, namasyal sa hardin ng mga pino at namili sa SM Mall. Pinangyarihan: Pamagat: Tauhan:
Pangyayari:
BGumawa ng tig-isang pangungusap gamit ang panghalip pananong na sino, ano, kailan, at saan (1-4)
121
Ika-11 Linggo
Aralin 11: Aking Pamayanan: Kalinisan at Kaayusan
Sabihin at Alamin Ano ang nakikita mo sa larawan? Alin sa ipinapakita ng mga larawan ang naranasan o nagawa mo na? Sa palagay mo ano ang kailangang gawin pagkatapos ng mga gawaing makikita sa larawan? Ibahagi mo ang katulad na karanasan sa harap ng klase
122
Basahin at Alamin Basahin ang tula nang may tamang diin at intonasyon.
Ano ang Kailangan Natin Gamitin ang suklay sa pag-aayos ng buhok Plantsa, naman sa damit nang mawala ang gusot Nail cutter ang panggupit sa mahabang kuko Sa pagkuskos ng katawan gamitin ay bimpo. Sepilyo ay gamitin upang ngipin ay linisin Panyo naman ang pantanggal sa mga dumi natin Upang maging mabango sabon ay gamitin Nang maging maganda sa tumitingin.
Batay sa tula ano-ano ang ating kailangan sa paglilinis ng katawan?
123
Subukin Gawain 1 Narito ang mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng ating katawan. Sabihin kung paano ito gagamitin. Tularan ang modelo sa pagsagot na may wastong bigkas at intonasyon. Halimbawa: Kailangan ko ng sabon. Upang maging mabango maghapon.
Kailangan ko ng _______. Upang ngipin ay luminis.
124
Tandaan
Ang intonasyon ay ang paraan kung paano sinasabi nang wasto ang mga salita. Binibigkas ito nang may tamang diin at ekspresyon upang mas epektibong maipahayag ang kahulugan ng mga salita. x Ang intonasyon ay maaaring magkaroon ng pababang tono o pataas na tono depende sa nais ipahiwatig. x Ang pagbabago ng intonasyon, diin, at ekspresyon sa isang salita ay nakaaapekto sa kahulugan nito. x Ang paggamit ng diin ay nakapagbabago sa mga pangungusap. Ang pagkakaiba-iba ng tono ay pagbibigay linaw sa kahulugan ng mga parirala at pangungusap.
125
Gawain 2
Subukin Basahin ang pangungusap nang may tamang diin at intonasyon. 1. Alam ko na! Masakit na naman ang ngipin mo ano? 2. Bakit ka umiiyak? 3. Nanay, pakiusap dalahin mo na ako sa dentista ngayon. 4. Maga ang kaniyang gilagid, hindi maaaring bunutin ang kaniyang ngipin. 5. Maghintay tayo hanggang gumaling na ang iyong gilagid upang mabunot na ang iyong ngipin. 6. Wow! Tamang tama ito. 7. Bago ba iyan? 8. Gusto ko ito para sa tinitipon kong mga aklat. 9. Gusto ko ang aklat na ito. 10. Kapanapanabik ba ang kuwento sa aklat mo?
126
Basahin at Alamin
A. Basahin ang maikling kuwento at itala ang mahahalagang detalye. Anette, Makulit ni: Lilibeth A. Magtang
“Anette… Anette… Aneeeeette!” Malakas nasigaw ni Aling Sion na halos nakagulantang sa buong barangay. “Alam ko na, naroroon na naman siya,” wika ni Aling Sion sa sarili. Lagi nang ganoon ang kanilang sitwasyon. Kinagawian na kasi ni Anette ang paglalaro buong araw hanggang paglubog nito. Ang paglalaro lamang ang tanging mahalaga sa kaniya. Kadalasan ay nalilimutan na niyang kumain dahil sa kawilihang maglaro maghapon. Minsan pati ang paliligo ay nalilimutan na rin ni Anette. “Nanay, pakiusap kumain na tayo, gutom na gutom na ako.” Uupo na lang sa mesa at basta susubo ng pagkain si Anette. “Sandali! mas mabuti kung maghuhugas ka muna ng iyong mga kamay bago ka kumain. Napakadumi ng iyong buong katawan dahil sa maghapon mong paglalaro,” sabi ni Aling Sion. Sa halip na sundin ang utos ng ina, tuloy pa rin sa pagkain si Anette kahit hindi makapaghugas ng kamay, ang mahalaga sa kaniya ay makatapos agad ng pagkain. 127
Pagtapos kumain, lalabas muli si Anette at hahanapin na naman ang kaniyang mga kalaro kahit madilim na. Minsan umuwi si Anette na umiiyak. “Nanay, napakasakit po ng aking tiyan, halos pabulong dahil namimilipit na siya sa sakit. “Iyan ang palagi kong sinasabi sa iyo, huwag kang magpapalipas ng gutom, umuwi kapag oras ng pagkain. Isa pa, maligo at magpahinga. Sagutin ang mga tanong mula sa kuwento. 1. Sino ang batang babae sa kuwento? 2. Ano ang masasabi mo tungkol sa kaniya? 3. Sino ang isa pa sa mga tauhan sa kuwento? Ilarawan siya. 4. Sa iyong palagay, mabuting halimbawa ba si Anette? Bakit? 5. Ano ang mga payo ng nanay ni Anette? 6. Ano ang kaniyang ipinakitang ugali? 7. Kung ikaw ang magbibigay ng katapusan ng kuwento, paano mo ito tatapusin? A. Ilarawan si Anette gamit ang graphic organizer na ito. Sipiin sa sagutang papel.
128
Subukin Gawain 3 Narito ang mga pangungusap mula sa kuwento “Si Anette, Makulit.” Gumawa ng mga tanong gamit ang mga panghalip na pananong. Isulat sa sagutang papel. 1. Gawi na ni Anette na maglaro hanggang takip silim. 2. Sa paglalaro umiikot ang buhay ni Anette. 3. Pagkatapos kumain, aalis na naman siya kahit madilim na. “Nanay, napakasakit po ng tiyan ko.” 4. “Gutom na gutom na ako.” 5. Kahit gabi na, lalabas pa rin si Anette at maghahanap ng kalaro. Gawain 4 Mula sa kuwento “Si Anette, Makulit,” punan ang mga kahon sa ibaba upang maipakita ang mga bahagi ng kuwento. Si Anette, Makulit
Tagpuan
Tauhan
Katapusan ng Kuwento
129
Pangyayari
Basahin ang paalala. Isulat ang mahahalagang detalye nito. PAALALA! Araw ng Biyernes. Suspindido ang klase, ika-10 ng Oktubre, 2013. Ang paaralan ay sasailalim sa fumigationopagpapausok upang mapuksa ang mga peste at itlog ng lamok. Ang lahat ay pinapayuhan na gawin ang takdang aralin at bumalik sa ika-13 ng Oktubre 2013, araw ng Lunes.
Lingguhang Pagtataya I. Gumawa ng tanong gamit ang panghalip pananong mula sa binasang paalala. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Tanong: 1. 2. A. Isang gabi habang natutulog na ang lahat, dahan-dahan akong lumakad palabas ng bahay. Nakita ako ng aming aso. Tumahol ito nang napakalakas at nagising ang lahat. Ano ang angkop na wakas ng kuwento? B. Isang mahanging hapon, ako at ang aking kaibigan na si James ay nagkasundo na magpalipad ng saranggola. Ilang sandali ang lumipas tumaas nang tumaas ang aming saranggola nang mataas pa sa
130
puno. Ngunit biglang sumabit ito sa sanga. Matapang na umakyat si James sa puno. Ano ang angkop na wakas ng kuwento? C. Basahin ang maikling kuwento. Punan ang patlang ng tamang panghalip pananong. Araw ng Sabado, nagpasiyang pumunta sa sapa ang magkaibigan, sina Rey, Manny, at Pong. Nais nilang mamingwit, kaya wala silang inaksiyang oras at nagsimula na. Marami silang nahuling isda na kaagad inilagay ni Rey sa timbang may tubig ang mga isda. Nawiwili pa sina Manny at Pong ngunit tinawag na sila ni Rey. “Malapit nang dumilim, umuwi na tayo,” pag-aaya ni Rey. Masarap ihawin ang sariwang isda para sa hapunan. Nagkasundo ang magkaibigan na babalik silang muli sa Sabado.
Ano
Saan
Kailan
Sino
1. __________ ang nangisda? 2. __________ ang kaniyang kasama sa pangingisda 3. __________ nila inilagay ang kanilang huli? 131
4. __________ sila nagpunta pagkatapos mangisda? 5. __________ ang ginawa sa mga nahuling isda? 6. __________ nila planong bumalik sa sapa? 7. __________ sa palagay mo ang lasa ng inihaw na isda? 8. __________ ang nais mong gawin kapag Sabado? 9. __________ hindi ligtas mangisda sa karagatan? 10. __________ ang mga dapat mong gawin bago mangisda
Ika-12 Linggo
Aralin 12: Aking Pamayanan
Basahin at Alamin Nakapag-recycleka na ba? Basahin ang kuwento at alamin kung ano ang proyektong ginawa ng Baitang III- Masinop tungkol sa pag-recycle
132
Basura, Ipunin, at Gamitin ni: Lilibeth A. Magtang
Sa dinami-dami ng klase sa Paaralan ng Palaming, ang Baitang III- Masinop na naman ang tinanghal na “Pinakamapagmahal sa kapaligiran.” Pang limang taon na nilang taglay ang titulo, kaya nang tanungin sila kung ano ang kanilang sikreto, agad naman nilang ibinahagi ang kanilang pamamaraan. Ipinatutupad ni G. Santos, kanilang gurong tagapayo, ang “Basura mo, Ibulsa mo” sa buong taon. Ito ang kanilang panuntunan at disiplina. Pinayuhan din sila ni G. Santos na maging sa bahay ay gawin ito. Ngayong taon, ang pinakamalaking proyekto ng Baitang III- Masinop ay “Sa Basura, Bagong Gamit Nagmumula” (recycle used objects). Nakaipon ang mga mag-aaral ng maraming lumang diyaryo, karton, bote, at iba pa. Makikita sa graph na ito ang kanilang mga naipon.
45% boteng plastik
cups 5% 30% lumang diyaryo at magasin 10%
10%
karton
straw
133
Mula sa mga bagay na patapon, nakagawa sila ng paper maché na plorera, maliliit na pandekorasyong hugis hayop, at lalagyan ng bolpen. Nakatulong ito nang malaki sa kanilang proyekto dahil ang napagbilihan sa mga ito ay inipon kaya nakapagpagawa ng palikuran sa loob ng silid-aralan. Umaasa si G. Santos na ang kanilang natutunan ay gagawin din ng nakararami. Hinikayat niya ang lahat na mag-recycle, upang mabawasan ang mga basura sa kapaligiran.
Isipin Tanong 1. Alin sa mga klase ng Paaralan ng Palaming ang nanalo ng karangalan bilang pinakamakakalikasan 2. Sino ang tagapayo ng klase Ano ang kahanga-hanga niyang katangian? 3. Ano ang ipinahayag na sikreto ng mga nanalo? 4. Anong proyekto ang isinagawa ng nanalong klase? 5. Alin sa mga bagay na naipon nila ang may pinakamalaking bahagdan sa lahat ng kanilang naipon? Aling mga bagay ang magkapareho ang bahagdan? 6. Ano-ano ang mga bagay na nagawa nila mula sa mga bagay na patapon na? 7. Naranasan na ba ninyo na bumuo ng bagong bagay mula sa mga bagay na patapon na 8. Kanino ang palikuran na ipinagawa? 134
9. Ilarawan ang klase ni G. Santos. 10. Ipaliwanag ang nais iparating ng maikling salaysay na ito. A. Gawin Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. x Kung ikaw ang magbibigay ng katapusan ng kuwento, ano ito? x Mula sa kuwento, isulat ang iyong hinuha sa kung ano ang maaaring mangyari sa mga darating pang panahon.
Tandaan Ang pagbibigay ng prediksiyon o maaaring kahinatnan ay isang kakayahan na dapat matutuhan ng bawat mag-aaral. x Ang pagbibigay ng prediksiyon ay pagbibigay ng isang matalinong hula tungkol sa susunod na pangyayari. x Upang makapagbigay ng prediksiyon, tingnang mabuti ang mahahalagang detalye. x Makatutulong ang mga kaalaman at karanasang nakuha mula sa nakaraan upang makapagbigay ng mabisang prediksiyon.
135
Subukin Gawain 1 Isipin ang maaaring maging katapusan ng mga salaysay. 1. “Huwag mong gagamitin ang computer hanggang wala ako sa bahay,” mahigpit na bilin ng nanay ni Ben. Ngunit si Jerry, ang kaibigan ni Ben ay nagkuwento tungkol sa isang bagong online game. Naisip ni Jerry na wala namang masama kung titingnan lamang niya ito. Binuksan niya ang computer at napindot niya ang maling icon. Nabura ang ginawang dokumento ng nanay niya. Sinubukan niya itong hanapin ngunit di na niya ito maibalik. Agad na pinatay ni Ben ang computer at pumasok sa kaniyang kuwarto. Ngunit hindi siya mapalagay, muli niyang binuksan ang computer. Ano sa palagay mo ang susunod na mangyayari? 1. Naglalakad pauwi sina Lianne at Rose, nang may mapansin sila, “Ano kaya iyon?” wika ng dalawa. “Pitaka!” Agad na binuksan ni Rose, nakita nila na may lamang limang daang piso sa loob. Nagkatinginan ang dalawang bata. Nais mabili ni Lianne ang isang bagong manika. Sapatos naman ang nais ni Rose. Nag-iisip na mabuti ang dalawa. Ano sa palagay mo ang susunod na mangyayari? 136
Sabihin at Alamin
Basahin ang mga salita sa loob ng kahon.
sabihin
gumawa
katapatan
ulitin
tumawa
hiniram
mahusay
hiniram
tumanggap
talaan
magbantay
magsayawan
lumakad
bumangon
maglinis
Ano ang inyong napansin sa kayarian ng mga salita?
Tandaan
Ang panlapi ay isang kataga na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
137
May iba’t ibang uri ng mga panlapi. Unlapi – ang panlapi ay makikita o nakalagay sa unahan ng salitang-ugat. Halimbawa: Mag/ma Mag-aral
mahusay
nag/na nagsimula natapos x Gitlapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa: um/in sumayaw
ginawa
x Hulapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa: an/han/in sabihan
tandaan
isipin
x Kabilaan kapag ang isang pares ng panlapi ay makikita o nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa: mag, an, pa, in, ka, an, ka, han mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
138
Salitang Maylapi
Salitang Ugat
Panlapi
Uri ng Panlapi
pasyalan
pasyal
an
hulapi
mag-aral
aral
mag
unlapi
tumawa
tawa
um
gitlapi
nanood
nood
na
unlapi
ginising
gising
in
gitlapi
kaibigan
ibig
ka, an
kabilaan
binasa
basa
in
gitlapi
Gawain 2 Lagyan ng angkop na panlapi ang mga salita. Isulat sa inyong sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
luto ibig kain lakad awit walis saya ayos tapos dakila
139
Gawain 3 Sipiin ang mga salita at panlaping ginamit sa sagutang papel. Isulat ang U kung unlapi, G kung gitlapi, H kung hulapi, at K kung kabilaan. _______1. sumayaw _______2. naglaba _______3. tumakbo _______4. kasiglahan _______5. isipin _______6. nag-ani _______7. nagdilig _______8. sabihin _______9. kaligayahan ______10. ligpitin
140
Gawain 4 Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang mga pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno. 1. Suklay______ mo nang mabuti ang iyong buhok. 2. Tulungan mo akong ______ dilig ng halaman. 3. Sabay-sabay nating awit ______ ang himno ng ating paaralan. 4. Matiyaga kong ______ sagot ang lahat ng tanong sa pagsusulit. 5. Maaari mo ba akong ______ sama sa palengke 6. Natiklop ko na ang ______ linis na damit. 7. Nais kong ______ simba nang maaga bukas. 8. Sipi ______ ang mga tanong sa iyong kuwaderno. 9. Maaliwalas na ang langit, ______ kita mo ba 10. ______ tuwa si nanay sa aking mga marka.
141
Gawain 5 Punan ng angkop na panghalip pananong ang patlang. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Kanino
Sino-sino
Sino
Alin
Ano
1. __________ sa mga dalaga ang may suot na elegante at marangyang saya? 2. __________ saya ang pinakasimple? 3. __________ ang may pinakamatikas na konsorte? 4. __________ ang tema ng okasyon? 5. __________ sa mga okasyon na iyong nadaluhan ang hindi mo malilimutan? 142
Gawain 6 Sa tulong ng mga impormasyon sa pie chart bumuo ng tanong gamit ang panghalip pananong. Isulat sa sagutang papel.
cups 45% 5% 30% boteng plastik lumang diyaryo at magasin 10%
10%
karton
straw
Lingguhang Pagtataya I. Basahin ang maikling kuwento at sundin ang isinasaad nito. Nais gumawa ni Chloe ng isang lilok mula sa putik. Namili siya sa dalawang modelo, isa ay elepante at ang isa ay tuta. Napili niyang ililok ang tuta. Ngunit malikot talaga ang imahinasyon niya. Maingat niyang hinubog muli ang isang kumpol na putik at ginawa niyang elepante. Pinaganda niya ito hanggang sa makuha niya ang nais na hugis. Nang matapos, nagmukha itong napaka-espesyal. Ang totoo ibibigay niya ito sa pinakaespesyal na tao sa kaniyang buhay, ang kaniyang ina, na mahilig mangolekta ng maliliit na imahe ng hayop para sa kaniyang iskaparate. Ipinatong niya ang bagong lilok na elepante sa isang maliit na lalagyan at ibinaba sa sahig. Sabik na tinawag niya ang lahat upang ipagmalaki ang kaniyang ginawa. Ngunit nang siya ay bumalik, nakasalubong niya ang kaniyang kuya at tatlo pa nitong 143
kalaro na nagtatakbuhan at nagpapatalbog ng bola sa sala. Hinanap niya ang kaniyang elepante sa sahig kung saan niya ito iniwan. A. Gamit ang maikling kuwento, tukuyin ang mga nawawalang salita sa tsart. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Salitang Maylapi
Panlapi
Salitangugat
Kahulugan
napili iniwan tiningnan ginawa bumalik tinawag B. Punan ng angkop na panghalip pananong na alin, ano, sino, at kanino ang patlang upang mabuo ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 1.______________ ang nais lumilok ng elepante? 2_______________ sa dalawang modelo ang kaniyang pinili 3.______________ niya ibibigay ang kaniyang nililok? 4.______________ ang nagtakbuhan at nagpatalbog ng bola sa salas 5.______________ ang nangyari sa kaniyang proyekto? 144
C. Ibigay ang iyong nabuong prediksiyon sa maikling kuwentong binasa.
Ika-13 Linggo
Aralin 13: Kasaysayan ng Aking Pamayanan
Sabihin at Alamin Basahin ang mga salita. Alamin ang kahulugan at ayusin ang mga salita nang pa-alpabeto. Alin ang mauuna, ang mga salita sa kahon A? o ang nasa kahon B Isulat ang sagot sa kuwaderno. Kahon A umaasa
natutuwa
higit
mataas
solusyon
nagbiro
matalino
pulubi
maganda
Kahon B malasa
pomelo
magiliw
kristal
nauna
hilaw
nakita
pumunta
wasto
145
Tandaan
Ang mga salita ay napagsusunod-sunod gamit ang patnubay na titik na ibinabatay sa alpabeto. Kung may dalawa o higit pang salita na pareho ang unang titik, maaaring gamitin ang mga susunod na titik upang maiayos ang mga salita nang pa-alpabeto.
Subukin
Gawain 1 Salungguhitan ang panlapi at ikahon ang salitang ugat. 1. nakita
6. sabihin
2. mahirap
7. umakyat
3. malusog
8. sipiin
4. mahina
9. kagandahan
5. makatas
10. naglaba
146
Gawain 2 Lagyan ng panlapi ang salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel. 1. Umuwi si G. Ramos na (lungkot) _______ dahil nawalan siya ng trabaho. 2. Siya ay (hanap) _______ ng bagong trabaho para sa kaniyang pamilya. 3. Ngunit siya' y (bigo) _______ sa unang pagkakataon. 4. Napilitan na siyang (uwi)_____at ipagtapat sa kaniyang asawa ang katotohanan. 5. Dahil sa kaniyang (bigo)_______ naisip niya na wala siyang silbi. Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong. Ang Higanteng Kampana ng Binalatongan Isinalaysay muli ni: Lilibeth A. Magtang
Noong unang panahon, sa isang bayan na tinawag na Binalatongan, ay may isang matandang simbahan na may napakalaking kampana. Walang makapagpatunog nito maliban sa sampung tao na magtutulong-tulong upang higitin ang tali. Kapag naman ito ay tumunog, ang mga buntis ay nakukunan dahil sa sobrang lakas ng taginting at yanig pati na rin ang buong lugar ay nagigimbal. Umaalingawngaw ito ng malakas. Nang makakita sila ng isang bagong simbahan na itinatayo, nagdesisyon na sila na ilipat ang kampana. Kaya ng maitayo ang bagong simbahan, nagpasiya sila na ilipat ang kampana. Samantala, hindi ganoon kadali ang paglilipat ng kampana sa bagong simbahan. Kinailangan nilang gumamit ng daan-daang kalabaw at humingi ng tulong sa pinakamalalakas na tao, ngunit hirap pa rin silang mabuhat ito dahil sumuko na ang iba. Nang sila ay nasa kalagitnaan na ng 147
ilog, bumagsak ang kampana at lumubog ito sa pinakamalalim na bahagi ng ilog. Hindi na muling nakita ng mga tao ang malaking kampana. May nagsasabing may magandang sirena ang nagbabantay dito. Ngunit marami ang naniniwala na ang kaniyang malamyos na tinig ay umaakit sa mga namamalakaya sa ilog at kung may nagnanais o nagtatangka na kumuha ng kampana ay malulunod. 1. Saan matatagpuan ang lumang simbahan na may malahiganteng kampana? 2. Ano ang mga patunay na malaki ang kampana 3. Ano ang nangyayari sa tuwing tumutunog ang kampana? 4. Ano ang naging pasiya ng mga tao tungkol sa kampana? 5. Ano ang nangyari habang inililipat ang malaking kampana mula sa luma patungo sa bagong simbahan? 6. Sino ang pinaniniwalaang nagbabantay sa kampana? Ilarawan siya. 7. Ano ang nangyayari sa mga taong nagbabalak hanapin ang kampana? 8. Naniniwala ba kayo sa mga haka-haka na may nagbabantay na sirena sa malaking kampana? Bakit? 9. Sa iyong palagay ano ang maaaring nangyari kung hindi nagpasiya ang mga tao na ilipat ang kampana sa bagong simbahan?
148
Tandaan
Ang pagbibigay ng prediksiyon o ng posibleng maging katapusan ng kuwento ay isang mahalagang kakayahang pang-unawa. Upang makapagbigay ng maayos na prediksiyon, kinakailangang basahing mabuti ang mga detalye ng kuwento.
Subukin Gawain 3 Basahin at ibigay ang prediksiyon. May isang batang lalaki na nakasuot nang maruming sando at kupas na maong sa labas ng isang marangyang bahay. Kasalukuyang may handaan at napakaraming bisita. Pumasok ang bata at naisip niyang makikain. Noon lamang siya nakakita ng ganoong kalaking handaan. Masasarap na pagkain at inumin ang makikita sa hapag. Wala na siyang inaksayang sandali at kumuha na siya ng pagkain, nasiyahan siya sa magandang nakikita ganoon din sa mga tunog na kaniyang naririnig. Nang biglang isang matangkad na lalaki ang lumapit sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari? Magbigay ng prediksiyon gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. 149
Gawain 4 Narito ang mga salita mula sa kuwento. Iaayos nang pa-alpabeto at lagyan ng bilang mula 1 hanggang 10. Gawin ito sa sagutang papel. _____ kampana _____ luma _____ sirena _____ kalabaw _____ buntis _____ alingawngaw _____ malulunod _____ tinig _____ bago _____ simbahan
Lingguhang Pagtataya I. Sipiin sa sagutang papel ang mga salitang maylapi. magkaisa
nawawala
dumi
bili
ilalim
nalaman
balikan
kulay
hatulan
malusog
masaya
kulang
II. Pumili ng limang salita sa Gawain 1 at gamitin sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel. 1. ___________________________________________________ 2. ___________________________________________________ 3. ___________________________________________________ 4. ___________________________________________________ 5. ___________________________________________________ 150
III. Sipiin ang mga salita at lagyan ng bilang upang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod batay sa alpabeto. _____ mesa
_____ dekorasyon
_____ upuan
_____ sahig
_____ hagdan
_____ kusina
_____ bintana
_____ bubong
_____ tokador
_____ kuwarto Ika-14 Linggo
Aralin 14: Ang Pamayanan Noon at Ngayon
Sabihin at Alamin Basahin ang pangungusap mula sa salaysay na “Pagtutulungan Tungo sa Tagumpay.” Pagtutulungan Tungo sa Tagumpay ni: Zoe Cachion
Ang pagtutulungan ay pagbibigay ng tulong sa sinuman na nangangailangan nito. Ito ang nagpapalakas sa kaninuman upang magsikap bilang isa. Ang tagumpay ay posible kung ang lahat ay nagtatrabaho. Anuman ay makakamit kung ang lahat ay desidido sa pagkamit ng tagumpay. Hindi lamang sa isports o ibang paligsahan ito nakikita. Ang pagtutulungan ay tungkol sa tiwala, katapatan, kumpiyansa sa sarili, at pagtitiyaga. Ang tagumpay ng isang koponan ay hindi ang pagkapanalo lamang sa isang laro. Nakakatuwang isipin na kung ibinuhos ng lahat ang 151
kanilang kakayahan, makakamit nang buo ang tagumpay. Iyan ang ibig kong ipakahulugan sa pagtutulungan. 1. Ang pagtutulungan ay pagbibigay ng tulong sa sinuman na nangangailangan nito. 2. Ito ang nagpapalakas sa kaninuman upang magsikap bilang isa. 3. Anuman ay makakamit kung ang lahat ay desidido sa pagkamit ng tagumpay. Anotagumpay ang tawagaysaposible mga salitang may salungguhit? ay nagtatrabaho. 4. Ang kung ang lahat
Tandaan
Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw," kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak." Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, ilan, at pawang.
152
Subukin Gawain 1 Tukuyin ang panghalip panaklaw sa bawat pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Sinuman sa inyo ay maaari kong tanggapin. 2. Kung anuman ang mangyari, dapat ay ipagbigay alam ninyo sa guro. 3. Anuman ang sabihin mo, hindi ako pupunta sa salo-salo. 4. Bawat isa ay dapat magbigay ng kaniyang ideya upang maging maayos ang programa. 5. Nilamon ng apoy ang lahat ng bahay sa lugar na iyon. Gawain 2 Tukuyin ang mga panghalip panaklaw sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Hindi dapat umaasa si Marissa kaninuman sa paggawa ng gawaing bahay. 2. Sinuman sa inyo ang mahuling nangongopya ay hindi na makakakuha ng pagsusulit kailanman. 3. Lahat ay kasali sa paligsahan. 4. Nabigla at pawang natulala ang lahat nang lumabas sa entablado ang sikat na banda. 5. Ilanman ang papuntahin mong tao sa pagtitipon ay maaari kong pakainin.
153
Basahin at Alamin Ano ang mga pagbabagong naganap sa bayan ng Santa Catalina? Basahin natin ang kuwento. Ang Salamin ng Aking Bayan ni: Gretel Laura M. Cadiong
Ang Santa Catalina, ang aking bayan, ay isang napakasimpleng lugar kung saan masaya ang mga tao kahit walang kuryente sa lugar. Lampara at sulo ang siyang nagsisilbing ilaw ng mga kalsada at bahay. Ang liwanag ng buwan ay sapat na upang pasayahin ang mga batang naglalaro at matandang nagkukuwentuhan. Ang de-bateryang radyoang pinagmumulan ng musika at balita. Ang lahat ay panatag dahil batid nilang walang gagambala o panganib sa paligid dahil may malasakit ang lahat. Ang pag-unlad ng makabagong teknolohiya ang nagpabago sa aming bayan. Ngayon, hindi na halos magkakakilala ang mga tao. Mas pinipili nilang tumigil ng bahay, at maglibang sa pamamagitan ng panonood ng TV o kaya ay sa paglalalaro ng computer games. Ang pag-unlad ng aming bayan at ang maling gawi ng mga tao kasabay ng modernong pamumuhay ay hindi naging kapakipakinabang sa dating mabuting pagsasamahan ng mga tao. Nagbago na nga ang aking bayan. Ang patuloy na pagunlad ng teknolohiya ay talagang naghatid ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tao lalo na sa pagsasamahan noon ay parang iisang pamilya. Naging estranghero na ang dating magkakakilala. 154
Isipin Sagutin ang mga tanong mula sa kuwento: a. Anong uri ng pamayanan ang Santa Catalina noon? b. Ano ang mga pagbabago na hatid ng makabagong teknolohiya? c. Ano ang mga kapakipakinabang na nangyari sa Santa Catalina? d. Bakit ang mga pagbabago ay hindi naging kapakipakinabang? e. Paghambingin ang bayan ng Santa Catalina, noon at ngayon. f. Sa iyong palagay, alin ang mas mainam na pamayanan, ang Santa Catalina noon? ngayon? g. Alin ang talata na nagpapahayag ng pagtutulungan? pagkakaisa?
Subukin Gawain 3 Pag-aralan ang salita sa kahon mula sa kuwento, “Ang Salamin ng Aking Bayan.” masaya
mainam
maglibang
tumigil
naghatid
pasayahin
pag- unlad
naglaro
Ano ang inyong napansin sa mga salita sa kahon? Ano ang nagagawa ng panlapi kapag idinadagdag ito sa salitang-ugat?
155
Salitang-ugat
Nabuong salita
Panlapi
Kahulugan
Tandaan Ang panlapi ay kataga o pantig na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita. Maaaring ito ay unlapi, gitlapi, hulapi, at kabilaan. Kapag idinagdag ang panlapi sa salitang ugat karaniwang nagbabago ang kahulugan ng bagong salitang nilapian. Gawain 4 Batay sa kuwentong “Ang Salamin ng Aking Bayan,” gawin ang sumusunod sa kuwaderno. 1. Ilarawan ang Santa Catalina noon at ngayon. 2. Nakikita mo ba ang mga pangyayaring gaya nito sa iyong barangay o lugar? 3. Punan ang graphic organizer ayon sa iyong karanasan sa sariling lugar. Ang Aming _________
Ngayon
Noon
156
Gawain 5 Basahin ang talata. Pumili ng limang (5) salitang maylapi at gamitin sa pangungusap. Isulat sa kuwaderno. Si Dana ay magandang dalaga. Masayahin siya at ito ang dahilan kaya lalo siyang gumaganda. Ang pagbabasa ang kaniyang libangan. Ngayon, katatapos lang niyang magbahagi ng buod ng kaniyang binasa sa isang kaibigan. Sa kaniyang palagay, nakatutulong siya nang malaki kapag ginagawa niya ito. Gawain 6 Sipiin sa iyong kuwaderno at iayos ang mga salita nang pa-alpabeto gamitin ang mga bilang 1 hanggang 8. _______
bakya
_______
gulong
_______
jam
_______
anihan
_______
Bibliya
_______
sulong
_______
hamon
_______
kasama
Paano mo naiayos ang mga salita nang pa-alpabeto? Ano ang iyong ginagawa kapag may mga salita na nagsisimula sa parehong titik?
157
Tandaan
Ang mga salita ay maaaring iayos nang pa-alpabeto. Iniaayos ito sa pamamagitan ng pagtingin sa unang titik ng salita. Kung may dalawa o higit pang salita na nagsisimula sa magkaparehong titik, ang susunod na titik naman ang dapat isaalang-alang.
Gawain 7 Ayusin ang mga salita sa pa-alpabetong paraan. 1.
idlip, ilog, mundo, sapa, bukid, buwan ______________________________________________________
2.
kuweba, plorera, dampa, musika, suha ______________________________________________________
3.
bariles, kamote, anis, pugon, leeg ______________________________________________________
4.
kawayan, dagat, talon, gubat, usa ______________________________________________________
5.
melon, pakwan, sopas, tali, suman
158
Lingguhang Pagtataya I. Piliin ang angkop na panghalip panaklaw upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. (Sinuman, Lahat) ay nangangailangan ng tulong mula sa kapuwa tao. 2. (Kaninuman, Alinman) sa mga laruan ay maaari mong mahiram. 3. Walang (sinuman, iba) ang nais pumunta sa karnabal dahil umuulan. 4. (Lahat, Ilan) ay sasali sa paligsahan. 5. Nang matalo ang koponan (pawang, kapuwa) nalungkot ang mga manonood. II. Basahin ang mga salita. Tukuyin at isulat sa angkop na hanay ang salita at panlaping ginamit sa bawat bilang. 1. aliwin 2. bumisita 3. nagbago 4. kagandahan 5. natalo Salita
Unlapi
Panlaping Ginamit Gitlapi Hulapi
Kabilaan
1. Iayos nang pa-alpabeto ang sumusunod na salita. Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot.
x
madla
ikaw
wakas
buhay
manika
bulak
duhat
plorera
mesa
walis
159
x Ano ang ginawa mo sa mga salita na pareho ang unang titik? x Ano ang naging gabay mo sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga salita x Isulat kung paano mo ito ginawa. III. A. Gumawa ng sariling tsart ng mga salita mula sa larawan at iayos nang pa-alpabeto. Isulat sa sagutang papel.
1.
6.
2.
7.
3. 4.
Ikalawang Kuwarter 8. Ika-15 Linggo Aralin 15: Mga Tao sa Pamayanan (Yaman at Bayani) 9.
5.
10.
160
Ika-15 Linggo
Aralin 15: 0JD7DRVD3DPD\DQDQ